You are on page 1of 32

Peer-Group Learning

Filipino 4

Group 4 Unang Markahan


(Wk. 4)

Aralin 1 Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang balita (F4PN-1d-h-3.3)


Aralin 2 Naipapahayag ang mga sariling opinion o reaksyon sa isang napakinggang isyu o usapan (F4PS-
1d-i-1)
Aralin 3 Nagagamit ng wasto ang mga pangngalan sa pagsasalita tungkol sa sarili, sa mga tao, hayop,
lugar, bagay at pangyayari sa paligid (F4WG-1a-e-2)
Aralin 4 Naibibigay ang kahulugan ng salita sa pamamagitan ng pormal na depinisyon (F4P-1d-1.10)
Aralin 5 Nasasagot ang mga tanong sa binasang kuwento (F4PB-1a-d-3.1)
Aralin 6 Nakakasulat ng talatang nagsasalaysay (F4PU-1d-h-2.1)
Aralin 7 Napapahalagahan ang mga tekstong pampanitikan sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa
usapan at gawaing pampanitikan (F4PL-0a-j-4)
HANDA KA NA BA?

Kamusta ka, Bata?

Alam mo, maraming aralin sa modyul na ito ang makatutulong upang malinang ang iyong
kasanayan sa:

 Pagsagot sa mga tanong sa napakinggang balita.


 Pagpapahayag ng sariling opinion o reakyon sa isang napakinggang isyu o usapan.
 Paggamit ng wasto sa mga pangngalan sa pagsasalita tungkol sa sarili, sa mga tao, hayop, lugar,
bagay at pangyayari sa paligid.
 Pagbigay sa kahulugan ng salita sa pamamagitan ng pormal na depinisyon.
 Pagsagot sa mga tanong sa binasang teksto.
 Pagsulat sa talatang pampanitikan sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa usapan at
gawaing pampanitikan.

Inaasahang maaliw ka sa mga kuwento at ibang aralin sa modyul na ito.

Kung handa ka, simulan mo ang pagbasa.


Aralin 1 Nasasagot ang mga tanong tunkol sa napakinggang balita.

Paghahanda

Isulat ang tamang tanong sa sinasagot ng mga sumusunod na salita. Isulat ang SINO, ANO, SAAN,
at KAILAN sa patlang.

1. Richard

2. sa paaralan

3. kahapon

4. gulay

5. G. Alvarez

6. sa Miyerkules

7. Bb. Diaz

8. araw-araw

9. sa ilalim ng silya

10. bangko

PAGKASULAT MO NG IYONG SAGOT, ITAAS ANG KAMAY NANG MALAMANG HANDA KA SA PARA SA
PANGKATANG TALAKAYAN.

Alamin:

1. Ang ngalan ng tao ay sumasagot sa tanong sa sino.

Halimbawa: Apolinario Mabini Juan dela Cruz

Jose Rizal Gng. Lucio Luy

2. Ang ngalan ng bagay ay sumsagot sa tanong na ano. Ang pangyayari ay sumasagot din sa
tanong na ano.

Halimbawa: aklat, lapis, bato, pagkain, sunog, digmaan, atbp.

3. Ang ngalan ng lugar ay sumasagot sa tanong na saan.

Halimbawa: sa bukid, sa bakuran, sa probinsya, sa maynila, sa simbahan.


4. Ang petsa, araw, buwan, taon, oras o ibang panahon ay sumasagot sa tanong na kalian.

Halimbawa: Martes, noong Linggo, ika-10 ng Enero, samakalawa, ngayon, noong panahon ng
digmaan, atbp.

Ang mga tanong na ano, sino at kalian at saam ay mahalaga sa pagtukoy ng mga impormasyon
sa isang balita.

Ang balita ay isang lathalain sa maaaring inilimbag o inihahayag ng pabigkas upang ipaalam sa
madla ang isyu, impormasyon at pangyayri sa paligid.

Gawin

Pakinggan ang balitang babasahin ng lider. (Nasa leader’s book ang balita. Hanapin sa p. 27)

Sagutin

1. Ano ang pamagat ng balita?

2. Sino ang naglunsod ng kampanya?

3. Kailan naganap ang kalamidad?

4. Saan ipapamahagi ang donasyon?

5. Ibigay ang iba pang mahahalagang detalye ng balita.

PAGKATAPOS ISULAT ANG MGA SAGOT, ITAAS ANG KAMAY NANG MALAMANG HANDA KA NA PARA SA
PANGKATANG TALAKAYAN.

Gawin

Humingi ng peryodiko sa I.S. Magbasa ng isang balita at iulat ito sa klase. Ibigay ang mga
impormasyong sumasagot sa mga tanong na ano, sino, saan at kalian.
Tandaan

Ang balita ay isang lathalaing inililimbag upang upang ipaalam sa mga tao ang mga pangyayari sa
ating paligid at sa iba pang bahagi ng mundo. Ipinaaabot ito sa mga tao sa pamamagitan ng pahayagan,
telebisyon at radio.

Pagtataya

Makinig sa mga balitang babasahin n glider. (Balita, nassa leader’s book, p. 27)

Pagkatapos mapakinggan ang balita, sagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.

1. Ano ang pamagat ng balita?

2. Kailan pumutok ang bulkan?

3. Saan ito nangyari?

4. Anu-anong kapinsalaan ang dulot nito?

5. Sino-sino ang mga apektado sa trahedya?

6. Ibigay ang iba pang mahahalagang detalye ng balita.

PAGKATAPOS ISULAT ANG MGA SAGOT, ITAAS ANG KAMAY NANG MALAMANG HANDA KA NA PARA SA
PANGKATANG TALAKAYAN.
Aralin 2 Naipapahayag ang sariling opinion o reaksyon sa isang napakinggang isyu o usapan.

