You are on page 1of 19

Ikalawang Markahan Modyul 6

Ikaanim na Linggo

KAGAWARAN NG EDUKASYON
REPUBLIKA NG PILIPINAS
Alamin Natin

Bahagi na ng kulturang Pilipino ang pagkakaroon ng kuwento at ito ang


madalas na daluyan ng iba’t ibang manunulat upang ipahayag ang pangyayari sa
sarili, lipunan at daigdig. Ito rin marahil ang isa sa anyong panitikan na
pinakamalapit sa mga mambabasa kaya naman hindi maikakaila na marami ang
naglalabasang babasahin sa ganitong anyo hanggang sa kasalukuyang
panahon.

Sa Modyul 6 ay matutunghayan ang Maikling Kuwento na tutulong upang


masalamin ang mga kaganapan sa paligid at sa sarili. Tatalakayin natin mula sa
anyo ng panitikang ito ang element sa pagkakabuo nito.

Sa pagtatapos ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Naiuugnay ang mga kaisipan sa akda sa mga kaganapan sa sarili, lipunan


at daigdig. (F8PB-IIg-h-27)
2. Nabibigyang kahulugan ang mga simbolo at pahiwatig na ginamit sa akda.
(F8PT-IIg-h-27)
3. Nakasusulat ng wakas ng maikling kuwento. (F8PU-IIg-h-28)

KAGAWARAN NG EDUKASYON
REPUBLIKA NG PILIPINAS
Subukin Natin

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan upang masukat ang lebel ng iyong
kaalaman sa tatalakayin nating aralin. Bilugan ang titik ng tamang sagot sa bawat
bilang.

1. .Si Efren Abueg ay ipinanganak noong taong _____.


A. 1941 B. 1937 C. 1942 D. 1944

2. Ito ay elemento ng maikling - kuwento na may maayos at wastong pagkakasunod-


sunod ng mga pangyayari.
A. suliranin B. paksang-diwa C.kakalasan D.banghay
3. Isang anyo ng panitikan na may layuning magsalaysay ng mga pangyayari sa
buhay ng pangunahing tauhan.
A. tula C. maikling - kuwento
B. pabula D.parabula
4. Ito ay elemento ng maikling - kuwento na naglalaman ng mga
kapana-panabik na tagpo.
A. banghay B. kasukdulan
C.kakalasan D. tunggalian
5. “Ano kayong klaseng ama? Bakit ninyo natitiis ang inyong
anak. Kasiyahan ba ninyong makitang nahihirapan ako?”
ang damdaming ipinahihiwatig ng pangungusap ay
A.nagpapaalala B. nag-alala C.nag-iisip D. nagagalit

6. Nagunita niya ang mga bagay na itinuro sa kanya ng


kanyang ama tungkol sa pagsisikap at pagtitiyaga. Ang
kasalungat ng salitang may salungguhit ay…
A.naaalala B. nabanggit C. nalimutan D. naitala
7. Ang _____ay elemento ng maikling - kuwento na tumatalakay
sa problemang kinakaharap ng pangunahing tauhan at ang
kalutasan nito sa katapusan ng akda.
A. kakalasan B.banghay C. suliranin D.kasukdulan
8. “Akala ko ba’y bahala na ako sa buhay ko,Itay?” Ang anak
nang sandaling iyon ay…
A.nagtatanong B.nakikiusap C.nagbibintang D.nagmamalaki
9. “Magtiwala ka sa amin,anak. Wala kaming gagawin ng iyong
ama kundi ang makabubuti sa iyong hinaharap.” Ang ina ay:
A.maawain B.selosa C. magagalitin D.malupit
10. Napilitan siyang tumiwalag sa kanilang samahan bilang
pagsunod sa payo ng kanyang magulang. Ang
kasalungat ng salitang may salungguhit ay…
A. bumitiw B. manatili C. lumaban D. umalis
11. Ito ang pinakamahalagang elemento ng maikling - kuwento
sapagkat sa kanila nakasalalay ang organisado at malinaw na pagbabahagi o
paglalahad ng akda.
A. tauhan B. saglit na kasiglahan C. tagpuan D. kakalasan
12. “Kinantiyawan ako sa buki,Tatay. Anak daw ako ng may - ari
ng kaisa-isang estasyon ng gasolinasa bayan…bakit daw
kay liit ng saranggola ko.” Anak ay:
A. magagalitin B. mapanumbat C. puno ng hinanakit D.mapagmalaki
13. Ang malumanay na pangangaral ay maituturing pa ring
epektibong paraan ng pagdidisiplina sa anak. Ang
kasalungat ng salitang may salungguhit ay…
A. mahinahon B. maayos C. magalang D. pasigaw
KAGAWARAN NG EDUKASYON
REPUBLIKA NG PILIPINAS
14. Sa elementong ito ng maikling-kuwento ay unti-unting
lumilinaw ang mga pangyayari na nagsisilbing hudyat o
sensyales na ang aksyon ng tauhan ay unti–unti nang
bumababa at nagbibigay–daan para sa pagtatapos ng
kwento.
A. kakalasan B. tauhan C. kasukdulan D. saglit na kasiglahan
15. Ang may akda ng maikling - kuwentong “Saranggola ay si _____.
A. Edgar Allan Poe C. Narciso Reyes
B. Efren Abueg D. Genoveva Edroza- Matute

