You are on page 1of 2

FILIPINO 6

IKALAWANG MARKAHAN

Pangalan: _____________________________________________Iskor: __________


I. Sagutin ang mga sumusunod. Piliin sa loob ng kahon ang tamang sagot at isulat ito sa iyong
sagutang papel papel.

1. Kaninong talaarawan ang inyong nabasa? ________________________________

2. Bakit niya naisipang sumulat ng talaarawan?


________________________________________________________________________
3. Ano ang mga impormasyon o detalye na makukuha sa isang talaarawan?
________________________________________________________________________
4. Ano ang kahalagahan ng pagsulat ng talaaraawan?
________________________________________________________________________

5. Ano ang nilalaman ng talaarawan ni Arlene? ___________________________________

6. Sino ang kanyang tinulungan? ______________________________________________

7. Saan nagkayayaang mamasyal ang kanyang pamilya? __________________________

8. Sino ang kanyang nakita sa gitna ng daan? ____________________________________

9. Ano ang tumambad sa kanilang harapan? _____________________________________

10. Saan sila naligong magpipinsan? ___________________________________________


II.
A. Basahin at unawain ang bawat pangungusap sa ibaba. Tukuyin ang bawat pangyayaring nakasaad.
Lagyan ng ☺ kung masaya, at  kung malungkot at  kung abanteng pangyayari. Isulat ang iyong
sagot sa iyong kwaderno.
_____1. Maraming handa sa kaarawan ng aking lola.
_____2. Binigyan ni Ama ng regalo si Ina sa kanilang anibersaryo.
_____3. Nabuwal ang malaking puno dahil sa malakas na hangin at ulan.
_____4. Nahulog ang sasakyan sa tulay dahil nakatulog ang drayber.
_____5. Ayon sa weather forecast, may bagyong paparating sa susunod na Linggo sa may
bahaging Silangan ng Visayas, pinag-iingat ang lahat.

B. Punan ang mga patlang ng mga salitang nasa loob ng kahon na may kaugnayan sa mga nararanasan at
nasasaksihang pangyayari. Isulat ang sagot sa patlang ng bawat bilang.
1. Ang ______________ ay isang pamamaraan ng pag-aaral para matuto gamit ang mga nalimbag na mga
modyul.
2. Ginagamit ang ______________ sa pagtatakip ng ilong at bibig upang maprotektahan at makaiwas sa
pagkalat ng sakit.
3. Ang sakit na Covid-19 ay itunuturing na _______________ ayon sa Pandaigdigang Organisasyon sa
Kalusugan.
4. Ayon sa Kagawaran ng Kalusugan, maaaring gumamit ng __________ kung walang sabon at tubig.
5. Ang __________ ay pinagkukuhanan ng impormasyon sa pamamagitan ng pakikinig.
6. Maraming negosyo ngayon ang __________ dahil sa Covid-19.
7. Ang ___________ ay isang uri ng gadyet na malaking tulong sa pag-aaral ngayon.
8. Pinapayuhan ng pamahalaan ang mga mamamayan na panatilihin ang ______________ upang maiwasan
ang pagkakahawaan ng sakit na Covid-19.
9. Ang ___________ ang kaagapay ng doktor sa pagamutan upang matulungan ang mga may sakit.
10. Sa lugar ng ___________________unang naitala ang kaso ng Covid-19.
C. Ang mga sumusunod ay mga pangyayaring maaari mong masaksihan o nasaksihan na. Paano mo ito
bibigyang tugon o solusyon?

1. Nahuli mong may kodigo ang iyong kaklase habang kayo ay may pagsusulit sa Filipino.
________________________________________________________________________
2. Nasaksihan mong may naaksidente sa kalsada malapit sa inyong tahanan.
________________________________________________________________________
3. Nahulog ng kaklase mo ang kanyang pera at nakita mong pinulot ito ng isang bata ngunit hindi niya
ibinalik.
________________________________________________________________________
4. Nabasag ng iyong kapatid ang paboritong paso ng iyong ina. Nangangamba kang baka pagalitan ka ng
iyong ina sapagkat bilang nakatatandang kapatid, ibinilin niyang alagaan mo siya.
________________________________________________________________________
5. Nakita mong pinaglalaruan ng mga palaboy ang munting kuting sa inyong bakuran.
_______________________________________________________________________
III. Bilugan ang pang-uring ginamit sa pangungusap.
1. Nais nilang tumira sa tahimik na pamayanan.
2. Masayang naglalaro ng patintero ang mga bata sa lansangan.
3. Ang suot niyang bestida ay kulay pula.
4. Nagluto ang nanay ng masarap na sopas para sa mga panauhin.
5. Malawak ang bakuran nina Pedro sa probinsiya.
6. Sariwang hangin ang bubungad sa iyo kapag ikaw ay umuwi sa probinsiya.
7. Malusog ang pangangatawan ng mga batang manlalaro.
8. Masamyo ang bulaklak ng sampaguitang itininda ng bata sa simbahan.
9. Inakyat ng mga bata ang mataas na puno ng mangga.
10. Makintab ang bagong biling sapatos ni Maria.
IV. Panuto: Ibigay ang angkop na aspekto ng pandiwa sa bawat bilang upang mabuo ang pangungusap at
isulat sa patlang kung anong aspekto ito.

___________________1. (Kain) si Jaime ng lansones kung magdadala ka nito galing Laguna.


___________________2. (Sakay) kami ng barko patungong Iloilo para bisitahin ang aking lola at lolo.
___________________3. Maagang (tawag) si Cynthia sa kanyang ina sa Manila.
___________________4. Masayang (daos) ang kaarawan ng kambal noong Sabado.
___________________5. Ang pamahalaan ay (bigay) ng ayuda sa mga nawalan ng trabado noong panahon
ng pandemya.

You might also like