You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF NUEVA ECIJA
Brgy.Rizal, Santa Rosa, Nueva Ecija

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO V


Pangalan: ________________________________________ Iskor:________
Baitang at Seksyon: ________________________________________________ Petsa:_________________

Tukuyin ang wastong salin sa Filipino ng mga sumusunod na hiram na salita sa bawat bilang. Isulat ang titik ng tamang
sagot.

___1. high school a. haiskul b. hayskul c. heiskul d. heskul

___2. score a. eskor b. iskur c. iskor d. iskore

___3. cake a. kyeyk b. keyk c. kik d. kake

___4. magazine a. magasin b. magazin c. megasin d. magaseyn

___5. teacher a. titser b. titsher c. titsir d. teytser

Basahin ang maikling talambuhay at ibigay ang mahahalagang pangyayari sa buhay ni Noes a pamamagitan ng pagsagot
sa mga tanong.

Maikling Talambuhay Ni Noe


Si Noe ay anak ni Lamec na mula sa angkan ni Set, ang ikatlong anak nina Adan at Eba na sinasabi sa Bibliyang
pinagmulan ng lahat ng lahi sa mundo. Si Lamec ay nasa edad na 182 nang ipanganak si Noe. Sinabi ni lamec, “ang
anak kong ito ang makatutulong sa kahirapan natin.”
Si Noe ay isang magsasaka at kauna-unahang taong nagtanim ng ubas sa mundo. Siya ang pinakamatuwid o
pinakamabuting taong namuhay sa mundo nang kanyang kapanahunan. Siya ay nabiyayaan ng tatlong anak na
lalaki nang siya ay 500 taong gulang na --- sina Shem, Cam at Jafet. Nang siya ay 600 taong gulang ay saka
dumating ang malaking baha sa mundo. Sa kanya nakipagtipan ang Diyos, isang taon matapos ang pag-ulan, na
kailanman ay hindi na lilipulin ng Diyos ang tao gamit ang tubig. Nabuhay pa siya nang 350 taon pagkatapos ng
pagbaha. Namatay siya sa edad na 950.

6. Sino ang ama ni Noe? Ibigay ang kanyang sinabi nang ipanganak si Noe.
_______________________________________________________________________________________
7. Ano ang naging ambag niya sa mundo bilang isang magsasaka?
_______________________________________________________________________________________
8. Anong mahalagang pangyayari ang naganap sa kanyang buhay nang siya ay 500 taong gulang?
_______________________________________________________________________________________
9. Nang si Noe ay 600 taong gulang , anong mahalagang pangyayari ang naganap sa mundo?
_______________________________________________________________________________________
10. Anong naging pangako ng Diyos kay Noe matapos ang pagbaha?
______________________________________________________________________________________

Basahin at unawain ang talata sa bawat bilang at isulat ang paksa sa patlang.

11.

Isang bakasyon, sa likuran ng lumang bahay nina tatay sa probinsiya ng Misamis Occidental, Munisipyo ng
Jimenez, isang lumang barya ang aking nakita. Agad ko itong pinulot at pagkatapos ay tumakbo ako kay Lola.
Tinanong ko siya kung tama nga ang aking hinagap, kung ito nga ay piso ng nakaraang lipunan. Mabilis ang tugon ni
Lola, at sinabing iyon nga ang piso noong kanilang panahon. May kabigatan, hindi gaya ng hitsura ng piso ngayon.
12. ________________________________________

Kung pupunta ka sa Tipan, Sityo ng Stimson Abordo, Barangay ng Lungsod ng Ozamiz, ihanda ang iyong sarili
para sa mga pambihirang karanasan. Maliit ang sityo ng Tipan sa Lungsod ng Ozamiz. Malayo sa urban na
pamumuhay ang Tipan. Malayo sa industriyalisasyon. Kaya kung nagnanais ka ng payapa, maaliwalas, liblib na lugar ,
may sariwang ihip ng hangin, sariwang mga gulay at prutas, sa Tipan ka pumunta. Sa mgatanawin naman, nariyan
ang burol ng Hoyohoy ng Lungsod ng Tangub, sa paglubog ng araw inaabangan ng mga turista dahil sa kakaiba nitong
tanawin, ang nakamanghang zipline, ATV riding, ang parang puting usok na ulap at ang nakapaligid na ilog, at iba pa.