Aralin
Maikling-Kuwento
6
Balikan Natin

Gawain 1 (TUKLAS- INFO)


Bago ka magsimula, magkaroon muna tayo maikling pagbabalik - aral. Ilahad ang sariling
pananaw, opinyon o saloobin hinggil sa dayagram na makikita sa ibaba.

Ano ang maikling kuwento?


M ___________________________________
A ___________________________
I
K
L
I Paano ito lumaganap sa Pilipinas?
N __________________________________
G
____________________________
K
U
W
E
N Ihambing ang maikling kuwento sa iba pang
T akdang pampanitikan
O __________________________________
____________________________

KAGAWARAN NG EDUKASYON
REPUBLIKA NG PILIPINAS
Tuklasin Natin

Gawain 2
Nasubukan mo na bang magpalipad ng saranggola? Tukuyin ang
mga bagay na kailangan sa paggawa ng saranggola, sa pamamagitan ng
pagsasaayos ng mga sumusunod na ginulong letra upang mabuo ang mga
salita.

1. YANWAKA- _____________ 6. GINGNUT-____________________

2. LIDNUSI- ________________ 7. TAAL-________________________

3. TAKPANU-_______________ 8. PALEP-_______________________

4. PASKTIL-________________ 9. DIPANTIK-_____________________

5. SAPIL-___________________ 10. NIGTNGIT-_____________________

Magaling at naisasaayos mo ang mga letra! Ngayon ay dumako ka na sa susunod na


gawain bilang pagpapatuloy ng iyong paglipad sa aralin.

Talakayin Natin

Sa bahaging ito ay mababasa mo ang isang kuwento ng isang laruang pambata tuwing
tag- araw na may malalim na simbolo sa buhay ng isang tao. Kaya halina’t basahin mo na ang
kuwento.

Saranggola

Ni Efren R. Abueg

Rading, Paquito, Nelson… pakinggan ninyo ang kwentong ito. May isang lalaki, walong taong
gulang. Humiling siya sa kanyang ama ng isang guryon.

“Anak, ibibili kita ng kawayan at papel. Gumawa ka na lamang ng saranggola,” wika ng ama.

“Hindi ako marunong, Tatay,” anang batang lalaki.

“Madali ‘yan. Tuturuan kita,” sabi ng ama at tinapik sa balikat ang anak.

Bumili nga ito ng papel at kawayan at tinuruang gumawa ng saranggola ang anak.

KAGAWARAN NG EDUKASYON
REPUBLIKA NG PILIPINAS
“Tatay… ibili mo ako ng guryon,” sabi uli ng bata sa ama.

“Anak, pag-aralan mo na lamang mapalipad ang saranggola nang mataas. Madadaig mo ang
taas at tagal ng lipad ng guryon!”

Nainis ang bata sa kanyang ama.

“Kinakantyawan ako sa bukid, Tatay,” anang bata. “Anak daw ako ng may-ari ng kaisa-isang
istasyon ng gasolina sa bayan… bakit daw kay liit ng saranggola ko!”

Nagtawa ang ama at tinapik na naman sa balikat ang anak.

Tinuruan nga ng ama ang bata ng higit na mataas na pagpapalipad ng saranggola, pati na ang
pagpapatagal niyon sa kalawakan. Nalagpasan nga ng saranggola niya ang ilang guryon. Ang
iba namang guryon na lumipad nang pagkataas-taas ay nalagutan ng tali at nagsibagsak, bali-
bali ang mga tadyang, wasak-wasak.

Minsan sa pagpapataas ng lipad ng kanyang saranggola, napatid ang tali niyon. Umalagwa
ang saranggola. Hinabol nilang mag-ama iyon at nakita nilang nakasampid sa isang balag.

“Tingnan mo…hindi nasira,” nagmamalaking wika ng ama. “Kung guryon ‘yan, nawasak na
dahil sa laki. Kaya tandaan mo, ang taas at tagal ng pagpapalipad ng saranggola ay nasa
husay, ingat at tiyaga. Ang malaki ay madali ngang tumaas, pero kapag nasa itaas na, mahirap
patagalin doon at kung bumagsak, laging nawawasak.”

