You are on page 1of 2

RICHARD L.

TINAMBONAN BEED 4-B

Banghay Aralin ng Pagtuturo sa Filipino

I. MGA LAYUNIN:

Pagkatapos ng talakayan, ang mag aaral ay inaasahang:

a) Nalalaman ang kahulugan ng salitang pangngalan


b) Natukoy ang iba’t-ibang pangngalan ng bawat bagay o tao
c) Nagamit ng wasto ang mga pangngalan sa pagsasalita tungkol sa sarili
at sa ibang tao sa paligid.

II. PAKSANG ARALIN:


Paksa: Gintong Diwa 3
Libro: Pahina 119 – 120
Pamagat: Uri ng Pangngalan
Ugali: Matutong pahalagahan at igalang ang bawat pangngalan ng tao o bagay

III. MGA KAGAMITAN:


Video

IV. PAMAMARAAN
Panimulang Gawain:
1. Pangunang Dasal
2. Pagtsek nga Attendance
3. Pagtingin sa kaayusan ng silid aralan

A. Pangganyak

- Mahilig ba kayong manood ng TV? Magbasa? O Kaya’y maglaro?


- Sa tuwing ikaw ay magkukuwento, napapansin mo ba ang mga salitang
ginagamit o tinutukoy mo?
- Sa panahon natin ngayon, anu ang salitang madalas nating marinig o
napapag usapan?

B. Paglinang sa Aralin

Pangngalan ang tawag sa ngalan ng tao, bagay, hayop, pook, pangyayari, at


gawa. May dalawang pangunahing uri ang pangngalan.

Pagkahati-hati ng pangngalan

Nauukol ang pangngalan ayon sa kaurian sa pagpapangalan sa tao, bagay o


pangyayari. Maaari itong pambalana o pantangi.
 Pantangi - mga pangngalang nagsisimula sa malaking titik na tumutukoy sa
tangi o tiyak na ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar, kathang-isip, o pangyayari
na ibinubukod sa kauri nito. Tinitiyak ng pangngalang pantangi na hindi
maipagkamali ang tinutukoy sa iba. Halimbawa: Jose Rizal, Luneta, Gloria
Macapagal-Arroyo, Bathala

 Pambalana - mga pangngalang nagsisimula sa maliit na titik na tumutukoy sa


pangkalahatang ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar, pangyayari at iba pa.
Kasama rin ang kabuuan ng mga basal na salita. Halimbawa: bayani, aso,
katamisan ,pagdiriwang, pusa

V. Pagbubuod

Ang pangngalan ay salita o bahagi ng pananalita na tumutukoy sa ngalan ng tao,


bagay, pook, hayop, at pangyayari. Maaari din na ipakilala ng pangngalan ang
isang kaisipan o konsepto. 

VI. Aplikasyon

May sasabihin salita kailangan malaman kong ito ba ay pangalan ng tao,


bagay, hayop, at pook.

VII. Ebalwasyon

I. Isulat sa ibaba kong saan pangkat kabilang ang bawat salita.

Bb. Jessa Flores Aklat Robinson’s Place Baka Suklay Rufamie


Ballpen Rizal Park Enero Disyembre halaman
pantasa Kardo Simbahan Paaralan Kuting asukal
kambing lobo upuan Maria eroplano Opisina

Pangalan Bagay Hayop Pook

VIII. Takdang Aralin / Kasunduan

Gumupit ng lawaran ng tao o bagay na mayroong pangalan at idikit sa inyong


kwaderno.

You might also like