Paghahanda

Mahilig ka bang makinig ng balita? Narinig mo ba ang balita tungkol sa bagong kurikulum na K-
12? Ano ang iyong masasabi tungkol dito? Sumasang-ayon ka bang madaragdagan ang bilang ng taon sa
iyong pag-aaral? Ano ang reaksyon ng iyong mga magulang?

Sa aralin mo ngayon ay pag-aaralan mo ang wastong paraan sa pagpapahiwatig at pagbibigay ng


reaksyon tunkol sa mga isyu o ideya ng ibang tao. Basahin ang pinag-uusapan ng mga mag aaral tungkol
sa talumpating napakinggan.

Basahin

Ang mga mag-aaral ay nagbibigay ng reaksyon tungkol sa napakinggang talumpati. Pansini ang
magalang na paraan sa pagpapahayag ng kanilang reaksyon o opinion.
Sagutin

1. Ano ang pinag-usapan ng mga mag-aaral?

2. Paano sila nagbigay ng reaksyon sa narinig na talumpati?

PAGKATAPOS SAGUTIN ANG MGA TANONG, HUMANDA PARA SA PANGKATANG TALAKAYAN.

Alamin

Mahalagang bahagi n gating pakikipag-ugnayan sa ating kapwa ang pagbibigay ng reakyon o


palagay sa mga bagay o paksang pinag-uusapan. Maaaring ang pagbibigay ng reaksyon ay pagpapahayag
ng pagsang-ayon o pagtutol sa mga ideya o pahayag ng ibang tao.

Narito ang mga pahayag sa karaniwang ginagamit sa pagbibigay ng reaksyon.

Simulan ang iyong pahayag sa pagsasabi ng:

sumasang-ayon ako _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _

tutol ako sa sinabi _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _

nais kong magbigay ng puna _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _

payag ako, pero sa palagay ko ang dapat _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _

magaling ang iyong ideya, ngunit _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _

at pagkatapos sabihin ang iyong dahilan.

Gawin

Pakinggan ang sanaysay. Tukuyin ang mahalagang kaisipang inilalahad. Pagktapos mong
mapakinggan, ibigay ang iyong sariling ideya at reaksyon.
Sanaysay

_ Sa mga probinsiya, ang mga tao ay naniniwala sa nuno sa punso. Ito raw ay nakatira sa punso o
tambok ng lupa sa ilalim ng mga punongkahoy. Kapag dumaraan sila sa punso ay humihingi sila ng
pahintulot. Karaniwan daw sa karandamang dumadapo sa tao ay gawa ng nuno sa punso na
nagagambala sa kanilang tirahan. Ginagamot ang mga karandaman sa pamamagitan ng pagtatawas.

Sagutin mo

Sumasang-ayon ka bas a kanilang paniniwala? Ano ang iyong reaksyon tungkol sa paniniwalang
ito?

PAGKATAPOS MONG MAIBIGAY ANG IYONG REAKSYON, HUMANDA KA NA PARA SA PANGKATALANG


TALAKAYAN.

Tandaan

Ang pagbibigay ng reaksyon ay isang mabuting kasanayan sa pagpapahayag ng opinyong


sumasalungat o sumasang-ayon sa ideyang ipinahahayag ng ibang tao tungkol sa isang balita, mga isyu,
atbp.

Sikaping sa pagbibigay ng reaksyon ay magiging magalang upang maiwasang makasakit ng loob.


Pagtataya

Pakinggan ang usapan ng magkaibigang Silay at Marlon. (Babasahin ng leader ang usapan. Nasa
p.28 ng leader’s book.)

Saguting ang mga tanong;

1. Ano ang naging reaksyon ng magkaibigan tungkol sa balita?

2. Ano ang reaksyon ni Marlon?

3. Ano ang reaksyon ni Silay?

4. Ikaw, ano ang iyong reaksyon tungkol sa isyung pinag-usapan nila? Ipaliwanag ang iyong
dahilan.

Isulat ang iyong kasagutan sa mga tanong sa sagutang papel.

PAGKATAPOS ISULAT ANG SAGOT, ITAAS ANG KAMAY NANG MALAMANG HANDA KA PARA SA
PANGKATANG TALAKAYAN. AMB/

Aralin 3 Nagagamit ng wasto ang mga pangngalan sa pagsasalita tungkol sa sarili, sa mga tao, hayop,
lugar, bagay at pangyayari sa paligid.

Paghahanda

Maraming kaalaman tungkol sa pangngalan ang dapat mo pang malaman bukod sa iyong
naunang kaalaman. Bago tayo magpatuloy, tingnan natin kung matutukoy mo ang mga pangngalang
pantangi, at pangngalang pambalana sa mga pangungusap. Bilugan ang pangngalang pantangi at
salungguhitan ang mga pangngalang pambalana sa bawat pangungusap.

Halimbawa: Ang aking guro ay si Bb. Santos.

Si Nonoy ang anak ni Mang Jose.

Wala sa bahay ang aso kong si Bantay.


Magsimula rito:

1. Nasa Sulu ang aking mga kapatid.

2. Ang kanyang relos ay mula pa sa Saudi.

3. Masaya ang pista ng Sto. Nino sa Cebu.

4. Si Jose Rizal an gating pambansang bayani.

5. Noong buwan ng Hulyo pa siya nagdiwang ng kaarawan.

PAGKATAPOS MAGAWA ANG PAGSASANAY, ITAAS ANG KAMAY NANG MALAMANG HANDA KA NA PARA
SA PANGKATANG TALAKAYAN.