Nakalimutan na ng batang iyon ang tungkol sa saranggola nang maging katorse anyos siya.
May iba na siyang hilig; damit, sapatos, malaking baon sa eskwela, pagsama-sama sa mga
kaibigan.

“Anak… dalawang sapatos lamang ang gagamitin mo sa pasukang ito. Kung masira, saka na
papalitan. Magtitipid ka rin sa damit at huwag kang gasta nang gasta. Hindi madaling kitain ang
salapi,” pagunita ng kanyang ama.

“Kawawa nga ako, Tatay,” katwiran ng bata. “Anak ako ng tanging may-ari ng istasyon ng
gasoline at machine shop sa bayan natin, pero ang itsura ko… parang anak ng pobre.”

“Disente ka naman, a. Malinis ang damit mo, husto ka sa mga gamit sa eskwela at husto ka rin
sa pagkain. Hindi dapat sobra sa mga pangangailangan ang isang kabataang tulad mo. Hindi

KAGAWARAN NG EDUKASYON
REPUBLIKA NG PILIPINAS
natututuhan ang pagtitipid.”

Hindi naunawaan ng bata ang paliwanag ng ama at nagkaroon siya ng hinanakit dito. Tinipid
siya sa lahat ng bagay, hinigpitan sa pagsama-sama sa mga kabarkada at madalas, pinatatao
sa istasyon ng gasolina at pinatutulong sa machine shop kung araw na walang klase.

“Pinahihirapan talaga ako ng Tatay,” puno ng hinanakit ang tinig na pagsusumbong ng bata sa
ina. “Kaisa-isa pa naman akong anak, ang turing niya sa akin… parang ampon!”

“Hindi totoo ang sinabi mo, anak,” malumanay na sansala ng kanyang ina sa paghihinanakit
niya sa ama. Alam mo mataas ang pangarap niya para sa iyo.”

“Bakit? Ano ang gusto niya para sa akin?”

“Ibig niyang maging mahusay kang inhinyero.”

Hindi na kumibo ang bata at hindi rin napawi ang hinanakit niya sa ama. Gayunman, hindi siya
makapaghimagsik dito. Iginagalang niya ito at pati ang kanyang ina.

Nang labingwalo na siya napagkaisahan ng kanyang mga barkada na kumuha sila ng


commerce.

“Mabuti ‘yon. Magsama-sama tayo sa isang unibersidad,” mungkahi ng isa sa limang


magkakaibigan.

Pumayag siya. Ngunit nang kausapin niya ang ama, tumutol ito.

“Inoobserbahan kita, anak. Hindi mo hilig ang commerce. Palagay ko mechanical engineering
ang bagay sa iyo. Tanungin mo ang iyong ina.”

Masama man ang loob, sumangguni pa rin siya sa ina.

“Hindi sa kinakampihan ko ang iyong ama, anak. Pero sa tingin ko….engineering nga ang
bagay sa iyo. May machine shop tayo…sino ba ang magmamana niyon kundi ikaw?”

Nasunod ang kanyang ama at napilitan siyang tumiwalag sa kanyang barkada. Napag-isa siya
sa pag-aaral sa lunsod at ngayong binata na siya, hindi na hinanakit kundi paghihimagsik sa

KAGAWARAN NG EDUKASYON
REPUBLIKA NG PILIPINAS
ama ang kanyang nadarama.

“Ayoko nang mag-aral, Inay,” sabi niya sa kanyang ina nang dalawin siya nito sa dormitoryo.
“Tipid, pagtitiis, kahihiyan lamang ang dinaranas ko rito. Bakit ako ginaganoon ni Itay? Gusto
ba niya akong pahirapan?”

Pinayapa ng kanyang ina ang kanyang kalooban.

“Magtiwala ka sa amin, anak. Wala kaming gagawin ng iyong ama kundi makabubuti sa iyong
hinaharap.”

“Makabubuti ba sa akin ang magmukhang basahan at magdildil ng asin?”

“Makabubuting matuto kang magtiis. Pagkatapos mo naman ng pag-aaral at magtagumpay ka


sa hanapbuhay, magiging magaan sa iyo ang lahat.”

“Bakit kailangan ko pang magtagumpay? Hindi ba’t ipamamana ninyo sa akin ni Itay ang ating
kabuhayan?”

“Totoo iyan, anak…pero paano mo mapauunlad ang ating kabuhayan kung hindi mo alam ang
mga hirap sa pagtatayo niyan?”

Hindi maintindihan ng binata ang sinabi ng kanyang ina, subalit naisip niyang makapagtitiis pa
siya. Isinubsob na lamang niya ang ulo sa pag-aaral.

