Third Summative Exam, School Year 2023-2024 Subject: ESP
Teacher: Bb.Franchezca Andrea S. Alcuizar Grade: 2 Name of Student: __________________________ Score:________ _______________
I.Iguhit ang puso (❤️) kung nagpapakita ng pagpapasalamat sa mga
karapatan na tinatamasa at ekis (❌) naman kung hindi. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang. ________1.Pagiging mabait at masunurin sa magulang. ________2.Pagtipid sa kagamitan at paggamit ng mga lumang gamit na may pakinabang pa. ________3.Pakikipag-away sa kapatid o kalaro tuwing natatalo sa laro. ________4.Pag-aaral ng mabuti at paggawa ng mga gawaing pampaaralan. ________5.Paglalaro maghapon o sa oras na gusto. II.Tukuyin ang karapatang tianatamasa ng bata sa bawat pangungusap.Piliin ang mga kasagutan sa kahon. Isulat ang titik sa patlang bago ang bilang.
a.magkaroon ng ligtas na tirahan d.maarugang pamilya
b.makapag-aral e.Makapaglibang c.maisilang sa mundo f.maipahayag ang sariling pananaw
_________6.Masayang nakikipaglaro sa kaibigan si Albert.
_________7.Nagpapaturo si Jessica sa kanyang kuya tungkol sa aralin sa matematika. _________8.Ibinibigay ng mga magulang ni Jess ang pangunahing pangangailangan ng kanilang magkakapatid. _________9.Nagpapakonsulta sa doctor ang nanay ni Migz upang maging ligtas ang pagbubuntis niya. _________10.Lumipat sa mas tahimik at maayos na tahanan ang pamilya ni Mang Isko. III.Piliin sa loob ng kahon sa ibaba ang kabutihang dulot ng mga sumusunod na karapatan. Isulat titik ng sagot sa patlang bago ang bilang. a.Pagmamahal d.Tutulungan ko siya
b.Magiging Palakaibigan e.Magiging Masunurin
c.Mag-aaral ng mabuti f. Maghahanap ako ng tutulong sa akin
________11.Pianapaaral ka ng iyong mga magulang sa isang
paaralan.Ano ang dapat mong gawin para sa kanila? ________12. Ikaw ay minamahal at inaaruga ng iyong mga magulang.Ano ang ibabalik mo sa kanila? ________13.Pinayagan ka ng iyong nanay na makipaglaro sa iba mong mga kaibigan.Ano ang kailangan mong gawin sa labas? ________14.Nakita ka ng tatay mo at inutusan kang bumili ng itlog sa labas.Ano ang gagawin mo upang magpasalamat ka sa kaniya? ________15.Napapagod na ang iyong mga magulang sa paglilinis sa inyong bahay. Paano mo ipapakita ang kabutihang dulot ng iyong natamasang karapatan? IV.Isulat ang masayang mukha kung ang pahayag ay nagpapakita ng pagkamasinop sa paggamit ng tubig, pagkain o enerhiya, malungkot naman na mukha kung hindi.
_______16.Si Ana ay inutusan na maghugas ng pinggan.Mabilis na ginawa
ni Ana ang paghuhugas at kanyang inipon ang tubig upang gawing pandilig. _______17.Masyadong mainit ang pakiramdam ni Bella kaya binuksan niya ang bentilador.Matapos niya itong gamitin ay iniwanan niya lang itong nakasaksak at bumalik sa paglalaro. _______18.Nakita mong nakabukas ang ilaw sa kusina. Kaya naman pinatay moa ng ilaw upang makatipid sa kuryente. _______19.Maraming ulam ang naiwan sa katatapos lang na kaarawan ni nanay.Kaya ibinalot niya ito at ipinamigay sa kaniyang bisita. _______20.Mataas ang bayarin ng tubig nila May dahil sa tagas ng gripo.Alam ni May na may tagas ang gripo sa may garden pero hindi niya ito pinansin. V.Isulat kung TAMA o MALI ang ginagawa ng mga sumusunod. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang. ________21.Itinatapon ko ang mga basura sa tamang lalagyan. ________22.Ibinubukod ko ang nabubulok sa di-nabubulok na basura bago ko ilagay sa tamang lalagyan. ________23.Tinatapakan ko ang bagong tanim na halaman sa aming bakuran. ________24.Sinusulatan ko ang pader ng aming kapitbahay. ________25.Itinatapon ko sa tabing ilog ang basura. ________26.Itinatapon ko ang basura kung saan ko magustuhang ilagay. ________27.Inaalagaan ko ang mga halaman sa aming bakuran. ________28.Tumutulong ako sa pagwawalis sa aming paligid. ________29.Tinitingnan kong mabuti kung sa tamang basurahan ko itinapon ang basura. ________30.Itinatapon ko ang balat ng kendi kung saan-saan lang.