You are on page 1of 16

9

Filipino 9
Ikatlong Markahan – Modyul 4

NANG MINSANG NALIGAW SI ADRIAN


(Tunggaliang Tao vs. Tao at Tao vs. Sarili)

NegOr_Q3_Filipino9_Module4_v2
Filipino – Ikasiyam Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 4: Nang Minsang Naligaw si Adrian
(Tunggaliang Tao vs Tao at Tao vs Sarili)
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Romelyn S. Bandoquillo, Ivy B. Silorio, Rico C. Tañesa


Editor: Venicar P. Eltanal, Rico C. Tañesa, Crispina P. David
Tagasuri: Roshelle G. Abella, Lucille T. Folio, Janeth A. Celin,
Vincent Gee R. Abrasado, Crispina P. David
Tagalapat: Wendell Calingacion
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Joely M. Arcilla, EdD Maricel S. Rasid
Marcelo K. Palispis JD, EdD Elmar L. Cabrera
Nilita L. Ragay, Ed.D.
Renante A. Juanillo, Ed.D.

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental
Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental
Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-
aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay
sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang
itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng
mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung
sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-
aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan
niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa
bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng
pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at
pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit
pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang
bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung
sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM
na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa
kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

i
ALAMIN

Ang modyul na ito ay nilikha ng mga may-akda para magsilbing ilaw at


gabay sa pagtatamo ng pagkatuto. Ito ay huhubog sa inyo bilang isang magaaral
hindi lamang sa aspektong pangkaisipan bagkus pinahahalagahan din nito ang
aspektong moral nang sa ganoon ay maging mabuti kang mamamayan.
Ang aralin ay tungkol sa isang maikling kuwento at uri ng tunggaliang
kinakaharap ng tauhan. Inihanda ang araling ito upang lilinang sa iyong
kakayahang sumuri sa pangyayari sa kuwento at pag-uugnay nito sa tunay na
buhay.
Sa katapusan ng modyul na ito ikaw ay inaasahang:

• Nasusuri ang mga tunggalian (tao vs. tao, tao vs. sarili) sa kuwento batay
sa napakinggang pag-uusap ng mga tauhan. (F9PN-IIId-e-52)
• Napatutunayang ang mga pangyayari at/o transpormasyong nagaganap
sa tauhan ay maaaring mangyari sa tunay na buhay. (F9PB-IIId-e-52)

MGA TIYAK NA LAYUNIN

Sa araling ito, inaasahan na ikaw ay:


1. Nakatutukoy sa pangyayari ng kuwento na nagpapakita ng tunggaliang
tao vs tao at tao vs sarili;
2. Nakabubuo ng dalawang talatang salaysay na nagpapatunay na ang
nangyaring transpormasyon sa tauhan ng kuwento ay nangyayari sa
tunay na buhay; at
3. Napagtitibay ang pagpapahalaga sa magulang sa kabila ng sariling
mithiin sa buhay.

1 NegOr_Q3_Filipino9_Module4_v2
SUBUKIN

Basahing mabuti ang sumusunod na tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat
sa inyong kuwaderno.

1. Uri ng tunggalian sa kuwento na madalas na nagkakaroon ng paglalaban ang


pangunahing tauhan at ang mga tao sa kanyang paligid na kalimitang resulta ay
gulo at patayan.
A. tao vs. tao B. tao vs sarili C. tao vs lipunan D. tao vs kalikasan

2. Ang kinakalaban ng tauhan ay ang mismong kanyang sariling paniniwala,


prinsipyo at palagay.
A. tao vs. tao B. tao vs sarili C. tao vs lipunan D. tao vs kalikasan

3. Isang anyo ng panitikan na naglalayong magsalaysay ng isang mahalaga at


nangigibabaw na pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan at nag-iiwan ng
isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa.
A. sanaysay B. nobela C. tula D. makling kuwento

