You are on page 1of 2

Week 3

Mathematics

A.Tukuyin ang katumbas na sukat batay sa nakasaad na yunit ng sumusunod na mga


bilang.

1. 12 metro = ______ sentimetro 6. 3 litro = ______ mililitro


2. 400 sentimetro = _____ metro 7. 14 000 gramo = ____ kilogramo
3. 9 metro = ______ sentimetro 8. 15 kilogramo = ______ gramo
4. 14 kilogramo = _______ gramo 9. 25 metro = ______ sentimetro
5. 900 gramo = ______ kilogramo 10. 8 000 mililitro = ______ litro

B.Tukuyin ang katumbas na sukat ayon sa nakasaad na yunit. Bilugan ang letra ng tamang
sagot.
.
1. Ilang sentimetro ang katumbas ng 10 metro?
A. 1 B. 10 C. 100 D. 1 000
2. Ilang metro ang katumbas ng 2 000 sentimetro?
A. 2 000 B. 200 C. 20 D. 2
3. Ilang litro ng tubig ang kailangang isalin sa timba na naglalaman ng 10 000 mililitro?
A. 1 B. 10 C. 100 D. 1 000
4. Ang magkakaibigang sina Lyn, Bina, at Mila ay bumili ng tig-iisang kilong prutas para
sa gagawin nilang fruit salad. Ilang gramo lahat ang biniling prutas ng magkakaibigan?
A. 30 B. 300 C. 3 000 D. 30 000
5. Si Lara ay may biniling 5 Litrong pineapple juice. Ilang mililitro ang katumbas nito?
A. 50 B. 500 C. 5 000 D. 50 000

MTB
Pagsunud-sunurin ang mga hakbang sa paglalaba. Isulat ang Una, Ikalawa, Ikatlo, Ikaapat
at Panghuli sa patlang.
_______________ 1. Ihanda ang mga gamit panlaba tulad ng sabon, batya, timba, at tubig.
_______________ 2. Kusutin ang mga damit sa tubig na may sabon hanggang matanggal ang
dumi.
_______________ 3. Ilagay ang mga damit sa batyang may tubig at sabon. Unahin palagi ang
puti bago ang may kulay.
_______________ 4. Banlawan ang mga damit upang matanggal ang sabon.
_______________ 5. Isampay upang matuyo.

PE
Isulat sa patlang ang T kung tama ang sagot at M kung mali.
__________1. Ang bola ay mahalagang kagamitan sa ritmikong himnastiko.
__________2. Mahirap isagawa ang paggamit ng bola sa himnastiko.
__________3. Maaring gamitin ang malaking bola kahit maliit ang bata.
__________4. Isinasaalang-alang ang hitsura ng bata sa pagsasagawa ng himastiko gamit ang
bola.
__________5. Makakatulong ang bola para sa himnastikong gawain.

Health
Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang salitang TAMA kung ito ay nagsasaad
ng gawaing pangkaligtasan sa kalsada at MALI naman kung hindi.
_______ 1. Naglalakad paharap sa daloy ng trapiko.
_______ 2. Sumunod sa batas trapiko.
_______ 3. Gumagamit ng pook tawiran para sa mga tumatawid.
_______ 4. Tumatawid sa tamang tawiran.
_______ 5. Laging alerto kung nasa kalsada.
_______ 6. Tumitigil sa gitna ng kalsada para maglaro.
_______ 7. Nakikipagtulakan sa kasama habang tumatawid.
_______ 8. Tumawid kung kulay berde ang ilaw trapiko.
_______9. Tumingin sa kaliwa at kanang bahagi ng kalsada bago tumawid.
_______10. Pakinggan muna ang ugong ng sasakyang paparating bago tumawid.

Arts
Paggawa ng hand puppet gamit ang Bag na papel.

Ang mga bata ay gagawa po ng hand puppet at ipapasa po sa Wednesday


(April 25,2024)

You might also like