Nakatapos naman ng inhinyerya ang binata. Hindi siya pangunahin sa klase, ngunit sa
pagsusulit sa gobyerno, nakabilang siya sa nangungunang unang dalawampu.

“Ngayon anak…bibigyan kita ng limampung libong piso. Gamitin mo sa paghahanapbuhay,”


sabi ng kanyang ama nang makuha na niya ang lisensiya bilang mechanical engineer.

Namangha siya.

“Akala ko…ako na ang hahawak ng ating machine shop pagkatapos ko ng pag-aaral,” nawika
niya sa ama.

“Bata pa ako, anak. Kaya ko pang mag-asikaso ng hanapbuhay na iyan. Saka ibig ko,
magpundar ka ng sariling negosyo.”
KAGAWARAN NG EDUKASYON
REPUBLIKA NG PILIPINAS
“Bakit pa, Itay? Mayroon na tayong negosyo.”

“Mabuti na ‘yong makatindig ka sa sarili mong mga paa.”

Tinanggap niya ang halagang ipinagkaloob ng ama. Humiwalay na rin siya ng tirahan sa mga
magulang.

“Alam kong malaki ang hinanakit mo sa iyong ama. Gayunman, ibig kong isaisip mong, ang
kinabukasan mo ang lagi niyang inaalala.”

Ngunit may lason na sa kanyang isip. Hindi na siya nanininwala sa sinabi ng kanyang ina.
Naging lubos ang paghihimagsik niya sa kanyang ama.

Nagtayo siya ng isang machine shop sa dulo ng kanilang bayan. Agad-agad siyang
pinagsadya ng kanyang ama.

“Bakit hindi pa sa ikatlong bayan ka nagtayo ng machine shop? Magkukumpetensiya pa tayo


rito.”

“Akala ko ba’y bahala na ako sa buhay ko, Itay?”

Natigilan ang kanyang ama. Saka napapailing, nag-iwan pa ito ng salita bago lumisan.

“Kung sa bagay…mabuting magturo ang karanasan!”

May isang taon ding nagtiyaga ang binata sa pamamahala ng kanyang maliit na machine shop
sa dulong bayan. Kakaunti ang kanyang parokyano dahil higit na malaki ang machine shop ng
kanyang ama at mahusay ang mga tauhan nito. Nagkautang tuloy siya ng labindalawang libo
sa mga kinukunan niya ng materyales. Nang hindi siya makabayad, inilit ang mga makinang
kanyang ginagamit.

“Nabigyan na kita ng pang-umpisang puhunan. Hindi ka sumunod sa mungkahi ko na umiwas


sa kumpetisyon. Subukin mo namang maghanap ng puhunan sa sarili mong pagsisikap.”

Noon nagsiklab ang binata. Nakalimutan niya ang paggalang sa mga magulang. Dumabog siya
sa harap ng ama.

KAGAWARAN NG EDUKASYON
REPUBLIKA NG PILIPINAS
“Ano kayong klaseng ama? Bakit ninyo natitiis ang inyong anak? Kasiyahan ba ninyong
makitang nahihirapan ako?”

“Ibig kong matutuhan mo ang lahat ng nangyayari sa buhay na ito. Hindi madali ang mabuhay
sa mundo, anak.”

“Hindi ba kaya may mga magulang ay para gumaan ang buhay ng mga anak?”

“Ang ikagagaan ng buhay ng mga anak ay wala sa mga magulang kundi nasa mga itinuturo
nila sa mga ito.”

Nagkahiwalay ng landas ang mag-ama. Naglayas ang binata nang hindi man lamang
nagpaalam kahit sa ina. Nagpalipat-lipat sa kung saan-saang trabaho hanggang pagkaraan ng
limang taon, nakaipon siya ng sampung libong piso at nakabili ng maliit na machine shop.
Kumuntrata siya ng paggawa ng tambutso sa isang auto assembler at kumita siya nang malaki.
Sa loob ng tatlong taon, gumawa na rin ang machine shop niya ng mga partes ng kotse.

Ang dugo ay dugo, anang kasabihan, kaya dinadalaw ang lalaki ng kanyang may edad nang
ina. Isang araw, dumating ito sa kanilang bahay, gaya ng dati may pasalubong sa tatlong
apong lalaki.

“Ibig ng Itay mong makita ang kanyang mga apo, pero hindi siya makadalaw dahil sa hinanakit
mo,” sabi ng kanyang ina.

“Kinalimutan ko na, Inay, na nagakaroon ako ng ama!”

Umiyak ang kanyang ina.

“Kung gayon… baka hindi na kayo magkita, anak!” nawika nito bago umalis.

