You are on page 1of 7

Summative Test in EPP V N0.

1
I. Piliin ang titik ng tamang sagot
1. Ang ____________ ay mga bagay na kaakit-akit at nagdaragdag ng kasiglahan sa anumang silid sa
kinalalagyan nito.
a. Mga kagamitang panlinis
b. Mga palamuti
c. Mga larawan lang
2. Ang paglilinis ng bahay isang Gawain na dapat_______________.
a. Ipagawa lagi sa mga katulong
b. Hindi gawin ng mag-anak
c. Pagtulung-tulungan ng mag-anak
3. Ang silid na pinunturahan ng berde o asul ay dapat lagyan ng _______________.
a. Bulaklak na mapusyaw ang kulay
b. Bulaklak na matingkad ang kulay
c. Kahit na anong uri ng bulaklak
4. Ang paglalampaso at paglalagay ng plorwaks sa sahig ay ginagawa _____________.
a. Araw-araw
b. Lingo-linggo
c. Minsan sa isang linggo
5. _______________ ang tawag sa kapirasong kahoy na inilalagay sa itaas ng bintana upang matakpan
ang bahaging pinagkakabitan ng kurtina.
a. Venetian blind
b. Valance
c. cornice
6. Ang mga kassangkapang karaniwang nakikita sa _______________ ay cabinet na may mga palamuti at
aklat, telebisyon, piyano at radio.
a. Salas
b. Silid-kainan
c. Silid-tulugan
7. Ang mga _________________ ay magandang isabit sa salas at silid kainan.
a. Larawang may kinalaman sa relihiyon
b. Larawan ng mga magagandang tanawin at kalinisan
c. Larawan ng mag-anak
8. Ang __________________ ay ginagamit sa mga kasangkapan o kagamitan na may makapit na dumi.
a. Eskoba
b. Basahan
c. lampaso
9. Ang _______________ ng larawan ay may pinakamalapad na palugit, maging parihaba, pahalang o
parisukat man ito.
a. Itaas na bahagi
b. Ibabang bahagi
c. Magkabilang bahagi
10. Mahalagang magkaroon ng talatakdaan ng mga Gawain sa tahanan upang ____________.
a. Makatipid ng oras at lakas
b. Mapaghatian ang gawain sa bawat mag-anak
c. Titik a at b
II. Panuto: Lagyan ng tsek ( / ) kung ang mga Gawain ay nakakatulong sa pagpapabuti ng
kapaligiran at pagsasamahan ng magkapitbahay at lagyan ng ekis (x) kung hindi.
__________11. Pag-aalaga ng maliliit na anak ng kapitbahay.
_________12. Pakikipagdaldalan tungkol sa bisyo ng kapitbahay.
_________13. Pagtulong sa kapitbahay na maysakit.
_________14. Pagtatanim ng halamang-gulay sa bakanteng lote.
_________15. Pagtatambak ng sariling basura sa lugar ng kapitbahay.
_________16. Pagbabantay ng tahanan ng kapitbahay kung walang tao rito.
_________17. Pagbibigay ng handing pagkain sa kapitbahay kapag may salusalu.
_________18. Pag-aalis ng ligaw na damo sa labas ng bakuran.
_________19. Pag-aalis ng bara sa mga kanal na pinagdadaluyan ng tubig.
_________20. Pagtatambak ng lupa sa mababang lugar

Summative Test in EPP V N0. 2


I. Panuto: Isulat ang tamang hanay ang mga sumusunod na pagkain.

Manok

Petsay

Papaya
itlog

mais

Suman
carrots

gatas

Karne

keso

isda

GROW FOODS
1. ____________________________________
2. ____________________________________
3. ____________________________________
4. ____________________________________
5. ____________________________________
GO FOODS

