You are on page 1of 11

9 Department of Education

National Capital Region


SC HOO LS DIVISIO N OFF IC E
MARIKINA CITY

FILIPINO
Unang Markahan-Modyul 5:
Pagsusuri sa Maikling Kuwento
Batay sa Pamantayan

May-akda: Leonor F. Alonzo

Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Alamin
Ang modyul na ito ay binubuo lamang ng isang aralin.
 Aralin 1 – Pagsusuri sa Maikling Kuwento Batay sa Pamantayan

Sa pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang maisagawa mo ang


sumusunod:
A. nasusuri ang paksa at mga tauhan maikling kuwento;
B. nasusuri ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa
maikling kuwento; at
C. nasusuri ang estilo ng pagsulat ng awtor ng maikling kuwento.

Subukin
Suriin ang sumusunod na pahayag sa ibaba. Ayusin ang pagkakasunod-
sunod ng pangyayari sa pamamagitan ng paglalagay ng bilang mula 1-5 sa
bawat patlang. Bumuo ng maikling kuwento na naglalaman ng 5 hanggang
10 pangungusap batay sa nabubuong kaisipang ipinakikita ng bawat
pahayag.

bagong silang na sanggol habang kalong ng ina

isang paslit sa unang araw sa pagpasok sa paaralan na umiiyak habang


umalis ang naghatid

isang paslit sa kanyang unang paghakbang hawak ang kamay ng mga


magulang

masayang pamilya sa loob ng kanilang pamilya

pagdiriwang ang ikapitang taon ng kaniyang kaarawan na punong-puno ng


ngiti sa labi
Aralin
Pagsusuri sa Maikling Kuwento
1 Batay sa Pamantayan

Sa araling ito ay pag-aaralan mo ang pagsusuri sa maikling kuwento


batay sa pamantayan. Malilinang ito kung matapat mong maisasagawa ang mga
gawain.

Balikan
Magbalik-aral tayo tungkol sa natalakay nating aralin na may kaugnayan sa
mga nagaganap sa ating lipunan sa kasalukuyan.

● Paano nailarawan sa nakaraang talakayan ang suliraning panlipunan sa


kasalukuyan?
____________________________________________________________________

● Paano inilahad ang mga pangyayari sa nagdaang aralin upang higit mong
naunawaan ang mga kaganapang nangyayari sa kasalukuyan?
_____________________________________________________________________

Tuklasin
A. Panimula

Bago tayo magpatuloy, panoorin ang video na hango mula sa


telenobelang Ang Probinsyano na nagpapakita ng eksena ng pakamatay ng anak
ni Cardo. Magtungo sa link na
https://www.youtube.com/watch?v=LsOeSBXfqEI. Matapos mapanood, sagutin
ang mga tanong kaugnay nito.

2
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Gawain A. Focused Listing na nakatuon sa mahalagang paksa, pahayag, damdamin, at
pangyayari na itala.
: Sa pamamagitan ng focused listing, magtala ng limang hanggang pitong salita o maikling
pahayag na naglalarawan ng mga pangyayari sa napanood na bidyo. Maaring gumamit ng
bilang sa pagtatala.1-7
1.________2_________3_________4_________5_________6________7________
Bakit mahalagang maayos ang pagkakabanghay sa paglalahad ng kwento.?ipaliwanag.

A. Panonood/Pakikinig:

Ngayon ay pag-uusapan natin ang paksang aralin. Panonoorin ang bidyo na


Anim na Sabado ng Beyblade ni Ferdinand Pisigan Jarin na isinatinig ni Charito
Picarzos sa link na
https://drive.google.com/file/d/109TSfN5uIgMZYl39d5E1r7lMQJNGl4c3/view .
Matapos mapanood sagutin ang mga tanong kaugnay nito.
Anim na Sabado ng Beyblade
(Bahagi Lamang)
ni Ferdinand Pisigan Jarin

Unang Sabado ng palabas niya nang hilingin niyang magdiwang ng


kaarawan kahit hindi pa araw. Nangumbida ako ng maraming tao kasabay ng
biling ‘wag kalimutan ang regalo at pagbati ng “Happy Birthday, Rebo!” Kailangang
di niya malimutan ang araw na ito. Dapat pinakamasaya ang Sabadong ito sa lahat
ng Sabado. Maraming-maraming laruan. Stuffed Toys, Mini-Helicopter, Walkie-
Talkie, Crush Gear, Remote Controlled Cars, at higit sa lahat ang Beyblade.
Maraming-maraming Beyblade. Tinanggap niya ang lahat ng ito at marami pang
iba sa kaniyang kaarawan. Sa kaniyang pagtuntong niya ng limang taon. Kahit di
totoo. Kahit hindi pa araw.