4. Nagpatuloy sa paglalakad si Adrian na pasan-pasan ang ama. Patuloy rin ang


pagtulo ng kaniyang luha. Alam niyang labag sa kaniyang kalooban ang
kaniyang gagawin. Anong uri ng tunggalian ang sitwasyon?
A. tao vs. tao B. tao vs sarili C. tao vs lipunan D. tao vs kalikasan

5. “Daddy, patawad po. Nais ko lamang na lumigaya sa buhay. Nasa katanghalian


na po ako ng buhay ko. Ayaw ko pong mag-isa balang araw kapag kayo’y
nawala.” Ito ay tunggaliang________.
A. tao vs. tao B. tao vs sarili C. tao vs lipunan D. tao vs kalikasan

Para sa bilang 6-10, basahing mabuti ang mahalagang bahagi ng kuwento na nasa
loob ng kahon at sagutin ang mga katanungan.

“Daddy, patawad po. Nais ko lamang na lumigaya sa buhay. Nasa katanghalian


na po ako ng buhay ko. Ayaw ko pong mag-isa balang araw kapag kayo’y
nawala.” Dahan-dahan niyang binuhat ang ama na halos hindi na makapaglakad
nang maayos. Pinasan niya ang ama at isinakay sa kaniyang kotse. Walang imik
na sumama ang ama.

2 NegOr_Q3_Filipino9_Module4_v2
Naglakbay sila nang halos isang oras. Nang sila’y nakarating sa isang lugar,
huminto ang kotse at pinasan ni Adrian ang ama. Tinunton nila ang daan papasok
sa isang kagubatan. Mabigat ang ama kaya paminsan-minsan ay tumitigil sila sa
lilim ng puno upang magpahinga. Wala pa ring imik ang ama habang binabali
ang maliliit na sanga. Napansin niyang tumutulo ang luha ng anak.

“Bakit ka umiiyak?” tanong ng ama kay Adrian.

“Wala po, Dad.”

Nagpatuloy sa paglalakad si Adrian na pasan-pasan ang ama. Patuloy rin ang


pagtulo ng kaniyang luha. Alam niyang labag sa kaniyang kalooban ang kaniyang
gagawin. Maraming beses din silang tumigil upang magpahinga at paulit-ulit din
ang pagbabali ng ama ng maliliit na sanga ng puno. Napansin ito ni Adrian. “Bakit
n’yo po binabali ang mga sanga ng puno sa tuwing tayo’y nagpapahinga, Dad?,”
tanong ni Adrian.

Tumugon ang ama na may ngiting namutawi sa kaniyang labi.

“Alam ko nais mo akong iligaw sa loob ng kagubatan. Anak, palatandaan ito na


dito tayo dumaan, para sa pagbalik mo ay hindi ka maliligaw.”

-Halaw sa “Nang Minsang Naligaw si Adrian”. Panitikang Asyano


(Kagamitan ng Mag-aaral sa FILIPINO) Modyul 1. pp.14-15.

6. Ano ang pangalan ng anak sa kuwento?


A. Adrian B. Daddy C. David D. Noel

7. Ano ang pakay ni Adrian sa pagbubuhat ng kanyang ama papasok sa


kagubatan?
A. magpagamot C. nais nitong iligaw ang ama sa gubat
B. mamasyal D. itatapon ang ama sa gubat

8. Bakit umiiyak si Adrian habang pinapasan ang ama papasok sa gubat?


A. mangungulila siya nito C. inuusig ng sariling budhi
B. nilalabanan niya ang sarili D. lahat ng nabanggit

9. Ano ang dahilan bakit binabali ng ama ang sanga ng puno tuwing sila ay
nagpapahinga?
A. Wala na sa katinuan ang ama
B. Alam ng ama na itatapon siya
C. Ito ang paraan ng ama na di siya maliligaw
D. Palatandaan ito na doon sila dumaan, para di maligaw pabalik ang anak

3 NegOr_Q3_Filipino9_Module4_v2
10. Paano mo haharapin ang suliranin sa buhay gaya ng kinakaharap ni Adrian sa
kuwento?
A. ipapasok sa bahay ampunan ang ama
B. harapin ito at hanapan ng positibong solusyon
C. ipaubaya sa ibang tao ang paghanap ng solusyon
D. pabayaan na lang ang ama at hintayin na pumanaw

TUKLASIN

Lagyan mo ng tsek () ang bilang ng pahayag na may kaugnayan sa Maikling


Kuwento at Tunggaliang Tao vs Tao at Tao vs Sarili.

