You are on page 1of 12

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon III
SANGAY NG LUNGSOD NG MABALACAT

Pangalan: ____________________________Baitang at Seksiyon: ________________


Paaralan: ____________________________________ Petsa: ____________________
GAWAING PAGKATUTO BLG. 2
Filipino 9: Mga Pang-ugnay sa Pagsusunod-sunod
ng mga Pangyayari
I.Panimula
Magiging instrumento ang gawain na ito para sa iyong pagkatuto sa
mga pang-ugnay na ginagamit sa pasusunod-sunod ng mga pangyayari.
Naglalaman ito ng iba’t ibang gawaing magpapalalim sa iyong pag-unawa sa
aralin. Kailangan ko ang iyong ibayong sipag at tiyaga upang matamo mo ang
kasanayang nararapat na mapaunlad at kung may mga bahaging hindi
maintindihan, huwag mag-atubiling manghingi ng tulong sa iyong magulang,
kapatid o sinumang nakatatanda sa inyong tahanan. Gawing magaan at
kasiya-siya ang pagsagot sa gawaing pampagkatuto na ito.

II.Kasanayang Pampagkatuto
Nagagamit ang mga pang-ugnay na hudyat ng pagsusunod-sunod ng
mga pangyayari. (F9WG-Ia-b-41)

III.Mga Layunin
Pagkatapos ng gawaing pampagkatuto na ito, ikaw ay inaasahang:
1. mabigyang kahulugan ang pangatnig ;
2. maisa-isa ang mga pang-ugnay na ginagamit sa pagsusunod-
sunod ng mga pangyayari;
3. magamit ang mga pang-ugnay sa pagsusunud-sunod
ng mga pangyayari;at
4. mabigyang halaga ang gamit ng pang-ugnay sa pagsusunod-
sunod ng mga pangyayarI

1
VI.Pagtalakay

Mga Pang-ugnay sa Pagsusunod - sunod ng mga Pangyayari

Ang pang-ugnay ay mga salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang


yunit sa pangungusap, maaaring salita, dalawang parirala o ng dalawang
sugnay.
Ang mga pangatnig ay ginagamit sa pag-uugnay-ugnay ng mga
pangungusap at sugnay. Sa pamamagitan nito, napagsusunod-sunod natin
nang tama ang mga pangyayari sa isang ku-wento ayon sa tamang gamit nito.
Pangatnig ang tawag sa mga salitang nag-uugnay sa dalawang salita,
parirala o sugnay naman ang tawag sa mga kataga na nag-uugnay sa
pagsusunod-sunod ng mga pangyayari, (naratibo) at paglilista ng mga ideya,
pangyayari at iba pa sa paglalahad.

Pangatnig
1. Subalit - ginagamit lamang kung ang datapwat at ngunit ay ginamit na sa
unahan ng pangungusap
• Sadyang nakatutulong sa maraming mag-aaral ang paggamit ng
cellphone sa kanilang pag-aaral ngunit ang pagbababad dito ay
masama sa kalusugan subalit patuloy pa rin sila sa labis
paggamit nito.
2. samantala, saka – ginagamit na pantuwang
• Ang lahat ay nalungkot sa kanyang pag-alis samantalang ika’y
natuwa.
• Siya ay maawain saka matulungin sa mga mahihirap.
3. kaya, dahil sa - ginagamit na pananhi
• Umaasa ang lahat sa ayudang makukuha nila kaya naman
nagdagsaan sila sa barangay hall nang malamang mamimigay
sila ng mga ayuda
• Dahil sa umiiral na pandemya, marami ang
nawalan ng trabaho.

Transisyonal na Gamit
1. sa wakas, sa lahat ng ito – panapos
• Sa wakas nagkasundo rin ang dati’y magkaaway.
• Sa lahat ng ito, napagtanto nila na talagang mahalaga ang
pananampalataya sa buhay ng isang tao.
2. kung gayon – panlinaw
• Sinasabi mong ikaw ay isang mabuting mamamayan, kung gayon
patunayan mo ito sa pamamagitan ng pagtupad sa mga batas ng
ating bansa.

2
Pamatnubay na Tanong

Ano-ano ang mga ginagamit na pang-ugnay sa pagsusunud-sunod ng


mga pangayayari sa kuwento? Nakatutulong ba ang mga ito sa mas mabilis
na pag-unawa at pagbuo ng akda?