Ikalawang Sabado, naki-bertdey naman siya. Pagkatapos ay muling naglaro


ng beyblade kasama ang mga pinsan.

Ikatlong araw bago dumating ang ikatlong Sabado, sorpresa ko siyang


dinalaw. Unti-unti na siyang nanghihina. Bihira na siyang ngumiti. Hindi na niya
makuhang laruin ang beyblade bagaman ayaw niya itong bitiwan sa loob ng
kaniyang kamay o di kaya’y sa kaniyang bulsa. Ang nakapagngangalit, unti-unti na
namang nalalagas ang kaniyang buhok. Subalit pinipilit parin niyang maging
malakas bagaman talagang di na kaya ng kaniyang paang tumayo ng kahit ilang
sandali man lamang. Nakadudukot na rin siya ng mga matitigas na butil ng dugo
sa loob ng kaniyang gilagid.

Sa labas ng bahay na kanilang tinitirhan, lubos kong ikinagulat nang


tanungin niya ako ng “Tay, may peya a?” (Tay, may pera ka?) Dali-dali kong
hinugot at binuksan ang aking pitaka at ipinakitang mayroon itong laman. Agad
akong nagtanong kung ano ang nais niya na sinagot naman niya ng agarang
pagturo sa kalapit na tindahan. Kung mabilis man akong nakabili ng mga kending
kaniyang ipinabili, mas mabilis siyang umalis agad sa tindahan at nakangiting
bumalik sa aming kinauupuan. Naglalambing ang aking anak. Nang kami’y

3
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
pumasok na sa loob ng bahay, naiwang nilalanggam ang nakabukas ngunit di
nagalaw na mga kendi sa aming kinauupuan.

Tuluyan na siyang nakalbo pagsapit ng ikatlong Sabado. Subalit di na


kusang nalagas ang mga buhok. Sa kaniyang muling pagkairita, sinabunutan niya
ang kaniyang sarili upang tuluyan matanggal ang mga buhok. Nang araw na iyon,
kinumbida ng isa kong kasama sa trabaho ang isang mascot upang bigyan ng
pribadong pagtatanghal si Rebo nang walang bayad. Matapos ang pagtatanghal,
bagaman di man lang siya makangiti at makatawa, kitang- kita sa kaniyang mata
ang kasiyahan. Isang kasiyahan unti-unting humina at nawala.

Di na maikakaila ang mabilis na pagpawi ng lakas ng aking anak pagsapit


ng ikaapat na Sabado. Di na niya makuha pang ipasok ang pisi ng beyblade upang
mapaikot ito. Ramdam na ang pagod at hingal sa kaniyang pagsasalita. Kaya kahit
nang dalhin ko siya sa isang karnabal, isa lamang ang ninais niyang sakyan. Ang
mga maliliit na helicopter na tumataas at bumababa ang tila oktupos na galamay
na bakal. At sa tuwing tataas, hahanapin ako ng tingin sa baba at malungkot na
ngingitian. Pagkababa, mabilis na siyang nagyayang umuwi. At pagkauwi’y humiga
nang humiga at paulit-ulit na tumingin sa kawalan.

Huling Sabado ng Pebrero ang ikalimang Sabado. Eksaktong katapusan.


Kasabay ng pagtatapos ng Pebrero ay pumanaw ang aking anak. Ilang sandali
matapos ang sabay na paglaglag ng luha sa kaniyang mga mata at pagtirik ng
mata, ibinuga niya ang kaniyang huling hininga. Namatay siya habang tangan ko
sa aking bisig. Hinintay lamang niya ang aking pagdating.

Di na kami nakapag-usap pa dahil pagpasok ko pa lang ng pintua’y


pinakawalan na niya ang sunod-sunod na palahaw ng matinding sakit na di nais
danasin ng kahit sino. “Sige na Bo. Salamat sa apat na taon. Mahal ka namin.
Paalam.”

