You are on page 1of 5

DEPARTMENT OF EDUCATION

DIVISION OF AKLAN
DISTRICT OF MALAY
MANOCMANOC ELEMENTARY SCHOOL
THIRD PERIODICAL TEST IN ESP 5
2023-2024

Pangalan:______________________________________________ Score:_________________
Section: _______________________________________________ Date: _________________

Panuto: Gaano mo kadalas ginagawa ang mga gawaing nakasulat sa ibaba? Isulat ang
titik ng tamang sagot sa patlang.

______1. Ipinagmamalaki ang mga kaugalian at tradisyong Pilipino.


A. paminsan-minsan B. Madalas
C. Hindi kailanman D. Walang pakialam
______2. Nagpapasalamat sa mga biyayang natatanggap sa araw-araw, malaki man ito o maliit.
A. paminsan-minsan B. Madalas
C. Hindi kailanman D. Walang pakialam
______3. Nagmamano sa mga magulang at ibang nakatatanda bilang paggalang.
A. paminsan-minsan B. Madalas
C. Hindi kailanman D. Walang pakialam
______4. Naniniwala na nagtuturo lang ng katamaran at pagiging palaasa sa iba ang madalas na pagtulong sa tao.
A. paminsan-minsan B. Madalas
C. Hindi kailanman D. Walang pakialam
______5. Malugod na tinatanggap ang mga kamag-anak at kakilala kapag dumadalaw sila.
A. paminsan-minsan B. Madalas
C. Hindi kailanman D. Walang pakialam
______6. Magaling sumayaw si Michaela. Isang kaibigan ang nanghingi ng tulong, nais nitong matutong
sumayaw. Bakit siya pagbibigyan ni Michaela?
A. Upang lalo silang maging matalik na magkaibigan.
b. Upang maibahagi niya ang kanyang angking kakayahan
c. Upang pagbibigyan din siya kapag siya na ang nangangailangan.
d. upang mabigyan siya ng bayad
______7. Ano ang mga pamantayan ng iyong pagtulong sa iyong kapwa?
a. Dapat ito ay bukal sa kalooban c. para may aantaying kapalit
b. Upang maging sikat d. upang kumita

______8. Alin sa mga magagandang katangian ng mga Pilipino ang tinataglay sa isang bayanihan?
a. matulungin b.masayahin c. maasikaso d. malikhain
______9. Hindi maiangat ng munting mag-aaral ang kanyang bag pababa sa hagdanan. Ano ang iyong gagawin?
A. Magkunwaring di nakikita c. sabihin mo sa iyong kasama na siya nalang ang tumulong
b. Lalapitan ang bata at tulungan d. lalayo ako sa lugar na iyon
______10. Tumutukoy sa bisita o mga taong galing sa ibang lugar.
a. Kalaban b. panauhin c. kaaway d. magnanakaw
______11. Nakita mong pinagkakaguluhan ng iyong kakalase ang isang malaswang babasahin. Ano ang iyong
gagawin?
a. Makikitingin na rin c. hayaan ko lang sila
b. Magsawalang-imik d. pagsasabihan ko sila na itigil nila ang pagbabasa at sunugin ang babasahin
______12. Bilang mag-aaral ng ikalimang baitang, ano ang maitutulong mo upang maging malinis ang ating
kapaligiran?
a. Itapon ang mga basura sa tamang tapunan
b. ikalat lang kung saan-saan ang mga balat ng pinagkainan
c. Walang gagawin
d. bata pa ako para tumulong
______13. Ano ang dapat taglayin ng bawat isa upang mapanatili ang kalinisan ng kapaligiran?
a. Katapangan b. katalinuhan c. disiplina d. palakaibigan

______14. Namamasyal kayo sa may lake ng may makita kang bata na walang pakundangan sa pagtatapon ng
basura sa lake. Ano ang iyong gagawin?
a. Hayaan ko lang siya sa kanyang ginagawa c. gawin ko rin ang ginagawa niya
b. Lalayo nalang ako sa kanya d. pagsasabihan ko siya na nakakadumi sa lake ang tinatapon niya

______15. Nakita mo ang iyong nakakabatang kapatid na nagsisipilyo na bukas ang gripo ng tubig. Ano ang
gagawin mo?
a. Papaluin ko siya
b. Di nman mauubos agad ang tubig, kaya hahayaan ko lang
c. pabayaan ko nalang baka umiyak kasi siya
d. pagsasabihan ko na dapat gumamit siya ng baso para di masayang ang tubig

