You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

Department of Education
CORDILLERA ADMINISTRATIVE REGION
Wangal, La Trinidad, Benguet

PROJECT SMART (Standardized and Meaningful Assessment Result-based Teaching)

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT


FILIPINO 9

Pangkalahatang Panuto:
A. Ang pagsusulit na ito ay binubuo ng 60 aytem tungkol sa mga kasanayang pampagkatutong
binigyang tuon sa buong markahan. Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem bago sumagot.
B. Piliin ang tama o pinakaangkop na sagot sa mga pamimilian at isulat ang titik nito sa naibigay na
hiwalay na sagutang papel.
C. Huwag sulatan ang talatanungang ito.

Para sa bilang 1-3 basahin at unawaing mabuti ang bawat teksto. Piliin ang letra ng iyong sagot.

Ang responsibilidad ng ama sa tahanan ay hingi lamang magbigay ng kanyang kinikitang pera. Kailangan
din niyang siguraduhin na lalaking mabubuting mamamayan ang kanyang mga anak. Makapag-aral sila mula
elementarya hanggang kolehiyo at sila ay maging kapakipakinabang na mamayan ng bansa.

1.Alin sa mga sumusunod ang gampanin ng isang ama para sa ikabubuti ng kanyang mga anak
ayon sa teksto.?
A. Bibilhin ang lahat ang mga bagay na hinihiling ng mga anak.
B. Magtrabaho para sa kanyang mga anak.
C. Palakihin ang mga anak.
D. Pag-aralin at palakihin nang may takot sa Diyos ang mga anak.

Ang mga Pilipino ay nagpapakita ng maganda at di-magandang asal sa burol ng yumao nilang mahal
sa buhay.Ipinapakita nila ang kanilang lungkot o pagdadalamhati sa pamamagitan ng panalangin at pag-iyak
sa harap ng puntod nito. May iba naman na kasama ang pag-iinuman at pagsusugal sa kanilang paglalamay.
Marami sa mga namatayan na sa kabila na nawalan sila ng mahal sa buhay ay maluwat nila itong tinatanggap
para sa ikabubuti ng kanilang kalooban at ipaubaya na lang sa Panginoon ang lahat.

2. Paano ipinamamalas ng mga Pilipino ang pagmamahal sa yumaong mahal sa buhay ayon sa teksto?
A. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng abuloy o tulong sa pamilya ng yumao.
B. Pagpapamalas ng malakas na pag-iyak sa burol ng namatay.
C. Pagsusugal at pag-inom ng alak sa burol ng namatay.
D. Sa pamamagitan ng pananalangin para sa yumaong mahal sa buhay.

3. Nasa loob ka ng iyong silid. Narinig mong pinagagalitan ng kapitbahay mo ang kanyang pitong taong gulang
na anak. Dinig mo ang palahaw ng bata habang hinahampas siya ng walis ng kanyang ina. Hindi ito ang
unang beses na nangyari ito. Maraming beses mo ng nakikita ang pagmamaltrato ng ina sa kanyang anak.
Ano ang gagawin mo?
A. Magpapatulong ako sa nakatatanda upang humingi ng tulong sa DSWD.
B. Isusumbong ko sa pulis para makulong ang ina ng bata.
C. Isusumbong ko ang ina sa kanyang asawa para mag-away sila.
D. I-video ko ang ginawang pagmamalupit sa bata at i-upload ko sa media.

Para sa bilang 4-5 bumuo ng sariling paghahatol base sa tekstong nabasa. Piliin ang letra ng tamang
sagot.

4. Batay sa kuwentong, “Ang Ama”, ang ina ay nakararanas ng labis na pagmamaltrato ng iresponsableng
asawa. Bilang isang mabuting anak, ano ang pinakamabuting gagawin mo sa sitwasyong ito?
A. Ipapulis ko na lang ang aking ama para magtanda.
B. Aalis at iiwan ko ang aking ina at mga kapatid sa bahay.
C. Pagsabihan ko ang aking ama na umalis na lang siya sa bahay.
D. Iiwan muna namin ang aming ama, pag nangako siyang magbabago na siya ay babalik kami sa
bahay.