TALAKAYIN

Mapapansing ang mga pangngalang pantangi ay nagsisimula sa malaking titik dahil mga ngalan
ito ng tanging tao, bagay o lugar. Ang mga ngalang pambalana naman ay nagsisimula sa maliit na titik
dahil mga pantawag lang sa karaniwang tao, bagay, lugar o pangyayari.

Sa ating pagpapatuloy, pag-aaralan mo naman ang mga gamit ng pangngalan sa pangungusap.

Alamin

A. Ang panggalan ay ginagamit sa simuno ng pangungusap. Ang simuno ay ang pinag-uusapan sa


pangungusap.

Halimbawa:

1. Ang bulaklak ay mabango.

Ang bulaklak ang pinag-uusapan sa pangungusap. Sinasabi sa pangungusap na ito ay mabango.

2. Maayos ang silid ni Bea.

Ang pinag-uusapan ay ang silid. Ito ang simuno ng pangungusap. Sinasabing ang silid ni Bea ay
maayos.

3. Malakas kumain ng damo ang kambing.

Ang kambing ang pinag-uusapan. Ito ay malakas kumain ng damo. Ginagamit itong simuno ng
pangungusap.
B. Ang pangngalan ay ginagamit na pantawag. (direct address).

Halimbawa:

1. Tatay, ikaw ang tunay na kahanga-hanga.

Ginagamit ang tatay sa pantawag sa ama.

2. Kuya,samahan mo ako sa eskuwela.

3. Ikaw, Nene ang maghuhugas ng pinggan.

4. Diyos ko, tulungan po ninyo ako!

Ang tinutukoy ng ikaw sa unang pangungusap at ang salitang tatay.

C. Ang pangngalan ay ginagamit din bilang panaguri. Ang panaguri ang bahagi ng pangungusap na
tumutukoy o nagsasabi tungkol sa simuno.

Halimbawa:

1. Si Ana ay anak ko.

2. Siya ay bata.

3. Ang taong tumalos sa tulay ay si Isko.

Ang anak ay nagsasabi-tungkol kay Ana.

Sinasabi sa pangungusap na anak ko si Ana. Ang salitang Ana ang simuno at ang anak ang
panaguri.

Gawin

Sabihin kung ang salitang may salungguhit ay ginagamit na simuno, pantawag o panaguri.

Halimbawa: 1. Ang kapatid ko ay isang doctor. (panaguri)


2. Ang kapatid ko ay doctor. (simuno)
3. Mga kapatid, kayo ang tanging gabay ko. (pantawag)
Magsimula rito.

1. Panginoon, ako ay narito upang maglingkod sa iyo.


2. Ang batang pumapasok sa silid ay isang magnanakaw.
3. ang Luzon ay ang pinakamalaking pulo.
4. Malayo ang Estados Unidos sa Pilipinas.
5. Kaibigan mo si Lester.
Tandaan
Ang mga pangngalan ay nagagamit sa pangungusap bilang simuno, panaguri at pantawag.

Pagsasanayan (Pabigkas)

_ Gamitin ang mga pangngalan nang wasto sa pangungusap bilang pantawag, simuno at
panaguri. Sagutin ang mga tawag sa buong pangungusap.

1. Ano ang pangalan mo?

2. Saan ka nakatira?

3. Ano ang sasabihin mo sa iyong lolo kung ibig mong humalik ng kamay?

4. Sino ang hinahangaan mong mang-aawit?

5. Ano ang ibig mong maging paglaki mo?

6. Ano ang kinalulugdan mong hayop?

Pagtataya

Sumulat ng isang pangungusap tungkol sa bawat paksa. Gamitin nang wasto ang mga
pangngalan bilang simuno, pantawag, at panaguri. Isulat ang mga pangungusap sa sagutang papel.

1. tungkol sa sarili

2. tungkol sa pamilya

3. tungkol sa paaralan

4. tungkol sa komunidad

5. tungkol sa isang pangyayari

PAGKATAPOS MAISULAT ANG MGA PANGUNGUSAP, ITAAS ANG KAMAY NANG MALAMANG HANDA
KANA PARA SA PANGKATANG TALAKAYAN. AMB
Aralin 4 Naibibigay ang mga kahulugan ng mga salita sa pamamagitan ng pormal na depinisyon.

Balik-Aral

Basahin ang mga pangungusap.

1. Ito ang aso ni Dennis.

(Ang aso na malumay ang bigkas ay nangangahulugang


isang hayop na tumatahol at mababalat sa
balahibo ang buong katawan.)

2. Ang aso’ ay nakakasakit sa mata.

(Ang ibig sabihin ng aso’ ay usok. Ito ay binibigkas ng


mabilis.)

May mga salitang pareho ang baybay, ngunit makakaiba ang diin. Ang mga salitang ito ay may iba-ibang
kahulugan. Ang mga salitang ito ay may iba-ibang kahulugan. Mahalaga ang pagbibigkas sa salita nang
may wastong bigkas at diin upang matukoy ang kahulugan niito. Nakukuaha rin ang kahulugan ng salita
sa pamamagitan ng katuturan.

Halimbawa:

3. Yakap ng ina ang anak.

Ang yakap ay kilos na pagkulong sa mga bisig.


Gawin

Narito ang iba pang halimbawa. Hanapin ang kahulugan sa ibaba.

