You are on page 1of 11

R epublic of the P hilippines

D epartment of E ducation
N a t i o n a l C a pi t a l Re g i o n
Sc h o o l s D i v i s i o n O f f i c e o f La s Pi ñ a s C i t y

GAWAING PAMPAGKATUTO
IKATLONG MARKAHAN
FILIPINO 9

Kabuoang Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang teksto bago sagutan. Basahin
ang panuto ng bawat aytem.

Para sa Aytem 1-3


Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na tanong. Piliin ang letra ng tamang
sagot.

1. Hiningi ng batang anak ang kanyang mana sa kanyang ama kahit buhay pa ito. Alin sa
mga sumusunod ang magbibigay-patunay na ang pahayag na ito ay nangyayari sa
totoong buhay?
A. may mga anak na hindi iniiwan ang kanilang mga magulang
B. may mga anak na pinipiling tulungan ang kanilang magulang
C. may mga anak na sinasagot ang kanilang mga magulang
D. may mga anak na nagiging sakim sa magulang at pinipili ang kanilang
sariling kaligayahan

2. “Maitutulad sa isang taong lumabas nang maagang-maaga upang humanap ng


manggagawa para sa kaniyang ubasan.” Alin sa mga sumusunod ang magbibigay-
patunay na ang pahayag na ito ay nangyayari sa totoong buhay?
A. may mga taong naghahanap ng mauutusan
B. may mga taong nagbabahagi ng kanilang biyaya
C. may mga taong buong-pusong tumutulong sa kapwa
D. may mayayamang humahanap lamang ng trabahador upang pahirapan

3. Sinabi nila, “Isang oras lamang gumawa ang mga huling dumating, samantalang
maghapon kaming nagtrabaho at nagtiis sa nakapapasong init ng araw. Bakit naman
pinagpare- pareho ninyo ang aming upa?” Anong sitwasyon sa tunay na buhay ang
maihahalintulad sa pahayag na ito?
A. maganda ang pagganap sa opisina na nabibigyan ng pagkilala
B. nagtatrabaho ng lagpas sa oras ngunit sakto pa rin ang kita
C. maagang pumasok na ikinukumpara sa huling pumasok
D. manggagawa sa opisinang nagrereklamo sa kanilang suweldo

Para sa Aytem 4-6


Panuto: Basahin at unawain ang bahagi ng akdang, “Elehiya sa Kamatayan ni
Kuya”.Letra lamang ang isulat na sagot sa sagutang papel.

Walang katapusang pagdarasal


Kasama ng lungkot, luha, at pighati bilang paggalang
sa kaniyang kinahinatnan.
Mula sa maraming taon ng paghihirap,
Sa pag-aaral, at paghahanap ng magpapaaral,
Mga mata’y nawalan ng luha, ang lakas ay Nawala.
O, ano ang naganap?
Ang buhay ay saglit na Nawala.
4. Anong damdamin ang nangibabaw sa bahagi ng akdang nasa itaas?
A.kaligayahan C. pagkainis
B.kalungkutan D. pagkapoot
5. Ano ang nais ipahiwatig ng huling taludtod sa bahagi ng akdang nasa itaas?
A. mahirap ang pinagdaraanan sa buhay, matutong bumangon.
B. bigyang-pagpapahalaga ang mga naiwan ng taong namayapa.
C. buhay ay pahalagahan dahil hindi natin alam kung kailan tayo mawawala sa
mundo.
D. hindi maipaliwanag ang sakit at matinding dagok na naramdaman dahil
sa pagpanaw ng minamahal.
6. “Kasama ng lungkot, luha, at pighati bilang paggalang sa kaniyang kinahinatnan.”
Ano ang ibig sabihin ng salitang may salungguhit?
A. kasiyahan C. matinding kalungkutan
B. kapusukan D. lahat ng nabanggit

Para sa Aytem 7-9:


Panuto: Suriin ang mga elemento ng elehiya batay sa: tema, mga tauhan, tagpuan, mga
mahihiwatigang kaugalian o tradisyon, wikang ginamit, pahiwatig o simbolo at
damdamin. Piliin ang titik ng tamang sagot.