V.Mga Gawain

Gawain 1
Isulat ang tsek ( / ) kung ginamit sa pangungusap ang pang-ugnay at ekis (
X ) kung ito ay hindi naman.

_____1. Ang simpleng buhay sa probinsya ay kinasasabikan niya ngunit


kailangan niyang tumira sa siyudad upang makapaghanap-buhay.
_____2. Tumataas ang presyo ng mga bilihan samantalang gayon pa rin ang
sahod ng mga trabahador sa pabrika.
_____3. Kailangan niyang sumunod sa mga batas na ipinatutupad ng ating
pamahalaan hinggil sa pag-iingat sa corona virus .
_____4. Si Danding ay hinuli ng mga pulis dahil sa lumabas siya ng bahay na
walang face mask.
_____5. Ang pangatnig ay kailangan sa pagbuo ng akda.
_____6.Ang kanilang bayan ay binalot ng katahimikan matapos
magproklama ng lock down ang kanilang alkalde dahil sa patuloy na
pagdami ng tinatamaan ng COVID 19.
_____7. Isang huwarang mag-aaral si Rodelio.
_____8. Mahusay niyang ginampanan ang kanyang tungkulin.
_____9. Ang taong marunong tumanaw ng utang na loob ay pinagpapala.
_____10. Sa wakas, huminto na rin ang malakas na ulan na nagdulot ng baha
sa iba’t ibang lugar sa ating bansa.

Gawain 2
Iayos ang mga letra sa loob ng mga kahon upang makabuo ng salitang
pang-ugnay.

gunitn skaa

1.____________ 2. ____________

3
usbalit asmantla kyaa
a
3. ___________ 4. ___________ 5.___________

B. Panuto : Gamitin sa pangungusap ang mga salitang nabuo sa gawain A.


1._________________________________________________________________
2._________________________________________________________________
3._________________________________________________________________
4._________________________________________________________________
5._________________________________________________________________

Gawain 3
A. Basahin at unawain nang mabuti ang akda.

Ang Ama
(di pinangalanang awtor)
Isinalin sa Filipino ni Mauro R. Avena

Magkahalo lagi ang takot at pananabik kapag hinihintay ng mga bata


ang kanilang ama. Ang takot ay sa alaala ng isang lasing na suntok sa bibig
na nagpapatulo ng dugo at nagpapamaga ng ilang araw sa labi. Ang
pananabik ay sa pagkain na paminsan-minsa'y inuuwi ng ama -malaking
supot ng mainit na pansit na iginisa sa itlog at gulay. Ang totoo, para sa sarili
lang niya ang iniuuwing pagkain ng ama, lamang ay napakarami nito upang
maubos niya nang mag-isa; pagkatapos ay naroong magkagulo sa tira ang
mga bata na kanina pa aali-aligid sa mesa.
Anim lahat ang mga bata. Ang dalawang pinakamatanda ay isang
lalaki, dose anyos, at isang babae, onse; matatapang ang mga ito kahit na
payat, at nagagawang sila lang lagi ang maghati sa lahat ng bagay kung wala
ang ina, upang tiyaking may parte rin ang maliliit. May dalawang lalaki,
kambal, na nuwebe anyos, isang maliit na babae, otso anyos at isang dos
anyos na paslit pa, katulad ng iba, ay maingay na naghahangad ng marapat
niyang parte sa mga pinag-aagawan.
Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawang okasyon na sinorpresa
sila ng ama ng kaluwagang-palad nito - sadyang nag-uwi ito para sa kanila
ng dalawang supot na puno ng pansit guisado, at masaya nilang
pinagsaluhan ang pagkain nahirap nilang ubusin. Kahit na ang ina nila'y
masayang nakiupo sa kanila't kumain. Pero hindi na naulit ang masayang
okasyong ito.