1. Ang lalaki ay tumutugtog ng silindro.

2. Nakasuot ng malaking hikaw ang babae.

3. Nagbakasyon ang mga anak sa Boracay Beach Resort.

Ang kahulugan ng salitang may salungguhit sa mga pangungusap? Isulat ang letra ng tugmang
sagot sa sagutang papael.

a. maliit na instrumentong hinihipan upang makalikha ng tunog.

b. pamamahinga sa trabaho o gawain.

c. pandekorasyon palawit sa tainga.

PAGKATAPOS ISULAT ANG MGA SAGOT, ITAAS ANG KAMAY NANG MALAMANG HANDA KA NA PARA SA
PANGKATANG TALAKAYAN.

Tandaan

Ang kahulugan ng salita ay nakukuba rin sa pamamagitan ng katuturan o depinisyon.


Nagiging madali ang pag-unawa sa kahulugan o depinisyon ng isang salita kapag ito ay
ipinakikilala sa isang sitwasyon.

Halimbawa:

_ Nagtatrabaho si Efren sa isang pagawaan. Walang oras, araw-araw ang kanyang trabaho.
Binabayaran siya sa serbisyong ibinibigay niya. Ang sahod niya ay tatlong daan at limampung piso araw-
araw.

Ang sahod ay nangahuhulugan ng:

a. bayad sa pang-aaral

b. bayad sa pagkain

c. bayad sa pagtatrabaho o serbisyo.

Ang tamang sagot ay (C) bayad sa pagtatrabaho.

Gawin:

Basahin ang mga talata. Tukuyin ang pormal na despinisyon ng salitang may salungguhit.

1. Si Alvin ay nag-aalaga ng mga manok. Mahal niya ang kaniyang mga alaga. Natatakot siyang
mawala ang mga manok niya kaya ikinukulong nia ang mga iyon. Inilagay niya ang mga manok sa isang
kulungan ng kawayan. Sa gayon, hindi na mawawala ang mga manok.

Ang ikinulngay nangahuhulugang:


a. paglagay sa mga komportableng lugar.
b. paglagay sa loob ng isang karsel.
c. paglagay sa isang lugar na napalilibutuan ng mga harang tulad ng mga tulos.

2. Nagsusulsi ako ng aking damit. Sina Annni at Bebe ay naghahabulan. Nabunggo ni Annie ang
aking upuan. Natusok ang aking daliri sa karayom na aking ginamit.

Ang karayom ay _____


a. gamit na pang-ipit sa tela.
b. gamit sa pagputol o paggugupit ng tela.
c. kagamitan sa pananahi na matulis at tinutuhugan ng sinulid.
Tandaan

Ang isang salita ay maaaring magkaroon ng iba-ibang kahulugan. Ang pinaka-angkop na


kahulugan ng salita ay ang naayon sa paggamit nito sa pangungusap o sa sitwasyon.

Pagtataya

Ibigay ang kahuluugan ng salita sa pamamagitan ng pormal na depinisyon.

1. Maingat na labandera si Aling Precy. Ibinubukod niya ang mga putting damit sa mga damit na may
kulay upang hindi magmantsa.

a. inilagay sa malinis na lugar

b. inihiwalay sa iba

c. pinagsama-sama sa iisang lugar.

2. Si Lino ay nasugatan sa pagsibak niya ng kahoy na gagawing panggatong. Maraming dugo ang
dumaloy sa kanyang sugat na lubos na ikinasindak niya.

a. bumuo

b. lumabas

c. umagos

3. Maghapon sa bukid si Mang Teban. Maaga pa nang siya ay nagsimula sa pag-aararo at gabi na nang
siya’y umuwi.

a. buong hapon

b. buong gabi

c. buong araw
4. Bumili si Chona ng isang sipi ng babasahin kung saan nakalarawan sa pabalat ang paborito niyang
artista

a. hinalaw

b. kopya

c. bahagi

5. Nang naligo si isko sa ilog ay biglang lumakas ang agos ng tubig. Malulunod n asana siya kung hindi
dumating si Ding na sumaklolo sa kanya.

a. lumangoy sa tubig

b. tumalon sa ilog

c. tumulong sa pag-ahon

PAGKATAPOS SAGUTIN ANG MGA TANONG, ITAAS ANG KAMAY NANG MALAMANG HANDA KA NA PARA
SA PANGKATANG TALAKAYAN. ABM

Aralin 5 Nasasagot ang mga tanong sa binasang kuwento.

Balik-Aral

Piliin ang kahulugan ng salitang may salungguhit sa loob ng panaklong. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

Halimbawa: Ang manggagawa ang nagpapahinga pagkatapos ng maghapong paggawa.

(kumain, natulog, nagpapaalis ng pagod)

Magsimula rito

1. Bukas ang pinto kaya nakapasok ang aso.


(sa susunod na araw, hindi nakasara, nakabukaka)

2. Ipinagdarasal mo na pagkalooban ka ng biyaya ng Maykapal.


(pera, suwerte, pagpapala)
3. Sabay kaming lumaki ng kababata kong si Jane.
(parehong bata, kasinalaking bata, batang kasa-kasama mula noong maliit pa)

4. Ang tambalan nina Xian at Kim Chui ay patok sa takilya.


(magkasintahan, magkapareho, magkasosyo)

5. Sipingan mo sa pagtulog ang bata upang hindi matakot.


(tabihan, kantahan, kuwentuhan)

PAGKATAPOS ISULAT ANG MGA SAGOT, ITAAS ANG KAMAY NANG MALAMANG HANDA KA NA PARA SA
PANGKATANG TALAKAYAN.