7. Anong elemento ng elehiya ang tumutukoy sa mga paniniwala, gawi o mga


nakasanayang lumutang sa pagbuo nito?
A. damdamin C. simbolo
B. kaugalian o tradisyon D. wikang ginamit

8. Lugar o pinangyarihan ng tula, anong elemento ito ng isang tula?


A. tagpuan B. Tauhan C. tema D. Simbolo

9. Ang kumakatawan at nagsasalita sa tula.


A. tagpuan B. tauhan C. tema D. simbolo

Para sa Aytem 10-12


Panuto: Tukuyin ang antas ng mga salitang ginagamit sa pagpapasidhi ng
damdamin.Isualt ang letra ng tamang sagot.
10.“Natakot ako nang malaman kong nagkasakit ka.” Ano ang pinakamasidhing antas
ng damdamin ng salitang may salungguhit?
A. kinabahan C. nagimbal
B. kinilabutan D. nasindak
11. Simula nang mawala ang kaniyang mahal na ina ay labis ang
naramdaman ni Cecilia. Tukuyin ang angkop na salitang may
pinakamasidhing damdamin
A. lumbay C. pagdadalamhati
B. lungkot D. Pighati

12. Alin sa mga sumusunod na salita ang nasa wastong pagkakasunod-sunod mula
sa pinakamababa hanggang sa pinakamataas na antas ng salita?
A. pikon, inis, tampo
B. singhal, sigaw, hiyaw
C. bungisngis, ngiti, ngisi
D. nabighani, nagandahan, naakit

Para sa Aytem 13-15: Suriin ang ang mga tunggalian tao vs. tao at tunggaliang tao vs.
sarili
A.Tao laban sa tao C. Tao laban sa kalikasan
B.Tao laban sa sarili D. Tao laban sa Lipunan
13. Dahil sa katagalan nang ‘di pag-uwi ng lalaki, nakadama siya ng kalungkutan
at pagkabagot. Anong tunggalian ang isinasaad ng pahayag?
14. “Kapatid ko ang lalaking ipinakulong ninyo, inaway nang hindi namin nakikilala,
subalit nagsinungaling ang lalaking tumestigo laban sa kaniya.” Anong tunggalian
ang nanaig sa pahayag?
15. “Ang sobrang init o lamig ng panahon ay dapat na labanan ng tao upang siya'y
mabuhay ng maayos at makaiwas sa sakit.” Anong tunggalian ang nanaig sa
pahayag?

Para sa Aytem 16-18


Panuto: Basahin at unawain ang mga pangyayari at/o transpormasyong nagaganap sa
tauhan ay maaaring mangyari sa tunay na buhay. Piliin ang tamang sagot sa
bawat bilang.
16. Sumigaw ang Cadi na nagsasabing bakit ba sila nagsasakitan gayong lahat naman
sila ay nakakulong. Batay sa tunggaliang tao vs. tao, ang katotohanan sa sitwasyon
sa isang bilangguan na ipinahahayag ay ang .
A.kawalan ng disiplina C. kakulangan sa pasilidad
B.kakulangan sa pagkain D. kakulangan sa kaalaman

17. Sa huling bahagi ng nobela, ang salitang tsismis ay nangangahulugan ng


negatibong bagay o pangyayari na ibig iwasan ng mga tauhang may mataas na
posisyon sa lipunan. Sa maraming pagkakataon, mapatutunayan naman na hindi sa
lahat ng pangyayari sa tunay na buhay ay masama ang naidudulot ng salitang ito
kung .
A. ito’y naghatid sa isang indibiduwal upang magtagumpay sa buhay
B. naging dahilan ito upang mabuo ang relasyon ng dalawang nagmamahalan
C. nagdulot ito sa isang tao na gumawa ng pagsasakripisyo para sa mga
minamahal
D.lahat ng nabanggit ay nagpapahayag ng katotohanan

18. Alin sa mga pangungusap o pahayag ang nagpapakita ng transpormasyon na


nakayang magtagumpay ng pangunahing tauhan laban sa malalakas na pwersa sa
lipunan?
A. Agad niyang dinala ang sulat sa hepe ng pulisya.
B. Napagtanto ng limang lalaki na sila ay napagkaisahan ng isang babae.
C. Dahil sa katagalan nang ‘di pag-uwi ng lalaki, nakadama siya ng
kalungkutan at pagkabagot.
D. “Kung talagang gusto mo, doon na lamang sa aming tahanan, tayo lang
doon, hindi naman kalayuan ang aking bahay.”

Para sa aytem 19-21:


Panuto: Isa-isahin ang mga pangyayari o transpormasyong nagaganap sa tauhan ay
maaring nagaganap sa tunay na buhay. Piliin ang titik ng tamang sagot sa
kahon.
A. Emosyonal C. Pisikal
B. Intelektwal D. Mental

19. Nakaramdam ng inggit ang mga manggagawa nagtrabaho ng umaga sa mga


manggagawang nagtrabaho lamang ng ilang oras.
20. Mabilis na nagalit ang mga manggagawang nagtrabaho ng ilang oras dahil sa
desisyon ng may-ari ng ubasan
21. Bahay – Balai. Sabihin kung ano ang pinagmulan ng salita.
A. Onomatopoeia C. Morpolohikal
B. Hiram na Salita D. Pagsasama-sama ng mga salita

Para sa Aytem 22-24:


Panuto: Unawain kung anong tunggalian ang nakapaloob sa iba’t-ibang
programang pantelebisyon. Titik lang isulat.

