You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION V
SCHOOLS DIVISION OF SORSOGON
Sorsogon
TIONG HEN SO MEMORIAL HIGH SCHOOL

Unang Markahang Pagsusulit sa


FILIPINO 9

Pangalan: __________________________________ Marka: ________________


Guro: _____________________________________ Petsa: ________________

I.Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay isang anyo ng panitikan na may layuning magsalaysay sa búhay ng pangunahing tauhan. Nag-
iiwan ito ng kakintalan sa isip ng mga mámbabasá.
a. Maikling kwento b. Teleserye c. tunggalian d. karakter

2. Ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento.


a. Tauhan b. tagpuan c. banghay d. suliranin
3. Ito ang problemang haharapin ng mga tauhan.
a. Tauhan b. tagpuan c. suliranin d. banghay
4. Ito naman ang pinakakaluluwa ng kuwento.
a. Tauhan b. tagpuan c. suliranin d. paksang-diwa
5. Nakasaad ang lugar na pinangyarihan ng mga aksiyon, insidente, gayundin ang panahon kung kalian
naganap ang kuwento.
a. Tauhan b. tagpuan c. suliranin d. banghay

II. Basahin at Unawain.


Ang Saranggola
ni Efren Abueg
(Bahagi Lamang)

“Anak, pag-aralan mo na lamang mapalipad ang saranggola nang mataas. Madadaig mo ang taas at
tagal ng lipad ng guryon!”

Nainis ang bata sa kaniyang ama.

“Kinakantiyawan ako sa bukid, tatay,” anang bata. “Anak daw ako ng may-ari ng kaisa-isang
estasyon ng gasolina sa bayan… bakit daw kay liit ng saranggola ko!”

Nagtawa ang ama at tinapik na naman sa balikat ang anak.

Tinuruan nga ng ama ang bata ng higit na mataas na pagpapalipad ng saranggola, pati na ang
pagpapatagal niyon sa kalawakan. Nalagpasan nga ng saranggola niya ang ilang guryon. Ang iba namang
guryon na lumipad nang pagkataas-taas ay nalagutan ng tali at nagsibagsak, bali-bali ang mga tadyang,
wasak-wasak.

Minsan sa pagpapataas ng lipad ng kaniyang saranggola, napatid ang tali niyon. Umalagwa ang
saranggola. Hinabol nilang mag-ama iyon at nakita nilang nakasampid sa isang balag.

“Tingnan mo…hindi nasira,” nagmamalaking wika ng ama. “Kung guryon yan, nawasak na dahil sa
laki. Kaya tandaan mo, ang taas at tagal ng pagpapalipad ng saranggola ay nasa husay, ingat at tiyaga. Ang
malaki ay madali ngang tumaas, pero kapag nasa itaas na, mahirap patagalin doon at kung bumagsak, laging
nawawasak.”

Panuto: Batay sa maikling kuwentong binasa, suriin ang paksa, mga tauhan, pagkakasunod-sunod ng
pangyayari at estilo ng awtor. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

6.Paksa:

7-8. Tauhan:

9. Estilo ng awtor:

Panuto: Suriin mo ang mga pangyayari sa maikling kuwento at iugnay ang mga pangyayaring ito sa
kasalukuyan sa lipunang Asyano.

