You are on page 1of 3

Banghay-Aralin (Lesson Plan) sa FILIPINO

PANGNGALAN
I.

MGA LAYUNIN:
Matapos ang aralin, ang mga bata ay inaasahang:
a)
b)
c)
d)
e)

Malaman ang kahulugan ng salitang pangngalan


Matukoy ang ibat-ibang pangngalan ng bawat bagay o tao
Mapangkat-pangkat ang bawat pangngalan
Matukoy ang mga dalawang uri ng pangngalan
Maintindihan ang gamit ng pangngalan

II.

PAKSANG ARALIN:
Paksa: Gintong Diwa 3
Libro: Pahina 119 120
Pamagat: Uri ng Pangngalan
Ugali: Matutong pahalagahan at igalang ang bawat pangngalan ng tao o bagay

III.

MGA KAGAMITAN:
Plaskards ng mga salita
Materyales para sa pangkatang Gawain
Mga tunay o larawan ng tao o bagay

IV.

PAMAMARAAN
Panimulang Gawain:
1. Pangunang Dasal
2. Pagbati , Pagsasaayos ng loob ng silid-aralan
3. Pagtetsek ng liban at hindi liban sa klase
A. Motibasyon: Hello Song
B. Paghahanda
Isipin niyo kayo ay napadpad sa isang lugar na walang nakakakilala sa inyo. Yung
walang pumapansin sayo kahit anong gawin o sabihin mo. Anong mararamdaman mo?
C. Paglinang sa Aralin
Pangngalan ang tawag sa ngalan ng tao, bagay, hayop, pook, pangyayari, at gawa.
May dalawang pangunahing uri ang pangngalan.

Pagkahati-hati ng Pangngalan
Nauukol ang pangngalan ayon sa kaurian sa pagpapangalan sa tao, bagay o
pangyayari. Maaari itong pambalana o pantangi.

Pantangi - mga pangngalang nagsisimula sa malaking titik na tumutukoy sa tangi o


tiyak na ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar, kathang-isip, o pangyayari na ibinubukod
sa kauri nito. Tinitiyak ng pangngalang pantangi na hindi maipagkamali ang tinutukoy sa
iba. Halimbawa: Jose Rizal, Luneta, Gloria Macapagal-Arroyo, Bathala
Pambalana - mga pangngalang nagsisimula sa maliit na titik na tumutukoy sa
pangkalahatang ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar, pangyayari at iba pa. Kasama rin
ang kabuuan ng mga basal na salita. Halimbawa: bayani, aso,
katamisan ,pagdiriwang, pusa
Ang pangngalang pambalana ay may tatlong uri:

Tahas o kongkreto - pangngalang nararanasan ng isa sa mga limang pandamdam


(paningin, pandinig, panlasa, pakiramdam at pang-amoy) at may katangiang pisikal.
Halimbawa: tubig, bundok, pagkain
Basal o di-kongkreto - pangngalang tumutukoy sa mga kaisipan o konsepto na hindi
nararanasan ng limang pandamdam at walang pisikal na katangian. Nasa anyong
payak ang lahat ng pangngalan basal. Halimbawa: wika, yaman, buhay
Lansakan - pangngalang tumutukoy sa isang kalipunan o karamihan. Maaaring maylapi
ito o wala. Halimbawa: madla, sangkatauhan, kapuluan

Ang mga pangngalang sa tulong ng mga pananda.


1. Pantukoy ang, ang mga, si, sina, kay, kina, ni, nina
Halimbawa: Ang mga bayani ay huwaran.
2. Pang-uring Pamilang marami, isa, dalawa
Halimbawa: Maraming kabataan ang sumusunod sa yapak nila.
3. Pang-ukol sa, tungkol sa, ayon kay, galling kina, para sa mga, at iba pa. Halimbawa:
Tungkol sa kabayanihan ng mga Pilipino ang usapan ng magkakaibigan.
V.

Pagbubuod
Ang pangngalan ay salita o bahagi ng pananalita na tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay,
pook, hayop, at pangyayari. Maaari din na ipakilala ng pangngalan ang isang kaisipan o
konsepto. May dalawang pangunahing uri ang pangngalan. Ito ang pangngalang pantangi
na tumutukoy sa tiyak na pangalan ng tao, bagay, hayop at pook samantala ang
pangngalang pambalana ay tumutukoy sa di tiyak na pangalan ng tao, bagay, hayop at
pook.

VI.

Aplikasyon

Magbigay ng pangungusap na halimbawa ng pangngalang pantukoy, pang-uring pamilang at


pang-ukol.

VII.
Ebalwasyon
I. Isulat sa ibaba kong saan pangkat kabilang ang bawat salita.
G. Crispina Villenas Aklat Mall Of Asia Kalabaw
Salamin Ben
Lapis
Luneta
Marina Agusto
Palaka
Pambura Dingdong Dantes
Bahay
Eskwelahan Tuta Kwaderno Kuting
Loro
Suklay
Alexandra Sy
Opisina

Pangalan

VIII.

Bagay

Hayop

Pook

Takdang Aralin
Magbigay ng sampung halimbawa ng pangngalang pantanggi at pambalana. Isulat ito
sa inyong kwaderno.

You might also like