You are on page 1of 5

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA MAPEH 2

Pangalan:___________________________________ Iskor:

Baitang at Pangkat:_________________________

Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.
MUSIC
_____1. Alin sa mga sumusunod na tono ang mas mataas sa fa ?
A. re B. do C. mi D. so
_____2. Alin ang nagbibigay ng mababang tunog ?
A. kampana B. ibon C. ambulansiya D. tambol
_____3. Alin sa mga sumusunod na instrumento ang nagbibigay ng mataas na pitch ?
A. xylophone B. tambol C. tambourine D. triangle
_____4. Kumpletuhin ang awit. Dala-dala’y buslo ______________.
A. Sisidlan ng bunga.
B. Pagdating sa dulo.
C. Nabali ang sanga.
D. Buko ng papaya.
_____5. Ang mga guhit na nasa ibabaw ng mga nota ay tinatawag na ________.
A. pitch B. melodic line C. melodic contour D. ostinato
_____6. Alin sa mga sumusunod ang ginagamit upang magsilbing palatandaan ng pag-uulit ng
isang bahagi sa awitin o tugtugin?
A. ostinato
B. Pitch
C. Musical note
D. Repeat mark
_____7. Sa awit na “Ako ay Maliit na Pitsel”, alin ang magkapareho ang linya ng tunog ?

A. Linya 1 at Linya 2
B. Linya 1 at Linya 3
C. Linya 2 at Linya 3
D. Linya 3 at Linya 4
_____8. Ang awit ay mayroong simula at ________.
A. kasiyahan B. katapusan C. tono D. himig

ART
_____9. Ito ay hayop na may itim, makapal, at makintab na balat .
A. tupa B. hipon C. kalabaw D. bangus
_____10. Ang balat nito ay kulay puti, makapal, at may disenyong pasalit-salit.
A. hipon B. alimango C. tupa D. bangus

_____11. Alin sa mga sumusunod na hayop ang nakatira sa gubat ?


A. kalabaw B. ahas C. isda D. aso

_____12. Ang mga sumusunod na hayop ay nakatira sa dagat maliban sa ______.


A. paniki B. alimango C. isda D. pagong

_____13. Alin ang naglalarawan ng kulay ng mga isda sa dagat ?


A. kulay itim
B. iisa ang kulay
C. iba-iba ang kulay
D. walang kulay
_____14. Ano ang nalilikha sa pamamagitan ng pag-uulit, pagsasalit-salit at pagpaparayos-rayos ng
mga linya at hugis sa isang sining?
A. contrast
B. tekstura
C. ritmo
D. linya
_____15. Kailan masasabi na ang hugis ay may ritmo sa isang likhang sining?
A.Kung isang hugis lamang ang makikita
B. Kung ito ay may nauulit na iba’t ibang hugis
C.Kung maraming hugis na magkakaiba ngunit walang nauulit
D.Kung dalawang magkaibang hugis lamang ang makikita

______16. Ang pula, asul, itim, at ______ ay madidilim na kulay.


A. berde B. pink C. dilaw D. gray
PHYSICAL EDUCATION
______17. Ang paggalaw ayon sa lokasyon ay maaaring sa tabi, sa harap, sa ilalim, at sa _______.
A. Itaas B. paharap C. patalikod D. pakaliwa
_____18. Alin ang hindi kabilang sa paggalaw ayon sa direksiyon ?
A. Pakanan
B. Pakaliwa
C. Paharap
D. Pakurba
_____19. Ito ay ang paggalaw na humahati sa bahagi ng katawan sa harapan at likuran.
A. Horizontal
B. Sagittal
C. Frontal
D. Central
_____20. Ang galaw sa Pathways ay maaaring tuwid ,pakurba ,at _______.
A. pazigzag B. pakaliwa C. pakanan D. paharap
_____21. Ang mga sumusunod ay paggalaw sa lebel maliban sa______.
A. mababa B. katamtaman C. mataas D. pakurba
_____22. Ang paggalaw sa planes ay maaaring vertical, diagonal, horizontal, at _____.
A. sagittal B. frontal C. central D. rotational
_____23. Alin ang ipinakikita ng larawan sa ibaba ?
A. Paglakad sa tuwid na linya.
B. Paglakad sa pazigzag na linya.
C. Paglukso nang mataas.
D. Paglakad sa diagonal na linya.
_____24. Sa pagtayo, ang leeg at ulo ay _____ ang ayos.
A. nakatungo B. nakalawit C. nakataas D. tuwid

HEALTH
______25. Anong bahagi ng katawan ang ginagamit upang makita ang ganda ng paligid ?
A. ilong B. mata C. tainga D. bibi
_____26. Alin ang nagpapakita ng tamang pangangalaga ng tainga ?
A. Palaging pumupunta sa maingay na lugar.
B. Tinutusok ng lapis ang tainga.
C. Nagpapatugtog nang malakas.
D. Pumupunta sa tahimik na lugar upang magbasa.
_____27. Ano ang maaaring mangyari kapag hindi inalagaan ang ilong ?
A. Magiging malusog ang ilong.
B. Lalaki ang ilong.
C. Magiging makinis ang ilong.
D. Magkakaroon ng impeksiyon ang ilong.
_____28. Ano ang gamit ng ating balat ?
A. upang makakita
B. upang makaamoy
C. upang makarinig
D. upang makadama
_____29. Kailan dapat magsepilyo ng ngipin ?
A. Isang beses sa isang araw.
B. Isang beses sa isang buwan.
C. Kapag sumakit ang ngipin.
D. Palagi at pagkatapos kumain
_____30. Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng pangangalaga sa sarili ?
A. Hindi nagsusuot ng tsinelas kapag lumalabas ng bahay.
B. Pinahahaba ang kuko.
C. Kinukusot ang mata ng kamay.
D. Nagbabasa sa maliwanag na lugar.

Inihanda ni : Iwinasto at sinuri ni: Pinagtibay ni:


Susi sa Pagwawasto
1. D
2. B
3. B
4. A
5. B
6. D
7. B
8. B
9. C
10. C
11. B
12. A
13. C
14.C
15. B
16. A
17. A
18. D
19. C
20. A
21. D
22. D
23. B
24. D
25. B
26. D
27. D
28. D
29. D
30. D

You might also like