You are on page 1of 25

3

Ikatlong Linggo

1
PAUNANG SALITA

Para sa Tagapagdaloy:

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pambulikong paaralan upang gabayan ang gurong tagapagdaloy na matulungang makamit ng mag-
aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang


pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan. Naglalayon din itong matulungan ang mag-
aaral upang makamit ang mga kasanayan sa ika-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung


paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag- unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na
higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat.


2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay
o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas
nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at


makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Alamin Natin

Sa Modyul 3 na ito matutunghayan ang mga akdang pampanitikan ng Timog- Silangan Asya.
Ang mga aralin ay tutugon sa mga pangangailangan ng mga mag- aaral na maunawaan ang kultura at
pamumuhay hindi lang sa Pilipinas kundi pati na rin sa buong Asya. Iba’t ibang gawain ang inihanda
para sa mga mag-aaral tulad ng pagbabasa at pagsusuri ng mga akdang pampanitikan at mga gawain
sa gramatika at retorika upang maging interaktibo ang pagtalakay sa mga aralin.
Ang ikatlong modyul ay magsisimula sa:
Modyul 3: Nobela ng Pilipinas
Panitikan……………Bata, Bata Pa’no Ka Ginawa?
Iba’t Ibang Uri ng Tunggalian

Pagkatapos ng mga modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


 Nauuri ang mga tiyak na bahagi sa akda na nagpapakita ng katotohanan,
kabutihan at kagandahan batay sa napakinggang bahagi ng nobela F9PN-Ic-d-
40
 Nasusuri ang tunggaliang tao vs. sarili sa binasang nobela
F9PB-Ic-d-40
 Nabibigyan ng sariling interpretasyon ang mga pahiwatig na ginamit sa akda
F9PT-Ic-d-40

Subukin Natin
Ang bahaging ito ang magbubukas ng paunang kaalaman para sa iyo.
Ito ang magbibigay daan para sa dapat mong matutuhan sa aralin.

Pangkalahatang Panuto
Isulat ang titik ng napili mong sagot sa iyong sagutang papel.
Bahagi ng pagsusulit ang pagsunod sa panuto.

1. Ayon kay Rufino Alejandro, “Ang ay naglalahad ng isang kawil ng mga kawili-wiling
pangyayari na pinaghahabi-habi sa isang mahusay na pagkakabalangkas, na ang
pinakapangunahing sangkap ay ang paglalaban ng hangarin ng bayani sa isang dako at ng
hangarin ng kanyang katunggali sa kabila. Ang katunggali niya ay maaaring mga tao ring katulad
niya o kaya’y mga kasalungat na pangyayari, kabilang diyan ang sarili niyang pag-uugali at
pagkatao.” Ang patlang ay tumutukoy sa .
A. Maikling Kuwento C. Nobela
B. Sanaysay D. Tula
2. “Nag-anasan ang mga tao nang kanilang marinig ang tulang binigkas ng bata”. Ano ang ibig
sabihin ng salitang may salungguhit sa pangungusap?
B. Nagbulungan C. Nag-iyakan
C. Nag-ingay D. Nagpalakpakan

1
2. “Ang isang bata ay agad na bumanat ng kanta nang siya’y tawagin sa entablado”. Ano ang
ibig sabihin ng salitang may salungguhit sa pangungusap?
A. malakas C. tumahimik
B. bumirit D. nagwala
3. Sa pangungusap na, “Halos hablutin na ng mga bata ang kanilang toga dahil sa pagkainip sa
tagal ng programa”. Ano ang ibig sabihin ng salitang may salungguhit?
A. sirain C. agawin
B. tapakan D. angkinin
4. Anong akdang pampanitikan ang Bata, Bata Paano Ka Ginawa?
A. maikling kuwento C. nobela
B. sanaysay D. dula
5. Ang tunggaliang ito ay maaaring tungkol sa bagyo, lindol, bulkan at iba pa.
A. tao laban sa kalikasan C. tao laban sa lipunan
B. tao laban sa tadhana D. tao laban sa Diyos

6. Masasalamin dito ang dalawang magkasalungat na hangad o pananaw ng iisang tao.


A. tao laban sa lipunan C. tao laban sa tadhana
B. tao laban sa sarili D. tao laban sa Diyos
7. Siya ang batang babae na nagwagi bilang Ms. Kinder sa patimpalak sa kanilang paaralan sa
akdang “Bata, Bata Paano ka Ginawa”.
A. Maya C. Madonna
B. Lea D. Ding
8. Ang may-akda ng Bata, Bata Paano Ka Ginawa?
A. Pat Villafuerta C. Lope K. Santos
B. Deogracias Rosario D. Lualhati Bautista
9. Saang bansa nagmula ang nobelang Bata, Bata Paano Ka Ginawa?
A. Pilipinas C.Turkey
B. Saudi Arabia D. Amerika
10. Ano ang kahanga-hangang kaugalian ng mga Pilipino ang pinalutang sa nobelang
Bata, Bata Paano Ka Ginawa?
A. pagbabahagi ng pagkain C. mahigpit na samahan ng pamilya
B. pagtanggap ng bisita D. pagtulong sa kapwa
11. Sasabihin niyang siya ang magtatakda ng kaniyang kapalaran at gagawa siya ng paraan
upang baguhin ang takbo ng kaniyang buhay.
A. tao laban sa lipunan C. tao laban sa tadhana
B. tao laban sa sarili D. tao laban sa Diyos
12. Maaari rin namang tungkol ito sa pagsupil sa sariling damdamin.
A. tao laban sa sarili C. tao laban sa Diyos
B. tao laban sa lipunan D. tao laban sa tadhana
13. Ito ay uri ng nobela na ang layunin ay makilala ang pangkalahatang pananaw na maliwanag
na binubuo ng mga kaisipang hango sa partikular na paniniwala.
A. nobelang historikal C. nobelang realistiko
B. nobela ng pag-ibig D. wala sa nabanggit
14. Ang pinakadakilang paksa ng alin mang akda. Naging palasak sa mga nobelista ang temang
ito.
A. nobelang pag-ibig C. nobelang historikal
B. nobelang realistiko D. wala sa nabanggit

2
Modyul
NOBELA NG PILIPINAS
3
A. Panitikan: Bata, Bata Pa’no Ka Ginawa?
Iba’t Ibang Uri ng Tunggalian

Subukin Natin

Basahin mo ang pag-uusap ng magkaibigan, mula rito matutulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon. Upang mas maunawaan mo ang mga susunod pang mga
gawain sa modyul na ito, muli mong sariwain ang ilan sa mga tinalakay na natin.