13. ________________________________________

Mahalagang ang mga treking shoes sa gagawing pamamasyal sa Tipan. Sa gagawin mong pagtaas at
pagbaba sa mga lalakarin, masusubok ang lakas at tibay lalo na’t kung sanay ka sa lungsod na kahit malapit lang ang
destinasyon ay sasakay ka pa. Sa Tipan mahaharap ka sa paglalakad. Kapag bibili ka sa tindahan, lalakarin mo ito
pababa, kung maghahanap ka ng makakain, pupuntahan mo ito, pababa sa pamamagitan pa rin ng paglalakad.
Upang masulit mo ang malinis at sariwang hangin lalakarin mo ang pataas pababang mga kalsada. Kung nais mo ring
pumitas ng sariwang mga bayabas, sa bukana lamang ang iyong sasakyan at maglalakad ka ulit. Sa mga
pakikipagsapalaran sa mga bangin, ibayong tibay at lakas ng mga binti at paa ang kailangan mo sa paglalakad.
Napakaesensiyal ng paglalakad sa buhay ng tao. Nagpapalusog ito ng pangangatawan.

14-16. Basahin at bigyang reaksyon ang balita.

Ayon sa Bureau of Customs ang mga nakumpiskang smuggled na sibuyas at asukal dapat ibenta sa mga
KADIWA STORES lamang upang maibsan ang kakakulangan ng suplay ng mga ito

_________________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________________________.

Basahin ang talata at sagutin ang mga sumusunod na katanungan.


Sina Carla at Mary ay matalik na magkaibigan. Sila ay nagkita sa parke kasama ang iba pa nilang kaibigan.
Napag-usapan nila ang palapit na pagsisimula ng pasukan sa susunod na buwan. Si Carla ay nasasabik na pumasok sa
paaralan habang si Mary ay kabaliktaran. Ayaw pa niyang pumasok dahil nagugustuhan na niyang palaging laro ang
inaatupag. Napag usapan din nila ang kanilang bagong silid-aralan at bagong kaklase. Umuwi sila sa hapon na masaya
at maraming napagkwentuhan.
17. Kailan nangyari ang kuwento?
a. umaga b. tanghali c. hapon d. isang buwan
18. Saan nangyari ang kuwento?
a. parke b. plaza c. peryahan d. paaralan
19. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?
a. Carla at Marya b. Carla at Mara c. Carla at Marie d. Carla at Mary
20. Ano ang katangiang ipinakita ni Carla sa binasang talata?
a. masipag mag-aral b. pabaya sa pag-aaral c. masayahin sa pag-aaral d. mapagbigay

Basahin ang anekdota. Sagutin ang mga sumusunod na tanong.


Sa isang paaralan, isang hapon nasa isang mahabang mesa ang mga guro upang magwasto ng mga modyul
galing sa mga bata. Napansin ni Gng. Rosario na mabilis magtsek ang isang guro sa unang baitang. “Gng. Altar, ang
galing mo naman. Mabilis ka ka magtsek.” Tatawa-tawang sumagot si Gng. Altar, “Ay sus, mare, mabilis ako kasi yung
mga bayad ko ng utang ang nilalagyan ko ng tsek.” Dadag pa niya, “Natapos ko na kasi itsek ang ibang
modyul kagabi kaya kaunti na lang din ang itse-tsek ko ngayon.”