Alamin
Kaawa-awa ang kaibigan ko

Isang araw ay napadako ang isang asong gala sa kulungan ng isang baboy. Sumilip ang aso sa
giwang ng tangkal at nakitang kumakain ang baboy.

“Mabuti ka pa, kaibigan, lagging busog. Ako, maghapong pagala-gala ngunit walang mahanap na
pagkain,” malungkot na sambit ng aso.
“Talaga! Mahal yata ako ng aking amo,” masayang tugon ng baboy.
“Oo, inggit na inggit ako sa iyo. Lagi kang pinapaliguan at maayos din ang tirahan mo. Ako,
natutulog lang kung saan naaabutan ng dilim,”patuloy na daing ng aso.
“Heto, abutin mo ang isang pirasong tinapay,” alok ng baboy sabay abot sa kagat-kagat na
tinapay.
“Salamat,” sagot ng aso at mabilis na umalis.

Nakarating ang aso sa isang lumang kamalig. Doon siya laging nagpapalipas ng gabi. Doon ay
tahimik at walng gumagambala sa kanya.

Isang madaling araw, biglang nabulabog ang aso sa malakas na iyak ng kaibigang baboy.
Tumakbo siya sa kulungan ng baboy. Nakita niyang nakatali ang mga paa nito at isinakay sa isang
napakagrang traysikel. Tumahol nang tumahol ang aso, ngunit malayo na ang kaibigan niya.

Kinahapunan ay bumalik ang aso sa kulungan ng baboy. Nalungkot ang aso dahil wala pa rin
doon ang kaibigan. Matiyagang naghintay ang aso hanggang dumilim na ang paligid. Upang hindi mainip
ay naglakad-lakad siya sa loob ng bakuran.
“Kay liwanag ng paligid! Tila ba may pagdiriwang ditto ngayon,” sambit ng aso sa sarili.

Nakita niya ang mahabang mesa na puno ng pagkain. Sa palibot ng mesa ay maayos na
nakahanay ang mga upuan. May nagsidating na mga panauhin na pawing bihis na bihis. Hindi nagtagal
ay dumating ang dalawang taong dalawang mabigat na karga. Maayos itong inilapag sa mesa na
ikinagitla ng aso.

“Ang kawawa kong kaibigan! Siya pala ang pinakatampok sa pagdiriwang na ito,” malungkot na
sambit ng aso sabay takbo palabas sa bakuran. Kitang-kita niya ang kasiyahan ng mga taong dumalo sa
pagdiriwang nang gabing yaon.

Sagutin Mo

1. Bakit kinaiinggitan ng aso ang baboy?

2. Anong magandang katangian ang ipinakikita ng baboy sa kuwento?

3. Saan nakatira ang baboy?

4. Saan nagpapalipas ng gabi ang aso?

5. Ano ang ginawa ng aso ng makitang nakatali ang kaibigan niya?

6. Ano ang nadama ng aso ng makita ang kaibigan na naging tampok sa kasayahan?

7. Dapat bang kainngitan ng aso ang baboy?

8. Sino ang tinutukoy na kaawa-awa sa pamagat ng kuwento?

PAGKASAGOT SA MGA TANONG, ITAAS ANG KAMAY NANG MALAMANG HANDA KA NA PARA SA
PANGKATANG TALAKAYAN.

Gawin (Humiram ng diksyunaryo sa I.S.)

Hanapin ang kahulugan ng mga sumusunod na salita: Isulat ang sagot sa kuwaderno.

1. gala
2. inilapag
3. pinakatampok
4. giwang
5. nabulabog
Tandaan

Masasabing lubos ang pakaunawa mo sa kuwento kapag nasasagot mo nang tama ang mga
tanong tungkol dito.

Pagtataya

Basahin ang kuwento at sagutin ang mga tanong sa katapusang bahagi nito.

Si Buldog

Ang asong si Tagpi ay naghahanap ng pagkain para sa kanyang tatlong anak. Napadako siya sa
tabing-ilog. Gayon na lang ang kagalakan niya nang may napansing lumulutang na kapirasomg karne.
Tumalon sa tubig si Tagpi at lumangoy upang makuha ang karne.

Nagalak si Tagpi dahil may maiuwi siyang pagkain para sa mga anak. Kagat-kagat ang karne ay
halos liparin niya ang kinaroroonan ng mga ito ng biglang tumambad sa kanya ang nakangising si Buldog.

“Aha, may dala kang pagkain at gusto mo pang itakbo! Hatian mo naman ako,” sabi ni Buldog.

“Aba oo,” takot na sagot ni Tagpi at maingat na inilapag ang karne sa damuhan.

“Tanga ka pala! Sino ang nagsabi sayong titirahan kita ng karne. Akin na itong lahat,”
nakangising tugon ni Buldog.

Dahil sa takot ay tumakbong pauwi si Tagpi. Labis ang hinagpis niya sa nawalang pagkain para sa
mga anak.

Samantala, si Buldog ay tumatakbo sa kasukalan. Nakarating siya sa isang abandunadong balon


na may kababawan ang lalim. Saglit siyang sumilip sa balon at nabigla siya sa nakitang asong may kagat-
kagat ding karne. Naisip niyang takutin ang aso, kaya tumahol siya ng pagkalakas-lakas.

Sa ginawa niya ay biglang nalaglag ang karneng kagat-kagat. Galit na tumahol ng paulit-ulit si
Buldog. Ayaw niyang mapunta sa ibang aso ang karne kaya tumalon siya sa karne upang kunin ito. Hindi
na nakalabas sa balon si Buldog.

