You are on page 1of 12

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon III
SANGAY NG LUNGSOD NG MABALACAT

Pangalan: ____________________________Baitang at Seksiyon: ________________


Paaralan: ____________________________________ Petsa: ____________________

GAWAING PAGKATUTO Blg.4


Filipino 9: Maikling Kuwento
I.Panimula

Ang Gawaing Pampagkatuto na ito ay magiging gabay mo kung paano


magagamit ang napag-aralan na mga Akdang Pampanitikan ng Timog-Silangan na
kung saan isa sa mga tatalakayin ang Maikling Kuwento. Ito ay naglalaman ng mga
gawain na magpapalalim sa iyong pag-unawa sa aralin. Ang Maikling Kuwento ay
isa sa mahalagang uri ng akdang pampanikan na isa rin sa mga sumasalamin ng
ating kultura, tradisyon, paniniwala, kaugalian at iba pa. Naglalaman ito ng mga
bahagi at elemento na magsisilbing gabay mo upang lalong mapahalagahan ang
akdang ito.

II.Kasanayang Pampagkatuto
Nasusuri ang maikling kuwento batay sa:

- Paksa
- Mga tauhan.
- Pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari
- Estilo sa pagsulat ng awtor
- Iba pa
F9PS-Ia-b-41

III.Mga Layunin

1. mabibigyang kahulugan ang Maikling Kuwento;


2. matutukoy ang mga bahagi at elemento ng Maikling Kuwento;
3. makasusulat ng Maikling Kuwento gamit ang mga bahagi at elemento
nito; at
4. mabibigyang halaga ang Maiking Kuwento bilang akdang
pampanitikan.

1
IV.Pagtalakay
Maikling Kuwento
Ang maikling kwento ay isang masining na anyo ng panitikan na
naglalaman ng isang maiksing salaysay tungkol sa isang mahalagang
pangyayari na kinabibilangan ng isa o ilang tauhan. Nag-iiwan ito ng isang
kakintalan sa isip ng mga mambabasa.

Gayunpaman, may mga kwento na hindi laging winawakasan sa


pamamagitan ng dalawang huling nabanggit na mga sangkap. Kung
minsan, hinahayaan ng may-akda na mabitin ang wakas ng kwento para
hayaan ang mambabasa na humatol o magpasya kung ano sa palagay nito
ang maaring kahinatnan ng kwento.

Elemento ng Maikling Kuwento


PANIMULA/SIMULA
Mahalaga ang bahaging ito ng maikling kwento sapagkat dito nakasalalay
ang kawilihan ng mambabasa.
Kinapapalooban ito ng sumusunod:
a. Pagpapakilala sa tauhan
b. Pagpapahiwatig ng suliranin
c. Pagkakintal sa isipan ng mga mambabasa ng damdaming palilitawin
sa kwento
d. Paglalarawan ng tagpuan.

SAGLIT NA KASIGLAHAN
Naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa
suliranin.
SULIRANIN
Problemang haharapin ng tauhan.
KASUKDULAN
Sa bahaging to unti-unting naalis ang sagabal, nalulutas ang suliranin, dito
natutukoy ang katayuan ng pangunahing tauhan kung siya ay mabibigo o
magtatagumpay.
KAKALASAN
Tulay sa wakas o pagwawakas.

2
WAKAS
Naihahatid ng may akda ang mensahe sa bahaging ito, sa wakas ng kwento.

Pamatnubay na Tanong

Ano ang maikling kuwento at ang mga bahagi nito? Mahalaga bang
matutunan ang pagkakabuo nito? Paano ito makatutulong sa iyo, sa
pagpapanatili at pagpapaunlad ng kultura, tradisyon, paniniwala, at
kaugaliang Pilipino ?

V.Mga Gawain

Gawain 1
Isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot na tumutukoy sa bahagi ng
maikling kuwento.
A. Simula B. Saglit na kasiglahan C. Suliranin
D. Kasukdulan E. Kakalasan F. Wakas

_____ 1. Problemang haharapin ng tauhan.

_____ 2. Tulay sa wakas o pagwawakas.

_____ 3. Pagpapakilala sa tauhan.

_____ 4. Pagpapahiwatig ng suliranin.

_____ 5. Naihahatid ng may akda ang mensahe sa bahaging ito ng


Kuwentong binasa.

_____ 6. Pagpapakintal sa isipan ng mga mambabasa ng damdaming


palilitawin sa kuwento.

_____ 7. Sa bahaging ito unti-unting naaalis ang sagabal, nalulutas


ang suliranin, dito natutukoy ang katayuan ng pangunahing
tauhan kung siya ay mabibigo o magtatagumpay.
_____ 8. Dito nakasalalay ang kawilihan ng mambabasa.

