You are on page 1of 2

Edukasyon sa Pagpapakatao 5

Summative Test No. 4


3rd Quarter

____1. Isang batas pangkalinisan ang ipinatupad sa inyong barangay upang mabawasan
ang problema sa basura. Alin sa mga sumusunod ang dapat mong gawin?
A. Huwag pansinin ito.
B. Sabihin sa magulang na sila ang sumali.
C. Hayaan na ang iyong kapitbahay ang lumahok ditto.
D. Kusang lumahok sa programa upang makatulong sa kalinisan sa inyong lugar.

____2. Upang makalanghap tayo ng sariwang hangin, ano ang ating dapat gawin?
A. Magtanim ng mga halaman at puno
B. Magsunog ng mga goma at plastic
C. Hahayaan sasakyang bumubuga ng maitim na usok
D. Magtambak ng basura sa bakanteng lote

____3. Namamasyal kayo sa may lake ng may Makita kang bata nawalang pakundangan sa
pagtatapon ng basurasa lake. Ano ang iyong gagawin?
A. Hayaan ko lang siya sa kanyang ginagawa
B. Gagawin ko rin ang ginagawa niya
C. Lalayo nalang ako sa kanya
D. pagsasabihan ko siya na nakakadumi sa lake ang tinatapon niya

____4. Ano ang dapat taglayin ng bawat isa upang mapanatili ang kalinisan ng kapaligiran?
A. Katapangan b. katalinuhan c. disiplina d. palakaibigan

____5. Bilang mag-aaral ng ikalimang baitang, ano ang maitutulong mo upang maging
malinis angating kapaligiran?
A. Itapon ang mga basura sa tamang tapunan
B. ikalat lang kung saan-saan ang mga balat ng pinagkainan
C. Walang gagawin
D. bata pa ako para tumulong

____6. Hatinggabi na ngunit malakas paring nagpapatugtog ng radyo ang inyong


kapitbahay.
A. Papakiusapan ko ang aming kapitbahay sa malumanay na salita na ipagpa bukas na
ulit.
B. Magpapatugtog din ako sa bahay ng malakas
C. Isusumbong ko sila sa kapitan.
D. Magtakip nalang ng unan.

____7. Nakita mo na ang bata ay magtatapon ng basura sa ilog. Ano ang iyong gagawin?
a. Sasabihin ko sa bata na huwag magtapon ng basura dahil namamatay ang mga isda.
b. Sasabihin ko sa bata na dagdagan pa ang pagtatapon ng basura sa ilog upang may
pagkain ang mga isda.
c. Sasabihin ko sa bata na maganda ang kaniyang ginagawa dahil nagiging malinis ang ilog
kapag nagtatapon ng basura.
d. Sasabihin ko sa bata na ipagpatuloy lang ang kaniyang ginagawa dahil wala naming
nakakakita.

____8. Ipinagbabawal sa inyong komunidad ang paghihiwalay ng mga basurang nabubulok


at di nabubulok para sa maaayos na pagtatapon ng basura. Ano ang maaari ninyong gawin
sa tahanan upang makasunod sa ganitong alituntunin?
A. Iwasan ang paggamit ng mga produktong maaaring mabulok.
B. Huwag itong sundin dahil hindi rin naman sumusunod ang inyong kapitbahay.
C. Maghanda ng magkahiwalay na basurahan para sa basurang nabubulok at di
nabubulok.
D. Ilagay sa isang lalagyan lamang ang mga basura dahil kokolektahin naman ito ng
garbage collector.
____9. Nakita mo ang iyong nakatatandang kapatid na nagtapon ng balat ng kendi sa
labas ng inyong bahay. Ano ang dapat mong gawin?
A. Pagalitan ang nakatatandang kapatid.
B. Huwag pansinin ang kanyang ginawa.
C. Ipapulot ang kalat sa nakababatang kapatid.
D. Pagsabihan ang nakatatandang kapatid ng mahinahon na itapon sa tamang lalagyan
ang basura.

____10. Nakita mo ang iyong kaklase na nagtapon ng balat ng kendi sa parke kahit may
nakasulat sa karatula na “BAWAL MAGTAPON NG BASURA DITO.”
A. Ipahuhuli ko siya sa pulis
B. ipagsasabi ko ang kaniyang ginawa
C. Magkunwaring di siya kakilala
D. Sabihin ko sa kanya na bawal ang magtapon ng basura baka siya ay
maparusahan.at di tama ang kanyang ginawa

TAMA o MALI.

_______11. Laging makiisa sa programang pangkalinisan ng pamahalaan.


_______12. Umiwas sa Clean Up Drive at programang pangkalinisan dahil busy ka eskwela
_______13. Makikibahagi sa pagpapaunlad ng inyong barangay.
_______14. Hindi dapat maniwala na ang pagkakaisa ay pag-unlad.
_______15. Lalahok ako sa mga kampanya laban sa mga di sumusunod sa batas.
_______16. Hindi ko itinatapon sa bintana ng sasakyan ang mga balat ng pagkain matapos
kumain kapag ako’y nagbibyahe.
_______17. Tumatakas ako sa paglilinis ng silid aralan kapag araw ng paglilinis ng aking
pangkat.
_______18. Nakikiisa ako at tumutulong sa programang pangkalinisan at pangkapaligiran
sa aming paaralan.
_______19. Pinupulot ko ang mga kalat sa pasilyo ng paaralan kahit walang naguutos sa
akin.
_______20.Pinipitas ko ang bulaklak sa halamanan.

Isulat ang Tsek (/) kung ito ay dapat gawin at ekis (x) kung ito ay di dapat gawin

____21. Nagtapon ako ng balat ng saging sa daan


____22. Nakikilahok ako sa programang pangkalinisan na Run for Pasig River.
____23. Pinaghihiwalay ko ang bulok at di nabubulok na basura.
____24. Nagsulat ako sa mga pader ng pampublikong lugar.
____25. Nakisali sa pagbully ng kaklaseng maliit.
____26. Hindi ko pinapatay ang gripo habang nagsisipilyo.
____27. Nakilahok ako sa clean up drive ng barangay.
____28. Nagkalat ako ng basura sa hallway ng paaralan.
____29. Nagdikit ako ng poster kahit saan saan.
____30. Nagwalis ako ng harapan ng bahay.

WASTO o DI WASTO

_______31. Iniiwang kong bukas ang gripo habang ako ay nagsisipilyo.


_______32. Nagtatapon ako ng basura sa kanal o estero.
_______33. Nakikisali ako sa mga samahang nagtataguyod sa pangangalaga ng kapaligiran.
_______34. Pakiusapan ang kapitbahay na drayber na ipaayos ang mausok na tambutso ng
kanyang dyip upang makaiwas sa polusyon.
_______35. Isumbong sa barangay ang mga nakikitang mga kabataan na sumisinghot ng
rugby o droga.

You might also like