Sagutin ang mga tanong:

1. Ano ang ginawa ni Tagpi isang araw?


2. Saan dadalhin ni Tagpi ang karne?
3. Sino ang nakasalubong niya?
4. May naiuwi bang pagkain si Tagpi para sa mga anak?
5. Saan tumakbo si Buldog?
6. Ano ang nakita niya sa balon?
7. Bakit tumalon sa balon si Buldog?
8. Anong katangian ang ipinamamalas ni Tagpi?
9. Anong katangian ang ipinamamalas ni Buldog?
10. Ano kaya ang nangyari kay Buldog?
11. Anong aral ang natutunan mo sa kuwento?

PAGKATAPOS ISULAT ANG MGA SAGOT, ITAAS ANG KAMAY NANG MALAMANG HANDA KA NA PARA SA
PANGKATANG TALAKAYAN.

Aralin 6 Nakasusulat ng talatang nagsasalaysay

Balik-Aral

Naaalala mo pa ba ang mga kuwentong nabasa mo sa nakaraang aralin? Tignan natin kung
masagot mo ang mga tanong:

1. Alin sa dalawang kuwento ang nagpapakita ng mabuting samahan?

2. Ano-anong hayop ang nagpapakita ng mabuting katangian?

Ang mapagmahal na ina

Ang maalalahaning kaibigan

Ang maawaing kaibigan

3. Alin sa dalawang kuwento ang nagbibigay aral?

PAGKASAGOT SA MGA TANONG, ITAAS ANG KAMAY NANG MALAMANG HANDA KA NA PARA SA
PANGKATANG TALAKAYAN.

Alamin

Sa mga nagdaang aralin ay nagkaroon ka ng kasanayan sa pagsulat ng mga pangungusap. Sa


aralin mo ngayon ay pag-aaralan mo ang pagsulat ng talata.

Ano ang talata? Ang talata ay grupo o pangkat ng mga pangungusap na nagsasalaysay tungkol sa
isang ideya o paksa.
Halimbawa: Ibig mong pag-usapan ang isang tao at nagbibigay ka ng mga pangungusap
tungkol sa kanya.

1. Si Ella ay batang palangiti.

2. Siya ay palabati at palakaibigan.

3. Magalang siyang makipag-usap sa mga tao.

4. Kinawiwilihan siya ng lahat.

Kapag ang mga pangungusap ay ipinagsama-sama at isinulat nang tuloy-tuloy, ang nabubuo ay isang
talata. Tingnan mo ang halimbawa.

Si Ella

Si Ella ay batang palangiti. Siya ay palabati at palakaibigan. Magalang siyang


makipag-usap sa mga tao. Kinawiwilihan siya ng lahat.

Pansinin ang pagkasulat sa talata. Upang maging kumpleto ang talata, kailangan bigyan ito ng
pamagat. Isinusulat ang pamagat sa itaas at gitnang bahagi ng talata.

Mula sa pamagat, maglaan ng isang linya. Isulat ang unang pangungusap sa ikalawang linya. Ang
pangungusap ay ipinapasok ng bahagya. Sa magkabilang bahagi ng talata ay kailangan ding maglaan ng
espasyo o palugit. Narito ang porma ng isang maayos na talata.

Pamagat

(Pasok)

Palugi
t Palugit
Gawin

Isulat ng patalata ang mga pangungusap. Lagyan ng pamagat.

1. Ito si Mang Isko.

2. Siya ay masipag.

3. Siya ay isang mangingisda.

4. Araw-araw ay pumapalaot siya upang manghuli ng isda.

5. Kumikita siya sa pamamagitan ng paglalako ng ga huling isda.

Pagkatapos isulat ng talata, ibigay ito sa I.S.

Tandaan

Ang talata ay isang grupo ng mga pangungusap na isinusulat nang tuloy-tuloy. Ang lahat ng
pangungusap ay pagsasalaysay tungkol sa isang paksa.

Pagtataya

Sumulat ng isang talatang nagsasalaysay. Gawin ito sa sagutang papel.

PAGKATAPOS ISULAT ANG TALATA, ITAAS ANG KAMAY NANG MALAMANG HANDA KA NA PARA SA
PANGKALAHATANG TALAKAYAN.
Aralin 7 Napapahalagahan ang mga tekstong pampanitikan sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa
usapan at gawaing pampanitikan.

Paghahanda

Isulat nang maayos at wasto ang mga pangungusap upang makabuo ng isang talata.

Tagpi

Si Tagpi ay alaga kong aso.

Binabantayan niya an gaming bahay araw at gabi.

Tinatahulan niya ang mga taong gusting pumasok sa aming bahay.

Mahal na mahal ko ang aking alagang aso.

PAGKATAPOS ISULAT ANG TALATA, ITAAS ANG KAMAY NANG MALAMANG HANDA KA NA PARA SA
PANGKATANG TALAKAYAN.

Alamin

Sa ating nakaraang leksyon ay may napag-aralan kang mga kuwent, bugtong at tula. Ngayon
naman ay pag-aaralan mo ang isang awit. Kung alam mo ang himig ng awiting ito ay maaari mo ring
awitin sa harap ng klase.

Sa ating leksyon ngayon ay bibigkasatin mo ito sa paraang patula. Inaasahang mabigkas mo ito
ng may wastong bilis, diin at punong-puno ng damdamin. Ito ay inawit at napatanyag ni Kuh Ledesma.
Ito ay nilikha ni George Canseco.
Basahin (Lagyan ng larawan)

Ako ay Pilipino
Ni Geroge Canseco

Ako ay Pilipino, ang dugo’y maharlika.