Ikaanim na Sabado nang paglabas ni Rebo sa ospital. Huling Sabado na


masisilayan siya ng mga nagmamahal sa kaniya. Wala na ang beyblade at ang
may-ari nito. Payapa na silang nakahimlay sa loob ng kabaong. Magkasamang
tutungo sa lugar na walang sakit, walang gutom, walang hirap. Payapang
magpapaikot at iikot. Maglalaro nang maglalaro. Habang kaming mga naiwan ay
paglalabanan at pag-aaralang tanggapin ang kirot ng pagkalungkot.

B. Pag-unawa sa Pinanood/Pinakinggan

1. Paano sinimulan ng may-akda ang kuwento?


2. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?
3. Ano-anong katangian ng mga magulang ang nangingibabaw sa kuwento?
Tukuyin kung saang bahagi o pangyayari ng kuwento naipakita ang mga
katangian na nabanggit.
4. Sa pagkakalahad ng mga pangyayari, anong uri ng tunggalian o suliranin
ang ginamit ng may-akda? Ipaliwanag
5. Ano ang estilo ng may-akda sa pagsulat ng kuwento? Paano niya
napalutang ang kalakasan at kahinaan ng teksto?

4
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Suriin
ALAM MO BA?
Ang mga manunulat ay may kani-kaniyang estilo sa pagsulat ng isang akda
upang maging kapanabik-panabik kanilang pagkukuwento. Maaaring sa unang
bahagi o simula ng kuwento ay nagpapatawa, nagbibigay ng kaisipan o
nagbabalik-tanaw ang gamit ng manunulat sa kaniyang akda upang makatawag-
pansin sa mga mambabasa.

Bilang mambabasa, paano mo susuriin ang maayos na daloy ng


magkakaugnay na pangyayari sa isang akda? Narito ang ilang mahahalagang
balangkas ng akdang pasalaysay tulad ng maikling kuwento.

Panimula Pangyayari: Pagpapakilala ng tauhan, paglalarawan sa tagpuan at paglalahad


ng suliraning kakaharapin ng pangunahing tauhan.

Papataas na Pangyayari: Sa bahaging ito nagkakaroon ng pagtatangkang malutas ang


suliraning magpapasidhi sa interes o kapanabikan.

Kasukdulan: Pinakamasidhing bahagi kung saan haharapin ng tauhan ang kaniyang


suliranin.

Pababang Pangyayari: Matatamo ng pangunahing tauhan ang kalinawan sa suliranin.

Resolusyon o Wakas: Magkakaroon ng resulta ang pakikipagtutunggali ng tauhan sa


makabuluhang pagtatapos.

Matapos mo naunawaan ang mga bahagi ng maikling kuwento. Suriin


naman natin ang istorya at estilo ng may-akda sa napanood gamit ang story
grammar. Makikita sa larawan ang isang bahay at sa loob nito, makikita ang mga
nakasulat gabay para mailahad ang mga mahahalagang daloy o pangyayari sa
kuwento.

5
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Pagyamanin

Ngayon naman ay palawakin mo ang iyong kaalaman sa pasusuri ng isang


akdang binasa, Ang Ama na isinalin sa Filipino ni Mauro R. Avena. Sagutin ang
mga tanong sa ibaba para sa paglilinaw ng kuwento.
Gawain A: Paano nakaimpluwensiya ang tagpuan sa banghay ng kuwento? Isulat
sa loob ng talahanayan ang sagot.

PAMAGAT: Ang Ama Isinalin sa Filipino ni Mauro R. Avena

TAUHAN TAGPUAN BANGHAY

Mga tanong Sagot/Paliwanag


1. Mabisa bang nailarawan ng may-akda
ang pangunahing tauhan?
2. Angkop ba ang tagpuan na ginamit ng
may-akda sa kuwento?
3. Malinaw bang nailahad ang suliranin ng
pangunahing tauhan sa kuwento.
4. Magkakaugnay ba ang mga pangyayaring
nilikha ng may-akda upang lumikha ng
tunggalian maging ito’y pisikal o
sikolohikal?
5. Anong estilong ng may –akda ang
ginamit sa pagsisimula at pagwawakasa ng
kuwento?

PAMANTAYAN SA PAGGAWA

1.Nakasunod sa mga panutong ibinigay sa gawain 5


2. Maayos ang presentasyon ng nasuring kuwento. 5
3. Nakapagbigay ng mga patunay sa pagsusuri 5
Kabuoang Puntos 15

6
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Isaisip

Tandaan na mahalaga ang paggamit ng mga pahayag na naglalahad ng


pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa pagsulat ng akdang pagsalaysay.
Karaniwang ginagamit ng mga pahayag na una, pangalawa, pangatlo, sa
simula ng kuwento, kalaunan, habang, matapos, sa kawakasan, sa dulo, at iba
pa. Nakatutulong ang mga pahayag na ito sa maayos na paglalahad ng
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari upang masundan nang maayos ang
kuwento.