___1. Tumatalakay sa isang madulang bahagi ng buhay.


___2. Gumagamit ng isang pangunahing tauhang may mahalagang suliranin
at ng ilang ibang mga tauhan.
___3. Gumagamit ng isang mahalagang tagpo o ng kakaunting tagpo.
___4. Nagpapakilala ng mabilis na pagtaas ng kawilihan hanggang sa
kasukdulan na sinusundan kaagad ng wakas.
___5. Nagtataglay ng iisang impresyon o kakintalan.
___6. Ang tunggalian ay nagbibigay-daan sa madudulang tagpo upang lalong
maging kawili-wili.
___7. Sa tunggalian naging kapana-panabik ang mga panggyayari kaya‟t
sinasabing ito ang sanligan ng akda.
___8. Ang sagabal o katunggaling lakas ay dapat na nababagay sa
kahalagahan ng layunin.
___9. Ang tunggalian ay dapat na magdulot ng pananabik at kasiyahan sa
mga mambabasa sa dakong huli
___10. Mga problemang kinakaharap ng mga tauhan sa kwento.

SURIIN

Alam mo ba na ang maikling kuwento ay isang anyo ng panitikan na


naglalayong magsalaysay ng isang mahalaga at nangigibabaw na pangyayari sa
buhay ng pangunahing tauhan at nag-iiwan ng isang kakintalan sa isip ng mga
mambabasa? Ito ay maikling katha na nagsasalaysay at tumatalakay sa madulang
bahagi ng buhay. Hindi ito pinaikling nobela o buod ng isang nobela. Isa itong uri
ng masining na pagsasalaysay na maikli ang kaanyuan at ang diwa ay
napapalaman sa isang buo, mahigpit at makapangyarihang balangkas na
inilalahad sa isang paraang mabilis ang galaw.

4 NegOr_Q3_Filipino9_Module4_v2
Isa sa elemento ng kuwento ay ang tunggalian. Ito ang nagbibigay-daan sa
madudulang tagpo upang lalong maging kawili-wili at kapana-panabik ang mga
panggyayari kaya’t sinasabing ito ang sanligan ng akda. Nagsisimula ito sa
paghahangad ng pangunahing tauhan na hahadlangan ng sinuman o anuman sa
katuparan. Ang sagabal o katunggaling lakas ay dapat na nababagay sa
kahalagahan ng layunin; at dapat na magdulot ng pananabik at kasiyahan sa mga
mambabasa sa dakong huli.

Mga Uri ng Tunggalian:

a. Tao laban sa Tao- ito ay ang pangunahing uri ng panlabas na tunggalian.


Dito, ang tauhan ay nakikipagbanggaan sa isa pang tauhan. Ito ay labanan ng
klasikong bida laban sa kontrabida o mabuting tao laban sa masamang tao.
Maaaring dulot ito ng pagkakaiba nila sa pamantayan ng moralidad, posisyon sa
lipunan, o paniniwala. Ipinakikita rito na ang kabiguan ng tao ay dulot ng kanyang
kapwa.

b. Tao laban sa Sarili- Ito ay panloob na tunggalian dahil nangyayari ito sa loob
ng tauhan. Halimbawa nito ang suliraning may kinalaman sa moralidad at
paniniwala. Karaniwang pinoproblema ng tauhan kung ano ang pipiliin--ang tama
o mali, o mabuti o masama? Maaari rin namang tungkol ito sa pagsupil sa sariling
damdamin. Ang tauhan lamang ang nakareresolba sa hinaharap niyang suliranin.