Nang Minsang Naligaw si Adrian


Bunsong anak si Adrian sa tatlong magkakapatid. Siya lamang ang naiba ang propesyon dahil kapwa
abogado ang dalawang nakatatanda sa kaniya. Dahil may kaya sa buhay ang pamilya, natupad ang pangarap
niyang maging isang doktor. Lumaki siyang punong-puno ng pagmamahal mula sa kaniyang mga magulang
at mga kapatid na nakapag-asawa rin nang makapagtapos at pumasa sa abogasya. Naiwan siyang walang
ibang inisip kundi mag-aral at pangalagaan ang kaniyang mga magulang. Matagumpay niyang natapos ang
pagdodoktor at hindi nagtagal ay nakapagtrabaho sa isang malaking ospital. Ngunit sadya yatang itinadhana
na matapos ang dalawang taon mula nang siyang maging ganap na doktor, pumanaw ang kaniyang
pinakamamahal na ina. Naiwan sa kaniya ang pangangalaga ng ama na noon ay may sakit na ring iniinda.
Malimit siyang mapag-isa sa tuwing nabibigyan ng pagkakataong makapagpahinga dulot na rin ng hindi
niya maiwan-iwanan na ama. Naisin man niyang magtrabaho at manirahan sa ibang bansa katulad ng
kaniyang mga kapatid, ang katotohanang may nakaatang na responsibilidad sa kaniyang balikat ang
pumipigil sa kaniyang mangibang-bayan upang manatili sa piling ng ama at alagaan ito hanggang sa kahuli-
hulihang yugto ng kaniyang buhay. Inggit na inggit siya sa mga kasabayang doktor na nasa kanila nang lahat
ang luho at oras na makahanap ng babaing makakasama habambuhay. Ayaw rin niyang mapag-isa balang-
araw kapag nawala na ang kaniyang ama.
Isang araw, habang nagpapahinga matapos ang halos limang oras naoperasyon, nakatanggap siya ng
tawag mula sa kasambahay na sinusumpong ng sakit ang kaniyang ama. Nagmadali siyang umuwi at sa
kabutihang palad, naagapan naman niya ang ama. Bahay. Ospital. Bahay. Ospital. Paulit-ulit na takbo ng
buhay na pakiramdam ni Adrian ay matatapos lamang kapag tuluyan nang mawala ang kaniyang ama. Hindi
niya namamalayan, unti-unti niyang nararamdaman ang pagkaawa sa sarili. Nais niyang makawala sa
responsibilidad at magkaroon ng panahon para sa sarili.
“Daddy, patawad po. Nais ko lamang na lumigaya sa buhay. Nasa katanghalian na po ako ng buhay
ko. Ayaw ko pong mag-isa balang araw kapag kayo‟y nawala.” Dahan-dahan niyang binuhat ang ama na
halos hindi na makapaglakad nang maayos. Pinasan niya ang ama at isinakay sa kaniyang kotse. Walang
imik na sumama ang ama. Naglakbay sila nang halos isang oras. Nang sila‟y nakarating sa isang lugar,
huminto ang kotse at pinasan ni Adrian ang ama. Tinunton nila ang daan papasok sa isang kagubatan.
Mabigat ang ama kaya paminsan-minsan ay tumititigil sila sa lilim ng puno upang magpahinga. Wala pa
ring imik ang ama habang binabali ang maliliit na sanga. Napansin niyang tumutulo ang luha ng anak.
“Bakit ka umiiyak?” tanong ng ama kay Adrian. “Wala po, Dad.” Nagpatuloy sa paglalakad si Adrian na
pasan-pasan ang ama. Patuloy rin ang pagtulo ng kaniyang luha. Alam niyang labag sa kaniyang kalooban
ang kaniyang gagawin. Maraming beses din silang tumigil upang magpahinga at paulit-ulit din ang
pagbabali ng ama ng maliliit na sanga ng puno. Napansin ito ni Adrian. “Bakit n‟yo po binabali ang mga
sanga ng puno sa tuwing tayo‟y nagpapahinga, Dad?,” tanong ni Adrian. Tumugon ang ama na may ngiting
namutawi sa kaniyang labi.
“Alam ko nais mo akong iligaw sa loob ng kagubatan. Anak, palatandaan ito na dito tayo dumaan, para sa
pagbalik mo ay hindi ka maliligaw.” Lalong bumilis ang pag-agos ng luha ng binata. Walang kaimikimik,
muling pinasan ni Adrian ang ama at natagpuan ang sariling bumabalik sa lugar kung saan sila nanggaling.
Alam ni Adrian na hindi na siya maliligaw. Hinding-hindi na.

-Peralta, Romulo N.et.al., Panitikang Asyano 9, 19-21

10-11. Pangyayari:
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
12-13. Kaugnayan sa Kasalukuyan sa Lipunang
Asyano:________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
14-15. Pangyayari:
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
16-17. Kaugnayan sa Kasalukuyan sa Lipunang Asyano:
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________

18. Tumutukoy ito sa kahulugan ng salita na matatagpuan sa diksiyonaryo.


a. Denotatibong Pagpapakahulugan
b. Konotatibong Pagpapakahulugan
c. Opinion
d. Katotohanan
19.Pagpapakahulugang nakabatay sa kung paano ginamit ang salita sa pangungusap.
a. Denotatibong Pagpapakahulugan
b. Konotatibong Pagpapakahulugan
c. Opinion
d. Katotohanan
20. Ang _________ ay mga salitang ginagamit natin upang pag-ugnayin ang dalawang salita, parirala at
sugnay.
a. Pangatnig b. pang-ugnay c. transitional devices
21. Ang _______________ ay mga salitang ginagamit upang pagsunod-sunurin ang mga pangyayari o
naratibo, paglilista ng mga ideya at paglalahad.
a. Pangatnig b. pang-ugnay c. transitional devices
22.Ito ay ang pagbibigay sa isa o grupo ng mga salita ng ibang kahulugan, sa halip na totoong kahulugan.
a. Pahiwatig b. interpretasyon c. simbolo d. opinion
23.Isang bagay na sumasagisag, tumatayo o kaya naman ay nagpapahiwatig ng isang ideya, larawan,
paniniwala, aksiyon o kaya naman ng isang bagay.
a. Pahiwatig b. interpretasyon c. simbolo d. opinion
24.Ito ay uri ng tunggalian ng tao laban sa kanIyang sarili. Masasalamin dito ang dalawang magkasalungat
na hangad o pananaw ng iisang tao. Maaaring ang ginagawa natin ay salungat sa nasa puso’t isipan natin o
di kaya naman gusto ng puso’t isipan natin ngunit ayaw naman nating gawin. Isang halimbawa ng tao
laban sa sarili ay ang ating konsensiya.
a. Tunggalian tao vs. sarili b. tunggaliang tao vs. tao c. tunggaliang tao vs. kapaligiran
Para sa aytem 25-26. Basahin ang akdang Tatsulok na Daigdig. At suriin at isulat ang isang pangyayari na
nagpapakita ng tunggaliang tao vs. sarili.
TATSULOK NA DAIGDIG
Ni Natsumi Soseki
Salin ni Aurora E. Batnag