5. Hindi biro ang maging isang ama. Hindi biro ang responsibilidad na nakaatang sa balikat nito.Papaano mo
paghahandaan ang pagiging isang ama?
ama?
A. Sisikaping makatapos ng pag-aaral at ng makahanap ng magandang trabaho.
B. Sisikapaing makahanap ng responsableng asawa para siya ang bumuhay sa akin.
C. Mag-aaral ako pero pag nakakita ng babaeng mamahalin ay mag-aasawa kaagad.
D. Mangingibang bansa ako para makaipon ng malaking pera at ng makapag-asawa na.

Para sa bilang 6-8 bigyang kahulugan ang mga salitang may salungguhit sa pangungusap.. Piliin ang
letra ng tamang sagot.

6. Takot silang mag- ingay dahil baka itoý umakit sa malaking kamay ng ama. Ano ang denotasyong
kahulugan ng nasalunguhitang salita sa naibigay na pahayag?
A. maging dahilan B. magpatigil
C. magpainis D. maging epekto

7. Sa hirap ng pamumuhay ngayon, marami ang nagbibilang ng poste at isa si Juan. Halos pudpod na ang
takong ng kanyang sapatos sa kahahanap ng trabaho. Ayon sa pagkagamit ng nasalungguhitang mga
salita, ano ang konotatibong kahulugan nito?
A. walang kagustuhan C. walang pangarap
B. walang hanapbuhay D. walang pinag-aralan

8. Sa iilang pagkakataon, ipinakita ng ama ang kaluwagang-palad nito. Ano ang denotasyong kahulugan ng
nasalungguhitang mga salita?
A. malaking kamay C. malaking paa
B. malaking ulo D. malaking katawan

Para sa bilang 9-11 Basahin at suriin ang mga tanong base sa tekstong nabasa. Piliin ang letra ng
tamang sagot.

9. Kung ang iyong ina ay palakaibiganin sa lahat. Wala siyang inuurungan lahat ng taong kanyang madaanan
ay nakakakwentuhan niya. Sa papaanong paraan mo matutulungan ang iyong ina na huwag mahawahan ng
Covid lalo’t panahon ng pandemya.
A. Hahayaan ko siyang makipag-usap sa aming mga kapitbahay.
B. Hahayaan ko na lang siya kung lumabas ng bahay na hindi naka-facemask.
C. Pagsabihan ko siya na pumasyal naman sa kabayanan para magliwaliw.
D. Paalalahanan ko siya tungkol sa pagsunod ng protocol para makaiwas sa pandemya.

10. Ang akdang Ang Ama ay isang uri ng kuwentong may layuning_________.
A. manghikayat C. mangaral
B. magpaalala D. mang-api

11. Namatay si Mui Mui dahil sa kalupitan ng ama. Isang araw dumalaw siya sa puntod ni Mui Mui at may
daladalang mga tsokolate. Ito ay nagpapahiwatig na ang ama ay_______.

A. May kapangyarihang magdesisyon para sa pamilya.


B. May kalayaang dumalaw sa puntod ng kanyang anak.
C. May pagsisisi sa kanyang mga pagkakamali.
D. May kalayaang nagpapasiya sa mga gawain ng miyembro ng pamilya.

2
Sa bilang 12-13 basahin at ayusin ang mga pangyayari ayon sa simula hanggang katapusan. Piliin ang
letra ng tamang sagot.

12. Alin ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari upang mabuo ang kaisipan nito?

1. Sinorpresang dinalaw ng ama ang anak sa pagamutan at nakita niyang nanghihina na ang anak.
2. Nagbalik ang ama sa bahay at nadatnan niyang wala nang buhay ang kanyang anak.
3.Di na maikakaila ang mabilis na pagkapawi ng lakas ng kanyang anak.Ramdam na ang pagod at
hingal sa pagsasalita ng anak.
4.Hiniling ng anak sa ama na ipagdiwang ang kanyang kaarawan kahit hindi pa araw ng
kanyang kaarawan.Nangumbida ng maraming tao kasabay ng hiling ng regalo at pagbati ng
“Happy Birthday”sa anak.
5.Huling Sabado ng Pebrero ay pumanaw na ang anak at sa ilang sandali matapos ang sabay na
paglaglag ng luha ng ama ay ibinuga niya ang kanyang hininga.