Ngayong alam mo ang tungkol sa maikling kuwento at uri ng tunggalian na


Tao vs tao at Tao vs sarili, basahin mo ang maikling kuwento na pinamagatang
“Nang Minsang Naligaw si Adrian”. Basahin ang buong kuwento sa aklat na
Panitikang Asyano (Kagamitan ng Mag-aaral sa FILIPINO 9) Modyul 1,
pahina.14-15.

PAGYAMANIN

A. Sagutin ang mga gabay na tanong sa ibaba.

1. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?


2. Ano-anong katangian ng pangunahing tauhan ang nangibabaw sa
kuwento? Anong bahagi o pangyayari sa kuwento ang nagpapakita ng
mga nabanggit na katangian?

5 NegOr_Q3_Filipino9_Module4_v2
3.
KATANGIAN NG PANGUNAHING BAHAGI/PANGYAYARING
TAUHAN NAGPAPATUNAY

4. Anong pangyayari sa kuwento ang nakapagpabago sa pag-uugali ng


anak? Isalaysay.
5. Kung ikaw ang anak sa kuwento, gagawin mo rin ba ang ginawa niya
sa kanyang ama upang mapasaya ang sarili at mapaghandaan ang
iyong bukas? Ipaliwanag.

B. Tukuyin ang tiyak na pangyayari sa kuwento na nagpapatunay sa tungggaliang


tao vs tao at tao vs sarili.

Uri ng Tunggalian Pangyayari sa Kuwento


Tao vs Tao

Tao vs Sarili

ISAISIP

Nararapat na tandaan na ang maikling kuwento ay


isang uri ng panitikang nasa anyong tuluyan na
naglalayong magsalaysay ng isang mahalaga at
nangigibabaw na pangyayari sa buhay ng pangunahing
tauhan at nag-iiwan ng isang kakintalan sa isip ng mga
mambabasa. Isa sa elemento ng kuwento ay ang
tunggalian. Sa aralin na sinuri, may dalawang tunggalian
ang kinaharap ng tauhan: tunggaliang tao vs tao at ato vs
sarili. Sa tunggaliang tao vs tao ang tauhan ay
nakikipagbanggaan sa isa pang tauhan. Ito ay labanan ng
klasikong bida laban sa kontrabida o mabuting tao laban
sa masamang tao.

Samantatalang ang tao vs sarili ang tauhan ay


nakikipaglaban sa kanyang sarili. Karaniwang
pinoproblema ng tauhan kung ano ang pipiliin ang tama o
mali, o mabuti o masama.

6 NegOr_Q3_Filipino9_Module4_v2
ISAGAWA

Ngayon, panahon na para ipakita kung ano ang iyong mga natutuhan sa
modyul na ito. Basahin ang kasunod na sitwasyon at isaalang-alang ang rubriks
sa paggawa nito.

Sitwasyon:

Magsalaysay ng hindi bababa sa dalawang talata na sariling karanasan o


karanasan ng iba, nabasa o napanood na pangyayari kaugnay sa karanasan ni
Adrian sa kuwento. Sa pagsasalaysay, patunayan na nangyayari sa tunay na
buhay ang pagbabago o transpormasyon ng panguhing tauhan.

RUBRIK SA PAGBUBUO NG TALATANG NAGSASALAYSAY

Kraytirya Napakahusay Mahusay Nangangailangan


(5pts) (3pts) Pa ng
Pagsasanay
(2pts)
Nilalaman Malawak at malalim May ilang ideya Malayo sa
ang pagkatalakay sa na di kaugnay sa paksa ang
paksa. paksang pagtalakay.
tinalakay.

Kalinawan Mahusay at malinaw Medyo di angkop Di angkop ang mga


ang pagsasalaysay. ang paraan ng salitang ginamit sa
pagsasalaysay. pagsasalaysay at
masyadong maligoy.

Balarila Wastong lahat ang May ilang salita, Maraming mali sa


gamit ng mga salita, bantas at baybay balarila.
baybay, bantas at ang namali ang
estruktura ng mga pagkagamit.
pangungusap

Hikayat Tamang-tama ang Tama ang paraan Nakalilito ang


paraan ng ng pagtalakay pagtalakay at di ito
pagtalakay ng paksa ngunit may mga nakakakuha ng
at magkakaugnay ideyang di interes na basahin.
ang mga ideya magkaugnay.