21. Ano ang ginagawa ng mga guro sa paaralan?


___________________________________________________________________________
22. Ano ang napansin ni Gng. Rosario kay Gng. Altar?
___________________________________________________________________________
23. Bakit tawang-tawa si Gng. Altar sa sinabi ni Gng. Rosario?
___________________________________________________________________________
24. Magbigay ng dalawang mahahalagang pangyayari sa inyong binasang anekdota.
___________________________________________________________________________
25-33. Basahin at unawain ang teksto. Punan ang bawat kahon ng hinihinging impormasyon.
Kalamidad: Paano Mapaghahandaan?
Ang kalamidad ay isang pangyayari na hindi maaaring iwasan ngunit maaaring paghandaan. Isa itong
pangyayari na kumikitil ng maraming buhay at sumisira ng milyun-milyong halaga ng ari-arian. Ang mga kalamidad
tulad ng baha, lindo, landslide, tsunami at buhawi ay nag-iiwan ng napakalaking pinsala sa ating lahat. Maaari tayong
maghanda bago pa man dumating ang sakuna. Ilan sa mga paghahanda na maaari nating gawin ay ang mga
sumusunod: pag-iimbak ng maraming pagkain, malinis na inuming tubig, malinis na mga damit, powerbank para sa
mga cellphone at mga kandila o lampara kung sakaling mawalan ng kuryente. Mahalaga rin ang panonood sa
telebisyon at pakikinig sa radyo ng balita para maging updated sa mga pangyayari bago pa man dumating ang
kalamidad nang sa gayon ay mabigyan agad ng abiso ang miyembro ng pamilya na hindi pa nakakauwi sa bahay.
Siguraduhin rin nasa loob ng bahay ang mga bata upang maiwasang masaktan ang sinuman sa kanila sa oras ng
kalamidad. Ang pinaka mahalaga sa lahat ay huwag magpanik upang manatiling malinaw ang isipan.

Ano ang kalamidad? (3 puntos) Anu-ano ang mga halimbawa ng Ano ang mga paghahanda na maaari
kalamidad? (3 puntos) nating gawing upang
makaiwas sa mga sakunang dala ng
mga kalamidad? (3 puntos)

Basahin ang bawat sitwasyon sa ibaba. Piliin ang titik na nagpapahayag ng magalang na pananalita.

34. Nawala ang iyong pera sa klase. Ano ang sasabihin mo sa iyong guro?
a. Nawala ang aking pera.
b. Hanapin niyo ang aking pera.
c. Ma’am nawala po ang aking pera.
d. Ikaw ba ang kumuha ng aking pera?

35. Pinagalitan kayo ng inyong nanay dahil nag-away kayong magkakapatid.


a. Nanay, paumanhin po, hindi na po mauulit.
b. Sorry na.
c. Siya ang pagalitan mo.
d. Wala akong kasalanan.
36. Ginamit mo ang sapatos ng iyong kapatid at nakita niya itong isinusuot mo?
a. Akin na lang ito.
b. Ipagpaumanhin mo, ginamit ko ang iyong sapatos.
c. Ibabalik ko na lang sa iyo mamaya.
d. Bawal bang gamitin?
37. Nahulog ang iyong bolpen at kinuha ito ng klasmeyt mo. Ano ang sasabihin mo?
a. Huwag mong kukunin.
b. Pakibalik naman po ng bolpen ko.
c. Ibalik mo sa akin.
d. Sa akin yan
38-42.
Gumawa ng simpleng islogan hinggil sa pag-iwas sa akin. Ilagay ito sa loob ng kahon.( 5 puntos)
42-50.
Ang DSWD ay nagsasagawa ng survey sa inyong barangay para sa mga pamilya na kanilang maaaring mabigyan
ng tulong sa nagdaang kalamidad. Narito ang hinihinging impormasyon na sasagutan ng bawat pamilya. Ibigay ang
mga impormasyon o datos na hinihingi ng form (8 puntos)

You might also like