6.___________________________________________
7. ___________________________________________
8. _________________________________________
9. _________________________________________
10. _________________________________________
GLOW FOODS
11.__________________________________________
12.__________________________________________
13.__________________________________________
14.__________________________________________
15.__________________________________________
II. Panuto: Bilugan ang titik ng tamang bubuo sa pangngusap.
16. Para makamura sa pamimili ng mga bilihin, bumili ng _______________.
a.Paisa-isa lamang
b. Maramihan
c. Pakonti-konti
17. Kapag mamimili, kailangann nailista na ang mga bibilhin sa _______________ pa lang.
a. Palengke
b. Tindahan
c. Bahay
18. Kapag namimili, kailangansg sundin ang _________________.
a.Gusto mong bilhin
b. Badyet para sa pagkain
c. Talaan ng pagkain
19. Sa pamimili, kailangan bumili ng pagkain _________________.
a. Hindi napapanahon b. Napapanahon
c.Iyong gusto mong kainin
20. Ito ang tawag sa paghihiwa ng pagkain ng pinung-pino.
a. Pagtatalop

b.Paghihiwa

c.Pagtatadtad

21. Ang paghihiwalay upang maging maliit o pino ang laman ng pagkain ay ________________.
a. Pagbabalot
b. Paghihimay
c. Paghihiwa
22. Ito ang pagbuo ng pagkain sa kaunting mantika sa maikling panahon.
a. Pagsasangkutsa
b. Paghuhurno
c. Pagtutustaa
23. Ang tawag sa pagdudurog ng pagkain tulad ng balat ng hipon ay tinatawag na__________________.
a. Pagtatadtad
b. Pagbabati
c. Pagdidikdik
24. Ito ay pagpapainit ng pagkain hanggan sa itoy mamula at lumutang.
a. Pagtusta
b. Pag-iihaw
c. Paghuhurno
25. Ang pagpapakulo at pagpapalambot ay tinatawag na ______________.
a. Paggisa
b. Paglaga
c. Pagbabanli

Summative Test in EPP V N0. 3


I. Lagyan ng tsek ( / ) ang pangungusap na nagsasaad ng wastong pagkumkumpuni at lagyan ng
ekis ( x ) kung hindi.
_______1. Pag-aalis ng U-trap gamit ang liyabe tubo.
_______2. Paggamit ng dulo ng kutsilyo upang higpitan ang maluwag na turnilyo.
_______3. Pagkiskis sa hasaan ng mapurol na talim ng gunting.
_______4. Pagtatanggal ng piyus ng gamit na plais.
_______5. Pagkakatam ng gilid ng pinturang namaaga ng kahoy.
_______6. Pagpapalit ng piyus na pareho ang amperes.
_______7. Pagpupunas ng langis sa mga kagamitang ma kalawang.
_______8. Pagpapantay ng switch bago kumpunihin ang ilaw.
_______9. Pagpapalit ng sapatilya ng tumutulong gripo.
_______10. Paggamit ng gomang pambomba sa baradong lababo.
II. Panuto: Punan ang puwang upang mabuo ang bawat pangngusap.

11. Karaniwang sira ng silya at mesa ay umuuga ang mga paa at sandalan sanhi ng maluwag na
_______________.
12. Ang __________________ ang nagdudugtong sa dalawang bahagi ng umuugang paa ng mesa at silya
nito.
13. Ang ____________________ ay ginagamit sa maga kagamitang de-kuryente na malayo sa saksakan.
14. Ang maluwag na pinto ng cabinet ay sanhi ng maaluwag at kulang na ______________.
15. Sa pundidong ilaw, alamin ang _______________ ng ilaw upang gayon din ang ipalit.

III: Sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa patlang bawat bilang.
16-20 Magbigay ng 5 sirang bahagi ng kasangkapan
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
21-25. Magbigay ng materyales, asangkapan at kagamitang kakailangan sa pagkukumpuni ng sirang
kasangkapan.
___________________________________