7 NegOr_Q3_Filipino9_Module4_v2
TAYAHIN

Basahing mabuti ang sumusunod na tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot at
isulat sa inyong kuwaderno.

1. Anong uri ng tunggalian ang pahayag ni Adrian? “Daddy, patawad po. Nais
ko lamang na lumigaya sa buhay. Nasa katanghalian na po ako ng buhay ko.
Ayaw ko pong mag-isa balang araw kapag kayo’y nawala.”

A. tao vs. tao B. tao vs sarili C. tao vs lipunan D. tao vs hayop

2. Sinabunutan ng babae ang kapitbahay na bungangera. Ito ay


tunggaliang_______.
A. tao vs. tao B. tao vs sarili C. tao vs lipunan D. tao vs hayop

3. Kahit ano pa ang sabihin nila sa aking ginawa, wala akong pakialam! Ito ay
tunggaliang________.
A. tao vs. tao B. tao vs sarili C. tao vs lipunan D. tao vs hayop

4. Anong uri ng akdang pampanitikan na nasa anyong tuluyan na naglalayong


magsalaysay ng isang mahalaga at nangigibabaw na pangyayari sa buhay ng
pangunahing tauhan at nag-iiwan ng isang kakintalan sa isip ng mga
mambabasa?
A. Sanaysay C. tula
B. Nobela D. makling kuwento

5. Anong elemento ng maikling kuwento ang nagbibigay-daan sa madudulang


tagpo upang lalong maging kawili-wili at kapana-panabik ang mga
panggyayari kaya’t sinasabing ito ang sanligan ng akda?
A. Banghay B. tauhan C. kaisipan D. tunggalian

6. Nagpatuloy sa paglalakad si Adrian na pasan-pasan ang ama. Patuloy rin


ang pagtulo ng kaniyang luha. Alam niyang labag sa kaniyang kalooban ang
kaniyang gagawin. Ito ay tunggaliang_________.
A. tao vs. tao B. tao vs sarili C. tao vs lipunan D. tao vs hayop

7. Nagdadalawang-isip si Adrian kung itutuloy niya ang kanyang balak nang


sinabi ng ama na kaya niya binali ang sanga ng puno ay upang di siya
maliligaw pabalik.
A. tao vs. tao B. tao vs sarili C. tao vs lipunan D. tao vs hayop

8. Ano bang dapat kong gawin, Panginoon? Mahal na mahal ko siya ngunit
mayroon na siyang pamilya! Upang matapos na ang lahat, kalimutan ko na
lang siya. Ito ay tunggaliang_______.
A. tao vs. tao B. tao vs sarili C. tao vs lipunan D. tao vs hayop

8 NegOr_Q3_Filipino9_Module4_v2
9. “Anak, bakit mo ito ginawa sa akin?” “Patawad Daddy, wala na akong naisip
na ibang paraan upang ako’y liligaya sa buhay kundi ang pagliligaw sa iyo
sa parang.” Anong uri ng tunggalian ang naganap sa diyalogo?
A. tao vs. tao B. tao vs sarili C. tao vs lipunan D. tao vs hayop

10. Si Adrian sa kuwentong binasa ay nagtapos ng kursong______


A. abogasyo B. doktor C. pulis D. titser

Para sa bilang 11-15. Basahing maigi ang teksto upang masagot mo nang tama
ang mga katanungan sa ibaba.