______16. Upang makalanghap tayo ng sariwang hangin, ano ang ating dapat gawin?
a. Magtanim ng mga halaman at puno c. magsunog ng mga goma at plastic
b. Magtambak ng basura sa bakanteng lote d. hahayaan lang ang mga sasakyang bumubuga ng maitim na
usok
______17. Nang yayain mo ang kapatid mong maglinis ay sinagot kang “Hindi ako boy scout. Ang paglilinis ay
ginagawa lamang ng boy scout.”
a. Sampalin ko siya upang matauhan siya sa sinabi niya
b. hayaan ko siya yun ang gusto niya
c. Ipauunawa ko sa kanya na ang bawat isa ay may tungkulin na maglinis
d. Ako nalang ang maglilinis
______18. Nakita mo ang iyong kaklase na nagtapon ng balat ng kendi sa parke kahit may nakasulat sa karatula na
“BAWAL MAGTAPON NG BASURA DITO.”
a. Ipahuhuli ko siya sa pulis
b. ipagsasabi ko ang kaniyang ginawa
c. Magkunwaring di siya kakilala
d. sabihin ko sa kanya na bawal ang magtapon ng basura baka siya ay maparusahan at di tama ang kanyang ginawa
______19. Napansin mong habang nagsasalita ang inyong lider tungkol sa pangkatang gawain, ang ilan sa iyong
mga kagrupo ay hindi nakikinig.
a. Makikinig ako kahit ayaw nila c. kakalabitin ko sila at senyasan na makinig
b. Sisigawan ko sila upang tumahimik d. makikisali sa kanilang pinag-uusapan
______20. Hatinggabi na ngunit malakas pa ring nagpapatugtog ng radyo ang inyong kapitbahay.
a. Papakiusapan ko ang aming kapitbahay sa malumanay na salita na kung pwedi bukas nalang ulit.
b. Magpapatugtog din ako sa bahay ng malakas
c. Isusumbong ko sila sa kapitan.
d. Magtakip nalang ng unan.
______21. Alin sa mga sumusunod ang HINDI ligtas sa sunog.
A. Naglalaro ng posporo si Miguel.
B. Nagsasagawa ng fire drill ang pamilya Santos para magkaroon ng sapat na kahandaan.
C. Sa tuwing may naaamoy na usok si Aling Nena sa bahay ay naging alerto ito sa paghahanap.
D. Tinuruan ni Mang Tonio ang kanyang mga anak na dumaan sa likod ng pintuan kung sakaling magkaroon ng
sunog sa kanilang lugar.
______22. Nakita mong may sunog sa lugar ninyo. Ano ang gagawin mo?
A. Lumisan sa lugar na may sunog.
B. Magbantay sa tabi baka masunog rin ang bahay ninyo.
C. Makipagkuwentuhan sa kapitbahay at alamin kung paano nagkasunog.
D. Tulungan na maghakot ng mga gamit ang mga kapitbahay na nasunugan.

