You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
NATIONAL CAPITAL REGION
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF QUEZON CITY

Pangalan: _______________________ Baitang & Seksiyon: _________________ Marka: ___

MAPEH 4
Ikatlong Markahang Pagsusulit
T.P. 2022-2023
Physical Education
Panuto: Basahin at isulat ang titik ng tamang sagot.
_____1. Ayon sa Physical Activity Pyramid Guide, ilang beses dapat maglaro nang matagal sa
computer ang isang batang tulad mo sa loob ng isang linggo?
A. Araw-araw B. isang beses C. 2-3 beses D. 3-5 beses
_____2. Ang rhythmic interpretation ay mahalaga sa isang batang katulad mo dahil?
A. Ito ay nagbibigay-laya sa isang tao o grupo na makapagpahayag ng saloobin sa
pamamagitan ng galaw ng buong katawan.
B. Ito ay nakagawian na at araw-araw na ginagawa ng maraming tao.
C. Ito ay nakatutulong na lalong mapalakas ang ating katawan.
D. Ito ay madaling gawain na kayang gawin ng kahit na sino.
_____3. Ang ika-apat na baitang ay masayang nagsasanay ng Liki para sa gaganaping cultural
show. Ano ang ipinamamalas na magandang katangian ng ika-apat ng baitang na mga mag-
aaral?
A. Pagtangkilik sa kulturang Pilipino.
B. Pagsasabuhay ng mga nakagawian ng mga katutubo.
C. Pagpapakilala sa sariling kultura.
D. Lahat ng nabanggit.
_____4. Ang galaw na may direksyon ay dapat naaayon sa tema at tugtog na inilalapat dito upang
maigalaw ang buong katawan. Kung mabagal ang tugtog o awitin, ang galaw ng katawan ay dapat
na?
A. mabilis B. mabagal C. magaan D. mabilis na mabilis
_____5. Ang tamang pagsasagawa ng mga hakbang-sayaw ay makatutulong upang?
A. Bigyang halaga ang kultura ng mga tao sa bayan o rehiyon na pinagmulan ng sayaw.
B. Bigyang pansin ang mga sayaw at kulturang dayuhan.
C. Tangkilikin ng mga bata ang mga sayaw sa ibang bansa.
D. Pagtawanan at huwag galangin ang mga katutubong sayaw.
Republic of the Philippines
Department of Education
NATIONAL CAPITAL REGION
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF QUEZON CITY

_____6. Ang sayaw na Liki ay may mga batayang hakbang-sayaw tulad ng Close Step at ito ay
isinasayaw sa 3-time signature. Anong step pattern mayroon ang close step?
A. Step (1), Close (2), Step (3)
B. Step (1) and (2) close (3)
C. Step (1,2) , close (3)
D. Point (1,2) , close
_____7. Ang katutubong sayaw na Liki ay nagmula sa anong lugar?
A. Negros Oriental B. Ifugao C. Benguet D. Negros Occidental
8. Ang palagiang pagsayaw ay may dulot na maganda sa kalusugan. Alin sa mga sumusunod ang
HINDI nagpapakita ng magandang dulot nito?
A. hindi magiging sakitin
B. palaging inaantok
C. maliksing pangangatawan
D. aktibong isipan
9. Paano mo mabibigyan ng rhythmic interpretation ang galaw ng isang puno gamit ang inyong
katawan?
A. Magsuot ng costume na mukhang puno.
B. Magtanghal at gayahin ang galaw nito.
C. Gagawa at kakanta tungkol sap uno.
D. Iguhit ang puno at kukulayan ang gawa.

10. Ano ang unang dapat gawin sa pagsasagawa ng likhang-sayaw?


A. Magsanay ng sayaw ang bawat miyembro.
B. Magplano ng mga galaw.
C. Pumili ng tugtog na gagamitin.
D. Ipresenta ang sayaw sa harapan.

Prepared by:
MONICA A. MANJARES MARY T. BALIWANG
Quirino Elementary School San Diego Elementary School
Teacher I Teacher III
Republic of the Philippines
Department of Education
NATIONAL CAPITAL REGION
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF QUEZON CITY

KEY TO CORRECTION

1. B
2. A
3. D
4. B
5. A
6. C
7. D
8. B
9. B
10. C

You might also like