_____ 9. Paglalarawan ng tagpuan.

_____ 10. Naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang


masasangkot sa suliranin.

3
Gawain 2
Itugma at isulat sa kahon ang mga elemento ng Maikling Kuwento.

kasukdulan tagpuan suliranin katapusan

saglit na kasiglahan kakalasan tauhan tunggalian

SIMULA GITNA WAKAS

_________________ _________________ _________________


_________________ _________________ _________________
_________________ _________________ _________________
______ ______ ______

Gawain 3
Basahin at suriin ang Maiking Kuwentong “Anim na Sabado ng Beyblade”.
Pagkatapos basahin, isaayos at pagsunod-sunurin mo ang mga bahagi
nito. Isulat mo sa tapat ng bilang ang bahaging tinutukoy na nakapaloob
sa Beyblade.

Anim na Sabado ng Beyblade


Unang Sabado ng paglabas niya nang hilingin na niyang magdiwang ng
kaarawan kahit hindi pa araw. Nangumbida ako ng maraming tao kasabay
ng biling ‘wag kalimutan ang regalo at pagbati ng “Happy Birthday,Rebo!”.
Kailangang di niya malimutan ang araw na ito. Dapat pinakamasaya ang
Sabadong ito sa lahat ng Sabado. Maraming-maraming laruan. Stuffed Toys,
Mini-Helicopter, Walkie-Talkie, Crush Gear, Remote ControlledCars, at higit
sa lahat, ang Beyblade. Ang paborito niyang Beyblade. Maraming-maraming
Beyblade. Tinanggap niya ang lahat ng ito at marami pang iba sa kaniyang
kaarawan. Sa kaniyang pagtuntong sa limang taon. Kahit di totoo. Kahit hindi
pa araw.
Ikalawang Sabado, naki-bertdey naman siya. Pagkatapos ay muling
naglaro ng beyblade kasama ang mga pinsan.
Tatlong araw bago dumating ang ikatlong Sabado, sorpresa ko siyang
dinalaw. Unti-unti na siyang nanghihina. Bihira na siyang ngumiti. Hindi na
niya makuhang laruin ang beyblade bagamat ayaw niya itong bitiwan sa loob
ng kaniyang kamay o di kaya‟y bulsa. Ang nakapagngangalit, unti-unti na
namang nalalagas ang kaniyang buhok. Subalit pinipilit pa rin niyang maging
malakas bagamat talagang dina kaya ng kaniyang paang tumayo ng kahit
ilang sandali man lang. Nakadudukot na rin siya ng mga matitigas na butil
ng dugo sa loob ng kaniyang gilagid.

4
Sa labas ng bahay na kanilang tinitirhan, lubos kong ikinagulat nang
tanungin niya ako ng; “Tay, may peya a?” (Tay, may pera ka?) Dali-dali kong
hinugot at binuksan ang aking pitaka at ipinakitang mayroon itong laman.
Agad akong nagtanong kung ano ang nais niya na sinagot naman niya ng
agarang pagturo sa isang kalapit na tindahan. Kung mabilis man akong
nakabili ng mga kending kaniyang ipinabili, mas mabilis siyang umalis agad
sa tindahan at nakangiting bumalik sa aming kinauupuan. Naglalambing ang
aking anak. Nang kami’y pumasok na sa loob ng bahay, naiwang nilalanggam
na ang nakabukas ngunit di nagalaw na mga kendi sa aming kinaupuan.
Tuluyan na siyang nakalbo pagsapit ng ikatlong Sabado. Subalit di na
kusang nalagas ang mga buhok. Sa kaniyang muling pagkairita,
sinabunutan niya ang kanyang sarili upang tuluyang matanggal ang mga
buhok. Nang araw na iyon, kinumbida ng isa kong kasama sa trabaho ang
isang mascot upang bigyan ng pribadong pagtatanghal si Rebo nang walang
bayad. Matapos ang pagtatanghal, bagamat di man lang siya makangiti at
makatawa, kitang-kita sa kaniyang mata ang kasiyahan. Isang kasiyahang
unti-unting humina at nawala.
Di na maikakaila ang mabilis na pagkapawi ng lakas ng aking anak
pagsapit ng ikaapat na Sabado. Di na niya makuha pang ipasok ang pisi ng
beyblade upang mapaikot ito. Ramdam na ang pagod at hingal sa kaniyang
pagsasalita. Kaya kahit nang dalhin ko siya sa isang karnabal, isa lamang
ang ninais niyang sakyan. Ang mga maliliit na helicopter na tumataas at
bumababa ang tila oktupos na galamay na bakal. At sa tuwing tataas,
hahanapin ako ng tingin sa baba at malungkot na ngingitian. Pagkababa,
mabilis na siyang nagyayang umuwi. At pagkauwi’y humiga nang humiga at
paulit-ulit na tumingin sa kawalan.
Huling Sabado ng Pebrero ang ikalimang Sabado. Eksaktong
katapusan. Kasabay ng pagtatapos ng Pebrero ay pumanaw ang aking anak.
Ilang sandali matapos ang sabay na paglaglag ng luha sa kaniyang mga mata
at pagtirik ng mata, ibinuga niya ang kaniyang huling hininga. Namatay siya
habang tangan ko sa aking bisig. Hinintay lamang niya ang aking pagdating.
Di na kami nakapag-usap pa dahil pagpasok ko pa lang ng pintua’y
pinakawalan na niya ang sunod-sunod na palahaw ng matinding sakit na di
nais danasin ng kahit sino.
“Sige na, Bo. Salamat sa apat na taon. Mahal ka namin. Paalam.”
Ikaanim na Sabado nang paglabas ni Rebo sa ospital. Huling Sabado
na masisilayan siya ng mga nagmamahal. Wala na ang beyblade at ang may-
ari nito. Payapa na silang nakahimlay sa loob ng kabaong. Magkasamang
tutungo sa lugar na walang sakit, walang gutom, walang hirap. Payapang
magpapaikot at iikot.
Maglalaro nang maglalaro. Habang kaming mga naiwan ay paglalabanan at
pag-aaralang tanggapin ang kirot ng pagkalungkot.