Bes, ano nga Kaunti lang naalala ko, Besty. nalungkot ako nang sobra sa
ang huli nating kuwento. Pero, naramdaman ko naman ang pagsisisi ng tatay nila.
tinalakay?
Iyong
tungkol sa
“Ang
Ama”,

Nakaaawa si Mui Mui ngunit ganoon talaga ang buhay. May mga pagsubok na darating at ito ang mas mag
Naalala niyo rin ba ang tungkol sa pang-ugnay? Ang pag-ugnay ay mga salitang nagpapakita ng relasyon

Tuklasin Natin

Magbahagi ng tungkol sa inyong pamilya. Sagutin ang mga katanungan upang makilala
3
naming ang pamilya na iyong pinagmamalaki. Sa iyong sagutang papel ay maaari kang maglagay sa
gitna ng puso ng larawan ng inyong pamilya.

4
GAWAIN 1: Ibahagi Mo

Ilan kayo sa pamilya?

Anong bagay o kaugalian ang pinakagusto Gaano kayo kadalas lumabas nang sama-sama?
mo sa iyong pamilya?

Ano ang gusto mong mabago o mapaganda pa tungkol sa iyong


pamilya?

Magaling! Alam naman natin na wala tayo rito sa mundo kung hindi
dahil sa ating mga magulang. Bawat miyembro sa ating pamilya ay
mahalagang handog ng Diyos. Kaya’t nararapat lamang na magmahalan at
magtulungan nang lubos.

Talakayin Natin

Para sa aralin na ito, ang genre ng panitikan natin na tatalakayin ay isang nobela. Sigurado
akong may ideya ka na kung ano nga ba ito. Kung kaya’t daragdagan pa natin ang iyong kaalaman sa
nobela.

ANG NOBELA

Sa nobela, ang pangunahing tauhan ay maaring masangkot sa maraming pangyayari. Upang


mas makilala mo pa ang nobela, halina at alamin ang tungkol dito.
Ang nobela na tinatawag ding kathambuhay. Ito ay naglalahad ng maraming pangyayaring
kinasasangkutan ng isa o dalawang pangunahing tauhan at iba pang

5
katulong na tauhan at ang buong pangyayari ay sumasaklaw ng mahabang panahon.

URI NG NOBELA

1. NOBELANG 2. NOBELANG 3. NOBELANG PAG-IBIG


HISTORIKAL REALISTIKO

Ito ay uri ng nobelang tradisyonalnaItosumasaklaw sa mga ang


ay uri ng nobelang pangyayaring
layunin aynaganap
makilala sa
angkasaysayan. Ang paks
pangkalahatang pan
Halimbawa nito ay ang nobelang historikal na " Anino ng Kahapon" ni Francisco Lacsamana atbp.
Halimbawa nito ay "Noli Me Tangere" at "El Filibusterismo" ni Rizal.

Pag-ibig ang
pinakadakilang paksa ng alin mang akda. Naging palasak sa mga nobelista ang mga temang katulad ng

Impormasyon mula sa Belvez, Paz M. at Catacataca, Pamfilo D. 2010. Kalinangan III. 856 Nicanor Reyes,
Sr., Sampaloc Manila. Rex Book Store, Inc.

Bago ka dumako sa akdang babasahin. Iyong bigyang-pansin ang iba’t ibang


tunggalian na nagaganap sa isang akda at iyong gagamitin sa pagsusuri ng nobela.

MGA PANLOOB AT PANLABAS NA TUNGGALIAN

6
Isa sa mga sangkap ng maikling kuwento ay ang tunggalian na humuhubog sa
pagkatao ng tauhan at siyang nagtutulak sa mga pangyayari sa kuwento. Ang maikling kuwento ay
may iisang tunggalian lamang, sa nobela ay maaaring higit sa isa ang tunggalian na maaaring panloob
(tao laban sa sarili) o panlabas (tao laban sa tao, tao laban sa kalikasan, tao laban sa lipunan, at tao
laban sa tadhana).