A.12345 B.54321 C.24351 D.41352

13. Alin ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari upang makabuo ng lagom?

1.Nagsisi ang ama at humingi ng kapatawaran sa anak na namatay.


2.Namatay si Mui dahil sa pananakit ng ama.
3.Sinaktan/binugbog ng ama ang kaniyang anak na si Mui Mui.
4.Umuwi ang ama at masama ang timpla kasi nasisante sa trabaho.
5.Naawa ang ama sa kaniyang sarili at bumulwak ang pagmamahal sa patay na bata.
6.Marami ang nakiramay sa masakiting batang namatay.

A.123456 B.654321 C.246135 D.432165

Sa bilang 14-18 punan ng angkop na pang-ugnay ang bawat pangungusap sa bawat bilang. Piliin ang
letra ng tamang sagot.

14. Alin ang angkop na pang-ugnay para mabuo ang kaisipan ng pahayag?
Lubusang naapektuhan ang mga Pilipino sa Corona Virus ___ marami ang matiyagang nanawagan at
nagdasal na sana pairalin ang disiplina at manatiling malakas ang katawan habang umiiral ang naturang virus.
A. kaya C. dahil dito
B. saka D. sa lahat ng ito

15. Alin ang angkop na pang-ugnay para mabuo ang kaisipan ng pahayag?
Marami ang nayamot na mga netizens sa mga pasaway ______ hindi sila marunong magtiis habang umiiral
ang Enhanced Community Quarantine.
A. kung gayon C. dahil sa
B. samantala D. ngunit

16. Alin ang angkop na pang-ugnay para mabuo ang kaisipan ng pahayag?
_____hindi nagpaapekto ang marami sa hinaharap na pandemya bagkus naging matatag pa ang pananalig
sa Diyos na masugpo na ang kinakaharap na suliranin ng buong mundo.
A. Dahil dito C. Kaya
B. Datapwat D. Samantala

17. Alin ang angkop na pang-ugnay para mabuo ang kaisipan ng pahayag ?
May pagkakagastusan pa rin tayo kahit na huwad ang mga korporasyong itatayo natin
sertipiko, at marami pang iba.”
A. dahil sa C. kaya
B. kahit na D. samantala

18. Alin ang angkop na pang-ugnay para mabuo ang kaisipan ng pahayag ?
“Sa kalkulasyon ng ating Partido ang ginastos natin ngayon ay di hamak na maliit _______ ng pandemya.
darating na eleksiyon.”
A. sa kabila C. samanta
B. dahil sa D. tunay na

3
Sa bilang 19-20 suriin ang tunggaliang nakapaloob sa bawat bilang. Piliin ang titik ng tamang sagot.

19. Anong uri ng tunggalian ang isinasaad sa pahayag?


“Mayroon ba namang gayong araw-araw na nakabungguang-balikat ay di mo matawag na
kapalagayang-loob?”
A. Tao laban sa tao C. Tao laban sa sarili
B. Tao laban sa kalikasan D. tao laban sa lipunan

20. Mula sa nobelang “Takipsilim Sa Dyakarta”, alin sa mga pangyayari rito ang mauuri bilang tunggaliang tao
laban sa sarili?
A. “Gusto mo bang maging masama ako gaya ng iba?”, sigaw ni Sugeng.
Pabalik-balik sa kaniyang pandinig ang sigaw niyang iyon.
B. “Baka walang pera”, naisaloob ni Dahlia.
C. Nadama ni Hasnah ang katapatan sa kaniyang pagsasalita.
D. Nagtama ang kanilang mga tingin at kapwa sila napangiti.

Para sa bilang 21-23 bigyan ng sariling interpretasyon ang mga pahiwatig na ginamit sa teksto. Piliin
ang letra ng tamang sagot.

