You are on page 1of 2

Republic of The Philippines

Department of Education
Central Luzon- Region III
Schools Division of Tarlac Province
Bamban East District
STO. NINO ELEMENTARY SCHOOL
IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ESP 3
Pangalan: _________________________________________ Petsa: __________________
Baitang at Seksiyon_______________________Guro: ______________________________

I.Basahin ang bawat sitwasyon. Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
_____ 1. Masakit ang ngipin ng iyong nakababatang kapatid. Oras na ng pananghalian at hindi pa umuuwi ang inyong
nanay. Ano ang gagawin mo?
A. Hindi ko siya papansinin
B. Patutulugin ko na lang ang aking kapatid
C. Hihintayin ko ang nanay hanggang makauwi
D. Bibigyan ko muna siya ng pagkaing malambot upang hindi siya mahirapang
Kumain
_____ 2. Nadatnan mong nakahiga ang iyong nanay pagkauwi mo mula sa paaralan. Masama ang kaniyang pakiramdam.
Ano ang gagawin mo upang maipakita ang pagtulong at pag-aalaga sa iyong nanay na may sakit?
A. Hihintayin ko ang pagdating ng tatay
B. Magpapatulong sa nakatatandang kapatid sa pagluto ng sopas upang may
makain si nanay
C. Paiinumin ko siya ng kahit na anong gamot upang siya ay gumaling
D. Lahat ng nabanggit
______ 3. May benda ang sugatang binti ng iyong kamag-aral na katabi mo sa upuan dahil sa aksidente. Nakasaklay pa
siya pagpasok sa inyong silid-aralan. Paano mo maipakikita ang pagmamalasakit sa kaniya?
A. Hindi ko siya papansinin
B. Aayain ko siyang maglaro sa labas
C. Aakayin siya at hindi na gagamitin ang saklay
D. Hindi ako maglilikot upang hindi ko masagi ang kaniyang binti
______ 4. Sumasakit ang likod ng iyong lolo. Tinawag ka niya upang magpatulong na bumangon sa higaan ngunit hindi
mo kaya dahil sa iyong kaliitan. Ano ang dapat mong gawin?
A. Hindi ko siya papansinin
B. Hihintayin kong makauwi ang tatay
C. Magdadahilang masakit ang katawan ko
D. Manghihingi ako ng tulong sa aking mga nakatatandang kapatid
_______ 5. Inuubo at sinisipon ang iyong kamag-aral. Wala siyang dalang pamunas ng
kaniyang ilong at pantakip sa kanyang bibig tuwing uubo. Pinagtatawanan siya ng inyong mga kaklase sa tuwing
tumutulo ang kaniyang sipon sa ilong. Ano ang iyong gagawin?
A. Makikitawa rin ako
B. Huwag pansinin ang kaklase
C. Ipahihiram ko sa kaniya ang aking malinis na panyo
D. Lalayo ako upang hindi ako mahawa sa sakit niya
_______ 6. Nagmamadali kang umuwi ng bahay pagkatapos ng klase dahil may sakit ang iyong nanay at ikaw ang
tutulong sa iyong tatay na maghanda ng hapunan. Nadaanan mong naglalaro sa plasa ang iyong mga kaibigan. Gustong-
gusto mong sumali. Ano ang iyong gagawin?
A.Maglalaro muna saglit
B. Aawayin ang mga kaibigan
C.Uuwi sa bahay at magpapaalam sa tatay
D.Ipagpapaliban muna ang paglalaro at tutulong sa tatay
_______ 7. Paano mo maipakikita ang iyong pagmamahal at pagmamalasakit sa iyong kapwang may sakit? Sa
pamamagitan ng _____________.
A.pagbabalewala C.pakikipaglaro sa kanila
B. paghingi ng pera D.pagtulong at pag-aalaga
_______ 8. Nakaugalian mo nang ihanda tuwing umaga ang iinuming gamot ng iyong lolo sa buong araw kaya hindi niya
nakakaligtaan ang pag-inom nito. Ano kaya ang nararamdaman ng iyong lolo sa ginagawa mong ito?
A.Nagagalit sa iyong pakikialam C.Nagsasawa nang uminom ng gamot
B. Naiiyak sa dami ng gamot na iinumin D.Natutuwa sa iyong pagtulong at pag-aalaga.
________ 9. Sa simple mong paraan, ano ang maaari mong magawa para sa kaibigang may sakit?
A. Bigyan ng maraming kendi C. Hahandugan ng kanta para maaliw
B. Dadalhin sa mamahaling ospital D. Bibilhan ng tsokolate at mga tsitsirya
_______ 10. Nabalitaan mong may malubhang sakit ang iyong pinsan. Ano ang gagawin mo?
A. Dadalawin at aaliwin C. Hindi na lang papansinin
B. Wala nang magagawa D. Pagagalitan dahil nagkasakit
_______ 11. Dinalaw mo sa kanilang bahay ang kaklase mong may sakit. Tungkol saan ang pwede ninyong pag-usapan
upang siya ay sumigla?