7
TAO LABAN SA SARILI TAO LABAN SA TAO TAO LABAN SA KALIKASAN
 Karaniwang nangyayari ito
 Ito ay panloob na tunggalian  Ang tunggaliang ito ay ang kapag ang tauhan o mga
dahil nangyayari ito sa loob ng pangunahing uri ng panlabas tauhan ay direktang
tauhan. Halimbawa nito ang na tunggalian. Dito, ang naapektuhan ng mga
suliraning may kinalaman sa tauhan ay nakikipagbanggaan puwersa ng kalikasan.
moralidad at paniniwala. sa isa pang tauhan. Ito ay Halimbawa nito ang
Karaniwang pinoproblema ng labanan ng klasikong bida karanasan ng mga tauhan
tauhan kung ano ang pipiliin- laban sa kontrabida o habang at pagkatapos ng
ang tama o mali, o mabuti o mabuting tao laban sa isang natural na kalamidad o
masama? Maaari rin namang masamang tao. Maaring dulot ang biglaang pagsabog ng
tungkol ito sa pagsupil sa ito ng pagkakaiba nila sa bulkan na nagbabanta sa
sariling damdamin. Ang tauhan pamantayan ng moralidad, buhay ng mga turistang nasa
lamang ang nakareresolba sa posisyon sa lipunan o paanan ng bulkan. Ang
hinaharap niyang suliranin. Ang paniniwala. tauhang na-trap sa isang isla
panloob na tunggalian ay
o palutang-lutang sa gitna ng
nagbibigay ng humanidad sa
dagat sakay ng isang lifeboat
tauhan, kaya naman nagiging
ay halimbawa rin ng
kapani-paniwala ang kaniyang
tunggaliang tao laban sa
mga aksiyon. Halimbawa: Ano
kalikasan.
bang dapat kong gawin
panginoon, mahal na mahal ko
siya ngunit mayroon na siyang
pamilya! TAO LABAN SA TADHANA IBA PANG TUNGGALIAN
TAO LABAN SA LIPUNAN  Nangyayari ang tunggaliang  Maidadagdag din sa uri ng
 Umiiral ang panlabas na ito kapag ang tadhana ang tunggalian ang tunggaliang
tunggaliang ito kapag lumihis nagdidikta sa mga nangyayari tao laban sa Diyos o mga
ang tauhan o mga tauhan sa sa tauhan. Maari niya itong sobrenatural na nilalang.
mga pamantayang itinakda ng labanan. Sasabihin niyang siya Kabilang dito ang mga
lipunan. Nangyari din ito kapag ang magtatakda ng kaniyang suliraning may kinalaman sa
tahasang binabangga o kapalaran at gagawa siya ng mga halimaw, alien, multo,
binubuwag ng tauhan ang paraan upang baguhin ang lamang-lupa, at iba pang
kaayusang sa tingin niya ay takbo ng kaniyang buhay. nilalang. Isa pa ang tao laban
sumusupil sa kaniya. Ang mga Ngunit sa huli ay karaniwang sa makina o teknolohiya. Sa
nobelang may mga tauhang nagwawagi ang tadhana. Ang tunggaliang ito, nilalabanan
nakikipagtunggali sa mapaniil pagbalik sa nakaraan sa ng tauhan ang mga entidad
na kultura at ideolohiya ay pamamagitan ng time na may artipisyal na
katangian ng tunggaling tao machine upang maiwasan ang katalinuhan o artificial
laban sa lipunan. Dalawa ang pagkamatay ng minamahal ay intelligence katulad ng mga
maaaring kahihinatnan nito: halimbawa rin ang mga robot.
magtagumpay ang tao o kuwento ng mga ordinaryong
magapi siya ng sinumang tao na itinadhanang maging
kinakalabang sistema. makapangyarihan.
Impormasyon mula sa https://www.slideshare.net/JenitaGuinoo/mga-panloob-at-panlabas-na-tunggalian

Nalaman mo na ngayon ang iba’t ibang tunggalian. Ngayon, basahin at unawaing mabuti ang
nobelang mula sa Pilipinas na pinamagataang Bata, Bata Paano ka Ginawa? ni Lualhati Bautista. Ang
kompletong kopya ay katumbas ng isang aklat. Maaari mo itong mapanood ang trailer ng
pagsasapelikula ng nobela na matatagpuan sa link na https://youyu.be/AVTHsE5oSdw.

8
Unang Kabanata ng BAtA, BAtA PAAno KA GinAwA
ni Lualhati Bautista

At sa wakas, tumugtog ang graduation march at nagmartsa papasok


ang mga batang magsisipagtapos.
“Ladies and gentlemen, here comes kindergarten class, section one,
handled by Mrs. Erlinda Macasaya! Please give them a big hand!”
Palakpakan.
ltinaas ni Lea ang nakahanda nang kamera, isinentro sa anak na nasa
kalagitnaan ng linya. Saglit na huminto sa pagmamartsa si Maya, itinaas ang
baba, nameywang, at ngumiti nang maluwang. Klik! Itinulak ito ng kasunod.
Hinarap ni Maya't tinampal ang kamay ng kaklase. PinandiIatan sila ni Mrs.
Macasaya.
“Coming next is kindergarten class, section two, led by their adviser,
Miss Elvira Sagun. Ladies and gentlemen, please give them a big hand!”
Martsa papasok ang section two. Oo nga't tinuruan sila ng titser ng mga chest out, stomach
in, pero sa oras na ito'y wala na sa mood ang mga bata. May dumadarag na, may nagkakalkal na ng
ulo. Aba nga naman, alas siyete ang usapang mag-uumpisa ang programa'y alas-otso pasado na
ngayon. Mataas na't mainit ang araw. At sa school ground lang, sa open air, idinaos ang graduation.
Pati mga manonood ay ngayon lang napipirmi. Kanina'y nagkisaw-kisaw na ang mga tao,
reklamuhan kabi-kabila, paypayan, singhalan.
Higit kasi pang matindi sa lahat ang pagkayamot ng mga magpipitong taon. Pinapawis nga
naman sila sa suot nilang toga. Hindi na yata nakatiis ang isa, sa kalagitnaan ng pila’y hinablot ang
toga niya at ginawang pamaypay.
“Sst! Balik 'yan, balik!" gigil na singhal ni Miss Sagun sa bata. Bubulong-bulong na isinalpak
ng bata sa ulo niya ang toga.
Humingi rin ng palakpak ang tagpagsalita para sa dumarating na section three. lnihatid din ng
adviser ang mga ito sa kanilang takdang upuan. Isang batang mukhang pilyo ang huminto sa tapat ng
titser at nagsabi.
“Tser, may I go out!’
Napahindig ang titser. “Mamaya!”
“Iihi ako!"
"Mamaya sabi!"
Nagbanta ang bata. “Ba’la kayo!”
Ssh!”
Bahala nga naman kayo. Pagdating sa upuan (nakatayo pa ang lahat habang
hindi pa kumpletong nakakapasok ang mga ga-graduate) inilabas ng pilyong bata ang
ano niya at sinabayan ng ihi. Lingunan ang mga batang babaing natilamsikan. Gimbal
sa “pagkadungis” ng kanilang mga "dangal!"
“Ma’am, si Roderick, dito umiihi!"
Tawanan ang mga tao. Natukso si Lea, itinaas ang kamera at isinentro sa
batang umiihi.
Klik!
Inanawns ng tagapagsalita ang pagsisimula ng programa sa pamamagitan ng Pambansang Awit.
Dumisente ang mga tao. Bayang magiliw, perlas ng silanganan. .
Pagkatapos nito,'opening speech ng prinsipal. Na sinabayan ng mabilis na pagkilos ng
maraming ina. Puntahan sila sa kanya-kanyang anak para hubaran ang mga ito ng toga, na
magbibilad ng suot nilang bikini suit. Ito ang mga batang kasali sa pilian ng Miss Kinder, kasali sa
fashion show na gaganapin sa stage.
Si Ding ang taya sa pag-aalis ng damit ni Maya. Iyon ang usapan nina Lea at Ding: si Ding,
katulong si Flor na pamangkin ni Lea, ang mag-aasikaso kay Maya dahil si Lea ang kukuha ng mga
9
retrato ng anak.

