You are on page 1of 2

Vince Neil Aguirre Q3 09-14-2022

Mga Sorpresa sa Buhay

Sa aking ika-apat na taon na paglalakbay sa loob ng seminaryo, lagi akong


napapaalalahanan na ang buhay ay puno ng sorpresa. Sa sa pelikulang Forest Gump sinabi ni
Tom Hanks “life was like a box of chocolates. You never know what you're gonna get.” Sa aking
mga pansariling karanasan, ito ay lagi kong napapatunayan. Sa sanaysay na ito, susubukan kong
maglahad ng mga halimbawa na nagpapakita ng mga sorpresang aking naranasan.

Ang aking pagpasok sa seminaryo ay ang isa sa mga sorpresang aking naranasan sa
buhay. Sa aking pag-aaral ay nakita kong ako ay may interes sa pamamahayag. Sa katotohanan
ay napabilang ako sa mga piling mag-aaral na nagsasanay upang linangin ang kakayahan sa
pamamahayag. Ito ang naging sentro ng aking buhay high school. Naranasan kong sumali sa mga
patimpalak. Nagkaroon din ako ng pagkakataon na maging parte ng grupo na kumatawan para sa
lungsod ng Baguio. Ang aming sinalihan ay tv broadcasting. Ang grupo naming ang kauna-
unahang sumali at umabot hanggang Regional Schools Press Conference at nakapaguwi ng pilak
na medalya. Naging masaya ako sa aking ekspedisyon sa larangan ng pamamahayag. Nais ko
sanang ipagpatuloy ito ngunit isang sorpresa ang bumungad sa akin. Bago pa man ako
makapagtapos ng senior high school ay may nag-imbita sa akin na pumasok sa seminaryo. Akin
itong pinagnilayan at ipinagdasal. Matapos ang mga buwan na lumipas, bago ako tumungtong sa
ikalabindalawang baitang, pinapasyahan kong pumasok sa seminaryo.

Ang aking pagpasok sa seminaryo ay sorpresa para sa akin at nakararami. Gayum pa man
ay buo naman ang suporta ng mga tao sa aking paligid lalo na aking pamilya, mga kaibigan, at
ng aking Parokya. Naging pagsubok sa akin ang mga unang araw ko sa seminaryo. Unang rason
ay dahil bago itong karanasan sa akin, at ikalawa, ako ang nag-iisang tagalog ang inang wika.
Ang aking mga kasamahan ay mga cordilleran at dahil doon ang karaniwang gamit nila na salita
ay iloko. Datapuwa’t mahirap ay aking pinagsumikapang aralin ang wikang ito. Naging
matiwasay namn ang aking unang taon na paglalakbay sa seminaryo. Sa katunayan, dito ko
naranasan ang isa sa mga pinaka di-inaasahang sorpresa sa aking buhay. Sa aming pagtatapos,
ako ang nagging valedictorian ng klase. Naging lubos ang aking kaligayahan ng ito ay aking
makamit.

Noong araw ng seremonyas ng aming pagtatapos, pakiramdam ko ay nasa tuktok ako ng


aking kaligayahan. Ito ang aking akala hanggang sa kinabukasan ay isang masalimuot na balita
ang aking natanggap. Ako ay pinayuhang magpatuloy sa labas ng seminaryo. Ang dahilan nila ay
ang aking background sa pamilya. Ito man ang dahilan, batid ko na ang katotohanan ay hindi
nabigyang pansin noon. Alam ko na isang pari ang dahilan nito. (Hindi ko na bibigyang detalye
pa ang pangyayaring ito sa personal sa rason at para hindi narin masiraan pa ang paring ito.)
Masasasbi kong itong karanasan na ito ay nag dulot sa akin ng lubhang kalungkutan at sakit sa
aking damdamin. Gayumpaman naging daan ito upang mas mapagtanto ko ang lakas at bisa ng
pagdarasal. Dahil sa pagsubok na ito ay mas lumalim ang aking relasyon sa Diyos at mas
nagyabong ang aking buhay pagdarasal. Ito ay aking nalampasan sa tulong nga pari at madre
Vince Neil Aguirre Q3 09-14-2022

kong kaibigan. Laking pasasamat ko rin ito ay aking naranasan dahil masasabi kong ito ay tunay
na nagpatatag sa akin.

Ngayon ay patuloy kong tinutugunan ang tawag ng Diyos. Dahil sa aking mga kabiguan
sa buhay ay natutunan kong maging matatag. Dahil naman sa aking mga tagumpay natutunan ko
ring maging mapagkumbaba dahil sa bawat bagay na aking nakakamit ay mas lalo kong
napapagtanto na kaunti lang ito kumpara sa tagumpay ng iba, at lalo na sa tagumpay ng mahal na
Panginoon. Sa ngayon, masasabi kong mas lumalim ang tiwala at pananampalataya ko sa Diyos.
Kahit anong sopresa, sa tagumpay man o kabiguan, alam ko na mayroong gumagabay at
nagpapayabong sa akin. Ang lahat ng ito ay para sa ikararangal ng Diyos!

You might also like