4
Kapag umuuwi ang ama ng mas gabi kaysa dati at mas lasing kaysa dati, may
pagkakataong ilalayo ng mga bata si Mui Mui. Ang dahila'y si Mui Mui, otso anyos
at sakitin at palahalinghing na parang kuting, ay madalas kainisan ng ama.Uhugin,
pangiwi-ngiwi, ito ay mahilig magtuklap ng langib sa galis na nagkalat sakaniyang
mga binti, na nag-iiwan ng mapula-pulang mga patse, gayong pauli-ulitsiyang
pinagbabawalan ng ina. Pero ang nakakainis talaga ay ang kaniyang halinghing.
Mahaba at matinis, iyon ay tumatagal ng ilang oras, habang siya ay nakaupo sa
bangko sa isang sulok ng bahay, namamaluktot nang pahiga sa banigkasama ang
ibang mga bata, na di-makatulog. Alam nila na ang halinghing niyon ay parang
kudkuran na nagpapangilo sa nerbiyos ng ama at ito'y nakabubulahaw na sisigaw,
at kung hindi pa iyon huminto, ito'y tatayo, lalapit sa bata at hahampasin iyon nang
buong lakas. Pagkatapos ay haharapin nito at papaluin din ang ibang bata na sa
tingin nito, sa kabuuan, ay ang sanhi ng kaniyang kabuwisitan.
Noong gabing umuwi ang ama na masamang-masama ang timpla dahil
nasisante sa kaniyang trabaho sa lagarian, si Mui Mui ay nasa gitna ng isang
mahahabang halinghing at hindi mapatahan ng dalawang pinakamatandang bata
gayung binalaan nilang papaluin ito. Walang ano-ano, ang kamao ng ama ay
bumagsak sa nakangusong mukha ng bata na tumalsik sa kabila ng kuwarto, kung
saan ito nanatiling walang kagalaw-galaw. Mabilis na naglabasan ng bahay ang
ibang mga bata sa inaasahang gulo. Nahimasmasan ng ina ang bata sa
pamamagitan ng malamig na tubig.
Pero pagkaraan ng dalawang araw, si Mui Mui ay namatay, at ang ina lamang
ang umiyak habang ang bangkay ay inihahandang ilibing sa sementeryo ng nayon
may isang kilometro ang layo roon sa tabi ng gulod. Ilan sa taganayon na
nakatatanda sa sakiting bata ay dumating upang makiramay. Sa ama na buong
araw na nakaupong nagmumukmok ay doble ang kanilang pakikiramay dahil sa
alam nilang nawalan ito ng trabaho. Nangolekta ng abuloy ang isang babae at pilit
niya itong inilagay sa mga palad ng ama na di-kawasa, puno ng awa sa sarili, ay
nagsimulang humagulgol. Ang balita tungkol sa malungkot niyang kinahinatnan ay
madalingnakarating sa kaniyang amo, isang matigas ang loob pero mabait na tao,
na noon di'y nagdesisyong kunin siya uli, para sa kapakanan ng kaniyang asawa at
mgaanak. Dala ng kagandahang-loob, ito ay nagbigay ng sariling pakikiramay,
kalakipang munting abuloy (na minabuti nitong iabot sa asawa ng lalaki imbes sa
lalaki mismo). Nang makita niya ang dati niyang amo at marinig ang magaganda
nitong sinabi bilang pakikiramay sa pagkamatay ng kaniyang anak, ang lalaki ay
napaiyak at kinailangang muling libangin.
Ngayo'y naging napakalawak ang kaniyang awa sa sarili bilang isang malupit
na inulilang ama na ipinaglalamay ang wala sa panahong pagkamatay ng kaniyang
dugo at laman. Mula sa kaniyang awa sa sarili ay bumulwak ang wagas na
pagmamahal sa patay na bata, kaya madalamhati siyang nagtatawag, "Kaawa-
awakong Mui Mui! Kaawa-awa kong anak!" Nakita niya ito sa libingan sa tabi ng
gulod -payat, maputla, at napakaliit - at ang mga alon ng lungkot at awa na
nagpayanig samatipuno niyang mga balikat at brasong kayumanggi ay nakakatakot
tingnan. Pinilitsiyang aluin ng mga kapit-bahay, na ang iba'y lumayo na may luha
sa mga mata at bubulong-bulong, "Maaring lasenggo nga siya at iresponsable, pero
tunay na mahal niya ang bata".
Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kaniyang mga luha at saka tumayo.
Mayroong siyang naisip. Mula ngayon, magiging mabuti na siyang ama. Dinukot niya
sa bulsa ang perang ibinigay ng kaniyang amo sa asawa (na kiming iniabot naman
ito agad sa kaniya, tulad ng nararapat). Binilang niya ang papel-de-bangko. Isa man
dito ay hindi niya gagastusin sa alak. Hindi na kailanman. Matibay ang pasiya na
lumabas siya ng bahay. Pinagmasdan siya ng mga bata. Saan kayo pupunta, tanong