10
Teka, hindi pa pala' yong bikini ang kailangan. Iyon muna pa lang gown. Sinuutan ni Flor ng
gown si Maya. Sinusuklayan. Kinakabitan ng dekorasyon sa buhok.
Sa paligid, hindi lang gown at suklay ang dala ng maraming ina sa kanilang anak kundi pati
make-up at lipstick. Pinupulbuhan niya nang makapal ang mga anak nila. nilalagyan ng eye liner,
pinapahiran ng pampapula sa pisngi. May sinabi si Ding kay Flor at batay sa pagsulyap nito sa paligid,
nahulaan ni Lea na itinatanong nito kung si Maya ba ay hindi nila pipintahan din.
Hindi. Mahigpit ang order nl Lea na h'wag lalagyan si Maya kahit lipstick. Para kay Lea,
maruming tingnan ang isang batang naka make-up at lipstick. imbis na makaganda'y sinisira nito ang
kalinisan ng isang batang mukha. Nilalagyan ng anyo ng kamunduhan at
karanasan.
Inihanda na ng mga hurado ang papel at lapis nila. Mag- uumpisa
na silang bigyan ng kaukulang marka ang personalidad ng mga batang
kandidato.
Maya-maya' y umaakyat na sa stage ang mga bata; idinidisplay
ang gown nila, lumalakad nang nakapameywang, nagpa-pause, nagpo-pose,
habang sinasabi ng tagapagsalita ang mga pangalan nila na sinasagot naman
ng palakpakan ng mga tao. Panay ang klik ng mga kamera, na sinisingitan pa
ng kislapan ng mga flush bulbs. Ke tatanga nila, sa loob loob ni Lea. Sa
kainitan ng araw,
hindi ka gagamit ng flash bulb.
“Arlina de Ios Santos!"
lsang bata sa gown na kulay ginto at nagkikislapang mga palamuti ang nagpapalahaw dahil
ayaw umakyat sa stage. Hatak-hatak ito ng ina, pinipilit, pinapalo pa man din. Nagtatawanan na ang
marami, nanghihinayang ang ilan.
“Gagang bata’ yan, ang gandaganda pa naman ng suot!"
“Ay, mahal' yan, mare! Mahigit' lsang libo ang ginasta ni Corazon
diyan!" 'Yong Corazon siguro ang ina.
Nag-concentrate si Lea sa pagkuha ng retrato ni Maya. Sa parisukat na
camera lens, aaminin niyang maganda nga ang anak niya. Manangmana sa ina,
sabi niya sa sarili. Pero hindi iyon ang kahang- hanga dito kundi ang tiwala sa
sarili na masasalamin sa mga hakbang nito, sa mga pa-cute nito. Puwedeng
mag-artista paglaki, sabi nga ng iba. Puwedeng mag-Ieader.
Kung mananatili siyang ligtas sa mundo ng isang musmos, naisip ni Lea. Kung hindi siya
wawasakin ng mga kawalang-katiyakan.
Nanay, nagkakalkal ng ulo si Ojie sa tabi ni Lea. Kanina pa nga naman siya tinatawag ni Ojie.
Sumilip uli sa lens ng kamera si Lea. "Ano?" tanong niya.
"Gusto ko ng soft drinks."
“Don ka humingi ng pera sa tatay Ding mo. Wala akong dala dito.”
“Malayo siya, e!”
"Lapitan mo.”
“Hindi ako makadaan!"
“Di mamaya ka na mag-soft drinks, pag makakadaan ka na!"
Dumadarag na lumayo si Ojie, at nakadaan papunta kay Ding.
Tatay Ding. Ba’t may Ding pa, tanong ng isang kapitbahay kay Lea no'ng bagong lipat pa
lang sila sa lugar na ito. Ba't hindi basta tatay na lang?
To differentiate, sagot niya. Dahil meron siyang Tatay Raffy.
Nag-anawns ang tagapagsalita ng kasunod na bahagi ng programa Sayaw mula aa isang
grupo ng mga mag-aaral. Ehersisyong sayaw.
Bumanat ng kanta si Florante, Abakada. . ...egahaila .manangaopa . . . rasatauwaya!
Umentra sa stage ang grupo at sinayawan ang kanta ni Florante.
Naghuhubaran na naman ng gown ang mga batang kasali sa contest_ Ngayon, ang iniwan
nila sa katawan ay ang saplot na bikini. Kinambatan ni Lea ang tatanga-tangang

