You are on page 1of 16

Ikatlong Markahan Modyul 1

Unang Linggo

0
PAUNANG SALITA

Para sa Tagapagdaloy:
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pambulikong paaralan upang gabayan ang gurong tagapagdaloy na matulungang makamit
ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayan sa ika-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung
paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito,
inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang
isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din
nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat.
2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa
bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang
pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!

1
Alamin Nat in
Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa modyul.

Sa Modyul 1 na ito matutunghayan ang mga akdang pampanitikan ng Timog


Kanlurang Asya. Ang mga aralin ay tutugon sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral na
maunawaan ang kultura at pamumuhay hindi lang sa Pilipinas kundi pati na rin sa buong
Asya. Iba’t ibang gawain ang inihanda para sa mga mag-aaral tulad ng pagbabasa at
pagsusuri ng mga akdang pampanitikan at mga gawain sa gramatika at retorika upang
maging interaktibo ang pagtalakay sa mga aralin.
Ang unang modyul ay magsisimula sa:
Modyul 1: Parabula ng Kanluran
Panitikan ………………….…… Ang Talinghaga ng May-ari ng Ubasan
(Mateo 20:1-16)
Wika at Gramatika ……………. Pagpapakahulugang Metaporikal

Pagkatapos ng mga modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang


● Napatutunayan ang mga pangyayari sa binasang parabula ay
maaaring maganap sa tunay na buhay sa kasalukuyan F9PB-50
● Nagagamit nang wasto sa pangungusap ang matatalinghagang
pahayag - F9WG-IIIa-53
● Naisusulat ang sariling parabula tungkol sa isang pagpapahalagang
kultural sa Kanlurang - F9PU-IIIa-53

Subukin Nat in
Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin
ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

PANGKALAHATANG PANUTO
1. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
2. Bahagi ng pagsusulit ang pagsunod sa panuto.

1. Ito ay makatotohanang pangyayaring naganap noong panahon ni Hesus batay sa


nakasaad sa Banal na Aklat.
A. Pabula C. Nobela
B. Parabula D. Epiko
2. Alalahanin mo na pawis ko ang ipinambayad ko sa tuition fee mo. Ang salitang pawis
ay halimbawa ng pagpapakahulugang ____________.
A. Gramatika C. Retorika
B. ponemiko D. Metaporikal
2
3. Ang “Talinghaga Tungkol sa May-ari ng Ubasan” ay nagmula sa Bagong Tipan ng
Bibliya. Ito ay mula sa Ebanghelyo ni __________.
A. Mateo 20: 1-16 C. Lucas 15: 11
B. Juan 14:6 D. Mateo 21: 1-15
4. Ang parabula ay nagmula sa salitang _______________ na parabole na nagsasaad
ng dalawang bagay na paghambingan.
A. Espanyol C. Latin
B. Griyego D. Romano
5. Ang pahayag na, “Kaibigan, hindi kita dinadaya. Hindi ba’t nagkasundo tayo sa isang
salaping pilak? Ito ay may himig na ______________.
A. Nagdaramdam C. Nangangatwiran
B. Nagagalit D. Nagpapaliwanag
6. Ang “Alibughang Anak” ay matatagpuan sa ___________.
A. Lukas 10:1-7 C. Lukas 15:1-7
B. Lukas 10: 25-37 D. Lukas 15:11-32
7. Ang pahayag na “Hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao, kundi sa mga salita
ng Diyos” ay nangangahulugang __________.
A. dapat alam din natin ang mga ipinahahayag mula sa Banal na Aklat
B. Hindi lang tiyan ang mabusog ng tinapay kundi pati espiritwal sa
pamamagitan ng salita ng Diyos
C. Dapat lang na mabusog ang ating katawan ng tinapay
D. Dapat naisasabuhay ang mga salita ng Diyos
8. Ang parabula ay lumilinang ng ___________ na dapat nating taglayin.
A. mabuting asal C. pagpapakumbaba
B. mabuting mamamayan D. pagpapakasakit
9. Ano ang talinghagang nakapaloob sa mga oras ng paglabas ng may-ari ng ubasan
sa akdang “Talinghaga sa May-ari ng Ubasan.”
A. Paghahanap ng manggagawa sa kanyang ubasan
B. Ayaw ng may-ari ng ubasan nang may patayo-tayo
C. Hindi nagpabaya ang Panginoon sa kanyang nilikha sa bawat oras
D. Gusto ng Panginoon na kumikilos din ang kanyang mga nilikha
10. “Huwag mong kalilimutang ikaw ay isang bangang gawa sa lupa.” Ang ina ay
______.
A. nagtuturo C. nagsasabi
B. nagpapaliwanag D. nangangaral
11. Ang “Talinghaga Tungkol sa May-ari ng Ubasan” ay isang akdang pampanitikan
na_____________
A. Pabula C. Parabula
B. Maikling Kuwento D. Sanaysay
12. ”Ikaw ay nararapat na makisalamuha lamang sa ating mga kauring banga.” Ano ang
nais ipahiwatig nito?
A. Huwag makialam sa buhay ng iba
B. Huwag agad magtitiwala sa iba
C. Huwag sasama sa hindi kauri
D. iwasan ang pakikipagkaibigan
13. May mga iba’t ibang uri ng banga. Ito ay nangangahulugang______
A. Nagpapahiwatig ng pagkakaiba ng katayuan o katangian ng tao.
B. Nagpapahiwatig ng pinanggalingan ng tao
C. Magkakaiba ang nilikha ng Diyos
D. Iba-ibang tao ang lumikha
3
14. Ito ang pagbibigay kahulugan na makikita sa diksyunaryo.
A. semantika B. literal
C. konatibo D. metaporikal
15. Habang siya’y nabibitak at unti-unting lumulubog ay naalala ng batang banga ang
pangaral ng kanyang ina. Anong aral ang nais ipahiwatig ng pangungusap?
A. Walang mabuting maidudulot ang pagsuway sa magulang
B. Habang may buhay, magpakasaya ka
C. Alam ng magulang kung ano ang makabubuti sa anak
D. Umiwas sa kaaway ng tukso sa paligid