Daig pa si Hitler kung maturingan ang ama noong buhay pa. Di mapaknit sa kanyang gunita ang
mukha ng manliligaw na natunaw ang ngiti sa labis na kahihiyan nang maharap sa ama. Ipinamukha
nito sa binata na lalaking puti at di kayumanggi ang ninanais niyang maging manugang. Ngayon, ito
si Luisa, dalaga at pinaglipasan na ng panahon.

21. Batay sa teksto, ano ang mahihinuhang katangian ng ama?


A. mahigpit B. magiting C. mabangis D. matapang

22. Ano ang ipinapahayag ng mga pangyayari tungkol kay Luisa?


A. mapiling dalaga C. nawalan ng sigla
B. lumaking masaya D. tumandang malungkot

23. Di mapaknit sa kanyang gunita ang mukha ng manliligaw na natunaw ang ngiti sa labis na kahihiyan
nang maharap sa ama. Ano ang nais ipakahulugan ng salitang may salungguhit?
A. nagalit B. nawala C. napahiya D. nakasimangot

Para sa bilang 24-26 gamitin ang mga pahayag na nagbibigay opinion. Piliina ang letra ng tamang
sagot.

24 Alin ang angkop na pahayag na bubuo sa pangungusap?


________, nakababahala na ang pagtaas ng bilang ng mga namamatay sa virus na Covid-19 sa ating
bansa.
A. Sa aking palagay C. Tunay ba
B. Sa iyong pananaw ba D. Totoo na
25. Alin ang angkop na pahayag na bubuo sa pangungusap?
_______, mas payapa ang buhay ng isang tao na may takot sa Diyos.
A Sa iyong palagay C. Sa tingin ko
B. Tunay ba D. Lubhang

26. Alin ang angkop na pahayag na bubuo sa pangungusap?


________, tunay ngang busilak ang kaniyang puso.
A. Sa iyong palagay C. Totoo lang
B. Totoo ba D. Sa aking pagsusuri

Para sa bilang 27- 33 tukuyin ang ndamdamin at kaisipang ipinapahayag ng saknong o taludtod ng
tula. Piliin ang letra ng tamang sagot.

Kung tatanawin mo sa malayong pook,


Ako’y tila isang nakadipang krus;
27. Alin sa mga sumusunod na damdamin ang nais ipahiwatig ng linya ng tulang Ang Punungkahoy?
A. nalulungkot C. naghihinagpis
B . nababagabag D. nagdadalamhati

4
At ako’y nagtulin, halos lakad-takbo!
Sa may dakong ami’y may’ron pang musiko
28. Tukuyin ang damdaming nais ipahiwatig ng tauhan sa linya ng tulang “Ang Pagbabalik”?
A. natutuwa C. nasasabik
B. nalulungkot D. nagdadalamhati

Tanggapin mo anak, itong munting guryon


Na yari sa patpat at “papel de hapon”
Magandang laruan pula, puti, asul
Na may pangalan mong sa gitna naroon

29. Alin sa mga sumusunod ang angkop na damdaming naglalarawan sa amang gumawa ng guryon para sa
kanyang anak?
A. mapagmahal C. mapag-alala
B. mapag-imbot D. malambing

30. Alin sa mga sumusunod ang damdaming inilalarawan ng pahayag?


“Sige na Ama, Mahal naman kita. Ikaw ang pinakamabait na ama sa mundo.”
A. natutuwa C. nag-alala
B. naglalambing D. nagmamahal

Saka, pag umihip ang hangin, ilabas


At sa papawiri’y bayaang lumipad;
Datapwa’t ang pisi’’y tibayan mo anak,
At baka lagutin ng hanging malakas.