11
pamangkin. Mabilis namang tinulungan ito ni Ding sa pag-iintindi kay Maya.
Iyong ibang Ina, nireretoke ang make-up ng anak nila. Lumapit si Flor kay Lea at ibinulong:
"Tita Lea, si Maya lang ang walang make-up. Lalagyan ko siya maski lipstick." "Wala
akong lipstick."
“Manghihiram ako.”
“Tumigil ka.”
Isa pang palabas at balik sa stage ang mga kandidato sa pagka-Miss Kinder. Dumarami ang
mga batang nagmamarakulyo. Ang isa’y nagpoposing nga pero halatang napipilitan na lang. Halatang
malapit nang umiyak. Ginulo naman ng isa pa ang buhok niya bago nag-fashion show . . . isang
maliwanag na paninirya sa ina’t titser.
lyan ang hirap sa usapang ito. Ano ba naman ang kamuwangan ng mga pipituhing taon sa
mga beauty contest? Laro lang ang tingin nila sa lahat ng bagay at komo laro gagawin lang nila pag
gusto nila. Pag nasa mood sila.
Karaniwan na ina lang ang may gustong mapalaban ang anak nila, masabing kabilang ito sa
magaganda, maging ang pinakamaganda kung maaari. Baya'n mo nang masabak siya sa rehearsal
pagkatapos ng klase. Baya’n mong maibilad siya sa init, mapagod siya, Iagnatin siya, sipunin siya.
Gusto ng nanay ng tropeo, gusto ng nanay ng karangalan.
Dear asawa ko na nasa Saudi: padalhan mo agad ako ng isang milyong dolyar pambili ng
gown ng anak mo na isusuot sa beauty contest. Aba, baka hindi mo nalalaman, kandidato ang anak
mo sa pagka-Miss Kinder!
Naturalmente, kailangang pinakamaganda ang suot niya sa okasyong iyon. H'wag mong
sabihing maitim siya, hindi na mapapansin ang kulay niya pag napansin ang suot niya. At susuutan
ko siya ng gold, sasabugan ko ng sequence para kumislap. Pag nagmarakulyo siya, hahatakin ko
siya. Babanatan ko. Ku, makikita ng batang yan pagdating namin sa bahay!
Naisip ni Lea na kung anong banat kaya ang aabutin ng bata sa suot na gold pag- uwi nila ng
bahay. T'yak na maraming kurot at amba ng suntok at mura. Sayang ang gown,
e. Biro mo, isang milyon ang halaga, hindi nai-display?
Iniisip din ni Lea kung hindi kaya si Maya lang ang napaiba sa pagkakataong ito. Si Maya
mismo ang pinagdesisyon niya kung gusto niyang sumali.
“S'yempre naman!” tiyakang sagot sa kanya ni Maya.
“Magpapagod ka sa kare-rehearsal. Siyempre araw-araw me praktis kayo."
“S’yempre!”
“Baka mamaya, iiyak ka?” “Baka
ikaw ang iiyak, Nanay?” “Bakit
ako?”
“Bibili mo 'ko ng toga saka gown saka bikini. Maraming perang kailangan do'n!"
May mga pumuna sa kanya sa pagkumporme niya na sumali si Maya sa nasabing beauty
contest. Lalo na't nasa sirkulo siya ng mga taong may matibay na paniwala na ang mga pagandahan
ay isa pa ring uri ng pagsasamantala sa mga babae.
Pero gano'n din naman ang damdamin niya. Ang totoo'y nagalit na siya nang makita niya ang
ipinapagod ni Maya sa rehearsals. Hanggang sa huling praktis kahapon, hanggang sa mag-umpisa na
ang programa kanina, ay gusto na niyang i-withdraw sa contest ang anak
. . . gusto na niyang iuwi! May lagnat na ito kahapon. 38.2. Nag-aalala siya na tumaas pa iyon.
Kaso'y disidido talaga si Maya na maging parte ng programang ito. Hindi ito papayag na mag-
pulI out. Ano man ang dinaramdam ni Maya ay ginagawa pa rin nito ang kanyang the best.
Sport siya, sabi ni Lea sa sarili. Manang-mana sa nanay. At kakambal ng nararamdaman
niyang pag-aalala'y nakadarama din siya ng pagmamalaki.
"Ngayon naman po, ang mga bata natin ay magpapakita ng kanilang talino sa pamamagitan ng
pag-awit, tula, at sayaw!’
Unang bata, ala-Celeste Legaspi sa mga angat ng balikat, Iiyad ng katawan at lukot

12
ng mukha:
“Matayog ang lipad ng saranggola ni Pepe! . . ."
Pangalawang bata, nagpakuha pa man din ng gitara’t upuan: “Nang isilang ka sa mundong
ito, laking tuwa ng magulang mo! . . “
“Talo’ng anak mo ro’n,” biro niya kay Ding na tumabi sa kanya. "Marunong siyang
maggitara."
Seryoso't may kaba si Ding sa panonood. Naisip ni Lea kung napakahalaga ba kay Ding ng
paligsahang ito. Kung matter of life and death ba sa kanya ang na manalo ang anak.
Huminga nang malalim si Lea . . . Wala kang magagawa, sabi niya sa sarili.
Simpleng tao lang si Ding . . . sing-simple ng karaniwang ama’t ina.
“Oh, Captain, my captain!” banat ng ikatlong bata.
Nagpayanig din ang ikaapat na bata sa pamamagitan ng pagbabali-bali ng katawan nito sa
saliw na tugtuging rock.
“Talo na nga yata ang anak mo,” bulong ni Ding kay Lea. Na-insecure na nga si
Ding.
Hindi na yata huminga si Ding nang pumagitna si Maya at magbandila ng tula niya.: “Ang tiyan
ng nanay, malaki’t mabilog.
Ano 'yon? Tanong ni Ojie sa nanay.
Bola? Bola ng basketball?
Hindi, iba.
Puwedeng paglaruan?
Hindi at may laman. https://media.istockphoto.com
Ano’ng laman, ha ’Nay?
Sorpresa, sorpresa!
Ang sorpresa nang lumabas, ako pala!
Pa'nong ang bola ay naging si Maya?
Biglang tawa si Nanay:
Paglaki mo na, Ojie, saka mo malalaman!
Hindi siguro akalain ni Ding, pero pinakamasigabo ang palakpakan ng tao kay Maya.
May kasama pang malakas na tawanan.
Pero hindi pumalakpak ang prinsipal. Hindi natawa. Kundi napahindig: “Que
barbaridad!’
Natawa uli ang tao sa reaksyon ng prinsipal.
Nalagay sa alanganin si Ding. Hindi malaman kung matatawa o mapapahiya.
Ngayon lang narinig ni Ding ang tula ni Maya. Pag tinatanong kasi nito ang anak kung ano'ng
gagawin sa stage, ang laging sagot ni Maya: "Malalaman mo."
Nalaman nga niya ngayon. ' .
"Sinong nagturo sa anak mo no'n?" usig ni Ding kay Lea.
Nakangiti si Lea. 'Sino pa!” at nagmamalaki pa!
Tumalim ang tingin ni Ding kay Lea. "Talagang wala kang turong mabuti!"
Babaan na naman ang mga bata para isuot uli ang kanilang toga. Mag-aabutan muna ng
diploma habang nagde-deliberate ang mga hurado.
lsa-isang tinawag ang mga ga-graduate. Sa huli na raw ibibigay ang medaiya ng karangalan.
Hanggang sa oras na ito, walang nakakaalam kung sinu-sino ang mag-uuwi ng medalya.
Nakabitin sa suspense ang mga magulang.
"Una muna po, pagkaraang pagtibayin natin ang pag-graduate ng bata. hihingin natin ang
pasiya ng mga hurado sa ating paligsahan bago natin iproklama ang mga honor students natin.”
At least may sapat na isip naman sila na ilagay sa huli ang pagsasabi ng honor students. At
least alam nila na ang pinaka-importante sa umagang ito’y hindi kung sino ang pinakamaganda kundi
kung sino ang pinakamarunong.
Panhikan na naman sa stage ang mga kandidato suot ang kanilang gown. Tulad sa lahat ng
beauty contest, nagpilian muna ng Miss Photogenic, Miss Talent, at kung anu-ano