5
SIMULA WAKAS TUNGGALIAAN/SULIRANIN

SAGLIT NA KASIGLAHAN KASUKDULAN

1.

Wala na ang beyblade at


ang may-ari nito.Payapa
na silang nakahimlay sa
loob ng kabaong.
Magkasamang tutungo sa
lugar na walang sakit,
walang gutom, walang
hirap. Payapang
magpapaikot at iikot.
Maglalaro nang maglalaro.

2. 3.

Nangumbida ako ng
Sa kanyang muling maraming tao kasabay ng
Pagkairita, sinabunutan niya biling ‘wag kalimutan ang
Ang kanyang sarili upang regalo at pagbati ng
“HappyBirthday,Rebo!”
Tuluyang matanggal ang
Dapat pinakamasaya ang
_mga buhok. Sabadong ito sa lahat ng
sabado. Kahit di totoo.

4. 5.

Ikalawang
Unti-unti na siyang sabado, naki-bertdey
Nanghihina. Bihira na siyang naman siya.
ngumiti. Hindi na niya Pagkatapos ay muli
siyang naglaro ng
makuhang laruin ang beyblade
beyblade kasama ang
mga pinsan.

6
Gawain 4
Isaayos ang mga bahagi ng Maikling Kuwentong “ Anim na sabado ng
Beyblade” ayon sa wastong pagkakasunud-sunod. Lagyan ng bilang mula 1
hanggang 5.Isulat sa patlang ang tamang sagot

_____ a. Naki-bertdey naman siya. Pagkatapos ay muling naglaro ng


beyblade kasama ang mga pinsa.

_____ b. Sa kanyang muling pagkairita, sinabunutan niya ang kanyang


sarili upang tuluyang matanggal ang mga buhok.

_____ c. Unti-unti na siyang nanghihina. Bihira na siyang ngumiti.

_____ d. Eksaktong katapusan. Kasabay ng pagtatapos ng pebrero ay


pumanaw ang aking anak.

_____ e. Nangumbida ako ng maraming tao kasabay ng biling ‘wag


kalimutan ang regalo at pagbati ng “Happy Birthday, Rebo!”.

Gawain 5
Sumulat ng maikling kuwento batay sa iyong sariling karanasan gamit ang
mga bahagi at elemento ng maikling kuwento.

____________________________________
PAMAGAT
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_____________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
Grade 5-12 Number of items for each activity (10 items)
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
______________________________________________________________
_______________________________________________________________
7
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
RUBRIKS SA PAGMAMARKA NG MAIKLING KUWENTO
Makabuluhan ang nilalaman- - - - 5
Magkakaugnay ang mga ideya - - - - 5
Malikhain/may orihinalidad - - - - - 5
Kabuuan - -15

VI.Pagsusulit
Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat ito sa patlang.
______ 1. Ito ay anyo ng panitikan na may layuning magsalaysay ng mga
pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan. Nag-iiwan ito ng
kakintalan sa isip ng mga mambabasa.
A. Alamat B. Nobela C. Maikling Kuwento D. Pabula

______2. Saang bahagi ng maikling kuwento matatagpuan ang


kasukdulan nito?
A. Simula B. Gitna C. Kakalasan D. Wakas

_____3. Ano ang pangalan ng batang pangunahing tauhan sa kuwento?


A. Relly B.Revy C. Remo D. Rebo

_____4. Ano ang paboritong laruan ng batang pangunahing tauhan?


A. Walkie-Talkie
B. Crush gear
C. Beyblade
D. Remote ControlledCars

_____5. Ano ang hiniling ng batang pangunahing tauhan sa kuwento??


A. Magdiwang ng kaarawan kahit hindi pa araw
B. Makipag laro ng beyblade kasama ang mga pinsan
C. Maki bertdey
D. Magpabili ng kendi sa kanyang tatay

8
Sagutin ang mga tanong kaugnay sa tinalakay na aralin.Lagyan ng tsek
( / ) kung ang tinutukoy ang tama at lagayan ng ekix ( X ) kung ito ay
mali. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bawat bilang.