31. Ano ang paksa ng akda batay sa saknong sa itaas?


A. sagabal sa buhay C. mga hamon sa buhay
B. katatagan sa mga pagsubok D. hanging dala ng mga bagyo

Kung tatanawin mo sa malayong pook,


Ako’y tila isang nakadipang krus;

32. Batay sa taludtod, alin ang inilalarawan ng tulang punongkahoy?


A. kaligayahan ng tao sa kalikasan
B. isang taong naghihinagpis sa kaniyang buhay
C. paghihinagpis ng taong hindi makakain
D. pagbubunyi ng isang tao sa kanyang nakamit

33. Batay sa pahayag, bakit kailangang sundin ng anak ang payo ng mga magulang?
“Hangad ng bawat magulang ang mabuti para sa kanilang mga anak.”
A. Ito’y para sa ikabubuti ng kanilang magulang.
B. Itoy tanda ng pagkalinga sa mga nakatatanda.
C. Ito’y nakatutulong sa pagkamit ng anak sa kanilang naisin sa buhay.
D. Ito’y pagtupad sa kanilang tungkulin bilang anak.

Para sa bilang 34-39 bigyang kahulugan ng mga salitang matatagpuan sa pangungusap at mga
saknong ng tula. Piliin ang letra ng tamang sagot.

34. Ang mag-anak ay sabay-sabay na isinasagawa ang orasyon tuwing sasapit ang alas-6 ng hapon. Alin sa
mga sumusunod ang kasingkahulugan ng salitang orasyon?
A. pagdarasal B. pagsasamba C. pagsisimba D. pagmamano

35. Namimighati ang pamilya ni Gng. Santos dahil namatay ang kanyang asawa sa sakit na COVID 19. Alin
sa mga sumusunod ang kasingkahulugan ng salitang namimighati?
A. nalulungkot B. nag-iiyak C. nagtatampo D. naghihinagpis

36. Bago ka magbigay ng desisyon, pakatimbangin mong mabuti para wala kang masasaktang tao. Aling
salita ang kasingkahulugan ng may salungguhit?
A. kontrolin B. sukatin C. isiping mabuti D. pigilin

5
37. “Ang buhay ay guryon: marupok, malikot, dagiti’t dumagit saan man sumuot.” Alin sa mga sumusunod ang
sinisimbolo ng guryon sa linya ng tula?
A. tao B. saranggola C. buhay D. hangin

Ngunit tingnan ninyo ang aking narating,


Natuyo, namatay sa sariling aliw;
38. Mula sa tulang “Ang Punungkahoy”, alin sa mga sumusunod ang ipinapahiwatig ng taludtod na ito?
A. Ang kanilang ginawa ay inspirasyon sa iba
B. Malapit na siyang ihatid sa huling hantungan
C. Nararamdaman ang kalungkutan at nag-iisa sa dilim
D. Nagsisisi dahil sa bata pa’y sa bisyo naaliw

Saka, pag umihip ang hangin, ilabas


At sa papawiri’y bayaang lumipad;
Datapwa’t ang pisi’’y tibayan mo anak,
At baka lagutin ng hanging malakas.
39. Alin sa mga sumusunod ang sinisimbolo ng hangin sa tulang “Ang Guryon”?
A. sagabal sa pagpapalipad C. mga hamon sa buhay
B. tibay ng loob D. hanging dala ng mga bagyo

Para sa bilang 40- 42 piliin ang kahulugan ng salitang may salungguhit. Piliin ang letra ng tamang
sagot.

40. Sobrang buhay ang mga mag-aaral noong nanalo sila sa paligsahan. Ano ang kahulugan ng salitang
nasalungguhitan?
A. masayang-masaya C. ngiting-ngiti
B. abalang-abala D. buhay na buhay

41. Lumaki ang kita ng mga negosyante nang dinagdagan ang bilang ng puwedeng pumasok na mamimili.
Ano ang kahulugan ng salitang nasalungguhitan?
A. lumaki ang mata C. nahagilap ng mata
B. dumami ang napagbentahan D. gumamit ng salamin

42. Ang pag-aasawa ay hindi isang laro na puwede mong pasukan at labasan kung sawa ka na.
A. kunwari C. biro
B. eksperimento D. sugal

Para sa bilang 43-46 punan ng wastong salita ang patlang. Piliin ang letra ng tamang sagot.