13
pang Miss. Naubos na ang tropeo sa pagka-Miss. Kung anu-ano ay wala pang nakukuha si Maya.
"Wala pang nakukuha si Maya," ninenerbiyos nang bulong ni Ding.
"May makukuha 'yan," pampalakas-Ioob ni Lea. “'Yong pinakamalaki," iyong pinakamalaking
trophy ang nakalaan sa Miss Kinder.
Third Princess!
Second Princess!
Wala pa ring hawak si Maya at na-insecure na rin pati si Lea. Minumura na niya nang
pabulong ang mga hurado. lpinagngingitngit na niya ang tila pagpapakaseryoso ng mga ito sa
pamamahagi ng trophy.
Kung siya ang hurado, titiyakin niya na bawat bata'y may iuuwing tropeo. Na wala sa
kanilang uuwi nang bigo.
At nahihiya. Dahil sa gano’ng edad, ang pagkabigo’y laging may kakabit na pagkapahiya.
“Tinatawagan po sa entablado ang Miss Kinder ng nakaraang taon para siyang magputong ng
korona sa ating Miss Kinder, ’83. Ladies and Gentlemen, Miss Kinder ’82 Dolores Villafuerte! Let's give
her a big hand, please!
Sabog ang palakpakan. Taas-noo, aral na aral ang Iakad, tulad ng isang Miss sa pandaigdig na
pagandahan, naka-gown ng kulay rosas na tinataya ni Lea na nagkakahalaga na rin ng libo, kuntodo
naka-guwantes at parang isinubsob sa make-up, dala ang makislap na korona ng karangalan, ang
nakaraang Miss Kinder.
Diyos ko, usal ni Lea sa sarili. Diyos ko, ano'ng ginagawa nila sa mga bata?
“And now, Miss Kinder ’83, ladies and gentlemen . . . because of her simplicity, her freshness,
poise and total personality. pause. Birada ng tugtog. Mga nakabiting hininga. "Maria Natalia
Gascon!”
Napalundag si Ding. At sa kabila ng damdamin niya, napalundag din si
Lea. Pati puso yata niya'y tumalon at nawala sa lugar. Pero siyempre di dapat
malimutan ang kamera lalo na sa pagkakataong ito. Klik! teka, ang likot ng
kamera! Nanginginig ba ang kamay niya? Klik! Lumalabo ang lens sa mga mata
niya. Ano 'to, umiiyak ba siya? Klik! Habang sa tabi niya'y hindi rin makontrol ni
Ding ang buhos ng kaligayahan.
Klik! Anak ko 'yon! Hahahaha! Mga kaibigan, si Maya ko 'yon! Klik!
Narinig n'yo ba? Anak ko 'yon!
Klik! Klik!
Anak ko sa labas. 'Yong batang konti ko nang tinunaw no'ng araw. Kundi ko lang naisip na
lahat ng bata'y kailangang bigyan ng pagkakataong maging tao. '
Klik! Maya, naririnig mo ba anak? Si Raffy ang naging katumbas mo! Alam mo ba kung sino si
Raffy? Iyon ang pinakamalaking pag-ibig ko!
Kili! Klik!
“Ding, ’yong film! Sagad na 'to, Ding 'yong film!"
“Eto, eto!"
"Diyos ko, matagal pa ba bago malagay 'yan! Mae-expose 'tong nauna!"
"Misis, isi ka lang. Eto'ng kamera ko, me film pa!"
lnagaw niya halos ang kamera sa kamay ng lalaking nagmamagandang-loob. Klik!
Naloko na, fixed focus, Malabo ang kuha! Tarantadong mama ito, mumurahin ang kamera!
Umiiyak siya. Putang ’na, pati leeg niya, basang basa na sa luha!
Diyos ko, e alam mo namang hindi ako mahilig sa mga beauty contest e bakit nagkakaganito
ako?
Idineklara rin si Maya bilang honor student, pangatlo sa mga nakakuha ng karangalan. Dito
sana dapat mapaiyak sa tuwa si Lea. Pero by that time e wala na siyang Iuha. . . kung paanong wala
ring film ang kamera ng lalaking nagmagandang-Ioob sa kanya, at binayaran na lang niya ang
commercial photographer na gumagala sa school ground para kunan ang mga dagdag na retrato
ang kanyang anak.
Akda mula sa Dayag, Alma M., et.al. Pinagyamang Pluma 9. 2015. Quezon City: Phoenix
Publishing House Inc.
14
ALAM MO BA?