Paakyat sa landas ng bundok, nakapag-isip-isip ako. Kapag laging utak ang pinapangibabaw
mo, magiging malupit ka. Sumagwan ka sa ilog ng emosyon at matatangay ka ng agos. Palayain mo naman
ang iyong mga hangarin at di ka mapakali sa iyong pagkakakulong.
Hindi kasiya-siyang mamuhay rito, sa daigdig na ito. Habang lumulubha ang pagkayamot, ibig
mong tumakas kung saan higit na magaan ang buhay. Pagdating lang sa puntong una mong napag-isip-isip
na sadyang mahirap mabuhay kahit malayo na ang narating mo, saka isinisilang ang isang tula, o nalilikha
ang isang larawan. Ang mundong ito ay di likha ng Diyos o ng demonyo kundi ng mga karaniwang tao sa
ating paligid; yaong mga nakatira sa tapat o sa kapitbahay, na tinatangay ng pang-araw-araw na agos ng
pamumuhay. Maaaring napakahirap mabuhay sa mundong ito na nilikha ng mga karaniwang tao pero may
iba pa bang mapupuntahan? Kung mayroon man, tiyak iyon ay isang lupaing “di-pantao”, at anong malay
natin, baka mas kasumpa-sumpa pa ang mundong iyon kaysa rito? Hindi tayo makakatakas sa daigdig na ito.
Samakatuwid, sa hirap ng buhay, wala kang magagawa kundi magpakaginhawa sa taghirap,
bagamat maikling panahon lamang ang kaya mong tiisin, upang kahit papaano’y makaya mo ang iyong
maikling buhay. Sa puntong ito nagsisimula ang bokasyon ng isang alagad ng sining at dito rin itinatalaga ng
langit ang gawain ng isang pintor. Pasalamatan mo ang langit dahil sa mga tao na sa iba’t ibang paraan ng
kanilang sining, ay naghahatid ng katiwasayan sa mundo at nagpapataba ng mga puso.
- Malig, “Tatsulok sa Daigdig”
Pangyayaring nagpapakita ng tunggaliang Paliwanag
tao vs. sarili
25. 26.

27. Tumutukoy ito sa kahulugan ng salita na matatagpuan sa diksiyonaryo.


A. Denotatibong pagpapakahulugan
B. Konotatibong pagpapakahulugan
C. Opinion
D. Bokabularyo
28. Pagpapakahulugang nakabatay sa kung paano ginamit ang salita sa pangungusap.
A. Denotatibong pagpapakahulugan
B. Konotatibong pagpapakahulugan
C. Opinion
D. Bokabularyo

29. “Nakapapaso sa balat ang sikat ng araw sa sobrang init”. ARAW- nagbibigay init at liwanag sa daigdig .
Ito ay halimbawa ng ___________________?
A. Denotatibong pagpapakahulugan
B.Konotatibong pagpapakahulugan
C. Opinion
D.Bokabularyo
30. “Sa iyong pagdating ay muling sumikat ang araw sa aking pusò”.
ARAW – muling umibig/nagmahal muli. Ito ay halimbawa ng ___________________?
A. Denotatibong pagpapakahulugan
B.Konotatibong pagpapakahulugan
C. Opinion
D.Bokabularyo
31. Ang __________________________ ay uri ng tunggalian ng tao laban sa kanIyang sarili. Masasalamin
dito ang dalawang magkasalungat na hangad o pananaw ng iisang tao.
A. tao laban sa sarili o tao vs. sarili B. tao vs. tao C. tao vs. kalikasan D. tao vs. lipunan
32. Isang halimbawa ng tao laban sa sarili ay ang ating ____________.
A. konsensiya B. kasiyahan C. kalungkutan d. kamalayan
II.Para sa aytem 33-40, punan ang mga patlang ng salitang hinihingi sa ibaba. Piliin ang tamang sagot sa
kahon.
pangunahing tauhan, estilo sa pagsulat ng awtor, kakintalan, paghahatol ,pagmamatuwid, paksa, mga
tauhan, pagkakasunodsunod ng mga pangyayari,

Ang maikling kuwento ay isang anyo ng panitikan na may layuning magsalaysay sa


búhay ng 33______________. Nag-iiwan ito ng 34__________ sa isip ng mga mámbabasá.

Mahalaga ang pagbubuo ng sariling 35____________________ o


36________________sa mga ideyang nakapaloob sa akda sapagkat sa tulong nitó ay mas
nauunawaan pa natin ang nilalaman ng akdang ating binabasa at malaya tayong
nakakapagpahayag ng ating saloobin ukol dito.

Nasusuri ang maikling kuwento batay sa 37________, 38___________,


39_______________________ at 40____________________sa pamamagitan nito mas madaling
maunawaan ang kabuoan ng kuwento.

GOODLUCK!!!

Inihanda ni: Nirebyu at inaprobahan ni:

DONNA G. MENESES SALVE G. OLAZO


T-III ESP-I

You might also like