43. Alin ang angkop ipuno sa patlang? Wala akong iniisip gabi’t araw ______ ang makagawa ng paraang
malabanan ang mga lumang tradisyon namin.
A. tila C. kundi
B. sana D. kaya

44. Alin ang angkop ipuno sa patlang? _________ kanilang tradisyon, ang hindi pag-aasawa ang
pinakamalaking kasalanang magagawa ng isang babaeng Muslim.
A. Ayon C. Tungkol sa
B. Alinsunod sa D. Para sa

45. Alin ang angkop ipuno sa patlang? Huwarang babae ______ ituring ang mga babaeng may paninindigan.
A. pagkat C. kung
B. man D. siya rin

46. Alin ang angkop ipuno sa patlang? Ang lahat ng ating ginagawa ay iaalay natin sa Kaniya _________
pagpalain niya ang bawat isa.
A. sapagkat C. upang
B. dahil D. kasi

6
Para sa bilang 47-49 basahin ang teksto at ibigay ang karakter ng mga tauhan. Piliin ang letra ng
tamang sagot.

TIYO SIMON: “Oo, Boy, sa akin ang simbahan ay hindi masamang bagay. Kaya huwag mong tatanggihan
ang pagsama sa iyo ng iyong Mama. Hindi makabubuti sa iyo ang pagtanggi, ang pagkawala ng pananalig.
Nangyari na sa akin iyon at hindi ako naging maligaya”.

47. Batay sa pahayag sa itaas, paano inilarawan si Tiyo Simon?


A. Isang taong walang kinikilalang Diyos
B. Isang taong madaling makalimot sa Diyos
C. Isang taong dating may pananalig sa Diyos.
D. Isang taong laging nanunumbat sa Diyos

48. Sa dulang “Ito Pala Ang Inyo” Galit na galit si Claring nang hindi ang kanyang inaasahan na buhay
(paraiso) ang datnan niya sa probinsya nina Alberto. Hindi niya kayang gawin ang mga nakagawian ng
mga taong dinatnan niya sa lugar na iyon. Anong pag-uugali ang ipinakita ni Claring sa dula?
A. matapobre C. sanay sa buhay na marangya
B. maarte D. mayabang

49. Sa dulang “Ito pala ang inyo”, Hindi sinabi ni Alberto kay Claring ang tunay niyang kalagayan at ang
pagkakaroon nito ng apat na anak. Anong paglalarawan ang angkop kay Alberto?
A. hindi tapat sa minamahal C. hindi maaasahan
B. hindi seryoso kay Claring D. hindi mabuti

Para sa bilang 50-52 tukuyin ang kahulugan ng mga salita habang nagbabago ang istruktura. Piliin ang
letra ng tamang sagot.

50. Kung ang hampas ay nangangahulugang pagtama ng isang bagay sa isa pang bagay, at ang lupa ay
isang malaking bahagi ng daigdig, ano ngayon ang kahulugan ng hampaslupa?
A. lupang ibinato C. mabahong tao
B. mahirap na tao D. taong lupa

51.Ang bola ay kagamitang ginagamit sa paglalaro katulad ng basketball o volleyball, kapag sinabing
nambobola ka, ano ang kahulugan nito?
A. naglalaro C. naglalambing
B. gumagawa ng bola D. nagbibiro

52. Kung ang tainga ay ginagamit natin sa pandinig, at ang kawali naman ay isang kagamitan sa
pagluluto, ano ang kahulugan ng nagtaingang-kawali?
A. malaki ang tainga C. nagbingi-bingihan
B. walang pandinig D. mainit ang tainga

Para sa bilang 53-56 natutukoy ang pagkamakatotohanan ng tekstong halaw sa mga akadang nabasa.
Piliin ang letra ng tamang sagot.

TIYO SIMON: “Dahil sa kapansanang ito ng aking paa, Boy, natutuhan ko ang tumalikod, hindi lamang
sa simbahan, kundi sa Diyos. Nabasa ko ang The Human Bondage ni Maugham at ako’y nananalig sa
Pilosopiyang pinanaligan ng kaniyang tauhan doon, ngunit hindi ako maligaya, Boy, hindi ako
nakaramdam ng kasiyahan”.