Ayon kay Rufino Alejandro, “Ang nobela ay naglalahad ng isang kawil ng mga kawili-wiling pa
Impormasyon mula sa Belvez, Paz M. at Catacataca, Pamfilo D. 2010. Kalinangan III. 856 Nicanor Reyes, Sr., Sampaloc Manila. Rex Book

SAGUTIN MO

1. Sino-sino ang mga tauhan sa akda? Ibigay ang kanilang mga katangian. Isa-isahin ito mula
sa tatay hanggang sa anak.
2. Ano ang masasabi mo sa katauhan ni Lea?
3. Ano ang masasabi mo sa pananaw ni Lea tungkol sa hindi niya paglalagay ng make-up o
lipstick sa kanyang anak? Sang-ayon ka ba sa kanyang pananaw? Ipaliwanag ang iyong
sagot.
4. Ano naman ang masasabi mo sa magulang na nagpipilit sa anak na sumali sa mga
contest?
5. Tama bang gumastos ng malaking halaga para lamang sa isang contest na katulad ng nasa
akda? Pangatwiranan ang iyong sagot.
6. Paano ipinakita sa akda na iginagalang ni Lea ang pasya ng kanyang anak kahit ito ay bata
pa?
7. Ano ang masasabi mo sa tula ni Maya at sa reaksyon ng mga tao lalo ng kanyang ama?
8. Paano ipinakita ang pagtuulungan ng pamilya sa akda?
9. Ikaw, masasabi mo bang ganoon din sumuporta ang iyong pamilya sa iyo at sa iba pang
miyembro ng inyong pamilya?
10. Ibigay ang mga bahagi na nagpakita ng pinakamataas na katotohanan mula nobelang
Bata, Bata Paano Ka Ginawa?
11. Ibigay ang mga bahagi na nagpakita ng pinakamataas na kabutihan mula nobelang Bata,
Bata Paano Ka Ginawa?
12. Ibigay ang mga bahagi na nagpakita ng pinakamataas na kagandaha mula nobelang Bata,
Bata Paano Ka Ginawa?

15
Pagyamanin Natin
Sa binasang nobela, ito ay gumamit ng iba’t ibang mahahalagang pahiwatig.
Kaya sa gawain na ito, mula sa mga larawan na nagpapahayag ng simbolo o pahiwatig sa akda, ibigay
ang iyong sariling interpretasyon o kaisipan tungkol dito.

GAWAIN 3: Interpretasyon Mo, Pahayag Mo

1.INA/BABAE 2.CAMERA 3.KALORETE(MAKE-4.GRADUATION/ 5.PAMILYA


UP) PAGTATAPOS

INTERPRETASYON INTERPRETASYONINTERPRETASYON INTERPRETASYONINTERPRETASYON

GAWAIN 4: Tunggalian, Ibigay Mo


Sa naunang bahagi ng modyul na ito ay naibigay ang iba’t ibang uri ng tunggalian at
kagaya ng naunang sinabi ang nobelang iyong binasa ay kakikitaan ng tunggaliang higit na nagbigay
kulay sa akda. Tukuyin at suriin ang tunggaliang naganap sa akda at ipaliwanag ito. Isulat ang iyong
sagot sa graphic organizer.

TAO LABAN SA SARILI


MGA PATUNAY

1. 1.

2. 2.

GAWAIN 5: Kilos Nila, Ipaliwanag Mo

Ipaliwanag ang motibasyon o dahilan ng mga kilos ng mga tauhan para sa sumusunod na
mga sitwasyon.

Bilang Sitwasyon o Gawi ng Tauhan Motibasyon o Dahilan ng Kilos

1.Ayaw palagyan ni Lea kahit man lang ng


lipstick ang anak na si Maya.

16
2. Kahit pagod at mahirap ay nagdesisyon si Mayang sumali sa kontes.
Malakasatmasigabongpalakpakanang
natanggapniMayasamgamanonood
3.

matapos ang kanyang pagtula.


Hindi tumawa o pumalakpak man lamang ang prinsipal nang marinig ang tula ni Maya.
Ang pagbuo at pagpapabigkas ni Lea ng kakaibang tula sa kanyang anak para sa
patimpalak.

Diagram mula sa Dayag, Alma M., et.al. Pinagyamang Pluma 9. 2015. Quezon City: Phoenix Publishing
House Inc.

GAWAIN 6: Pagsunod-sunurin Mo

Ayusin ang mga pahayag ayon sa tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.


Lagyan ng titik A hanggang J ang patlang.

1. Inagaw niya halos ang kamera sa kamay ng lalaking nagmamagandang-loob.


2. Kung mananatili siyang ligtas sa mundo ng isang musmos, naisip ni Lea.
3. Sa paligid, hindi lang gown at suklay ang dala ng maraming ina sa kanilang anak
kundi pati make-up at lipstick.
4. Idineklara rin si Maya bilang honor student, pangatlo sa mga nakakuha ng
karangalan.
5. May mga pumuna sa kanya sa pagkumporme niya na sumali si Maya sa nasabing
beauty contest.
6. Hindi siguro akalain ni Ding, pero pinakamasigabo ang palakpakan ng ta okay Maya.
7. Napalundag si Ding. At sa kabila ng damdamin niya, napalundag din si Lea.
8. Iniisip ni Lea kung hindi kaya si Maya lang ang napaiba sa pagkakataong ito.
9. Inihanda ng mga hurado ang papel at lapis nila.
10. Pagkatapos nito, opening speech ng prinsipal.

Tandaan natin

Alam kong pursigido kang buuin at tapusin ang modyul. Bilang bahagi nito, muli mong
ibahagi ang iyong kaalaman. Dugtungan ang mga pahayag na iyong nakikita.

17
Isabuhay natin

Ang buhay ng tao ay nagsimula sa isang pamilya. Ito ay biyaya na galing Diyos. Sa pamilya,
kinapapalooban ito ng pagmamahal, samahan at pagsusuporta sa bawa isa. May mga sitwasyon na
ibibigay sa iyo at iyong ipahahayag ang iyong gagawin bilang kasapi ng inyong pamilya. Isulat ang
sagot sa patlang.

1. Ang iyong kapatid na medyo makulit ay nagtapos na ng hayskul at may karangalan pa.
Kahit naiinis ka sa kanya, ano ang gagawin mo upang mapasaya siya?

2. Hindi kayo magkasundo ng iyong kapatid. Sa pagkakataong ito siya ay may sakit. Hindi
makatayo sa kanyang higaan. Ngunit kailangan niya nang uminom ng gamot. Ikaw ay
naglalaro lamang sa iyong cellphone. Marahil ay galit ka sa kanya ngunit ang gagawin mo
ay?