“Daddy, patawad po. Nais ko lamang na lumigaya sa buhay. Nasa


katanghalian na po ako ng buhay ko. Ayaw ko pong mag-isa balang araw
kapag kayo’y nawala.”
Dahan-dahan niyang binuhat ang ama na halos hindi na makapaglakad nang
maayos. Pinasan niya ang ama at isinakay sa kaniyang kotse. Walang imik
na sumama ang ama.
Naglakbay sila nang halos isang oras. Nang sila’y nakarating sa isang lugar,
huminto ang kotse at pinasan ni Adrian ang ama. Tinunton nila ang daan
papasok sa isang kagubatan. Mabigat ang ama kaya paminsan-minsan ay
tumitigil sila sa lilim ng puno upang magpahinga. Wala pa ring imik ang ama
habang binabali ang maliliit na sanga. Napansin niyang tumutulo ang luha ng
anak.
“Bakit ka umiiyak?” tanong ng ama kay Adrian.
“Wala po, Dad.”
Nagpatuloy sa paglalakad si Adrian na pasan-pasan ang ama. Patuloy rin ang
pagtulo ng kaniyang luha. Alam niyang labag sa kaniyang kalooban ang
kaniyang gagawin. Maraming beses din silang tumigil upang magpahinga at
paulit-ulit din ang pagbabali ng ama ng maliliit na sanga ng puno. Napansin
ito ni Adrian.
“Bakit n’yo po binabali ang mga sanga ng puno sa tuwing tayo’y
nagpapahinga, Dad?,” tanong ni Adrian.
Tumugon ang ama na may ngiting namutawi sa kaniyang labi.
“Alam ko nais mo akong iligaw sa loob ng kagubatan. Anak, palatandaan ito
na dito tayo dumaan, para sa pagbalik mo ay hindi ka maliligaw.”
-Halaw sa “Nang Minsang Naligaw si Adrian”. Panitikang
Asyano (Kagamitan ng Mag-aaral sa FILIPINO) Modyul 1. pp.14-15

11. Ano ang pangalan ng anak sa kuwento?


A. Adrian B. Daddy C. David D. Noel

9 NegOr_Q3_Filipino9_Module4_v2
12. Bakit binubuhat ni Adrian ang kanyang ama papasok sa kagubatan?
A. Magpagamot C. nais nitong iligaw ang ama sa gubat
B. Mamasyal D. itatapon ang ama sa gubat

13. Bakit lumuluha si Adrian habang tangay ang ama papasok sa gubat?
A. mangungulila siya nito C. inuusig ng sariling budhi
B. nilalabanan niya ang sarili D. lahat ng nabanggit

14. Bakit binabali ng ama ang sanga ng puno tuwing sila ay nagpapahinga?
A. Wala na sa katinuan ang ama
B. Alam ng ama na itatapon siya
C. Ito ang paraan ng ama na di siya maliligaw
D. Palatandaan ito na doon sila dumaan, para di maligaw pabalik ang anak

15. Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Adrian paano mo haharapin ang suliranin?
A. ipapasok sa bahay ampunan ang ama
B. harapin ito at hanapan ng positibong solusyon
C. ipaubaya sa ibang tao ang paghanap ng solusyon
D. pabayaan na lang ang ama at hintayin na pumanaw

KARAGDAGANG GAWAIN

Paano mo haharapin ang suliranin sa buhay at pagbibigay-halaga sa magulang sa


kabila ng sariling mithiin sa buhay?

Haharapin ko ang suliranin sa buhay sa pamamagitan


ng ________________________________________
M
___________________________________________
A
_
G ___________________________________________
U
Bibigyan ko ng pagpapahalaga ang aking magulang
L gulang sa kabila ng aking mga mithiin sa buhay sa
A pamamagitan ng _____________________________

N ___________________________________________
G
___________________________________________

10 NegOr_Q3_Filipino9_Module4_v2
SUSI SA PAGWAWASTO

11 NegOr_Q3_Filipino9_Module4_v2
MGA SANGGUNIAN

Aklat.

Peralta, Romulo N., et.al. 2014. Panitikang Asyano: Modyul ng Mag-aaral sa Filipino
9. Pasig City: Vival Group, Inc.

Internet

Guinoo, Jenita. “Mga Panloob at Panlabas na Tunggalian”. (Accessed Feb. 10, 2021)
https://bit.ly/2ZfMMnM

12 NegOr_Q3_Filipino9_Module4_v2

You might also like