_____ 1. Sa gitnang bahagi ng maikling kuwento matatagpuan ang


bahaging saglit na kasiglahan ng kuwento.

_____ 2. Ang maikling kuwento ay isang uri ng akdang pampanitikan.

_____ 3. Ang simula ng maikling kuwento ay kinapapalooban ng tauhan,


tagpuan at kasukdulan.
_____ 4. Ang maikling kuwento ay nag-iiwan ng kakintalang isip ng mga
mambabasa nito.

_____ 5. Ang maikling kuwento ay sumasalamin sa kultura, tradisyon, at


kaugalian ng mga Pilipino.

VII.Pangwakas

A.Isulat sa patlang ang tamang sagot. Piliin sa ibaba ang angkop na salita
upang mabuo ang pangungusap.

Ang maikling kuwento ay isang masining na anyo ng


1._______________ na naglalaman ng isang maikling 2._______________
tungkol sa isang mahalagang pangyayari na kinabibilangan ng isa o
ilang3. _______________. Nag-iiwan ito ng isang kakintalan sa
4.________________ ng mga 5. ________________.

mambabasa panitikan isip

tauhan salaysay

B. Paano nakatutulong ang maikling kuwento sa pagpapanatili at


pagpapaunlad ng kultura, tradisyon at kaugaliang Pilipino na minana natin
bilang isang matandang panitikan ng ating lahi?

____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
_________________

9
VIII.Sanggunian

Department of Education Curriculum and Standard. 2020.


“Most Essential Learning Competencies with Corresponding CG Codes/Suggested
LR.” Pasig City:

Obrero, Rotia, Jucutan at Eroles. 2014. Tudla Panitikan at Gramatika: Binagong


Edisyon (Batay sa K-12 BEC)”
Sta. Teresa Publications, Inc.

Department of Education
Panitikang Asyano: Modyul ng Mag-aaral sa Filipino 9 Unang Edisyon 2014.

https://www.slideshare.net/closet101mirasol/maikling-kwento-69802333

https://www.canva.com/education

https://www.slideshare.net/reign26/transitional-devices-at-pangatnig

http://rhinaaxalan20.blogspot.com/2016/03/anim-na-sabado-ng-beyblade-pisigan.html

https://youtu.be/fxGgz-_eiig

curaansnb.wordpress.com

Panitikang Asyano 9

Pinoycollection.com/maikling kwento

10
11
1.
2. e
3. b
4. d
5. c
6. a
1. panitikan
2. salaysay
3. tauhan
4. isip
5. mambabasa
1. /
2. /
3. X a. 2 1. Wakas
Isaalang-alang
4. / b. 4 2. Kasukdulan
ang Rubriks sa
5. / c. 3 3. Simula
pagwawasto
d. 5 4. Tunggalian
e. 1 5. Saglit na Kasiglahan
Gawain 3
Pagsusulit Gawain 5 Gawain 4
Simula
Tauhan
Tagpuan
Suliranin 1. C
2. E
Gitna 3. A
Saglit na kasiglahan 4. A
Tunggalian 5. F
Kasukdulan 6. A
7. D
Wakas 8. A
Kakalasan 9. A
katapusan 10. B
Gawain 2 Gawain 1
IX. Susi sa Pagwawasto
X.Grupong Tagpaglinang

Bumuo sa Pagsusulat ng Gawaing Pampagkatuto


Manunulat: Elsie P. Cabarle
Editor: Madelyn Ramos
Tagasuri: Remedios Gerente
Tagaguhit: Isagani D. Tique
Tagalapat: Gian Carlo C. Baldovino
Tagapamahala: Engr. Edgard C. Domingo, PhD, CESO V
Leandro C. Canlas, PhD, CESE
Elizabeth O. Latorilla, PhD
Sonny N. De Guzman, EdD
Remedios C. Gerente

For inquiries or feedback, please write or call:


Department of Education – Division of Mabalacat

P. Burgos St., Poblacion, Mabalacat City, Pampanga

Telefax: (045) 331-8143

E-mail Address: mabalacatcity@deped.gov.ph

12

You might also like