Likas sa aking puso, adhikain kay ganda.
Sa Pilipinas na aking bayan
Lantay sa Perlas ng Silanganan
Wari’y natipon ang kayamanan ng Maykapal.

Bigay sa ‘king talino, sa mabuti lang laan


Sa aki’y katutubo ang maging mapagmahal
Ako ay Pilipino! Ako ay Pilipino!
Isang bansa, ‘sang diwa ang minimithi ko
Sa bayan ko’t bandila, laan buhay ko’t diwa.

Ako ay Pilipino, Pilipinong totoo Hiyas sa Wika 4.


Ako ay Pilipino! Ako ay Pilipino! Batayang Aklat. Fipino ikaapat na
Taas-noo kahit kanino baiting – p. 3-4
Ang Pilipino ay ako.
Lydia P. Lakinio, Ph.D
Francisca G. Ril

Sagutin Mo

1. Ano ang ipinahihiwatig sa tulang ito?

2. Sino ang tinutukoy sa tula?

3. Ano ang ibigsabihin ng dugong maharlika?

4. Paano mo maipapakita ang pagiging mapagmahal sa kapwa Pilipino?

5. Ano-anong katangian ng isang Pilipino ang inilalarawan sa tula o awiting ito?

PAGKATAPOS ISULAT ANG MGA SAGOT, ITAAS ANG KAMAY NANG MALAMANG HANDA KA NA PARA SA
PANGKALAHATANG TALAKAYAN.
Gawin

Ibigay ang iyong reaksyon sa bahaging ito ng tula:

“Sa Pilipinas na aking bayan

Lantay na Perlas ng Silanganan

Wari’y natipon ang kayamanan ng Maykapal”

Sumasang-ayon ka ba o sumasalungat sa ideyang ipinahahayag sa tula? Talakayin ang reaksyon


sa klase. (kailangan ang patnubay ng I.S)

Tandaan

Ang tekstong pampanitikan ay napapahayagan sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa


usapan katulad ng pagpapahalaga sa isang tula.

Pagtataya

Ipahayag ang iyong reaksyon kung paano mo maiangkop ang bahaging ito ng tula sa buhay ng
bayaning si Jose Rizal.

“Ako ay Pilipino! Ako ay Pilipino!


Isang bansa, ‘sang diwa ang minimithi ko
Sa bayan ko’t bandila, laan sa buhay ko’t diwa.”

(kailangan ng patnubay ng I.S.)

PAGKATAPOS MAISAGAWA ANG GAWAIN, HUMANDA PARA SA SUSUNOD NA TALAKAYAN.


Buod

Ang balita ay isang lathalaing inililimbag upang ipaalam sa mga tao ang mga pangyayari sa ating
paligid at sa iba pang bahagi ng mundo. Ipinaaabot ang balita sa mga tao sa pamamagitan ng radio,
telebisyon, pahayagan at iba pang anyo ng media.

Ang pagbibigay ng reaksyon ay isang mabuting kasanayan sa pagpapahayag ng opinyong


sumasalungat o sumasang-ayon sa ideyang ipinahahayag ng ibang tao tungkol sa balita, isyu at iba pa.
Mahalaga ang pagpapakita ng paggalang sa pagbibigay ng reaksyon upang hindi makaksakit sa kapwa.

Ang pangngalan ay nagagamit sa pangungusap bilang simuno, panaguri at pantawag.

Ang kahulugan ng salita ay nakukuha sa pamamagitan ng katuturan.

Ang isang salita ay maaaring magkaroon ng iba’t-ibang kahulugan. Ang pinakaangkop na


kahulugan ay naaayon sa paggamit ng salita sa pangungusap batay sa konteksto nito.

Masasabing lubos ang pag-unawa mo sa kuwento kapag nasasagot mong lahat nang wasto ang
mga tanong tungkol sa teksto.

Ang talata ay isang grupo ng pangungusap na isinusulat nang tuloy-tuloy. Ang lahat ng
pangungusap ay nagsasalaysay tungkol sa iisang paksa o tema.

Ang tekstong pampanitikan ay napahahalagahan sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa


usapan, tulad ng pagpapahalaga sa isang tula.

KUNG HANDA KA NA PUMUNTA SA TESTING TOOM AT KUMUHA NG POST TEST.


Filipino 4. Mod 4 Unang Markahan (Wk.4)
Leader’s Book

Paghahanda, p.1 5. Mga nakatira 20 kilometro mula sa bulkan.


1. sino
2. saan 6. Pinalilikas ang mga tao sa palibot ng bulkan
3. kalian at 20 km. mula sa bulkan dahil baka pumutok
4. ano itong muli.
5. sino
6. kalian
7. sino
8. kalian
9. saan
10. ano Aralin 2

Sagutan Mo, p.2 Sagutin p.5


1. Handog sa puso, inilunsad.
1. Ang talumpati ni propesor Bobis.
2. Ang mga empleyado ng San Miguel
2. May sumasang-ayon at may sumasalungat
Corporation.
sa ideya ng ispiker.
3. Setyembre 23, 2009

4. sa Luzon
Pagtataya, p.7
5. Layunin ng kampanya ang mangalap ng mga
1. Iba-Iba ang reaksyon nito.
donasyon para sa biktima ng bagyo.
2. Hindi naniniwala si Marlon.

3. Sinabi naman ni Siloy na paniniwalaan niya


ang balita kung may makita siya.