3. Nasabay sa kaarawan ng iyong ina ang lakad niyo ng iyong barkada. Sino o ano ang mas
pipiliin mong samahan?

18
19
Tayahin Natin

Ito ay gawain na naglalayong mataas o masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit


ng natutuhang kumpetensi.
Pangkalahatang Panuto
Isulat ang titik ng napili mong sagot sa iyong sagutang papel.
Bahagi ng pagsusulit ang pagsunod sa panuto.

1. Siya ang batang tinaghal bilang Miss Kindergarte.


A. Lea B. Ojie C. Maya D. Raffy
2. Ang hindi pumalakpak ngunit hindi ito naging hadlang sa pagkapanalo.
A. prinsipal B. Lea C. Ding D. Ojie
3. Ang talentong iprinisenta ni Maya ay ?
A. pag-awit B. pagsasadula C. pagsasayaw D. pagtutula
4. “May dumadarag pa, may nagkakalkal na ng ulo.” Ano ang ibig sabihin ng salitang may
salungguhit?
A. nagmamaktol B. nagkakamot C. nag-uumpog D. naglilinis
5. “Pag nagmarakulyo siya, hahatakin ko siya.” Ano ang ibig sabihin ng salitang may
salungguhit?
A. nainis B. nagalit C. manggugulo D. nagmaktol
6. “Pati mga manonood ay ngayon lang napipirmi.” Ano ang ibig sabihin ng salitang may
salungguhit?
A. permanente B. nagmamaktol C. magulo D. nag-iingay
7. “Dumisente ang mga tao.” Ano ang ibig sabihin ng salitang may salungguhit?
A. nagsitayo B. umayos C. nag-ikot D. nagpalakpakan
8. Siya ang ulirang ina nila Ojie at Maya?
A. Lea B. Gemma C. Ding D. wala sa nabanggit
9. Ang ama ni Maya.
A. Raffy B. Ojie C. Ding D. wala sa nabanggit
10.CAlin ang hindi kasali o naiiba sa grupo?
A. kontest B. patimpalak C. paligsahan D. pasiklab
11. Ang dapat tanggalin o naiiba ay ?
A. nagdadalawang-isip B.tiyak C. alanganin D. di-sigurado
12. Pang-ilang karangalan ang nakuha ni Maya?
A. Panlimang karangalan C. pangalawang karangalan
B. Pangatlong karangalan D. unang karangalan
13. Ano ang okasyon mayroon sa nobela?
A. graduation o pagtatapos ni Maya ng kindergarten
B. graduation o pagtatapos ni Ojie ng kindergarten
C. kaarawan ni Maya
D. kaarawan ng kanilang ina
14. Bakit ayaw ni Lea na palagyan ng make-up si Maya?
A. dahil mas gumaganda lalo si Maya
B. dahil para maiba siya sa lahat ng bata
C. dahil maruming tingnan ang isang batang naka make-up
D. wala sa nabanggit
15. Ito ay uri ng nobelang tradisyonal na sumasaklaw sa mga pangyayaring naganap sa
kasaysayan.
A. nobelang historikal C.nobelang pag-ibig
B. nobelang realistiko D. wala sa nabanggit

20
Gawin Natin

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong
kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.

Bawat isa sa atin ay pinahahalagahan at minamahal ang bawat miyembro ng ating pamilya.
Bilang karagdagang gawin, gumawa ng collage ng larawan ng iyong pamilya. Ipahayag din ang iyong
sagot sa tanong na “Bakit espesyal at natatangi ang iyong pamilya sa iba pang pamilya?” Maaaring
printed o idikit ang mga larawan na iyong itatanghal sa isang short bond paper at ilagay ang iyong
sagot sa likod na bahagi ng papel. Malaya kang lagyan ng disenyo ang collage na iyong lilikhain.

Pamantayan sa Pagmamarka:

 Pagkamalikhain – 6 na puntos
 Gramatika – 6 na puntos
 Kalinisan ng Gawa – 3 na puntos
 KABUUAN – 15 na puntos

Repleksiyon ng Natutuhan

Batay sa iyong napapansin sa panahon ngayon, ilarawan ang tipikal na pamilyang Pilipino. Sa
pamumuhay, lipunan, paniniwala at pamamalakad o pagsasama-sama nito. Ihayag mo rin kung sang-
ayon ka sa mga ito.

21
Sanggunian:
Baisa-Julian, Ailene G., del Rosario, Mary Grace G., Lontoc, Nestor S. & Dayag, Alma M. 2015.
Pinagyamang Pluma 9. Quezon City: Phoenix Publishing House Inc. Belvez, Paz M. & Catacataca,
Pamfilo D. 2010. Kalinangan III. Manila: Rex Book Store, Inc.
Dayag, Alma M., Baisa-Julian, Ailene G., del Rosario, Mary Grace G., Lontoc & Nestor S. Pinagyamang
Pluma III. 2004. Quezon City: Phoenix Publishing House Inc.

https://www.slideshare.net.May 18-24, 2020

https://youyu.be/AVTHsE5oSdw.June 2, 2020

22
Development Team of the Module
Writer:
GINEIL O. CORNELIO
Editors:
Content Evaluator:
CLARISSA R. SENOSA MIRIAM C. MABASA
Language Editor:
ROSYL V. ANOOS MARITA T. LACANLALE
Reviewer:DR. JENNIFER G. RAMA
Illustrators:
JHOANA R. OLANA NATHANIEL C. MACAAMBAC
Layout Artist: CAMILLE JEWEL C. GARCIA
Management Team:DR. MARGARITO B. MATERUM, SDS
DR. GEORGE P. TIZON, SGOD Chief DR. ELLERY G. QUINTIA, CID Chief
DR. JENNIFER G. RAMA, EPS – FILIPINO DR DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS/ALS

For inquiries, please write or call:

Schools Division of Taguig City and Pateros Upper Bicutan Taguig City Telefax: 8384251
Email Address:

23

You might also like