A. Problemang dulot ng pagkakasakit
B. Pag-aaway ng mga kaklase sa loob ng klase
C. Masasayang pangyayari na naganap sa klase
D. Malulungkot na pangyayaring naganap sa klase
_______ 12. Ang dalawin at aliwin ang taong may sakit ay isang kaugalian na nagpapakita ng _____.
A. pagkamatalino C. pananampalataya
B. pagmamalasakit D. pakikialam sa ibang tao
_______ 13. Nakatutulong ba ang paglalaan ng oras sa pagdarasal para sa mga taong may karamdaman upang mapabilis
ang kanilang paggaling? Bakit?
A. Hindi, dahil wala itong bisa C.Oo, dahil malakas ang kapangyarihan mo
B. Hindi, dahil hindi ito nakagagamot D.Oo, dahil sa taimtim na dasal ay walang imposible
________ 14. Sa paanong paraan makatutulong sa mga may kapansanan ang pagbibigay
mo ng malasakit?
A. Makapagpapagaan ito ng kanilang mga gawain at hanapbuhay.
B. Makapag-iipon sila ng perang panggastos nila sa kanikanilang mga luho.
C. Magkakaroon sila ng malaking halagang pambili ng mga ari-ariang gusto nila.
________15. Kung kapos ka sa pera at gusto mong tumulong, ano ang maaari mong
maibigay sa mga kapuwang may kapansanan?
A. Wala, dahil wala akong pera.
B. Maaari kong ibigay sa kanila ang mga panis naming pagkain.
C. Maaari kong ibigay ang mga bagay na hindi ko na ginagamit ngunit maaayos pa.
________ 16. Nakita mong pinagtatawanan ng mga kaklase mo ang isang batang pilay. Hindi mo ito kayang
ipagtanggol dahil mas malalaki pa sila sa iyo. Ano ang maaari mong gawin upang makatulong?
A. Hindi ko na lang sila papansinin.
B. Aalis ako dahil maaari akong madamay.
C. Huwag sumabay sa pagtawa at lalapit sa sinumang guro o matanda na maaaring makatulong.
________ 17. May paligsahan para sa mga may kapansanang may kahusayan sa isports. Sang-ayon ka ba na bigyan ito ng
halaga? Bakit?
A. Oo, dahil wala naman akong pakialam sa kanila.
B. Oo, dahil makapagbibigay ito sa kanila ng tiwala sa sarili.
C. Hindi, dahil aksaya lamang ito sa pera at panahon ng mga tao.
________ 18. Paano mo masasabing nangangailangan ng tulong ang mga may kapansanan?
A. Kadalasan sa kanila ay tamad.
B. Nanghihingi sila ng tulong sa mga kalye.
C. Nalilimitahan ang kanilang paghahanapbuhay dahil sa kanilang kapansanan.
II. Lagyan ng / kung ito ay nagpapakita ng pagmamalasakit sa kapuwa na may kapansanan, at X naman kung
hindi.
_________ 19. Nakita mo ang kulay berde sa ilaw-trapiko. Tumawid na ang lahat na naghihintay sa gilid ng kalsada.
Napansin mo ang isang matandang nahihirapan sa pagtawid. Inakay mo siya at sabay kayong tumawid.
_________ 20. Nahihiya kang tumulong sa batang bulag na nadapa sa labas ng simbahan dahil gusgusin ito.
_________ 21. Dumaan ka sa eskinita at nakakita ka ng isang lumpo na Ale na nagtitinda ng masarap at malinis na
kakanin. Gusto mo ang kakanin ngunit mas pinili mong bumili sa mall dahil ayaw mong lumapit sa aleng lumpo.
_________ 22. Bulag ang kaklase mo kaya alam mong hindi ka niya makikita kung kukunin mo ang kaniyang baon.
Subalit mas pinili mong huwag itong gawin at bagkus ay tiisin na lamang ang iyong gutom.
_________ 23. Ginawa mong katuwaan ang panggagaya ng pagsasalita ng kaklase mong ngongo.

III. Sagutin ng TAMA kung nagpapkita ng malasakit at pagtanggap sa ibang pangkat etniko at MALI naman
kung hindi.

_________ 24. Pang-iinsulto at pagtawanan ang ibang pangkat etniko.


_________ 25. Pagtanggap ng ibang pangkat, tulad ng Manobo at mga Mangyan.
_________ 26. Makipagkaibigan sa bagong kaklase na isang Igorot.
_________ 27. Sinabihan mo ang mga kaklase mo na layuan ang kaklase ninyong Badjao.
_________ 28. Tinulungan mo ang isang batang Ita na nakita mong nadapa.
_________ 29. Hindi mo pinapansin ang kapitbahay ninyong bagong lipat dahil isa siyang Bisaya.
_________ 30. Magpakita ng malasakit sa bawat isa kahit ano mang pangkat etniko ang kinabibilangan.

You might also like