You are on page 1of 4

2nd SUMMATIVE TEST IN ESP 2

QUARTER 4

Panuto: Gumuhit ng masayang mukha (☺) kung


nagsasaad ang pahayag ng pagpapasalamat sa
Panginoon at malungkot na mukha () naman kung
hindi.
_____1. Sumasama si Jena sa simbahan
upang makapaglaro.
_____2. Sabay na pinagtatawanan nina Lara
at Jojo ang batang may kapansanan.
_____3. Gumuguhit si Mario ng mga
larawan upang mapasaya ang mga frontliner.
_____4. Magiliw na kinakausap ni Jam ang
mga panauhin sapagkat mahusay siyang
makipagtalastasan.
_____5. Si Gigi ay mahusay mag-alaga ng
may sakit kaya nagboluntaryo siyang mag-
alaga sa nakababatang kapatid.
Panuto: Ano ang iyong gagawin sa mga sumusunod
na sitwasyon. Piliin ang titik ng tamang sagot na
nagpapakita ng pasasalamat sa Panginoon sa
pamamagitan ng sariling kakayahan.
_____6. Nabalitaan mong may sakit ang iyong
kaibigan at dinala sa ospital.
A. Ipagkalat na nahawa siya ng sakit.
B. Ipagsawalang bahala ang kalagayan niya.
C. Gumawa ng bidyo habang kumakanta upang
mapasaya siya.
_____7. Mahusay ka sa larong basketbol kaya
hinahangaan ka ng ibang mga bata.
A. Ipagyabang ang kakayahan
B. Turuan ang mga batang nais matuto.
C. Piliin lamang ang mga kaibigang nais
turuan.
_____8. Nakita mong natutuyo na ang mga
dahon ng halaman na tanim ng iyong lola.
A. Diligan ang mga ito.
B. Itapon sa basurahan.
C. Hayaan lamang kung saan nakita.
_____9. Napansin mo ang isang ligaw at payat
na aso sa inyong lugar.
A. Batuhin upang umalis.
B. Kunin ito at pakainin upang lumakas.
C. Tawagin ang mga kaibigan upang saktan ang
hayop.
_____10. Naghahanap ang inyong kapitan ng
mga magboboluntaryo upang maghanda ng
pagkain sa mga frontliner. Alam mong may
kaalaman ka sa
pagluluto.
A.Hayaan na lamang sila.
B. Humingi ng bayad para sa serbisyo.
C.Tumulong upang mapabilis ang gawain
Panuto: Iguhit  ang kung ang pangungusap o
sitwasyon ay nag papakikita ng pasasalamat sa
Panginoon sa Talino at kakayahan ibinigay sayo.
Iguhit naman  kung hindi.
_____ 11. Dahil wala naman klase ako ay
maglalaro na lamang sa tablet at sa pagbabalik
eskwela na lamang ako muli mag-aaral.
_____ 12. Tuturuan ko ang aking mga
nakababatang kapatid sa pagsulat at pagbasa
para maging handa sila sa pagbabalik-eskwela.
_____ 13. Ako at ang aking pamilya ay
uugaliing mag dasal sa araw-araw ng
pagpapasalamat sa Panginoon sa talino at
kakayahan ibiniigay niya sa amin.
_____14. Kahit tayo ay humaharap sa
pandemic na COVID19. Ako ay patuloy na
maglalaan ng oras para sa aking pag aaral
bumasa at sumulat ng dumami pa ang aking
nalalaman.
_____15. Yayain ko na lang maglaro ng
computer games ang aking mga kapatid habang
bakasyon, at ma enjoy namin ang home
quarantine dahil sa COVID-19.
Panuto: Ipakita √ kung ang pahayag ang nagpapakita
ng pasasalamat sa panginoon sa talino at kakayahan
kanyang binigay at X kung hindi
_____ 16. Si Maricel ay laging naglalaan ng
oras para mag aral magbasa at magpaturo sa
Math sa kanyang ama habang ito ay
nakabakasyon gawa ng ECQ.
_____ 17. Si James ay walang sawang nag
lalaro ng Mine Craft sa kanyang tablet dahil ito
ang kanyang paraan para malibang sa bahay
gawa ng Covid 19
_____ 18. Nakatutuwang pagmasdan ang mga
anak ni Aling Dolly na ginagaya ang mga Arts
and Crafts na kanilang pinanood sa kanilang
computer.
_____ 19. Narinig ko naman si James na may
bitbit na aklat, chalk at maliit na pisara at
tinatawag ang kanyang mga nakababatang
pinsan para turuan ng mga naging leksyon sa
paaralan ang mga ito.
_____ 20. Madalas kong maring ang pag awit
ni Rowena ng mga awit papuri sa Panginoon
tuwing ako ay dadaan sa tapat ng bahay nila at
nakikita kong sabay sabay silang nanalangin
mag anak ng pasasalamat sa lahat ng bagay na
mayroon sila.

You might also like