Isagawa
Ilapat natin sa tunay na buhay ang natutuhan mo sa ating aralin. Gamit
ang estratehiyang vlogging, magbigay payo sa mga nakakaranas ng mga pagsubok
sa buhay na may pagkakatulad sa akdang napanood na “Anim na Sabado ng
Beyblade.” Sa iyong sariling paraan o estilo, paano mo wawakasan ang kuwentong
ito?

Tayahin
Ngayong naunawaan mo na ang aralin, oras na para sukatin ang iyong natutuhan.
Isagawa ang gawain sa ibaba.

A. Isulat ang O kung pahayag ay opinyon at K kung ito katotohanan sa pagsususri ng


isang kuwento.

______1. Ang maikling kuwento ay nagaganap sa isang maikling panahon sapagkat bahagi
lamang ito sa buhay ng pangunahing tauhan ang tinatalakay.
______2. Ang isang awtor / manunulat ay dapat marunong makisalamuha sa ibang tao upang
makasagap ng mga pangyayaring kaniyang isusulat.
______3. Ang mga kataga/ pahayag sa maayos na pagkakasunod-sunod ay malaking tulong
upang higit maunawaan ng mga mambabasa.
______4. Ang kapaligiran ng kuwento ay may epekto sa pakikipagtunggali at pagpapasiyang
ginagawa ng mga pangunahing tauhan.
______5. Sa paglalarawan ng tauhan sa kuwento kailangang gamitan ito ng kaniyang
pananalita, pagkilos o paggalaw.

7
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
B. Pumili ng isang maikling kuwento. Ibuod ang nasabing kuwento at suriin
sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong at paliwanag. Gamitin ang
pamantayan sa ibaba.

Mga tanong Sagot/Paliwanag


1. Mabisa bang nailarawan ng may-akda
ang pangunahing tauhan?
2. Angkop ba ang tagpuan na ginamit ng
may-akda sa kuwento?
3. Malinaw bang nailahad ang suliranin ng
pangunahing tauhan sa kuwento.
4. Magkakaugnay ba ang mga pangyayaring
nilikha ng may-akda upang lumikha ng
tunggalian maging ito’y pisikal o
sikolohikal?
5. Anong estilong ng may –akda ang
ginamit sa pagsisimula at pagwawakasa ng
kuwento?

PAMANTAYAN SA PAGGAWA

1.Nakasunod sa mga panutong ibinigay sa gawain 5


2. Maayos ang presentasyon ng nasuring kuwento. 5
3. Nakapagbigay ng mga patunay sa pagsusuri 5
Kabuoang Puntos 15

Karagdagang Gawain

Manood ng isang programa sa telebisyon. Ibuod ang napanood gamit ang


makabanghay na pamamaraan. Ilagay ang mga sagot sa grapikong pantulong.
Suriin at bigyang puna ang sumusunod:
a. pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari
b. kilos ng tauhan
c. uri ng tunggalian
d. paanong winakasan ang kuwento ng may akda.

Isang pagbati sa iyong maayos na paggawa at masigasig na pag-aaral


sa ating paksa. Panatilihin ang nasimulan. Mabuhay!

8
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Susi ng Pagwawasto

Sanggunian

Peralta, Romulo et al., 9 Panitikang Asyano (Modyul ng Mag-aaral sa Filipino)


Bulan, Helen G. et al., Ang PITAK 9 (BOLYUM 2 BLG 1)
JDJs e-Lerning Channel Knowedege Channel Foundation

9
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Bumubuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Leonor F. Alonzo (Guro, CISSL)


Mga Editor: Adelwisa P. Mendoza (CISSL)
Lawrence Dimailig (MSHS)
Tagasuri Panloob: Galcoso C. Alburo (EPS-Filipino)
Tagasuri Panlabas:
Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla (KNHS)

Tagalapat: Jee-jay B. Canillo (NHS)

Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang Tagapamanihala

Galcoso C. Alburo
Superbisor sa Filipino

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa Learning Resource Management Section

10
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE

You might also like