4. (Depende sa sagot ng mag-aaral) Kailangan


ng gabay ng I.S

Pagtataya: p.3

Balita

1. Mt. Pinatubo, pumutok

2. ika-15 ng Hulyo, 1991

3. sa Zambales

4. Nagbuga ng apoy, kumukulong putik, bato at


maraming nasawi at nawalan ng tirahan at
pangkabuhayan.
Fil.4 Mod.4 Unang Markahan (Wk.4)

Gawin, p.2
Balita

Handog sa Puso, Inilunsad

Naglunsad ang mga empleyado ng San Miguel Corporation ng kampanyang tinaguriang


“Handog sa Puso”. Layunin nito na kumalap ng donasyon para sa mga biktima ng bagyong Ondoy sa
Luzon, noong Setyembre 23, 2009.

Ang mga empleyado ng San Miguel Corporation ay nagpasyang magbigay ng kanilang


donasyong de lata, bigas, gamut, damit, at iba pang personal na gamit tulad ng sabon, sipilyo, at iba
pa.

Pagtataya – p.3

Mt. Pinatubo, Pumutok

Ika-15 ng Hulyo, 1991 pumutok ang Mt. Pinatubo sa Zambales sa bandang ika-3:00 ng hapon.
Ang bulkan ay nagbuga ng apoy, kumukulong putik, abo at malaking bato. Tinatayang humigit kumulang
sa 800 katao ang nasawi sa trahedya na tumagal ng halos anim na oras. Higit sa 100,000 pamilya naman
ang tinatayang nawalan ng tahanan at kabuhayan.

Idineklara ng Phil.Volcs na danger zone ang layong dalawangpung kilometro mula sa bulkan
dahil may posibleng pumutok muli ito.
Fil.4 Mod 4 Unang Markahan (Wk.4)

Pagbibigay Reaksyon

Pagtataya – p.7

PAKINGGAN ANG USAPAN.

Siloy: Naku! Narinig mo na ba ang usap-usapan sa plasa?

Marlon: Alin? Iyon bang sabi nilang aswang daw na gumagala rito sa atin?

Siloy: Ikaw ba ay naniniwala rin sa aswang?

Marlon: Para sa akin, hindi totoo iyon. Baka kathang-isip lamang ng mga tao na nais manggulo.

Siloy: Maniniwala lamang ako kapag nakita ko na talaga ito.

Marlon: Halika na. Pumunta na tayo sa kabilang Barangay. Manood tayo ng basketball
tournament doon.

Siloy: Gabi na. Hindi ka ba natatakot?

Marlon: Akala ko ba hindi ka naniniwala sa aswang? Bakit natatakot ka?

Siloy: Eh, kung mayroon nga? He, he he.


Fil.4 Mod 4 Unang Markahan (Wk.4)

Aralin 3

Paghahanda – p.8 Pagtataya p.14-15

1. Sulu, kapatid 1. b

2. relos, Saudi 2. c

3. pista, Sto. Nino 3. c

4. Jose Rizal, bayani 4. b

5. buwan, Hulyo, kaarawan 5. e

Gawin – p.9 Aralin 5

1. pantawag Balik-Aral – p.15

2. panaguri 1. hindi nakasara


2. pagpapala
3. panaguri 3. batang kasa-kasama mula pa noong maliit pa
4. magkapareha
4. simuno 5. tabihan

5. simuno
Sagutin Mo – p.17
Pagsasanay – p.10
1. Dahil ang baboy ay palaging busog, lagging
Kailangan ang tulong ng I.S pinapaliguan at may maayos na tirahan.
2. maawain, mapagbigat at hindi maramot
Pagtatay – p.10
3. sa kulungan
Kailangan ang tulong ng I.S
4. sa isa lamang kawalig
5. tumahol siya ng tumahol
Aralin 4
6. naawa sa kaibigan
Gawin p.12
7. hindi na
1. a
8. ang baboy
2. c
3. b
Gawain – p.17
Gawin – p.13
1. c 1. walang tikay na tirahan
2. c 2. inilagay
3. 3. mahalagang itinanghal
Fil. 4 Mod.4 Unang Markahan

Alamin – p.20
Kailangan ang gabay ng I.S
4. nakatagilid
5. naistorbo, nagambala Gawin – p.21
Kailangan ng tulong ng I.S
Pagtataya – p.18
Pagtataya – p.21
1. naghanap ng pagkain para sa mga anak Kailangan ng tulong ng I.S
2. sa mga anak
3. si Buldog
4. wala Aralin 7
5. sa kasukalan Paghahanda, p.22
6. isang aso na may kagat na karne Kailangan ng tulong ng I.S
7. ibig niyang kunin ang karne ng aso sa ilalim
ng balon Sagutin Mo, p.23
8. maaalalahaning ina at mapagmahal 1. Ipinahihiwatig ang pagmamahal sa bayan,
9. matakaw, sakim pagmamalaki sa bayan.
10. nalunod sa balon, namatay 2. lahat ng Pilipinong may pusong makabayan
11. huwag maging sakim 3. dugong mahal, liping malaya
4. magpakita ng pagkakaisa at makiisa sa
mithiin ng mga kababayan.
Aralin 6 5. –handang magbigay ng serbisyo
Balik-Aral – p. 19 Para sa bayan, makabayan
-mapagmahal sa bayan
1. Ang kaawa-awa ang kaibigan ko -handang ialay ang buhay para sa bansa,
2. mapagmahal na ina - Tagpi magiting
maaalalahaning kaibigan - baboy -ipinagmamalaki ang pagka-Pilipino
maawaing kaibigan - aso
3. Ang kuwentong si Buldog Gawin – p.24
Kailangan ang tulong ng I.S

Pagtataya – p.24
Kailangan ng tulong ng I.S

You might also like