Sa tindi ng hinanakit, hindi pa rin niya binigyang-halaga ang bulalas na iyon ng kanyang ina.
Nagpakagumon siya sa trabaho, naghanap pa ng mga bagong kontrata hanggang sa loob pa
ng dalawang taon, kilala na ang kanyang machine shop sa Pasay. Isang araw, hindi niya
dinatnan ang kanyang asawa at tatlong anak sa bahay.

“Nasaan sila?” usig niya sa katulong.

KAGAWARAN NG EDUKASYON
REPUBLIKA NG PILIPINAS
“Umuwi ho uli sa probinsya. Patawirin daw ho ang inyong ama!”

“Umuwi uli? Bakit, lagi ba sila roon?”

Tumango ang tinanong na katulong.

“May dalawang ulit na hong regular silang nagpupunta roon. Dinadalaw ang inyong matanda.”

May poot na sumiklab sa kanyang dibdib. Nanlambot siya sa galit. Ngunit sa pagkaunawang
patawirin ang kanyang ama, nagbalik sa kanyang isip ang masasayang sandali sa piling nito.
Nagunita niya ang pagpapalipad nila ng saranggola.

“Wala sa laki ng saranggola ang pagpapalipad at pagpapatagal niyon sa itaas, nasa husay,
tiyaga at ingat iyan!”

Magdamag siyang hindi mapalagay. Lagi niyang naiisip ang sinabing iyon ng kanyang ama.
Kinabukasan, sakay ng kanyang kotse, nagbalik siya sa bayang sinilangan.

“Patay na siya!” bulalas ng kanyang asawang umiyak sa kanyang dibdib.

May nabugnos na moog sa kanyang puso. Nahalinhan ng pagsisisi ang hinanakit. Nilapitan
niya ang ina at sa pagkakayakap dito, umiyak siya nang marahan, kasamang nagdadalamhati
ang lahat ng himaymay ng kanyang laman.

“Huwag kang umiyak… namatay siyang walang hinanakit sa iyo.” Anas ng kanyang ina.

“Wa-walang hinanakit?”

“Oo, anak… dahil natupad na ang pangarap niya. Nasa itaas ka na. At sabi niya sa akin, pati
sa asawa mo… nakatitiyak siya na makapananatili ka roon.”

Nang lapitan niya ang kabaong ng ama at tunghayan ang mga labi nito, parang lumundag ang
kanyang puso at humalik sa pisngi ng yumao. Kasunod niyon, nagunita na naman niya ang
pagpapalipad nila ng saranggola.

“Wala sa laki ng saranggola ang pagpapalipad at pagpapatagal niyon sa itaas. Hayaan mo…
tuturuan kita! paliwanag na ama.

Rading, Paquito, Nelson…tandaan ninyo ang kwentong iyan. Kwento ‘yan namin ng
inyong namatay na lolo. Kwento naming dalawa.

Gawain 3
Ipaliwanag ang kahulugan ng mga sumusunod na simbolo at pahiwatig na nabasa sa
akda.

Halimbawa:

Simbolo: Ang taas at tagal ng pagpapalipad ng saranggola ay nasa


husay, ingat at tiyaga.
Kahulugan: Ang saranggola sa akda ay sumisimbolo sa pangarap ng tao
KAGAWARAN NG EDUKASYON
REPUBLIKA NG PILIPINAS
na sinasabing upang magtagumpay at makamit ito ay
kailangan ng husay,ingat at tiyaga.

1. Simbolo: magdildil ng asin


Kahulugan: ____________________________________
2. Simbolo: makatindig ka sa sarili mong paa.
Kahulugan: ____________________________________.

3. Simbolo: ngunit may lason na sa kanyang isip.


Kahulugan: ____________________________________

4. Simbolo: hindi madali ang mabuhay sa mundo.


Kahulugan: ____________________________________

5. Simbolo: Ang dugo ay dugo ayon sa kasabihan.


Kahulugan: ____________________________________.

Gawain 4

Matapos mong mabasa ang isang maikling kuwento na punong-puno ng inspirasyon at


kamulatan sa buhay ay sagutin ang mga tanong sa ibaba.Isulat sa papel ang iyong kasagutan.

1. Ano ang kahilingan ng batang lalaki sa kanyag ama? Ano ang dahilan bakit hindi
ipinagkaloob ng ama ang kahilingan nito?
2. Ano ang naramdaman ng bata nang hindi ibinigay ng kanyang ama ang
kanyanghinihingi? Sa iyong palagay, makatarungan ba ang ginawang pagdidisiplina ng
ama sa kanyang anak? Ipaliwanag.
3. Makatuwiran ba ang ginawa ng anak na siya ay magrebelde sa kanyang magulang?
Bakit?
4. Ano aral ang iyong napulot sa kuwento upang ang isang tao ay magtagumpay?
MAIKLING KUWENTO

Ang maikling kuwento ay isang uri ng masining na pagsasalaysay na maikli ang


kaanyuan at ang diwa ay napapalaman sa isang buo, mahigpit, at makapangyarihang
balangkas na inilalahad sa isang paraang mabilis ang galaw. Ang kahulugang ito ay
pinasimple ni Genovevan Edroza- Matute na nagsabing ang isang maikling kathang
pampanitikan na nagsasalaysay ng pang-araw-araw na buhay na may isa o ilang tauhan,
may isang pangyayari at may isang kakintalan.