Summative Test in EsP V N0. 1


I. Panuto: Isulat ang W kung wasto o nagpapakita ng mabuting gawain ang ipinapahayag sa bawat
bilang at DW kung di-wasto sa patlang bago ang bilang.
________1. Ayaw ibahagi ni Andrea ang husay niya sa pag- awit kayat hindi siya nahikayat ng kanyang
pinsan na sumali sa sabayang pagkanta sa simbahan.
________2. Tuwing bakanteng oras tinuturuan ni Angelo ang mga bata na tumugtog ng gitara upang sila
ang magmana ng kanyang pwesto sakaling siya ay hindi makadalo.
________3. Bago matulog ay nagdadasal muna si Bessie bilang pagpapasalamat sa buong araw.
________4. Pinagtatabuyan ni Ana ang mga batang pulubi sapagkat ayaw niyang makipag-usap at
mapatabi sa mga tao.
________5. Humingi ng pera si Allen sa kanyang ina bilang dagdag sa kanyang donasyon para sa mga
batang ulila ngunit hindi niya ito ibinigay at ibinili niya ito ng pagkain.
________6. Hinikayat ni Lea si Miguel na mamasyal na lamang kaysa dumalo sa kanilang araw ng
pagsamba.
________7. Tumanggi si Leo na sumama sa pamamasyal kasama ang kanyang mga kaibigan sa araw ng
Linggo sa ganap ng hapon sapagkat siya ay nagsisilbi sa kanilang simbahan sa araw at oras na iyon.
Inintindi naman siya ng kanyang mga kaibigan at umalis ng walang galit.
________8. Iniwan ni Rosa ang kanyang pinsan sapagkat nagbibibble sharing pa ang mga ito at siya ay
naiinip na. Mag-isa siyang nagtungo sa kaarawan ng kanilang matalik na kaibigan.
________9. Inanyayahan ni Billy ang kanyang kaklase sa kanilang tahanan pagkat kaarawan ng kanyang
nakakbabatang kapatid ngunit tumanggi ito sapagkat siya ang nakatoka na magbibigay ng makabuluhang
mensahe sa mga kabataan sa kanilang relihiyon. Hindi naman pinilit ni Billy ang kanyang kaklase at
sinabing kung makakasunod ay sumunod siya.
_______10.Nagkaroon ng pangkatang gawain ang mga mag-aaral at naging lider ng unang grupo si
Rafael.Ipinabatid niya sa kanyang mga kasapi na mag kakaroon sila ng pagtitipon sa araw ng Huwebes ng

hapon pagkatapos ng klase ngunit ipinahayag ni Paulo na iyon ang araw ng kanilang pagsamba at hindi
siya makakarating.Nagalit si Rafael at pinaalis na siya sa kanilang grupo.
PANUTO:Piliin ang titik ng pinakatamang sagot.Isulat ito sa patlang bago ang bilang.
_______11.Nagpaalam si Sonya sa kanyang mga magulang na magkakaron sila ng fieldtrip ng kanyang
mga kaklase ngunit hindi siya pinayagan nito dahil sa malimit na pagsama ng panahon.Ano ang dapat
gawin ni Sonya?
a.Magalit sa mga magulang at huwag kausapin ang mga ito.
b. Ipakita ang pagkadismaya niya.
c.Igalang ang disisyon ng magulang.
_______12.Bumili si Rhea ng asukal sa tindahan ni Aling Tina at labis ang sukli nito.Ano ang dapat gawin?
a.Ibalik ang kalahating labis na sukli.
b.Ibalik ang buong sukli.
c.Huwag sabihin sa tindera at ibili ang labis na sukli sa ibang tindahan.
_______13.Maraming problemang kinakaharap si Aling Tinang at sunud-sunod pa ito.Ano ang dapat
gawin?
a.Mawalan ng tiwala at paniniwala sa Diyos.
b.Patuloy na manalangin sa Panginoon.
c.Magalit s mundo
_______14.Nais sumama ni Trina sa kanyang kaibigang si Sabel sa panonod ng sine.Ano ang dapat
gawin?
a.Magpaalam sa magulang sa totoong pupuntahang lugar.
b.Mag paalam sa magulang at sabihin na may gagawin silang proyekto.
c.Wag nang magpaalam sa magulang at sa pag-uwi nalamang sabihin kung saan nagpunta.
_______15.Kausap ni Paulo ang kanyang mga lolo at lola.Ano ang dapat/sabihin?
a.Pagsasalita ng malakas upang marinig nila.
b.Gumamit ng mga salitang po at opo.
c.Mag salita ng mahina lamang.
_______16.Sina Gina,Alex,at Patrice ay magkakaibigan.Nginit iba ang relihiyong kinabibilangan n Patrice
kumpara sa dalawa.Ano ang dapat gawin?
a.Hindi magiging sagabal ang relihiyon si Patrice sa kanilang pagkakaibigan.
b.Unti-uning layuan si Patrice.
c.Alisin si Patrice sa grupo at palitan ng parehong relihiyon nina Gina at Alex.
_______17.May bagong mag-aaral sa klase si Bb.Cruz at isa siyang muslim.Ano ang dapat gawin?
a.Huwag itong kusapin.
b.Mag pakilala sat iparmdam na hindi siya naiiba sa klase.
c.Kutyain ito at pulaan ang pagiging muslim nito.
______18.Nalaman ni Rhea at Kristine na isang Born Again sa Vina na kanilang kalaro.Ano ang dapat
gawin?
a.Patuloy na makikipaglaro kay Vina.
b.Iiwasan nang makipaglaro kay Vina
c.Hindi na pasasalihin si Vina.
_______19.Inimbitahan ni Berta si Perla sa kanilang tahanan upang mananghalian ngunit ang ulam nila ay
dinuguan na alm niyang bawal sa relihiyon nina Perla ang pagkain nito.Ano ang dapat gawin?
a.Kumbinsihin si Perla na kumain pagkat wala namang makakaalam nito.
b.Puwiin na lamang si Perla sapagkat dinuguan ang kanilang ulam.
c.Sabihin nito sa magulang upang mabigyan ng ibang pagkain sa Perla.
_______20.Matalik na magkaibigan sina Rona at Wina ngunit magkaiba ang kanilang paniniwala.Ano ang
dapat gawin?
a.Tapusi na ag pagiging matalik na magkaibigan.
b.Magtalo at ipaglaban ang paniniwala sa isat isa.
c.Igalang at irespeto ang pinaniniwalaan ng bawat isa.

