You are on page 1of 3

Pangalan:_______________________________________________________Iskor:___________

Edukasyon Sa Pagpapakatao
A. Suriing mabuti ang mga sumususunod na larawan. Alin sa mga ito ang dapat naisagawa bilang pagtulong at pag-aalaga sa
may mga kapansanan at karamdaman? Lagyan ng masayang mukha ang kahon at malungkot na mukha ang hindi. ( 1-6)

B. Basahing mabuti ang mga pangungusap at bawat sitwasyon. Isulat ang titik ng tamang sagot.
____7. Nabalitaan mo na ang iyong guro ay hindi pumasok dahil masama ang pakiramdam.
a. sisigaw ng “Yesss wala kaming pasok”! b. pagtatawanan siya
c. dedma lang d. ipagdarasal ko siya
____8. Ang nakababata mong kapatid ay nilalagnat.
a. papagalitan siya b. aalagaan ko siya c.hindi papansinin d. ikukulong ko sa kwarto
____ 9. Ang iyong kaklase ay umiiyak dahil sa tindi ng sakit ng tiyan.
a. pagtatawanan siya b.hindi kikibo c. sasamahan ko sa klinika d. pagagalitan ko siya
____10. Pinuntahan ninyo ng mga kaibigan mo ang isa pa ninyong kaibigan upang sumama sa plano ninyong paglalaro sa
inyong bahay. Ngunit nadatnan ninyo siya sa kanyang tahanan na nakahiga sapagkat siya ay nilalagnat.
a.Yayayain pa ring maglaro . c. Titingnan lang at uuwi ng bahay
b. Aaliwin siya sa kanyang tahanan para hindi malungkot. D. pagtatawanan siya
____11.Niyayaya ka ng bago mong kapitbahay sa paglalaro ng patintero, ano ang gagawin mo?
a.hindi papansinin kasi taga-ibang lugar c. makikipaglaro ako sa kanya
b. magmamayabang na di ka pwede makipaglaro d.ipapakita mong may iba kang kalaro
____12. Ikinagalit ng lider ng pangkat ang pagsali ni Baron sa kanilang pagsayawdahil sa kanyang suot na lumang damit,
narinig mo ito, ano ang gagawin mo?
a. sumasang-ayon ka sa sinabi n glider
b. pagsasabihan ko ang lider na ‘wag magalit basta malinis naman ang damit
c. aalis na lang ako sa pangkat at hahanap ng ibang grupo
d. sisigawan ko an glider at paaalisin ko si Baron sa pangkat
____13. Lunes ng umaga, mayroong palatuntunan sa covered court. Nakita mo na ang iyong
kaklase napilay ay nakatayo lang sa may unahan dahil wala nang bakanteng upuan, ano
ang dapat mong gawin?
a. hahayaan ko lang siyang nakatayo hanggang matapos. b. ibibigay ko ang aking upuan.
c. sasabihin kong umuwi na lamang siya d. hihilahin ko palabas ng covered court
____14. Sa inyong talakayan sa klase ay sumagot ang kaklase mong may bingot. Hindi ninyo masyadong naunawaan ang
kanyang sinabi, ano ang dapat mong gawin?
a. Makikinig ako sa kanya kahit di ko maunawaan.
b. Tatayo rin ako at sasabayan ko siyang sumagot upang maunawaan
ng iba kong kaklase. c. Sisigawan ko siya dahil di ko naunawaan d. Pauupuin ko siya.
____15. Nagkaroon ng palatuntunan ang mga special education children sa inyong paaralan. Unang nagpakita ng kakayahan sa
larangan ng tula ay ang hearing impaired child na si Janno. Nasa kalagitnaan na siya ng kanyang tula nang bigla niyang
makalimutan ang susunod na linya, kung ikaw ay isa sa mga nanonood, ano ang gagawin mo?
a. Pagtatawanan ko si Janno. b. Tatawagin ko siya para umupo na
c. Tahimik akong mananalangin n asana ay maalala niya ang nalimutang linya.
d. Pagsasabihan ko siya na bumaba na.
____16. Pauwi ka ng bahay nang makita mo ang kaklase mong mabagal maglakad dahil siya ay naaksidente at naputulan ng
kanang paa. Ano ang dapat mong gawin? a. Bibilisan ko ang paglalakad upang maunahan ko siya. b. Maglalakad ako
na parang hindi ko siya nakita.
c. Tutulungan ko siyang magdala ng kanyang gamit. d. Gagayahin ko ang paglalakad niya
____17. Inutusan ka ng nanay mo na bumili sa tindahan at nakita mo doon na kinukutya ang
isang batang may kapansanan, ano ang dapat mong gawin?
a. Sasabihan ko ang batang may kapansanan na huwag pansinin ang mga batang nangungutya. b. Lalapitan ko ang mga
batang nangungutya upang pagsabihan.
c. Sasamahan kong umalis sa tindahan ang batang may kapansanan.
d. Sasama ako sa mga batang nangungutya.
____18. Sa iyong paglalakad, nakita mo ang iyong kapitbahay na naglalakad na malapit na sa
kanal dahil nagtitext gamit ang cellphone ano ang gagawin mo?
a. Titingnan lang at hihintaying mahulog sa kanal. b. Pupuntahan ko siya at aakayin palayo sa kanal.
c. Pagagalitan ko siya dahil naglalakad na walan kasama. d. Pagtatawanan siya.
____19. May isang batang nakatingin sa iyo habang kumakain kayo sa restoran, ano ang gagawin mo?
a. Itataboy ko siya palayo ng restoran. b. Babatuhin ko ng pagkain sa mukha niya.
c. Tatayo ako at bibigyan ko siya ng pagkain d. Sisigawan na lumabas siya.
____20. Nakita mong naglalaro ang batang punit-punit ang damit, ano ang gagawin mo?
a. Yayayain ko siyang maglaro kami at bibigyan ko ng mga lumang damit.
b. Pababayaan lang dahil ayokong makipaglaro sa ganong bata.
c. Sisigawan kong umuwi na lang siya dahil mabaho siya. d. Iinggitin ito.
II. Pagmasdan ang mga larawan, ano ang dapat mong gawin sa mga sumusunod na sitwasyon;
( 21-25) Bilugan ang titik ng tamang sagot.
21. Habang naglalakad ay nakita mo siya….
a. pagtatawanan b. hindi papansinin
c. sisigawan
d. bibigyan ko ng damit at pagkain
22. Nadaanan mo ang batang ito papasok ng paaralan…
a. titingnan lang b. tutulungang makatayo
c. pagagalitan
d. sasabihing”buti nga sa iyo”.