Narito ang mga elemento ng maikling kuwento:

1. Banghay – Ang maayos at wastong pagkakasunod-sunod ng mga

Pangyayari.

2. Paningin – Nagsasaad kung saan dapat talakayin ang paksa at kung

sinong tauhan ang dapat maglahad ng mga pangyayaring

makikita at maririnig niya.

3. Suliranin (Problem) – Ang problemang kinakaharap ng pangunahing

tauhan at ang kalutasan nito sa katapusan ng akda.

4. Paksang-diwa (Theme) – Ito ang pang-isiping iniikutan ng mga

pangyayari sa akda. Noong una, ang diwa ay

KAGAWARAN NG EDUKASYON
REPUBLIKA NG PILIPINAS
nangangahulugan ng moral lesson subalit ngayon iyon ay

walang ibig sabihin kundi ang mahalagang pang-isipin ng

akda (significant idea)

5. Himig (Mood) – Ito ay tumutukoy sa kulay ng damdamin. Ang himig ay

maaaring mapanudyo, mapagpatawa, at iba pang

magpapahiwatig ng kulay ng kalikasang damdamin.

6. Salitaan (Dialogue) – Ang usapan ng mga tauhan. Kailangang ang

diyalogo ay magawang natural at hindi artipisyal.

7. Pagtutunggali (Conflict) – Ito ang paglalaban ng pangunahing tauhan at

ng kanyang mga kasalungat na maaaring kapwa tauhan, o ng

kalikasan o ng damdamin na rin niya.

8. Kakalasan (Disentangle) – Ito ang kinalabasan ng paglalaban ng mga

tauhan sa akda.

9. Kasukdulan (Climax) – Ito ang pinakamataas na uri ng pananabik. Sa

bahaging ito ng akda humigit-kumulang malalaman na kung

nagtatagumpay o nabigo ang pangunahing tauhan sa

paglutas niya sa kanyang suliranin.

MMula sa Pinagyamang
Pluma 8 pp.305

Alam Mo Ba?
Si Efren Abueg (ipinanganak noong ika - 3 ng marso 1937 sa Tanza, Cavite)
ang isa sa mga iginagalang na nobelista, kuwentista, mananaysay at kritiko n g
kanyang panahon. Kabilang sa kanyang aklat ang Bugso, ang kanyang kauna-
unahang koleksiyon ng mga kuwento. Siya rin ang editor at bumuo sa Disyerto
(edisyong 1965, 1974, at 1993); at MANUNULAT: Mga Piling Akdang Pilipino
(1970).

Pagyamanin Natin
Sa akdang iyong binasa ay inihalintulad ng may akda ang buhay sa isang
saranggola. Maraming itinurong mabubuting bagay ang ama sa kanyang anak ngunit ang higit na
nakaapekto sa kanyang pagkatao ay ang kaisipan sa pagpapalipad ng saranggola, tunay na wala
sa laki nito ang pagpapanatili sa kalangitan kundi nasa husay, tiyaga, at sa pag-iingat niyon.

Gawain 4

KAGAWARAN NG EDUKASYON
REPUBLIKA NG PILIPINAS
Bilang pag-uugnay ng iyong sarili ng mga kaisipang binigyang-diin sa akda, magbigay
ng mga pahayag na nagsasaad ng mga prinsipyo na dapat mong gawin bilang isang anak
upang ikaw ay magtagumpay sa buhay. Isulat ang iyong sagot sa mga bahagi ng
SARANGGOLA.

Halimbawa:

1 3
2 4

Makikinig ako sa payo ng aking ama at ina.


Gawain 5
Sa bahaging ito masusubok ang talas ng iyong isipan sa pagsagot ng mga katanungan
sa pamamagitan ng paglalagay ng mga nawawalang titik sa patlang upang mabuo ang
kasagutan.

1. Ito ang pinakamataas na uri ng pananabik.


k_s_k_u_an
2. Tumutukoy ito sa kulay ng damdamin.
H__i_
3. Lugar ng kapanganakan ng Efren Abueg.
_a__te
4. Ito ang kinalabasan ng paglalaban ng mga tauhan sa akda.
K___l_sa_
5. Tumutukoy sa problemang kinakaharap ng pangunahing tauhan at ang kalutasan nito sa
katapusan ng akda.
_u_i__ni_

Gawain 6
Balikan ang mga ipinakitang katangian ng mga tauhan sa maikling kuwento na “Ang
Saranggola” Isulat ang mga KATANGIAN ng mga TAUHAN sa akda, gamit ang tsart sa ibaba.