22. Naibabalita sa telebisyon na maging mga artista ay hindi nakaliligtas sa mga


mapanakit na puna ng mga netizen. Anong tunggalian ang ipinapakita rito?
A. Tunggalian tao vs. kalikasan C. Tunggalian tao vs. tao
B. Tunggalian tao vs. lipunan D. Tunggalian tao vs. sarili

23. Anong tunggalian ang makikita sa Pelikulang Hari ng Tonda (Asiong Salonga).
A. Tunggalian tao vs. kalikasan C. Tunggalian tao vs. tao
B. Tunggalian tao vs. lipunan D. Tunggalian tao vs. sarili

24. Anong tunggalian ang makikita sa Palabas na Wildflower (Lily Cruz at Ivy Aguas).
A. Tunggalian tao vs. kalikasan C. Tunggalian tao vs. tao
B. Tunggalian tao vs. lipunan D. Tunggalian tao vs. sarili

Para sa Aytem 25-27


Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag ayon na may kaugnayan sa katangian ng
tauhan sa maikling kwento. Piliin at Isulat sa patlang ang tamang sagot.

25. Isang araw nagkasakit si Aling Rosa. Inutusan niya si Pinang na magluto ng
lugaw. Ngunit hindi makita ni Pinang ang mga kagamitan sa bahay at isinumpa ang
kanyang anak. Kung isusulat muli ang kwento, ano ang mas mainam na gawin ni
Aling Rosa kay Pinang?
A. Hayaan na lamang ni Aling Rosa si Pinang
B. Huwag na lamang pansinin ni Aling Rosa si Pinang
C. Pagsabihan ni Aling Rosa si Pinang at turuan si Pinang sa mga gawaing bahay
D. lahat ng nabanggit ay tama

26. Ano ang maaaring maging alternatibong pagtatapos ng kwentong “Ang Alamat
ng Pinya”?.
A. Pinarusahan ng Diwata si Aling Rosa dahil sa pagkakasakit
B. Hindi na muling nakita ni Aling Rosa si Pinang
C. Dumami ang bunga na nakita ni Aling Rosa
D. Nagkitang muli si Aling Rosa at Pinang at labis na nagsisi si Pinang
27. Ano kaya ang maaaring nangyari kung sinunod lamang ng tahimik ni Pinang ang
utos ni Aling Rosa
A. Magagalit si Aling Rosa
B. Lulubha ang sakit ni Aling Rosa
C. Magagalit ang mga klaro ni Pinang
D. Matututo ng gawaing bahay si Pinang

Para sa Aytem 28-30:


Panuto: Suriin at tukuyin kung anong uri ng pang-ugnay ang ginamit sa bawat
pangungusap.
A. Pang-ukol C. Pangatnig
B. Pang-angkop D. Pang-abay

28. Alinsunod sa kautusan ng LTO ang mahigpit na paggamit ng helmet kung


nagmomotor.
29. Ikaw man o ako ay may pananagutan bilang isang mamamayang Pilipino.
30. Masayahin man siyang tignan subalit may malaki siyang problemang dinaramdam.

Para sa Aytem 31-32:


Panuto: Suriin kung ang bahagi ng kuwento ay nagpapakita ng kilos, gawi, o karakter
ng mga tauhan. Iguhit ang ☆ kung kilos, ☼ kung gawi, at ♡ kung karakter.

31. Si Kiru ang tinaguriang pinakamagaling na mandirigma at guro sa sining ng patpat.


A. karakter C. gawi
B. kilos D. ugali

32. Dahil sa kagustuhan ng kambal na ipagmalaki sila ng kanilang ama ay nagsanay


sila nang palihim.

Para sa Aytem 33-35: Suriin kung ang mga sumusunod ay batay sa mga pangyayari
parabula kung ito’y makatotohanan, di makatotohanan,
pananaw at paninindigan.Isulat ang letra ng tamang sagot.

A. Makatotohanan C. Pananaw
B. Di Makatotohanan D. Paninindigan

33. May mga tao na masisipag na maaga na naghahanap ng trabaho o maagang


tinatapos ang trabaho.
34. May mga tao na nais tumulong sa kapwa lalo na ang mga walang trabaho. Subalit,
may kapalit.
35. Maraming mahilig magkumpara sa sarili sa kasama sa halip na magtrabaho ng
sarilinan.

