You are on page 1of 3

I.

MGA LAYUNIN:

Matapos ang aralin, ang mga bata ay inaasahang:

Unang Baitang
a) Malaman ang kahulugan ng salitang pangngalan
b) Matukoy ang iba’t-ibang pangngalan ng bawat bagay o tao
c) Mapangkat-pangkat ang bawat pangngalan

II. PAKSANG ARALIN:


Paksa: Gintong Diwa 3
Libro: Pahina 119 – 120
Pamagat: Uri ng Pangngalan
Ugali: Matutong pahalagahan at igalang ang bawat pangngalan ng tao o bagay

III. MGA KAGAMITAN:


Video Presentation
Materyales para sa pangkatang Gawain
Mga tunay o larawan ng tao o bagay

IV. PAMAMARAAN
Panimulang Gawain:
1. Pangunang Dasal
2. Paglista ng lumiban sa klase
3. Pagpulot ng kalat sa kapaligiran

A. Motibasyon:
Magpalaro sa mga mag-aaral ng "Hulaan Natin". Tumawag ng isang mag-
aaral sa harap. Hahawakan ng mag-aaral ang mga gamit sa loob ng
kahon ngunit hindi ito pahihintulutang tignan ang mga ito.
Base sa pagkakahawak ng mag-aaral, sasabihin nito sa mga kaklase ang
hugis, laki o liit, lambo o tigas. Huhulaan ng mga kaklase ang nasa kahon
at bibigyan lamang sila ng 2 minuto.

B. Paghahanda
Narito ang mga gamit na nasa loob ng kahon. Mayroong tawag sa wikang
Filipino. Ito ay ang Pangngalan.
C. Paglinang sa Aralin

Pangngalan ang tawag sa ngalan ng tao, bagay, hayop, pook,


pangyayari, at gawa. May dalawang pangunahing uri ang pangngalan.

Pagkahati-hati ng pangngalan

Nauukol ang pangngalan ayon sa kaurian sa pagpapangalan sa tao,


bagay o pangyayari. Maaari itong pambalana o pantangi.

 Pantangi - mga pangngalang nagsisimula sa malaking titik na tumutukoy


sa tangi o tiyak na ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar, kathang-isip, o
pangyayari na ibinubukod sa kauri nito. Tinitiyak ng pangngalang pantangi
na hindi maipagkamali ang tinutukoy sa iba. Halimbawa: Jose
Rizal, Luneta, Gloria Macapagal-Arroyo, Bathala
 Pambalana - mga pangngalang nagsisimula sa maliit na titik na tumutukoy
sa pangkalahatang ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar, pangyayari at iba
pa. Kasama rin ang kabuuan ng mga basal na salita.
Halimbawa: bayani, aso, katamisan ,pagdiriwang, pusa

Ang pangngalang pambalana ay may tatlong uri:

 Tahas o kongkreto - pangngalang nararanasan ng isa sa mga limang


pandamdam (paningin, pandinig, panlasa, pakiramdam at pang-amoy) at
may katangiang pisikal. Halimbawa: tubig, bundok, pagkain
 Basal o di-kongkreto - pangngalang tumutukoy sa mga kaisipan o
konsepto na hindi nararanasan ng limang pandamdam at walang pisikal
na katangian. Nasa anyong payak ang lahat ng pangngalan basal.
Halimbawa: wika, yaman, buhay
 Lansakan - pangngalang tumutukoy sa isang kalipunan o karamihan.
Maaaring maylapi ito o wala. Halimbawa: madla, sangkatauhan, kapuluan

V. Pagbubuod

Ang pangngalan ay salita o bahagi ng pananalita na tumutukoy sa ngalan


ng tao, bagay, pook, hayop, at pangyayari. Maaari din na ipakilala ng
pangngalan ang isang kaisipan o konsepto. May dalawang pangunahing uri
ang pangngalan. Ito ang pangngalang pantangi na tumutukoy sa tiyak na
pangalan ng tao, bagay, hayop at pook samantala ang pangngalang
pambalana ay tumutukoy sa di tiyak na pangalan ng tao, bagay, hayop at
pook.
VI. Aplikasyon
Magpalaro sa klase. Kailangan lumibot ng mga mag-aaral sa loob ng klase at
isulat ang mga pangngalan na kanilang nakikita. Ang may pinakamaraming
maisulat sa loob ng 5 minuto ang tatanghaling panalo.

VII. Ebalwayon
I. Isulat sa ibaba kong saan pangkat kabilang ang bawat salita.

G. Crispina Villenas Aklat Mall Of Asia Kalabaw Salamin


Ben Lapis Luneta Marina Agusto Palaka Pambura
Dingdong Dantes Bahay Eskwelahan Tuta Kwaderno
Kuting Loro Suklay Alexandra Sy Opisina

Pangalan Bagay Hayop Pook

VIII.Takdang Aralin

Unang Baitang

Gumupit ng lawaran ng tao o bagay na mayroong pangalan at idikit sa


inyong kwaderno.

Inihanda ni : Lyka Mae G. Cabuyaban

You might also like