You are on page 1of 2

1st Summative Test in EsP 3

2nd Quarter
Pangalan: ____________________________________________ Petsa: __________________
I. Panuto: Basahin at unawain ang bawat sitwasyon. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
A. Paano mo maipakikita ang pag-aalaga, pagtulong at pagdamay sa maysakit?
1. Maysakit ang nanay mo. Hindi siya makabangon dahil masakit ang kanyang katawan.
a. Pipilitin siyang bumangon. b. Aalalayan siya upang makabangon.
c. Ibibigay ang kaniyang kailangan upang hindi na siya tatayo sa kanyang hinihigaan.
2. Nilalagnat ang ate mo, napakinggan mo sa paaralan na sinabi ng nars na nagpapaseminar sa mga bata na
kapag mataas ang lagnat ay kailangang punasan ng malamig na bimpo.
a. Papainumin ng gatas b. Pupunasan ng malamig na bimpo ang katawan ni ate
c. Kukumutan si ate
3. Masakit ang ulo ng kuya mo. Alam mo kung anong gamot niya para sa sakit ng ulo.
a. Bibigyan ng gamot para sa sakit ng ulo b. Papaliguan siya
c. Papainumin ng juice
4. Nasa ospital ang lolo mo. Hirap siyang maglakad patungong palikuran.
a. Aalalayan si lolo patungong palikuran b. Papainumin ng gamot si lolo
c. Papatulugin si lolo
5. Payat na payat ang kalaro mo. Umiiyak siya sa sakit ng tiyan dahil sa gutom.
a. Papauwiin na siya b. Sasabihin na uminom ng maraming tubig para mabusog
c. Bibigyan ng pagkain
6. Nabalitaan mo na ang iyong guro ay maysakit.
a. Sasabihin ko na walang pasok at maysakit ang guro
b. Dadalawin ko ang aking guro at kukumustahin ang kanyang kalagayan
c. Hahayaan ko na lang ang hihintayin ang kaniyang pagpasok
7. Ang nakakababata mong kapatid ay may bulutong.
a. Papainumin ng gamot na inireseta ng doctor b. Iiwasan ko siya baka ako ay mahawa
c. Pababayaan ko na lang siya
8. Nakita mo na hindi makatayo ang iyong kaibigan dahil sa masakit ang kaniyang paa.
a. Pababayaan ko siyang tumayo mag-isa b. Aalalayan ko siya sa pagtayo
c. Tatawag ako ng magtatayo sa kaibigan ko
9. Ang iyong kaklase ay umiiyak dahil sa tindi ng sakit ng ngipin.
a. Dadalhin ko siya sa klinika ng paaralan b. Bibigyan ko siya ng sorbets
c. Papakainin ko siya ng maraming kendi
10. Sa iyong pag-uwi ng bahay, nadatnan mo na ang iyong kapatid ay giniginaw dahil mataas ang lagnat.
a. Kukumutan ng makapal na kumot b. Papainumin ng kape
c. Pupunasan ng bimpo na malamig
11. Lunes ng umaga, mayroong palatuntunan sa bulwagan ng inyong paaralan. Nakita mo na ang iyong kaklase
na pilay ay nakatayo lang sa may unahan ng bulwagan dahil wala nang bakanteng upuan.
a. Titingnan ko siya at pagatatawanan dahil siya ay walang upuan
b. Lalapitan ko siya upang ibigay sa kaniya ang aking upuan
c. Mananatili ako sa aking upuan at hahayaan ko na lang siyang nakatayo hanggang mataps ang palatuntunan
12. Sa inyong talakayan sa klase ay sumagot ang kaklase mong may bingot. Hindi ninyo masyadong
naunawaan ang kaniyang sinasabi.
a. Makikinig ako sa sagot ng kaklase ko
b. Tatayo rin ako at sasabayan ko siyang sumagot upang maunawaan ng iba kong kaklase
c. Sasabihin ko sa katabi ko ang tamang sagot
13. Nagkaroon ng palatuntunan ang mga special education children sa inyong paaralan. Unang nagpakita ng
kakayahan sa larangan ng tula ay ang hearing impaired child na si Jano. Nasa kalagitnaan na siya ng
kaniyang tula nang bigla niyang malimutan ang susunod na linya. Kung ikaw ay isa sa mga manonood, ano ang
dapat mong gawin?
a. Tatawanan ko si Jano
b. Tatawagin ko siya upang maupo na
c. Tatahimik ako at mananalangin na sana ay maalala niya ang nalimutang linya
14. Papauwi ka na ng bahay nang makita mo ang kaklase mong mabagal maglakad dahil siya ay naaksidente
at naputulan ng kanang paa. Ano ang dapat mong gawin?
a. Bibilisan ko ang paglalakad upang maunahan ko siya
b. Maglalakad ako na parang hindi ko siya nakikita
c. Tutulungan ko siyang magdala ng kaniyang gamit
15. Inutusan ka ng nanay mo na bumili sa tindahan at nakita mo doon na kinukutya ang isang batang may
kapansanan. Ano ang dapat mong gawin?
a. Sasabihan ko ang batang may kapansanan na huwag pansinin ang mga batang nangungutya
b. Lalapitan ko ang mga batang nangungutya upang pagsabihan
c. Sasamahan kong umalis sa tindahan ang batang may kapansanan
B. Isulat ang Tama o Mali sa patlang.
__________16. Makipagkuwentuhan o makipag-usap sa may karamdaman upang kumustahin ang kaniyang
kalagayan
__________17. Ibigay ang pangangailangan ng may karamdamang kapilya at kaibigan
__________18. Sasama ako sa nanay ko para dumalaw sa may karamdaman sa pagamutan o ospital
__________19. Dadalhan ko ng sariwang prutas ang may karamdaman kong kaibigan
__________20. Maglalaan ako ng oras sa pagdarasal sa may karamdaman
__________21. Maghahandog ako ng isang masayang awitin lalo na sa may karamdaman
__________22. Magbibigay ako ng get well soon card sa kaibigang may karamdaman
__________23. Magkukuwento ng mga malulungkot na pangyayari sa paaralan sa kaklaseng may
karamdaman
__________24. Magdadala ako ng sariwang prutas sa kapitbahay na may karamdaman
__________25. Hahayaan ko ang kaibigan kong may karamdaman
__________26. Akayin sa paglalakad ang kamag-anak na bulag
__________27. Pagtawanan ang kaklaseng may bingot
__________28. Makipagkaibigan sa taong may kapansanan
__________29. Bigyan ng upuan ang batang pilay
__________30. Tuksuhin ang kalaro o mga batang duling

________________________
Lagda ng magulang

You might also like