You are on page 1of 4

SUMMATIVE TEST IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (4th QUARTER)

SY 2021-2022
Pangalan: ______________________________ Iskor: ________________
Seksyon: _______________________________ Petsa: ________________

Isulat ang TAMA kung tungkol sa pagmamahal sa mga may kapansanan ang pahayag
sa bawat bilang, MALI kung hindi.

_________1. Nakita mong kinapitan at pinaglambitinan ng kapatid mo ang wheelchair ng


taong nakaupo na pinutulan ng paa sinaway mo at humingi ka ng paumanhin.
_________2. Tinulungan mong magluto ang kaibigang walang braso.
_________3. Nakita mong pinagtatawan ng mga kalaro mo ang batang bingi, tinukso mo
rin siya.
_________4. Inalalayan mo ang matandang bulag na tatawid.
_________5. Lagi mong binibigyan ng baon mong pagkain ang kaklaseng maysakit na
epilepsy.
_________6. Pakikipag-kaibigan sa isang taong may kapansanan.
_________7. Pagmamaltrato sa isang kapatid na bingi.
_________8. Paggalang sa katangian ng isang kaklaseng bulag.
_________9. Unawain ang mga may kapansanan na limitado ang kanilang magagawa
ngunit maari rin nilang magawa ang gawain ng isang normal na tao.
_________10. Turuan ang kapatid na ipinanganak na walang mga braso na maging
independent sa araw-araw na gawain gaya ng pagluluto, paglilinis, at iba pa na
gamit ang mga parte ng katawan na mayroon siya.

II. Suriin ang bawat sitwayon at piliin ang tamang sagot.


________11. Nagkamali ang kaklase mo sa pagbigkas, pinagtawanan siya ng iyong katabi. Ano ang iyong
gagawin?
a. Sasawayin ko ang aking katabi sa pamamagitan ng senyas at kakausapin pagkatapos ng klase.
b. Pagsasabihan ko siya nang malakas para malaman ng lahat ang ginawa niya.
c. Sasabihin ko sa aking kaklase na pinagtawanan siya ng katabi ko.
d. Hindi ko na lang iya papansinin.
________12. Napansin mong nag-iisa at hindi kasali sa inyong laro ang bago ninyong kaklase.
a. Sasabihan ko siyang pumunta sa silid-aklatan.
b. Itatanong ko sa mga kalaro ko kung isasali nila siya.
c. Yayayain ko siyang sumali sa aming larong basketball.
d. Aayaw na ako at sasamahan ko na lamang ang aking bagong kaklase.
_________13. Nakita mong pinagagalitan at kinukurot ng iyong kaibigan ang kapatid niyang maliit.
a. Sasabihin kong kausapin ng mahinahon ang kanyang kapatid at huwag itong saktan.
b. Imumungkahi kong isumbong na lang sa nanay niya ang kanyang kapatid.
c. Tatanungin ko iya kung ano ang ginawa ng kapatid niya.
d. Kakausapin ko ang kanyang kapatid.
________14. Dalawang beses mo nang napansin na sinasadyang patirin ng kaklase mong
pinakamalaki ang kaklase mong maliit.
a. Papatirin ko rin siya.
b. Tatahimik na lang ako
c. Pagagalitan ko ang pinatid dahil hindi siya lumalaban.
d. Isusumbong ko siya sa aming guro upang matigil na siya sa kanyang ginagawa.
______15. Tinatawag ng ibang bata ang kaibigan mo na pagong dahil mabagal itong kumilos.
a. Makikisali ako sa panunukso.
b. Sasawayin ko sila at pagsasabihan na huwag na ulitin ang tukso nila.
c. Hahamunin ko sila ng away at ipagtatanggol ang aking kaibigan.
d. Sasabihan ko silang ako lang ang pwedeng tumawag sa kanya ng pagong.

________16. Nagkasakit ang iyong kaklase kaya hindi siya nakapasok. Dahil may
cellphone number ka niya, pinadalhan mo siya ng mensahe na ___________
A. “Magpagaling ka agad.” C. “ Buti nga yan sa iyo!”
B. “Buti ka pa nagkasakit.” D. “Sana lumala pa ang iyong
sakit.”
___________17. Si Mang kanor ay putol ang mga binti subalit masipag siyang
maghanapbuhay. Isa siyang huwarang mamamayan. Ano ang ipinakikita niya sa
mga tao?
A. Ipinakikita niya na bawat tao ay may pag-asang mabuhay ng marangal
at umunlad maging masipag at matiyaga lamang.
B. Ipinakikita niya na mas magaling siya sa mga taong walang kapansanan.
C. Ipinakikita niya na mahirap mabuhay at makisalamuha sa mga tao.
D. Ipinakikita niya na hindi niya kailangan ang tulong ng ibang tao.