23. Nakita mong binubully ang batang ito ng isang grupo..


a. tatakbo palayo b. pagsasabihan ang tatlong bata
c. susuntukin silang tatlo d. titingnan lang
Kinuha ng isang lalaki ang baston ng pilay…
a. pagsasabihan ang kumuha ng baston niya b.pababayaan ko lang
c. pagtatawanan ang pilay
d. sisigawan ko sila
24. Pag-uwi mo ng bahay ay nadatnan mo ang lolo mong ganito….
a. dadalhin ko sa pinakamalapit na pagamutan
b. di papansinin c. tatakbo palayo
d. pagagalitan ko
IV. Suriin ang bawat larawan sa ibaba. Sumulat ng isang pangungusap kung bakit dapat gawin ang mga ito ng isang
responsableng bata o mag-aaral. (26-30)
Hal. Ginagawa ko po ito para mapangalagaan ang gawain ni nanay
at makatutulong pa ako sa kalinisan at pagpapaganda ng kapaligiran.

25. ____________________________________________________________________________

26. ____________________________________________________________________________

27. ____________________________________________________________________________

28.____________________________________________________________________________

29. ____________________________________________________________________________

30. ____________________________________________________________________________

V. Isulat ang Tama kung ang pangungusap ay nagpapakita ng pakikiisa sa kapwa bata at Mali naman kung hindi.
_________31. Pagtulong sa mga gawaing bahay na may ngiti sa mga labi habang ginagawa ito.
_________32. Pagsali ng bukal sa kalooban sa mga paligsahan sa barangay.
_________33. Ipinagyayabang ang natatanging kakayahan sa kaibigan.
_________34. Palakaibigan sa mga bagong lipat na kapitbahay.
_________35. Pamimintas o panlalait sa mga palabas sa palatuntunan sa pamayanan.
_________36. Pagtulong sa mga kaklase sa paggawa ng takdang aralin.
_________37. Pagkukulong sa loob ng bahay dahil sa mga kalarong madudungis.
_________38. Pakikipag-away sa mga kalaro kapag siya ay natalo sa laro.
_________39. Kusang-loob na nakikiisa sa pagtatanim ng mga halaman sa paaralan o barangay
_________40. Pangangalagaan ang mga likas yaman ng ating bansa.

You might also like