TAUHAN SA ANG SARANGGOLA

ANAK INA AMA ASAWA

_____________ _____________ _____________ _____________


_____________ _____________ _____________ _____________
_____________ _____________ _____________ _____________
_____________ _____________ _____________ _____________

KAGAWARAN NG EDUKASYON
REPUBLIKA NG PILIPINAS
Tandaan natin

Gawain 7
Lubos ang paghanga sa iyong pinakitang determinasyon at naabot mo ang bahaging
ito ng modyul. Sa puntong ito, inaasahan ko na maibabahagi mo ang iyong kaalaman mula sa
natapos nating aralin sa pamamagitan ng pagkumpleto sa mga patlang upang makabuo ka ng
isang makabuluhang pangungusap.

Ang maikling kuwento ay ________________________ at ang diwa ay


____________________________ na
inilalahad sa isang paraang mabilis ang galaw.

Pinasimple naman ni
___________________ang kahulugan ng
maikling kuwento. Ayon sa kanya ang maikling
kuwento ay ________________________

na nagsasalaysay ng pang-araw-araw na buhay


na may ______________________, may isang
pangyayri at isang kakintalan.

Isabuhay natin

Gawain 6
Balikan ang gawain sa TUKLASIN natin, ihanda ang mga kagamitan sa pagbuo ng
saranggola dahil sa bahaging ito ay ikaw mismo ang gagaw ang sarili mong saranggola. Narito
naman ang proseso ng paggawa. Maaring din manood sa youtube o magtanong sa mga
nakaktanda sa bahay kung paano ang paggawa.

Una, ihanda nag materyalis na gagamiting sa paggawa ng saranggola tulad ng sticks, plastic o


plastic bag ( kahit anong plastic basta wag lang butas o sira) , gunting, sinulid o pantali.
Pangalawa, gupitin ang plastic ng pa quadrilateral na hugis.
Pangatlo, ang stick itali ng patayo sa itaas at ibaba ng quadrilateral na hugis ng plastic at yung
isa pa na stick, itali din ito ng pahalang sa magkabilang dulo ng plastic gamit ang sinulid. ngayon
ang disenyo ng stick ay parang krus na. Sa gitna ng krus itali ito ng maayos para maiwasan na
masira ito.
Pang apat, sa patayo na stick, lagyan ng dalawang butas sa itaas at baba ng plastik at ito ang
magsisilbi na talian ng  sinulid para sa iyong saranggola. Para mahawakan mo ang iyong
saranggola habang ito ay pinapalipad.
Panglima, gumupit ng mga disenyo ng buntot ng iyong saranggola at ikabit ito sa iyong
saranggola.

KAGAWARAN NG EDUKASYON
REPUBLIKA NG PILIPINAS
Matapos makagawa ng isang saranggola ay isulat ng malaki sa isang papel ang/mga pangaral
ng magulang na dadalhin mo hanggang sa iyong pagtanda at idikit ito sa gitna ng saranggola.

Tayahin Natin

Sa pagkakataong ito, alamin mo kung ano ang iyong mga natutunan sa mga
paksang iyong pinag - aralan.
A. Basahin at unawain mo ang bawat bilang. Bilugan ang letra ng tamang sagot.
1. Akdang pampanitikan na nilikha nang masining upang mabisang
maikintal sa isip at damdamin ng mga mambabasa ang isang
pangyayari sa buhay ng tauhan..
A. Epiko B.Sanaysay C. Alamat D. Maikling Kuwento
2. Batay sa akda, ang saranggola ay sumasagisag sa _____.
A. pag- asa B. pag- unlad C. pangarap D. pagmamahal