SUMMATIVE TEST IN ESP V

N0. 2

I.Panuto:Isulat ang MG kung nagpapakita ng mabuting gawain ang pahayag sa bawat bilang at DMG kung
di-mabuting gawain sa patlang bago ang bilang.
_______1.Nagsakit-sakitan si Jordan upang hindi makapasok sa paaralan sapagkat hindi niya nagawa ang
kanyang proyekto na ipapasa sa araw na iyon.
_______2.Ibinigay ng guro ang proyekto sa mga mag-aaral sa loob lamang ng isang buwan.Unti-unti ng
ginagawa ito ni Rhea upang hindi siya mahirapan sa araw na malapit na ang pasahan nito.
_______3.Bago matulog ay iniayos na ni Laura ang kaniyang mga gamit sa eskwela.
_______4.Inabot na ng malalim na gabi sa panunuod ng telebisyon si Alleyne at hindi na niya nagawa ang
kaniyang proyektong ipapasa kinaumaghan at naisip na lamang niyang magdahilan sa guro.
_______5.Aktibong nakikisali sa talakayan si Queenat hindi siya nahihiyang magtanong sa guro kung
mayroon siyang hndi naiintindihan.
_______6.Habang nagtuturo ang guro sa matematika, tinatapos naman ni Luis ang kaniyang proyekto sa
Filipino.
_______7.Nanunuod ng telebisyon si Mila habang nanunuod ng paborito niyang programa sa telebisyon.
_______8.Habang may nag-uulat na mag-aaral sa unahan ay nanunuod naman si Kris ng mga naglalaro
sa labas ng silid aralan.
_______9.Tinuruan ni Maricar si Liezel pagkat hindi nito gaanong naintindihanang aralin sa matematika.
_______10.May pangkatang gwain sina Lita ngunit nag paalam siya sa guro na pupunta siya sa palikuran
ngunit sa kantina siya dumiretso upang kumain.
II.Panuto:Isulat ang titik ng pinakatamang sagot.Isulat ito sa patlang bago ang bilang.
_______11.Araw-araw ay may dumarating na dyaryo sa pahayagan nina Elma. Ano ang dapat gawin?
a. Basahin lamang ang horoscope sa araw na iyon.
b. Magbasa ng balita at ilang mga ipormasyong makakadaragdag sa iyong kaalaman.
C .Basahin lamang ang tungkol sa mga artista.
_______12.Nabalitaan ni Kc na may bagong dating na mga aklat tungkol sa agham sa silid-aklatan ng
kanilang aklatan.Ano ang dapat gawin?
a. Pupunta roon sa bakanteng oras upang mag basa.
b.Tatakas sa klase at pupunta sa silid-aralan upang mag basa.
c. Pupunta roon ssa bakanteng oras at iuuwi ang aklat ng walang paalam.
_______13.Nabasa ni Alma ang ibat ibang imbensiyon ng ibat ibang tao sa aklat na pinasalubong ng
kaniyang ama gling ibang bansa at mayroon ditong pilipinong imbentor;Anong dapat gwin?
a. Ipagmayabang ang aklat sa mga kaklase.
b. Basahin ito at ipagyabang sa klase ang mga nabasang impormsyon.
c.I bahagi sa kamag-aral ang mga impormasyong nalaman at ntutunan.
_______14.Gustong-gustong sumali ni Arriane sa mga kaibigan na naglalaro sa bakanteng lote ngunit
naalala niyang may ipinapabasa ang kanilang guro sa Filipino at mayoon silang pasaltang pagtataya
tungkol sa binasa.Ano ang dapat gawin?
a. Makipaglaro muna sa mga kaibigan .bago mgbasa.
b. Sa susunod na lamang makipaglaro sa mga kaibigan t uunahin ang pagbabasa ng ipinababasa
ng guro.
c. Babasahin ng mabilis ang ipinababasa ng guro at pagatapos ay makikipaglaro sa mga kaibigan/
_______15.Niregaluhan si Angeli ng kaniyang ninang ng magasin tungkol sa ibat-ibang mga hayop sa
Pilipinas.Ano ang dapat gawin/
a. Basahin ang magasin sa tuwing may bakantng oras.
b. Isantabi ang pagbabasa nito sapagkat hindi naman ito makakatulong sa pagpapataas ng
kaniyang marka sa paaralan.
c.Tingnan lamang ang mga larawan nito.
_______16.Nakita ni Antony ang kaniyang kuya na kumukuha ng pera sa pitaka ng kanilang ama.Ano ang
dapat gawin?
a. Pabayaan lamang ito sapagkat nakakatandang kapatid ito.
b. Ipagbigay alam sa ama ang nakitang pangyayari.
c. Sigawan ang kapatid at sabihing mali ang ginagawa nito.

