You are on page 1of 2

Fil Monzoi Collado Oktubre 19, 2022

Talasalitaan
Ilocano

Bahagi ng Pananalita Salita Kahulugan


1. Pandiwa agal-al-al ang nararamdamang panghihina ng katawan bunga ng labis
na paggawa
2. Pang-uri agballa tawag sa isang taong wala sa sariling pag-iisip o katinuan
3. Pandiwa agladingit matinding kalungkutan, karaniwang dahil sa kamatayan ng
isang minamahal
4. Pang-uri akikid liit at kakulangan sa lapad ng isang bagay
5. Pangngalan al-alia pinaniniwalaang kaluluwa ng isang namatay na tao na
bumabalik at nagpapakíta sa daigdig ng mga buháy
6. Pangngalan apit pagkuha sa bunga ng tanim
7. Pangngalan arakup aksiyon na nagpapakita ng pagmamahal sa isang tao o
bagay, sa pamamagitan ng pagsasalikop dito ng dalawang
braso
8. Pangngalan bullalayaw arko na may sari-saring kulay at likha ng pagtama ng sikat
ng araw sa hamog
9. Pangngalan daculap bahagi ng panloob na rabaw ng kamay mula sa galáng-
galangán hanggang sa puno ng mga daliri
10. Panghalip dagitoy salitang kumakatawan sa pangalan ng grupo ng mga bagay
11. Pangngalan dalan pook na nauukol sa paglakad o pagtakbo ng tao, hayop, o
sasakyan patúngo sa isang pook
12. Panghalip daytoy salitang kumakatawan sa pangalan ng bagay na malapit sa
tao na nagsasalita
13. Pangngalan didigra tumutukoy sa isang malaking kapinsalaan o kalamidad.
14. Pangabay ditoy tumutukoy sa pook, dako, o panig na malapit na malapit sa
nagsasalita
15. Pangngalan igid isa sa mga rabaw o guhit na nagsisilbing hanggahan ng
isang bagay o pigura
16. Pangngalan ili ang pook o bayang sinilangan
17. Pandiwa ipupok ilagay o panatilihin sa bilangguan o isang lugar tulad ng
isang bilangguan.
18. Panghalip isu katagang ginagamit na pampalit sa pangalan ng tao na
pinag-uusapan
19. Pangngalan kablaaw upang ipahayag ang kasiyahan sa (isang tao), tulad sa isang
masayang okasyon
20. Pang-uri kangrunaan ng unang kahalagahan; pangunahin.
21. Pangngalan kaputotan isang pangkat ng mga buhay na nalikha at bumubuo sa
isang hakbang ng pagsulong mula sa isang ninuno
22. Pangngalan kasapulan anumang kulang o hinahanap, gaya ng pangangailangan sa
pagkain o salapi
23. Pangngalan ladawan isang representasyon ng panlabas na anyo ng isang tao o
bagay sa sining.
24. Pangngalan lamisaan bahagi ng isang set ng muwebles na may sapad na rabaw at
tinutukuran ng isa o mahigit pang paa, karaniwang
ginagamit na patungan, kainan, sulatan, atbp
25. Pang-uri lamolamo walang damit mula baywang pataas
26. Pangngalan law-ang Sandaiggdigan
27. Pang-uri manmano lubhang kaunti
28. Pangngalan minuyogan lugar na may mga tanim na haláman
29. Pangabay nagistayan nangangahulugang malapit na
30. Pang-uri nailangitan Ng langit;banal
31. Pang-uri naraniag may katangian ng liwanag
32. Pang-uri nasalun-at Tumutukoy sa kalagayan o kalusugan ng isang tao
33. Pang-uri natalna payapa ang kalooban
34. Pang-uri natulnog walang daya o pagkukunwari; hindi nagsisinungaling
35. Pangatnig no kapagka
36. Pangngalan pammati anumang bagay na binigyang kumpiyansa o pananalig
37. Pangngalan pananglagip Ito ay ang pagbalik tanaw sa mga nangyare sa nakalipas o
nakaraan
38. Pandiwa panunoten pag-aralang mabuti; limiin; unawain; dili-diliin, wariin
39. Pangngalan parbangon unang paglitaw ng liwanag ng araw sa umaga
40. Pandiwa patayen maaaring wakasan o bigyan ng kamatayan
41. Pangngalan peggad napakasamâng pangyayari
42. Pang-uri pudno ay kaugnay ng prinsipyo ng katumpakan, katunayan,
katiyakan, katapatan, kataimtiman, at mabuting paniniwala
43. Pangngalan rikna anumang pakiramdam na sinasabing hindi bunga ng pag-
iisip gaya ng pag-ibig, galit, o lungkot
44. Pangngalan tao nilikha na naiiba sa ibang hayop dahil sa mataas na antas
ng kaisipan at komplikadong kakayahan
45. Pandiwa tuladen pagtulad o pag-sunod sa kilos o gawa ng iba
46. pangngalan tulbek kasangkapang metal na ginagamit sa pagsasara o
pagbubukas ng kandado
47. Pangngalan tagabo tao na nasa ilalim ng kapangyarihan ng kaniyang
pinaglilingkuran
48. Pangngalan talek matibay na paniwala hinggil sa katotohanan, kakayahan,
tibay, o lakas ng isang tao o ng isang bagay
49. Pangngalan talon pook na laan para sa pagsasáka
50. Panggalan tangatang puwang sa itaas ng lupa o kalupaan, karaniwang kasáma
ang himpapawid at ulap

You might also like