______23. Ang inyong lugar ay palaging dinadaanan ng bagyo. Ubos na ang pananim at nakararanas na ng gutom
ang mga naninirahan dito. Ano ang maitutulong mo sa kanila?
A. Hindi mo sila papansinin kasi marami naman kayong pambili ng pagkain.
B. Ibibigay mo sa kanila ang lahat ng pagkain at pera mo.
C. Tatawanan mo sila dahil sila ay nagugutom na.
D. Tutulungan mo sila at magdarasal na sana ay matapos na ang dumating na paghihirap na ito.
______24. Nagkaroon ng malaking pagbaha sa inyong barangay dahil sa mga baradong kanal sa inyong kalye. Ano
ang nararapat mong gawin?
A. Hindi ako makikialam sa mga suliranin ng mga matatanda.
B. Imumungkahi ko sa aming kapitan ng barangay na nagkaroon ng proyektong
pangkalikasan na kasali ang mga bata at matatanda.
C. Sasabihan ko ang mga nakatatanda na linisin ang mga kanal.
D. Wala akong gagawin.
______25. Alin sa mga sumusunod ang ligtas habang bumabaha.
A. Masayang naglalaro sa ulan sina Miggy at Ele kahit pa mataas na ang tubig nito.
B. Naglalakad at naglalangoy sina Ana at Bob sa umaagos na tubig para marating nila ang kanilang bahay.
C. Hindi na lumalabas ng bahay si Kardo kung wala naman siyang kailangan.
D. Kahit baha na sa kapaligiran nila Nena ay hindi parin niya pinatay ang main switch ng
kuryente sa takot na baka siya ma kuryenti.
______26. Nakita mong itinapon ni Lina ang kanyang basura sa harap ng silid-aralan. Ano ang iyong gagawin?
A. Ipagsawalang-bahala ang nasaksihan.
B. Kausapin si Lina na ilagay sa tamang basurahan ang itinapon.
C. Sabihin sa mag-aaral ang ginawa ni Lina upang mapag-usapan siya.
D. Hindi ako makikialam
______27. Napanood mo sa telebisyon ang tamang pagtatapon ng basura. Ito ay ang paghihiwalay ng uri ng
basura. May basurang nabubulok, di-nabubulok at maaari pang gamitin. Bilang isang mamamayan, paano ka
makikiisa sa programang ito?
A. Sundin ang tamang proseso na paghihiwa-hiwalayin ang mga basurang itatapon.
B. Ipagpatuloy kung ano ang nakasanayang gawi sa pagtatapon ng basura.
C. Huwag pansinin kung anuman ang napanood.
D. Matutulog ako.
______28. Anong katangian ang ipinakikita ng isang batang tumutulong sa pagpapanatili ng kalinisan sa
kapaligiran?
A. Pagkamalikhain B. Pagkamatipid
C. Pagmamalasakit D. iresponsableng mamamayan
______29. Magkakaroon ng “Clean Up Drive” sa inyong lugar. Napagkasunduan ng mga opisyales na
magtulungan ang lahat. Bawat tahanan ay may itinalagang representante na tutulong sa paglilinis. Sa paanong
paraan mo maipakikita ang iyong suporta?
A. Kusang-loob na makiisa sa programa ng barangay.
B. Sabihin sa mga opisyales na wala kang oras na tumulong.
C. Balewalain kung ano man ang ipinatutupad ng inyong barangay.
D. Maglalaro nalang ako.
______30. May grupo na nagpuputol ng punong-kahoy sa inyong lugar. Alam mong sa maaari itong maging sanhi
ng pagguho ng lupa. Sa ganon, malalagay sa panganib ang buhay ng mga residente. Paano mo ito maipararating sa
kinauukulan?
A. Pabayaan na lamang sila sa kanilang ginagawa.
B. Alamin kung sino ang maaring lapitan at ipaabot ang pangyayari.
C. Hikayatin ang iyong mga magulang na lumipat ng tirahan.
D. Di ako iimik.
______31. Ang mga kabundukan ay dapat pangalagaan, alin sa sumusunod ang dapat nating gawin?
A. mangaso B. Magtanim ng mga puno
C. magkaingin D. Pumutol ng mga kahoy
______32. Nabalitaan mong may kampanya sa pagtitipid ng pagkunsumo ng elektrisidad
A. Hindi ako makikialam
B. Makikibahagi ako sa kampanya
C. Sasabihin ko nalang sa nanay ko na huwag pansinin
D. Sasabihin ko sa amin na magtipid ng sa paggamit ng elektrisidad bilang pakikibahagi sa kampanya.

______33. Nakita mong nagsusulat sa pader ng inyong kapitbahay ang iyong nakababatang kapatid at
mga kaibigan nito
A. Isusumbong ko sa nanay ko upang mapagsabihan
B. Tutulungan ko sila sa pagsusulat sa pader ng kapitbahay
C. Sasabihin kong ipagpatuloy kasi magandang tignan
D. Di ko pakikialaman ang ginagawa nila.
______34. Ipinagmamalaki ng iyong kaibigan ang pagtawid kung saan-saan
A. Sasama ako sa kanya
B. Sasabihin ko na mali ang ginagawa niya
C. Pagtatawanan ko lang ang sinasabi niya
D. Hindi ko nalang siya papansinin
______35. Nagkakaroon ng pagtatalo ang mga kasama mo sa pangkat tungkol sa inyong pangkatang proyekto
A. Babalewalain ko nalang
B. Sasabihin ko nalang na huwag na sila sumali
C. Aalis nalang ako sa grupo kasi nagaaway-away sila
D. Sasabihin ko sa aming guro upang mabigyan ng agarang aksyon

II. Isulat kung Tama o Mali ang isinasaad ng pangungusap. Isulat ang sagot sa patlang
bago ang bilang.
____________36. Tutulong ako sa lahat ng pagkakataon.
____________37. Pipiliin ko ang taong dapat tulungan.
____________38. Patutubuan ko ng malaki ang halagang aking naitulong.
____________39. Tutulong ako ng bukal sa aking puso.
____________40. Tutulong ako kung maraming taong nakakakita.
____________41. Tutulong ako kung may kapalit na gantimpala.
____________42. Isipin lagi ang magiging epekto ng gagawing pagpapasya.
____________43. Makisiksik ka sa mga mag-aaral na nagsisiksikan palabas ng silid kapag may sunog sa paaralan.
____________44. Paupuin at asikasuhin kapag may panauhin sa tahanan.
____________45. Tumatakas ako sa paglilinis ng silid-aralan kapag araw ng paglilinis ng aking pangkat.

___________46. Nakikiisa ako at tumutulong sa programang pangkalinisan at pangkapaligiran sa aming paaralan.

____________47. Pinupulot ko ang mga kalat sa pasilyo ng paaralan kahit walang nag-uutos sa akin.
____________48. Pinipitas ko ang bulaklak sa halamanan.

____________49. Iniiwan kong bukas ang gripo habang ako ay nagsisipilyo.

____________50. Nagtatapon ako ng basura sa kanal.

God Bless! 😊

You might also like