__________18. “Habang may buhay; may pag-asa.”; ito ang mga katagang __________.
A. Nagbibigay ng pag asa sa mga pinanghihinaan nang loob.
B. Nakapanghihina ng loob ng isang tao .
C. Nakakaboring basahin.
D. Hindi ko gusto.

_________19.Mahalaga ba na magpakita at magpadama ng pag asa sa ibang tao?


A. Ito ay mahalaga dahil lumalakas ang kanilang kalooban at
napaglalabanan ang kanilang kahinaan sa buhay.
B. Ito ay mahalaga dahil lumalakas ang kanilang kalooban kaya nagiging
mapagmataas sila.
C. Ito ay hindi mahalaga sa buhay ng tao.
D. Ito ay nakakaapekto sa pag-iisip ng isang tao.

__________20. Araw nang patimpalak sa Larangan ng Pag-awit, napansin mong balisa ang kaibigan mo
dahil siya na ang susunod na aawit. Katabi mo siya. Ano ang
gagawin mo?
A. Palalakasin ko ang kanyang kalooban sabay sabing “ Kaya mo yan; Ikaw
pa!”
B. Sasabihin ko sa kanya na kung hindi niya kaya ay wag nang umawit.
C. Sasabihin ko sa kanya na awitin na lang kahit hindi galingan makatapos
lang siya.
D. Sasabihin ko sa kanya na umuwi na siya habang hindi pa tinatawag.

_________21. Sa tuwing pinanghihinaan ng loob ang iyong kaibigan, ito ang iyong sinasabi
___________.
A.Kaya mo yan!’ C. “Hindi mo yan kaya!”
B. “Hayaan mo na yan!” D. “Arte nito, hindi naman
bagay!”

__________22. Karamihan sa mga kaklase mo ay nagkopyahan sa kanilang takdang aralin


sapagkat mahirap ito. Ano ang nararapat mong gawin?
A. Hindi ako nangopya; pinagsumikapan kong sagutan ang aking
takdang aralin.
B. Hindi na lang ako gagawa dahil mahirap.
C. Mangongopya na lang ako para hindi na mahirapan pa
D. Hindi na lang ako papasok sa paaralan.

__________23. Nakita mong pinatid ng isang malaking bata ang kaklase mong malabo ang mata.
Tinulungan mo siyang bumangon. Ano ang dapat mong gawin upang maiwasan nang maulit ang
pangyayaring ito?

A. Sasamahan ko siya sa aming guro upang sabihin ko ang nangyari.


B. Hindi na lamang ako kikibo upang hindi madamay.
C. Aawayan ko ang batang pumatid para matakot.
D. Pagsasabihan ko siya na huwag tatanga-tanga para hindi na
maulit pa.

__________24. May bago kang kaklase. Hindi siya marunong magsalita ng Bikol kung
kaya’t malungkot siya sa isang tabi. Ano ang gagawin mo?
A. Tuturuan ko siyang magsalita ng Bikol.
B. Hahayaan ko na lang siya sa isang tabi.
C. Pagtatawanan ko siya dahil hindi marunong magsalita ng Bikol.
D. Iiwasan ko siya dahil hindi marunong umintindi ng salitang Bikol.

__________25. Napansin mong maraming kalat sa silid aralan. Sinabi nang guro na iwasan
na ang pagtapon ng basura kung saan-saan subalit may mga kaklase ka pa ring
nagkakalat ng basura. Ano ang gagawin mo?
A. Ipapaalam sa guro ang mga kaklaseng nagkakalat upang mapagsabihan.
B. Makikigaya na rin sa pagkalat ng basura total pare-pareho namang mapapagalitan
C. Sasapakin ang kaklaseng nagkakalat ng basura kasi hindi sumusunod sa guro.
D. Hindi papansinin ang mga nagkakalat ng basura.

