Professional Documents
Culture Documents
I. Piliin ang angkop na sagot at isulat ang letra sa patlang bago ang bilang.
______1.Pag-uwi mo galing sa paaralan, nadatnan mo ang iyong nanay. Ano ang sasabihin mo?
A. Nanay maghanda ka ng aking meryenda.
B. Magandang hapon po Nanay.
C. Hindi mo siya papansinin.
______2. Nagpunta si Gab sa kanyang kaibigan at naglaro ng kompyuter.Tinanong siya ng ate kung saan
siya galing. Kung ikaw si Gab, ano ang sasabihin mo?
A. Sasabihin mong sa paaralan ka pumunta dahil may inutos ang iyong guro.
B. Sasabihin mo ang totoo na nagpunta ka sa kalaro at naglaro ng kompyuter.
C. Sasabihin mong binisita mo ang iyong lolo at lola.
______3. Naiwan ng iyong kaklase ang kanyang bagong lapis. Ano ang iyong gagawin?
A. Angkinin ang laruan.
B. Isauli sa kaklase ang lapis.
C. Hayaan ang lapis na makuha ng iba.
______4. Kinuha mo ang perang naiwan sa inyong mesa. Naghahanap ang iyong ate ng kanyang pera.
Ano ang iyong gagawin?
A. Magkunwaring wala kang alam.
B. Sasabihin mong nasa Nanay.
C. Ibibigay mo sa ate ang pera.
______5. Ipinatawag ng guro ang iyong Nanay dahil nakipag-away ka sa iyong kaklase. Ano ang iyong
gagawin?
A. Ipagtapat sa magulang ang nangyari.
B. Huwag ipaalam sa magulang.
C. Sisihin ang kaklase.
______6. Hindi sinasadyang nadala mo ang pambura ng iyong kaklase. Ano ang gagawin mo?
A. Huwag nang ipaalam sa kaklase.
B. Ibabalik ang pambura sa kaklase.
C. Itago na lamang ito.
______7. Naiwan ni Naya ang kanyang baon. Dalawa ang baon mong tinapay. Ano ang gagawin mo?
A. Ibibigay mo sa kanya ang isang tinapay.
B. Pagtatawanan mo siya.
C. Hindi mo siya papansinin.
______8. Natalo sa paligsahan sa Araling Panlipunan ang iyong kuya. Umuwi siyang malungkot. Ano
ang gagawin mo?
A. Sasabihin mong pagbutihan na lang sa susunod.
B. Pagtatawanan mo siya.
C. Sisihin mo siya.
______9. Napagalitan si Renz ng Lola Nena mo. Ano ang sasabihin mo?
A. “Huwag ka na lamang uulit ha”.
B. “Sumigaw ka at umiyak”.
C. “Beh, buti nga sa iyo”.
______10. May bago kang kaklase mula sa Marawi. Hindi pa siya
nakasuot ng uniporme dahil wala silang pambili. May mga
maayos kang uniporme na hindi mo na isinusuot. Ano ang
gagawin mo?
A. Hindi ko siya papansinin
B. Hahayaan ko na lamang siya.
C. Ibibigay ko ang uniporming hindi ko na ginagamit.
______11. Ka-chat ng iyong ate ang iyong Tatay na nasa ibang bansa
gamit ang laptop. Gustong-gusto mo ng maglaro sa laptop.
Ano ang gagawin mo?
A. Sapilitang kunin ang laptop.
B. Hintaying matapos mag-usap sina ate at Tatay.
C. Pagsabihan si Tatay na huwag ng makipag-chat sa ate.
______12. Naglalaro ka sa cellphone ng iyong kuya. Kinukuha na ito ni
kuya dahil gagamitin. Ano ang iyong sasabihin?
A. “Salamat po kuya”.
B. “Kuya mamaya na lang hindi pa ako tapos”.
C. “Iyan na nga! Ang damot- damot mo naman”.
______13. Paalis na ang iyong lolo at lola. Ano ang iyong sasabihin?
A. “Umalis na kayo”.
B. “Paalam po, mag-iingat po kayo ”.
C. Wala kang sasabihin.
______14. Nakita ng Tatay mong pinaglalaruan mo ang tira mong pagkain kaya pinagsabihan ka niya.
Ano ang sasabihin mo?
A. Bakit? Ayaw ko na nga.
B. Pasensiya na po Tatay , hindi na po mauulit.
C. Kainin mo kung gusto mo
______15. Bumisita ang iyong tiyahin mula sa malayong lugar. Ano ang iyong gagawin?
A. magtatago B. magmamano C. hindi papansinin
______16. May iniuutos ka sa inyong kasambahay ngunit may ginagawa pa siya. Ano ang iyong
gagawin?
A. Ikaw na lang ang gagawa ng iyong iniuutos.
B. Pipilitin mo siyang gawin ang iyong iniuutos.
C. Pagagalitan mo siya dahil mabagal siya.
______17. Maghapon ng naglilinis ang iyong yaya, napansin mong hindi pa siya nagmimeryenda. Ano
ang iyong gagawin?
A. Hindi mo siya papansinin.
B. Bibigyan mo siya ng meryenda.
C. Panonoorin mo lamang siya.
______18. Nagkasakit ang iyong nanay. Paano mo maipaparamdam ang iyong pagmamahal sa kanya?
A. Aalagaan ko siya.
B. Sasabihan ko si yaya na bantayan siya.
C. Papupuntahin ko si lola para siya ang mag-alaga.
Inihanda ni:
DITAS B. NELMIDA
ANSWER KEY
1. B 19.
2. B 20.
3. B 21.
4. C 22.
5. A 23.
6. A 24.
7. A 25.
8. A 26.
9. A 27.
10.C
11.B 28. Tinutulungang tumayo ang nadapa
12.A
13.B 29. Pinulot ang tinapay at ibinigay sa bata
14.B
15.B 30. Tinulungan ang lola sa pagbitbit ng mabigat
16.A
17.B
18. A