5
nila. Sinundan nila ito ng tingin. Papunta ito sa bayan. Nalungkot sila, dahil tiyak
nila na uuwi itong dalang muli ang mga bote ng beer.
Pagkalipas ng isang oras, bumalik ang ama. May bitbit itong malaking supot
na may mas maliit na supot sa loob. Inilapag nito ang dala sa mesa. Hindi
makapaniwala ang mga bata sa kanilang nakita, pero iyon ba'y kahon ng mga
tsokolate? Tumingin silang mabuti. May supot ng ubas at isang kahon yata ng
biskwit. Nagtaka ang mga bata kung ano nga ang laman niyon. Sabi ng
pinakamatandang lalaki'y biskwit; nakakita na siyang maraming kahon tulad niyon
sa tindahan ni Ho Chek sa bayan. Ang giit naman ng pinakamatandang babae ay
kendi,'yong katulad ng minsa'y ibinigay nila ni Lau Soh, na nakatira roon sa
malaking bahay na pinaglalabhan ng nanay. Ang kambal ay nagkasiya sa pandidilat
at pagngisi sa pananabik; masaya na sila ano man ang laman niyon. Kaya nagtalo
at nanghula ang mga bata. Takot na hipuin ang yaman na walang senyas sa ama.
Inip silang lumabas ito ng kaniyang kuwarto.
Di nagtagal ay lumabas ito, nakapagpalit na ng damit, at dumiretso sa
mesa.Hindi dumating ang senyas na nagpapahintulot sa mga batang ilapat ang mga
kamay sa pinag-iinteresang yaman. Kinuha nito ang malaking supot at muling
lumabas ng bahay. Hindi matiis na mawala sa mata ang yaman na wari'y kanila na
sana, nagbulingan ang dalawang pinakamatanda nang matiyak na hindi sila
maririnig ng ama. "Tingnan natin kung saan siya pupunta." Nagpumilit na
sumamaang kambal at ang apat ay sumunod nang malayo-layo sa ama. Sa
karaniwangpagkakataon, tiyak na makikita sila nito at sisigawang bumalik sa
bahay, pero ngayo'y nasa isang bagay lamang ang isip nito at hindi man lang sila
napuna.
Dumating ito sa libingan sa tabing gulod. Kahuhukay pa lamang ng puntod
na kaniyang hinintuan. Lumuhod at dinukot ang mga laman ng supot na dahan-
dahang inilapag sa puntod, habang pahikbing nagsalita, "Pinakamamahal kong
anak, walang maiaalay sa iyo ang iyong ama kundi ang mga ito. Sana'y tanggapin
mo."
Nagpatuloy itong nakipag-usap sa anak, habang nagmamasid sa
pinagkukublihang mga halaman ang mga bata. Madilim na ang langit at ang maitim
na ulap ay nagbabantang mapunit anumang saglit, pero patuloy sa pagdarasal at
pag-iyak angama. Naiwan sa katawan ang basang kamisadentro. Sa isang iglap, ang
kanina pang inip na inip na mga bata ay dumagsa sa yaman. Sinira ng ulan ang
malaking bahagi niyon,ngunit sa natira sa kanilang nailigtas nagsalo-salo sila tulad
sa isang piging na alam nilang ‘di nila mararanasang muli.

kumopya ng 5 pangungusap sa akda na ginamitan ng pang-ugnay.

1. __________________________________________________________________
2. __________________________________________________________________
3. __________________________________________________________________
4. __________________________________________________________________
5. __________________________________________________________________

B. Panuto: Isulat ang buod ng akdang binasa na pinamagatang “Ang Ama” at lagyan
ng mga pang-ugnay na napag-aralan.Bumuo ng pito hanggang 10
pangungusap.

6
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Gawain 4
Panuto: Sumulat ng dalawa hanggang tatlong pangungusap hinggil sa
mensahe ng akdang Ang Ama. Isulat sa loob ng hugis puso ang
mensahe.

Rubriks sa pagmamarka
Kaangkupan------------------- 5
Paggamit ng pang-ugnay-----3
Orihinalidad--------------------2
Kabuuan----------------10

Gawain 5
Sumulat ng dalawang talata na naglalarawan o nagsasalaysay sa
kasalukuyang kalagayan ng inyong lugar hinggil sa COVID 19 . Gamitan ng
pang-ugnay ang gagawing tula at lagyan ito ng pamagat.

_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
7
RUBRIKS SA PAGMAMARKA NG TALATA
Makabuluhan ang nilalaman- - - - 5
Magkakaugnay ang mga ideya - - - 5
Malikhain/may orihinalidad - - - - 5
Kabuuan - -15
VI.Pagsusulit
A.Panuto: Punan ng tamang pang-ugnay ang bawat patlang upang
mapagsunod-sunod ang mga pangyayari.