________26. Ang pagtulong sa kapwa ay pagpapakita ng ________


A. pagkamuhi B. pagmamahal C. pagkamakasarili D. pagkaawa

_________27. Dahil mahal tayo ng diyos, binigyan Niya tayo ng kakayahang _______ ng
ating kapwa.
A. magalit B. malungkot C. mahiya D.magmahal

28. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa pagpapakita ng pagmamahal


sa kapwa?
A. pagbigay ng mga lumang damit C. pagbigay ng pagkain sa pulubi
B. pagbigay ng mga lumang laruan D. pandidiri sa batang lansangan

_______29. Ang pagtulong sa kapwa ay ____________________.


A.pagkamatulungin B. pagmamataas C. pagkamasipag D.pagkamagalang

30. Ang pagtulong sa nangangailangan ay pagpapakita ng ____________ saDiyos.


A. paglabag B. pagmamahal C. pagtalikod D. paglaban

________31. May kaibigan kang hirap na hirap sa buhay. Nakita mong may may damit ka
ng hindi ginagamit. Ano ang gagawin mo?
A. Ibigay ito sa kanya C. Ipagbili sa ukay-ukay
B. Itago sa cabinet D. Pabayaran na lang sa
kanya ng mura.

_________32. Nagkaroon ng kalamidad sa kalapit bayan ninyo. Marami ang pamilyang


nasalanta kung kaya nanawagan ang kapitan ng inyong barangay na magbigay
tulong sa kanila. Ano ang gagawin mo?
A. Kukunin ang mga laruan at mga damit na hindi na ginagamit upang
maibigay sa kanila.
B. Hahayaan na lang ang panawagan.
C.Ako ay mapipilitan lamang na ibigay ang mga luma kong damit.
D. Hindi na ako magbibigay kasi may mga magbibigay naman ngtulong.

__________33. Kung ikaw ay may sapat na kakayahan upang tumulong sa kapwa, nanaisin mo rin bang
makatulong sa kanila?
A. Oo dahil ang tumulong sa mga nangangailangan ay paraan ng
pagpapakita ng pagmamahal sa Diyos.
B. Oo dahil humihingi sila ng tulong.
C. Oo na kahit napipilitan lang ako.
D. Hindi dahil aasa sila na laging may tumutulong kaya maghihintay

_________34. Ang ____________ ay isang paraan ng pagpapakita ng pananalig sa Diyos.


A. pagsimba C. pag-aaral
B. paglalaro D. pakikipagkuwentuhan
________35. Ako ay _______________ sa loob ng pook sambahan o simbahan.
A.naglalaro C. kumakain
B. nakikipagkuwentuhan D. nagdarasal
_________36. Habang ikaw ay nagdarasal, ang iyong katabi ay gustong makipaglaro sa iyo.Ano ang
gagawin mo?
A.Pagsasabihan ko siya na pagkatapos na lang ng pagsimba kami maglalaro
at ipagpapatuloy ko ang aking pagdarasal
B. Titigil na ako pagdarasal at uuwi na.
C. Sasapukin ko siya kasi maingay.
D. Paalisin ko siya sa tabi ko.
_________37. May kamag-aral ka na konserbatibong manamit dahil sa relihiyong
kinaaaniban niya. Pinagtatawanan siya na iba mong mga kaklase dahil baduy raw.
Ano ang gagawin mo?
A. Igagalang ko ang kanyang paniniwala at pagsasabihan ang mga kaklase.
B. Pagtatawanan ko rin kasi baduy siya.
C. Iiwasan ko siya kasi baka pagtawanan rin ako.
D. Wala akong pakialam sa kanila.

___________38. Nakita mo na pinupunit ng iyong kamag-aaral ang mga pahina ng isang banal na aklat.
A. Sasabihin ko na sunugin na lang niya para hindi na siya mapagod sa
pagpunit nito.
B. Sasabihin ko na huwag niyang punitin ang mga pahina ng banal na aklat.
C. Hahayaan ko na lamang si ya sa kanyang ginagawa.
D. Tutulungan ko na siya sa pagpunit ng Koran.

___________39. Malakas ang tunog ng radio habang nakikinig ang iyong tatay ng balita.
Narinig mong nagdarasal ang mag-anak na Muslim na inyong kapitbhay.
A. Magpapaalam ako sa aking tatay na hihinaan ko ang radio dahil
nagdarasal ang aming kapitbahay.
B. Tatahimik na lamang ako habang habang sila ay nagdarasal.
C. Hihintayin ko ang aking tatay na sabihan akong hinaan ang radio.
D. Lalo kong lalakasan ang tunog nito.
___________40. Alam mong pupunta ang kaibigang Muslim ng iyong kapatid sa inyong bahay sa araw
ng piyesta.
A. Sasabihin ko sa kanya ang mga handa naming walang sahog na baboy
na maari niyan kainin.
B. Sasabihin ko sa aking nanay na puro lutong may karne ng baboy ang
dapat naming ihanda.
C. Sasabihan ko ang ate ko na huwag na lang siyang papuntahin.
D. Sasabihan ko na masarap ang lutong karneng baboy sa kanya.

You might also like