You are on page 1of 4

ESP-WEEK 4-5

Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon. Ano ang maaari mong ipayo o sabihin sa bawat sitwasyon?
1. Hindi makakapasok si Ana sa darating na pasukan sapagkat may malubhang karamdaman ang kaniyang ama.
Gagamitin muna nila ang perang pangmatrikula para sa pagpapagamot ng kaniyang ama. Nag-aalala siya sa
kanilang suliranin. Ano ang sasabihin mo kay Ana?
2.Umiiyak ang iyong kaibigang si Albert dahil nawala ang kaniyang perang pambili sana ng bagong sapatos na

matagal na niyang pinapangarap. Inipon niya ito ng halos isang taon mula sa pagtitinda ng mga kakanin. Ano
ang iyong sasabihin sa kaniya?
3.

Dinapuan ng sakit ang kalabaw ni Mang Karlos na siya niyang katulong sa pagsasaka araw-araw. Kitang-kita sa
kaniyang mga mukha ang pag-aalala at kawalan ng pag-asa. Ano ang sasabihin mo kay Mang Karlos?

FILIPINO
Gamit ang mga panuntunan sa pagsulat ng talata na nasa inyong notebook, sumulat ng talata na may 3-
5 pangungusap.
Ang Paborito kong Laruan

_________________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________

Araling Panlipunan
Pag-ugnayin ang imprastraktura sa kanyang kahalagahan. Isulat ang titik ng tamang sagot.

a.Tulay at Daan c. Waterdam e. Cellular Phone

b.Irigasyon d. Palengke

______1. Ito ay isang maayos na lugar kung saan maaring makabili ng pangunahing produkto ang mga
mamamayan.
_____2. Sa pamamagitan nito nagkaroon ng 2 hanggang 3 beses sa isang taon ang pagtatanim ng palay ang
mga magsasaka.
_____3. Napakahalaga sa mga taga-Metro Manila ang pagkakaroon nito,kung saan nagmumula ang suplay ng
tubig na gamit sa pagluluto at pag-inom ng mamamayan.
_____4. Sa pamamagitan nito, nagiging mas Madali ang pagdadala ng mga pangunahing produkto mula sa mga
probinsya patungo sa pamilihan.
_____5. Makabagong teknolohiya upang magkaroon ng mabilis na ugnayan ang mga tao.

SCIENCE
Kopyahin at unawain ang aralin sa kanilang notebook.

Ang panahon ay pansamantalang lagay ng atmospera sa isang lugar na maaaring magbago bawat oras.

Iba’t Ibang Uri ng Panahon

1. Maaraw. Ito ay uri ng panahon na nagpapakita ng mataas na sikat ng araw. Ang panahon na ito ay may
kainitan. Ito ang magandang panahon upang magpatuyo ng nilabhang damit.

2. Maulap. Ito ay lagay ng panahon na kung saan makikita natin ang kumpol ng mga ulap sa kalangitan. Ito
ang magandang panahon para sa paglalaro o pamamasyal sa parke.

3. Maulan. Ito naman ay panahon na makulimlim ang langit. Nararanasan natin ang pagbagsak o pagpatak ng
tubig mula sa ulap. Ito rin ang tamang panahon ng pagtatanim ng mga magsasaka.

4. Mahangin. Ito ay lagay ng panahon na nararamdaman natin na malakas ang

ihip ng hangin. Maganda ang panahong ito para magpalipad ng saranggola.

5. Bumabagyo. Ito ang uri ng panahon na nagpapakita ng malakas na ihip ng hangin, malalaki at malalakas na
patak ng ulan. Kapag sobra ang dalang ulan, nagdudulot ito ng landslide o pagguho ng lupa at pagbaha naman
sa mababang lugar.

Music

Halina at tukuyin natin ang tekstura ng mga sumusunod na larawan. Iguhit ang kung solo,
kung may saliw ng instrumento o boses at kung maraming himig na sabay-sabay.
Mathematics Week 4
Basahin at unawaing mabuti ang suliranin sa bawat bilang. Lutasin ito gamit ang iba’t ibang
pamamaraan ng paglutas ng suliranin na may kaugnayan sa pagsasalin.

1.Si Sharon ay gumamit ng 25 litrong tubig sa pagdidilig ng halaman at 30 litrong tubig sa paglilinis ng bahay.
Ilang mL na tubig lahat ang kaniyang nagamit?
Ano ang itinatanong sa suliranin? ________________________________________________________
Ano ang mga datos na ibinigay? ________________________________________________________
Ano ang operasyong gagamitin? ________________________________________________________
Ano ang pamilang na pangungusap? ____________________________________________________
Ano ang tamang sagot? _________________________________________________________________

2. Ang tatay ni Albert ay nagpadala ng isang kahong naglalaman ng mga tsokalate mula sa ibang bansa. Ang
kahon ay may bigat na 12 kg. Ilang gramo ang bigat ng kahong naglalaman ng mga tsokolate?
Ano ang itinatanong sa suliranin? ________________________________________________________
Ano ang mga datos na ibinigay? ________________________________________________________
Ano ang operasyong gagamitin? ________________________________________________________
Ano ang pamilang na pangungusap? ____________________________________________________
Ano ang tamang sagot? _________________________________________________________________

3. Umabot sa 4 na kilometro ang nilakbay ng mag-anak na Delos Reyes pauwi sa kanilang probinsiya. Ilang
sentimetro ang layo ng nilakbay ng mag-anak pauwi ng probinsiya?
Ano ang itinatanong sa suliranin? ________________________________________________________
Ano ang mga datos na ibinigay? ________________________________________________________
Ano ang operasyong gagamitin? ________________________________________________________
Ano ang pamilang na pangungusap? ____________________________________________________
Ano ang tamang sagot? ________________________________________________________________

You might also like