Ngunit Kaya Samantala


Dahil sa Sa wakas Datapwat

1. Ang buhay para kay Luisa ay hindi naging madali ngayong panahon ng
paglaganap ng virus na tinatawag na COVID 19 ______ hindi niya ito
masyadong pinahalata sa kanyang pamilya.

2.______ipinapakita nga niya ang kanyang determinasyong makaliligtas


siya sa naturang virus ay dumarating din sa puntong nawawalan
na siya ng pag-asa.

3. Si Luisa ay isa sa mga itinuturing na front liner na nagtatrabaho sa


isang ospital _____ naman nahawaan siya ng virus.

4. _______ ginawa naman niya ang lahat ng paraan gumaling lamang.

5. _____tulong ng kanyang mga kasamahan sa trabaho at pamilaya na


walang sawang nag-alaga sa kanya, siya ay gumaling.

6._______siya ngayon ay muli ng nakabalik sa kanyang trabaho.

B.Panuto: Isulat sa patlang ang tinutukoy sa bawat pahayag.

_________1. Ito ay mga salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang yunit


sa pangungusap, maaaring salita, dalawang parirala o ng
dalawang sugnay.

__________2. Ang pangatnig na ginagamit na pantuwang

__________3. Ito ay ginagamit ginagamit na pananhi.

8
__________4. Ang transitional device na ginagamit bilang panapos.

VII.Pangwakas
A. Panuto: Isulat sa patlang ang tamang sagot

_________ ang tawag sa mga salitang nag-uugnay sa dalawang salita,


parirala o sugnay, at ________________ naman ang tawag sa mga
kataga na nag-uugnay sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari,
(naratibo) at paglilista ng mga ideya, pangyayari at iba pa sa
paglalahad.

B. Panuto: Sagutin ang tanong:


1. Paano natutulong ang mga pangatnig at transisyonal na gamit sa
pagbuo ng isang akda?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

9
VIII.Sanggunian

Peralta Romulo N.,et.al.,2014.”Panitikang Asyano”,Pasig City:DepEd.

Blogspot,2011,”Ang Pang-ugnay”.Myph
https://www.myph.com.ph/2011/10/ang-pang- ugnay.html#.XxDq3J4zbIU

Guinoo, Jenita,2016”Panitikan: Ang Ama”.Slideshare


https://www.slideshare.net/JenitaGuinoo/aralin-1-ang-ama-grade-9?qid=b4039da5-
d8db-42dc-9c1a-023427df90a6&v=&b=&from_search=3

10
11
4. kaya/dahil sa
ito
3. Sa wakas/ Sa lahat ng
2. samantala/saka
1. Pang-ugnay
pangatnig Isaalang-alang
B. Isaalang-alang
ang Rubriks sa
transitional 6. Sa wakas ang Rubriks sa
pagwawasto
devices 5. Dahil sa pagwawasto
4. Samantala
3. Kaya
2.Datapwat
1.Ngunit
A.
Pangwakas Pagsusulit Gawain 5 Gawain 4
A.
1. Ngunit 1. /
Isaalang-alang
ang Rubriks sa 2. Saka 2. /
pagwawasto. 3. Subalit 3. X
4. Samantala 4. /
5. Kaya 5. X
B. 6. /
May karagdagang limang 7. X
puntos ang mag-aaral kung 8. X
ginamit niya ang mga pang- 9. X
ugnay sa pangungusap. 10. X
Gawain 3 Gawain 2 Gawain 1
IX.Susi sa Pagwawasto
X.Grupong Tagapaglinang

Bumuo sa Pagsusulat ng Gawaing Pampagkatuto


Manunulat: Karen B. Bandibas
Patnugot ng Wika: Remedios C. Gerente
Tagasuri: Diana D. Clemente
Tagaguhit: Isagani D. Tique
Tagalapat: Gian Carlo C. Baldovino
Tagapamahala: Engr. Edgard C. Domingo, PhD, CESO V
Leandro C. Canlas, PhD, CESE
Elizabeth O. Latorilla, PhD
Sonny N. De Guzman, EdD
Remedios C. Gerente

For inquiries or feedback, please write or call:


Department of Education – Division of Mabalacat

P. Burgos St., Poblacion, Mabalacat City, Pampanga

Telefax: (045) 331-8143

E-mail Address: mabalacatcity@deped.gov.ph

12

You might also like