KAGAWARAN NG EDUKASYON
REPUBLIKA NG PILIPINAS
3. Ang pagkakasunud- sunod ng mga pangyayari sa kuwentong binasa ay
tinatawag na _____.
A. banghay B. pananaw C. tema D. damdamin
4. Ang katangian ng batang lalaki sa akda ay _____.
A. mapagmahal B. mayabang C. palaasa D. hindi kuntento.
5. Elemento ng maikling kuwento na tumutukoy sa paglalaban ng
pangunahing tauhan at ng kanyang kasalungat na maaaring kapwa
tauhan, o ng kalikasan.
A.suliranin B. pagtutunggali C. banghay D. kasukdulan
6.Alin sa mga elemento ng maikling kuwento ang nangangailangan ng
diyalogo?
A.kasukdulan B. salitaan C. banghay D. kakalasan
7.”Ayoko nang mag-aral, Inay. Tipid, pagtitiis, kahihiyan lamang ang
dinaranas ko rito. Bakit ako ginaganoon ni Itay? Gusto ba niya akong
pahirapan?” Ang anak ay:
A.galit B. nagmamalaki C. nagbibintang D. maunawin
8.”Pinahihirapan talaga ako ni Tatay. Kaisa-isa pa naman akong anak,
ang turing niya sa akin ay parang ampon.” Ang anak ay may
damdaming:
A.mapagmataas B. puno ng hinanakit C. mapagbintang D. mapangarapin
9. Bagama’t siya ay anak mayaman ay nanatili siyang mistulang pobre
dahil sa kahigpitan ng kanyang ama. Ang kasingkahulugan ng
salitang may salungguhit ay…
A.mayaman B. pandak C. mahirap D. rebelde
10. “Disente ka naman. Malinis ang damit mo, husto ka sa mga gamit sa
eskuwela, at husto ka rin sa pagkain. Hindi dapat sobra sa
pangangailangan ang isang kabataang tulad mo. Ang ama sa
pagkakataong ito ay:
A. nangangaral B. nananakot C. nagmamalaki D. nanunuya

B. Suriin ang mga salita sa Hanay A at Hanay B at pagtambalin ang mga magkasingkahulugan.
Titik na lamang ang isulat sa patlang. (5puntos)

Hanay A Hanay B

_____ 11. tinapik a. sigawan


_____ 12. makatindig b. kinalabit
_____ 13. nalagutan c. umalis
_____ 14. tumiwalag d. awit- panalangin
_____ 15. bulalas e. napatid
f. makatayo

Gawin natin

Gawain 10

Ipahayag at ipaliwanag ang naging IMPLIKASYON sa iyo ng akdang


“Saranggola” ni: Efren Abueg.Kopyahing ang tsart sa hiwalay na papel at dito isulat ang
kasagutan.

SARILI ________________________
SARANGGOLA IMPLIKASYON
(Efren Abueg) PAMILYA _____________________
Kaugnayan sa
Tunay
Maikling KAGAWARAN
na Buhay
NG EDUKASYON
Kuwento LIPUNAN _____________________
REPUBLIKA NG PILIPINAS
Repleksyon sa Aralin
Gawain 11
Maraming kuwento ng tagumpay na buhay ang naririnig, nababasa at napapanuod natin
sa araw - araw, kung titingnan natin ang mga ito at tutukuyin ang mga pormula ng kanilang
narating, ano - ano kaya ang ispisipikong sangkap ang kanilang pagkakatulad? Ibahagi ang iyong
obserbasyon sa loob ng isang talata. Ipaliwanag kung paano ito makakatulong din sa mga
kabataan ngayon katulad mo upang maabot ang kanilang mga pangarap sa buhay.

Sanggunian
● Baisa-Julian, Ailene G., Del Rosario Mary Grace G., Lontoc, Nestor S, Dayag,
Alma M., 2005.Pinagyamang Pluma. Phoenix Publishing House Inc, 927 Quezon
Ave., Quezon City

EXECUTIVE COMMITTEE FOR HYBRID MODULE

Chairperson: DR. MARGARITO B. MATERUM, SDS


Vice –Chairperson: DR. GEORGE P. TIZON-SGOD-Chief
DR. ELLERY G. QUINTIA-CID-Chief

Ex-Officio Members: EDUCATION PROGRAM SUPERVISORS


TAGUIG SECONDARY SCHOOL PRINCIPALS
DR DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS/ALS
Secretariat: QUINN NORMAN O.ARREZA
Team Leader/Facilitator: DR. MELEDA H. POLITA
School Head In-Charge: DR. REA MILANA-CRUZ, PRINCIPAL IV
Writers: CHRISTINE JOY L. LLAVER
SARAH S. COMPETENTE
FRANCIS TENORIO
MARIA INAH C. CATACUTAN
Editors:
Content Evaluator: MARIVIC S. POBALCION
RHAXELL A. SAŇGA
Language Evaluator: JOSEPHINE S. TOLENTINO
Reviewer: DR. JENNIFER G. RAMA,EPS-FILIPINO
Illustrator/Layout Artist: RHAXELL A. SANGA
Content Validator: JESUSA M. GONZALES
Format and Language Validator: PRIVATE INTERNATIONAL
SCHOOLS REPRESENTATIVES

For inquiries, please write or call:


Schools Division of Taguig city and Pateros Upper Bicutan Taguig City
Telefax: 8384251

Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph


KAGAWARAN NG EDUKASYON
REPUBLIKA NG PILIPINAS
KAGAWARAN NG EDUKASYON
REPUBLIKA NG PILIPINAS

You might also like