53. Base sa pahayag ni Tiyo Simon, anong katotohanan sa buhay ang ipinahihiwatig nito?
A. Ang tao’y hindi nakararamdam ng kasiyahan.
B. Ang mga kabiguan sa ating buhay ang nakapagpapawala sa pananalig natin sa Diyos.
C. Pinarurusahan ng Diyos ang mga taong makasalanan.
D. Nanalig ang tao sa iisang Diyos.

54. “Dahil sa kapansanang ito ng aking paa, Boy, natutuhan ko ang tumalikod, hindi lamang
sa simbahan, kundi sa Diyos”.Base sa mga pahayag na ito ni Tiyo Simon, ano ang napektuhan ng
kanyang kapansanan?
A. Pakikipagkapwa tao
B. Pakikitungo sa kanyang pamilya
C. Pananampalataya sa Diyos
D. Pinsipyo at pananaw sa buhay

55.Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi makatotohanan?


A. Ang hindi pagsisimba ay isang kataksilan sa Panginoon.
B. Ang pagiging makapangyarihan ng mga anak kaysa mga magulang.
7
C. Ang pag-iidolo ng mga anak sa kanilang mga magulang
D. Ang pagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan sa loob ng pamilya.

56. Si Clary ay may kaya sa buhay na nagpakasal kay Berto na probinsyano. Lingid sa kanyang kaalaman,
ang paraiso palang sinasabi ng asawa ay ang pagtira nila sa probinsya. Tila isa itong malaking pasakit kay
Clary dahil hindi siya sanay sa ganitong buhay. Nariyan ang walang kuryente, tubig na sinasalok pa sa
malayo, walang kwarto at iba pa. Ngunit hindi lamang iyon ang malalaman niya tungkol sa asawa. Mayroon na
itong mga anak. Dahil doon ay umalis si Clary at doon na lamang daw siya maliligo at magbibihis.
Base sa binasang teksto, ano ang inaasahan ni Clary sa buhay ni Berto sa probinsiya?
A. Nakaririwasa sa buhay si Berto sa probinsiya.
B. Salat ang pamumuhay ni Berto sa probinsiya
C. Malaki ang pamilya ni Berto.
D. Kilalang-kilala niya si Berto.

Para sa bilang 57 – 60, tukuyin ang mga ekspresyong bubuo sa pahayag. Piliin ang letra ng tamang
sagot.

57. Alin ang ekspresyong bubuo sa pahayag? _________ na dakila ang Panginoon.
A. Tunay B. Totoong C. Sa totoo D. Sang-ayon

58. Alin ang ekspresyong bubuo sa pahayag? Para sa akin, _________ ang malaking pananalig sa Diyos ay
nakatutulong sa ikapapanatag at ikalalakas ng loob.
A. tunay B. totoong C. sa totoo D. sang-ayon

59. Alin ang ekspresyong bubuo sa pahayag? Ayon sa datos ng DOH, ___________ pataas nang pataas ang
bilang ng mga nagkakapositibo sa Covid-19.
A. tunay na B. sang-ayon C. totoo D. sa totoo

60. Alin ang ekspresyong bubuo sa pahayag? _________ lalong tataas ang bilang ng mga magkakapositibo
ng COVID-19 kung hindi tayo susunod sa mga paalala ng DOH.
A. Talagang B. Totoo C.Tunay D. Sang-ayon

Noted by:
EMELY B. DONATO
Head Teacher I

8
Republic of the Philippines
Department of Education
CORDILLERA ADMINISTRATIVE REGION

CLMD/CFM/bah

Address: Wangal, La Trinidad, Benguet, 2601 ISO 9001:2015 Certified Telephone No.: (074) 422 – 1318 | Fax:
(074) 422-4074 Quality Management System Website: www.depedcar.ph
|Email: car@deped.gov.ph DE-50500784 QM15
Republic of the Philippines
Department of Education
CORDILLERA ADMINISTRATIVE REGION

CLMD/CFM/bah

Address: Wangal, La Trinidad, Benguet, 2601 ISO 9001:2015 Certified Telephone No.: (074) 422 – 1318 | Fax: (074) 422-4074
Website: www.depedcar.ph |Email: car@deped.gov.ph Quality Management System
DE-50500784 QM15

You might also like