_______17.Nagsabunutan ang magkaklaseng Dina at Pilar sa loob ng silid-aralan.Nakita ito ni Gina at


nakita niyang si Dina,ang matalik na kaibigan,ang nagsimula ng gulo.Tinanong ng guro kung sino ang
nakakita sa pangyayari.Ano ang dapat gawin ni Gina?
a. Pagtakpan si Dina sapagkat matalik niya itong kaibigan ayt ayaw niyang mapahamak ito.
b. Magsasawalang kibo at magkukunwaring walang nalalaman.
c. Sasabihin sa guro ang totong pangyayari na ang kanyang matalik na kaibigan ang nagsimula ng
gulo.
_______18. Narinig ni Angelica ang kanyang ate na nagpaalam sa kaninlang ina na pupunta sa bahay ng
kanyang kaklase upang gumawa ng proyekto ngunit di mo sinasadyang marinig ang pag-uusap ng iyong
ate at ng kanyang mga barkada na manunuod sila ng sine, Ano ang dapat mong gawin?
a. Sasabihin sa ina kung saan talagang nagpunta ang kapatid.
b. Pagtatakpan ang kapatid sapagkat baka magalit ito.
c. Tatahimik na lamang upang hindi maaaring mangyaring gulo.
________19. Habang naglalakad, nakita ni Reymund si Rey na kanyang pinsan na may binubuklat ns
pitaka na may lamang makapal nap era. Nagulat ito at ankiusap na walang pagsasabihan. Muli siyang
naglakad at nakasalubong niya ang pulis na hinahanap ang isang binatilyo na tumurgma sa deskripsyon ni
Rey na nagnakaw ng pitaka ng isang mamimili. Ano ang dapat gawin ni John?
a. Pagtatakpan ang pinsan sapagkat nakiusap ito.
b. Sasabihin sa mga pulis ang kinaroroonan ng kanyang pinsan.
c. Pagtataguan ang pulis sapagkat maari siyang tanungin nito sa kanyang pinsan.
________20.Sunud-sunod ang pagkawala ng mga gamit sa inyong silid-aralan at nagagalit na ang guro
sapagkat walang naamin sa kung sino ang gumawa nito. Alam ni Roxy na si Aleah ang guamawa nito na
naging mabuti sa kanya simua pa noon.Ano ang dapat gawin ni Roxy?
a. Sasabihin sa guro ang nalalaman kahit sumama ang loob ni Aleah.
b. Tatahimik na lamang bilang ganti sa kabutihan ni Aleah.
c. Makikiramdam na lamang sa kung ano ang mangyayari at tatanggapin ang maaaring
parusang ibibigay ng guro sa kanilang lahat.

You might also like