Para sa Aytem 36-39:


Panuto: Suriin kung ang mga bahagi o pangyayari sa alamat ay gumamit ng pang- abay
na pamanahon, panlunan, pamaraan at pang-agam
A. Pamanahon B. Panlunan
B. Pamaraan D. Pang-agam

36. Sa nayon ng Midea naninirahan ang magkapatid na Kat at Ana.


37. Noon ang mga metal na armas ay wala pa, ginagamit na pamprotekta sa
kanilang sarili at mga pananim ang espadang patpat.
38. Dahil sa nasunog ang kanilang mga patpat na espada, agad ginamit ang
mahabang metal upang ipanlaban sa mga pirata.
39. Mula noon, ang metal na ito ay kanilang pinatulis at binalutan ang hawakan upang
madaling makasakit ng kalaban at ito ay kanilang ipinangalan sa magkapatid na Kat
at Ana. Tinawag nla itong Katana.
40. Ano ang maaaring mangyari kung hindi lumabas nang maagang-maaga ang may-ari
ng ubasan?.
A. marami ang maiinip C. marami ang mag-aaway
B. walang magugutom D. walang magiging trabaho ang mga
nakatambay

Para sa Aytem 41-42:


Panuto: Kilalanin ang epiko bilang isa sa panitikan na masasalamin ang mga kulturang
Asyano sa sumusunod na bilang. Titik lang isulat.

41. Sa gubat tumira sina Rama, Sita at Lakshamanan nang ipinatapon sila mula sa
kaharian ng Ayodha.
A. pagkamasunurin sa nakakatanda C. pagnanais ng tahimik na buhay
B. pagsasama-sama ng pamilya D. pamamasyal
42. Hiningi ni Rama ang tulong ng hari ng mga unggoy para sa salakayin ang
Lanka
A. bayanihan C. kaduwagan
B. madiskarte sa buhay D. mahilig sa kaguluhan

Para sa aytem 43-44:


Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag ayon sa mga itinuturing na bayanin
alinmang bansa sa Kanlurang Asya. Piliin ang letra ng tamang sagot.

43. Si Mother Teresa ay mabuti at matulungin.


A. Paglalarawan sa bayaning Asyano
B. Naglalarawan ng kulturang Asyano
C. Paglalarawan ng dakilang Asyano
D. Paglalarawan ng ulirang Asyano

44. Siya ay kinilalang buhay na santo dahil sa taglay nitong kabutihang-loob.


A. Paglalarawan sa bayaning Asyano
B. Naglalarawan ng kulturang Asyano
C. Paglalarawan ng dakilang Asyano
D. Paglalarawan ng ulirang Asyano

Para sa aytem 45-46:


Panuto: Ilahad ang isang paglalarawan gamit ang mga salitang naglalarawan sa isang
bayani sa pamamagitan ng pagpili sa sumusunod na bilang.
45. Alin sa sumusunod ang hindi pilosopiya ng bansang India pinamumunuan ni
Pratibha Patil?
A. kabutihan C. kagandahan
B. katapatan D. Katotohanan

46. Paggamit ng po at opo/pagmamano sa nakatatanda. Anong bansang


nagpahalaga sa kulturang nabanggit?
A.India C. Israel
B.Bhutan D. Pilipinas

Para sa aytem 47-50:


Pantuo: Isa-isahin ang mga pahayag na naglalarawan sa kultura ng Kanlurang
Asya. Piliin kung anong bansang Asya masasalamin ang sumusunod na
kultura. Titik lang isulat.

47. Ang kultura ng bansang ito ay malalim na nakaugat sa relihiyon ng mga Hudyo.
Anong bansang Asya masasalamin ang ganitong kultura?
A. India C. Israel
B. Bhutan D. Pilipinas

48. Ang sama-samang paggawa o kilala sa tawag na bayanihan.Anong bansa ang


tinutukoy nito?
A. India C. Israel
B. Bhutan D. Pilipinas

49. Driglam Namsha ang tawag sa pagpapareserba ng kultura at tradisyon. Ito ay mga
tuntunin sa kung ano ang dapat soutin , paano kumain at kung paano magbigay
galang sa nakatatanda.Saan bansang Asayano ito nabibilang?
A. India C. Israel
B. Bhutan D. Pilipinas

50. Ang kultura ng bansang ito ay kilala sa buong mundo bilang isa sa mga pinakabuhay
na buhay at mystical na kultura na umiiral ngayon at naniniwala rin sila sa
karma.Anong bansa ang tintukoy?
A. India C. Israel
B. Bhutan D. Pilipinas

You might also like