You are on page 1of 4

BILBAO – UYBICO NATIONAL HIGH SCHOOL

Brgy. Pook, Hinoba-an, Negros Occ.

FILIPINO 9
IKATLONG LAGUMANG PAGSUSULIT
Ikatlong Kuwarter

A. Panuto: Basahin ang mga sumusunod na mga katanungan. Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot sa hiwalay na
papel.

1. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng eye-to-eye contact sa mga manonood habang bumibigkas ng tula?
A. mahalina ang mga manonood C. maipadama ang katapatan ng manunula
B. bigyang-aliw ang mga manonood D. makita sa mga mata ang samu’t saring emosyong nais ipahayag ng manunula

2. Ano ang tawag sa paraan ng pagkilos at paggalaw ng tumutula mula sa paghakbang pauna, pakaliwa o pakanan
man, pagkumpas ng kamay pataas, pababa, pakaliwa o pakanan?

A. himig B. hikayat C. pagbigkas D. pagkumpas

3. Ano ang isa sa mahahalagang elemento sa pagbigkas ng tula na tumutukoy sa kalidad at kabuuan ng boses,
swabe at maganda ang dating sa nakikinig?

A. pagbigkas B. pagkumpas C. tindig D. tinig

4. Paano masasabing epektibo sa mga manonood ang pagbigkas ng tula?

A. Ang mga manonood ay pumapalakpak. C. Ang mga linya ay tumitimo sa isipan ng mga manonood.
B. Seryosong nakikinig ang mga manonood. D. Natitinag ang mga manonood at nagagawa silang patawanin o
paiyakin sang-ayon sa diwang isinasaad ng tula. paiyakin sang-ayon sa diwang isinasaad ng tula.

5. Bakit kinakailangan ang pabago-bagong tinig sa pagbigkas ng tula?

A. Hindi maiinip ang mga manonood. C. Maaagaw ng manunula ang pansin ng mga manonood.
B. Magiging masaya ang gagawing pagtula. D. Maipadadama ng bumibigkas sa mga manonood ang emosyon o
diwa ng tula. diwa ng tula.

6. Ang laban sa pagitan ng dalawang magkasalungat na puwersa ay tumutukoy sa ________________?

A. pagkakaisa B. paglalaban C. pagkakagulo D. tunggalian

7. “Sasabihin ko ba ang aking nalalaman sa krimen?.” Sa tunggaliang ito na, tao vs. sarili, pinakawastong dapat
niyang gawin ang magsabi ng ________________.

A. kaalaman B. kasunduan C. katotohanan D. katwiran

8. “Hindi mo ako kailangang turuan sa kung ano ang dapat kong gawin, may isip ako at alam ko ang ginagawa ko!”
Ano ang nais ipahiwatig ng tunggaliang ito na, tao vs tao.

A. Huwag magmagaling. C. May isip ang bawat tao sa kung ano ang dapat gawin.
B. Mali ang ginagawa niya kaya siya sinasabihan. D. Isipin mo ang ginagawa mo, sa halip na ang ginagawa ng iba.

9. Batay sa pamagat ng pelikulang, “Batas Sa Aking Kamay” (1987). Anong sitwasyon sa ibaba ang nagpapakita ng
tunggaliang tao vs. sarili?

A. Dapat nasa palad ko ang batas. C. Dapat bang sundin ang batas nang nakararami?
B. Dapat bang nasa kanila ang batas? D. Dapat ko bang ipaghiganti ang aking kaapihan o dapat na akong
manahimik? manahimik?
10. Anong pahayag ang nagpapakita ng tao vs. tao?

A. “Diyos ko po,” sagot niya.


B. “Ikaw na lamang ang pumunta sa aking tahanan kahit maghapon at magdamag kung talagang kinakailangan,”
sabi ng babae.
C. “Hindi ako pupunta sa bahay ng lalaking estranghero,” sabi ng babae.
D. “Kung ganoon, hindi ko siya pakakawalan maliban kung sasama ka sa akin at payagan mo akong gawin ang
gusto kong gawin,” sabi ng pulis.

B. Panuto: Piliin sa loob ng panaklong ang pang-uring may pinakamasidhing damdaming ipinahahayag na aangkop sa
salitang binibigyang-kahulugan at gamitin ito sa pangungusap. Gawin ito sa hiwalay na papel.

1. gutom (nagugutom, hayok na hayok, kumakalam ang sikmura)


Pangungusap: ______________________________________________________
2. Pagpapasidhi ng salitang “mayaman” (masagana, mariwasa, marangya)
Pangungusap: ______________________________________________________
3. mahal (crush kita, mahal kita, sinasamba kita)
Pangungusap: ______________________________________________________
4. takot (nangangatal, nanginginig, ninenerbiyos)
Pangungusap: ______________________________________________________
5. galos (daplis, hiwa, saksak)
Pangungusap: ______________________________________________________

C. Panuto: Mula sa mga pahayag o diyalogong halaw sa mga programang pantelebisyon, tukuyin kung ang uri ng
tunggalian sa bawat pahayag ay tao vs. tao o tao vs. sarili isulat sa hiwalay na papel ang iyong sagot.

PAHAYAG O DIYALOGO HALAW SA


TUNGGALIAN
PROGRAMANG PANTELEBISYON
1. “Huwag kang mag-alala, ako naman ang
poprotekta sa kanila.”
(halaw sa Love Thy Woman)
2. “Kailangan niyang malaman ang totoo, nang
makita niya ang pagkakamali niya, masaktan man
s’ya!”
(halaw sa Walang Hanggan)
3. “Ma! Tama na nahihirapan na akong nakikita
kang nagkakaganyan! Sasama na ako sa’yo, kung
titigil ka na!”
(halaw sa Kadenang Ginto)
4. “Hindi na ako babalik dito, dahil maaalala lang
kita at malulungkot lang ako kasi wala na ‘yung
taong gusto kong makasama!”
(halaw sa Descendant of the Sun)
5. “Alam kong hindi kayo ayos ni Lilian, pero hindi
tamang sabihin mong patay na ang isang tao!”
(halaw sa Prima Donna)
PERFORMANS: (10 PUNTOS)

D. Panuto: Sumulat ng isang pangyayari sa iyong buhay na nagpapakita ng tunggaliang tao vs. sa sarili sa
panahon ng pandemya.

Isulat ito sa hiwalay na papel.

(10 PUNTOS)
E. Panuto: Balikan ang, “Alamat ni Prinsesa Manorah” at sumulat ng gusto mong maging wakas nito kung saan
babaguhin o papalitan mo ang ilang pangyayari at mga katangian ng sinoman sa mga tauhan

Gawin ito sa hiwalay na papel.

“ Ang takot sa panginoon ay pasimula ng kaalaman: ngunit ang mangmang ay


humahamak sa karunungan at turo ” - KAWIKAAN 1:7
Susi sa Pagwawasto

A
1. C
2. D
3. C
4. D
5. C
6. D
7. C
8. D
9. D
10. D

1. Hayok na hayok
2. Marangya
3. Sinasamba kita
4. Nangangatal
5. Saksak

1. Tao vs. tao


2. Tao vs. sarili
3. Tao vs. tao
4. Tao vs. sarili
5. Tao vs. tao

Performans:

Tig sa sampung puntos

You might also like