Karagdagang Gawain ( Online Class )

Maaring lumikha ang guro ng gawain gamit ang google meet/google classroom. Ibibigay
ng guro ang link sa mga mag-aaral.

Aralin PARABULA MULA SA


1 KANLURANG ASYA

Panitikan: Talinghaga sa May-ari ng Ubasan


(Mateo 20:1-16)
Wika at Gramatika: Pagpapakahulugang Metaporikal

Balikan Nat in
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay
ang kasalukuyang aralin sa naunang leksiyon.

GAWAIN 1: Husgahan Mo!


PANUTO: Lagyang ng tsek ang mga bansang matatagpuan sa Silangang Asya at
isulat kung sumasang-ayon o di-sumasang-ayon sa akdang panitikang
nakapaloob.

SUMASANG-
MGA MATATAGPUAN MGA AKDA AYON / DI-
BANSA SA SILANGANG SUMASANG-
ASYA AYON

Indonesia Elehiya Para kay Ram

Korea Ang Hatol ng Kuneho

4
China Niyebeng Itim

Thailand Nang Minsang Naligaw si Adrian

Mongolia Munting Pagsinta

Japan Tanka at Haiku

Thailand Ang Ama

Ang Kababaihan ng Taiwan,


Taiwan Ngayon at Noong Nakaraang 50
Taon

India Tiyo Simon

Singapore Alamat ni Prinsesa Manorah

Mahusay! Nasagot mo ng tama ang iyong gawain. Patunay na hindi ka pa rin


nakalilimot sa iyong natutuhan. Ngayon naman, matutuklasan mo ang panibagong aralin sa
Timog Kanlurang Asya. Handa ka na ba?

Tuklasin Nat in

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa pamamagitan


pagsusuri sa mga talinghaga.

GAWAIN 2: Ipahayag Mo!


PANUTO: Sagutin ang mga tanong nasa ibaba.

Ang mabuting
halimbawa ay higit na
mabisa kaysa pahayag
na dakila.

Gabay na Tanong:

1. Ano ang ibig ipakahulugan ng mga talinghaga?


2. Sumasang-ayon ka ba sa mensahe nito? Bakit?
3. Saan kadalasang nababasa ang mga matatalinghagang pahayag bukod sa tula?
4. Sa iyong palagay, bakit kaya ginagamitan ng mga talinghagang pahayag ang mga
nababasa sa bibliya?

5
Nakuha mo ba ang kahulugan talinghaga? Palawakin pa natin ang iyong
kasanayan sa pagbibigay kahulugan sa mga ito. Matutulungan ka ng mga kasunod pang
mga pagsasanay na linangin ang iyong kasanayan sa pagsusuri ng mga talinghagang
nakapaloob sa akdang iyong babasahin.

Talak ayin Nat in


Sa seksiyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan.
Basahin at unawain nang mabuti ang akda at pagkatapos ay sagutin ang mga
tanong na nasa iba.

ANG TALINGHAGA TUNGKOL SA MAY-ARI NG UBUSAN


PARABULA - KANLURANG ASYA
(MATEO 20:1-16 SA BAGONG TIPAN)

Ang ka harian ng langit ay maitutulad sa isang taong lumabas nang maagang-


maaga upang humanap ng manggagawa para sa kaniyang ubasan. Nang magkasundo
na sila sa upa na isang salaping pilak sa maghapon, ang mga manggagawa ay
pinapupunta niya sa kaniyang ubasan. Lumabas siyang muli nang mag ika-siyam ng
umaga at nakakita siya ng iba pang tatayo-tayo lamang sa palengke.
Sinabi niya sa kanila, “Pumunta rin kayo at magtrabaho sa aking ubasan, at
bibigyan ko kayo ng karampatang upa.” Pumunta nga sila. Lumabas na naman siya
nang mag- ikalabindalawa ng tanghali at nang mag-ikatlo ng hapon at ganoon din ang
ginawa niya. Nang mag-ikalima na ng hapon, siya’y lumabas muli at nakakita pa ng
mga iba pang wala ring gingawa. Sinabi niya sa kanila, “Bakit kayo tatayo-tayo rito
nang buong maghapon?’ “Kasi po’y walang magbigay sa amin ng trabaho,” sagot nila.
Kaya’t sinabi niya, “Kung gayon, pumunta kayo at mgatrabaho kayo sa aking ubasan.”
Nang gumagabi na, sinabi ng may-ari ng ubasan sa kanyang katiwala,
“Tawagin mo na ang mga manggagawa at bayaran mo sila magmula sa huli hanggang
sa unang nagtrabaho. Ang mga nagsimula nang mag-ikalima ng hapon ay tumanggap
ng tig-iisang salaping pilak.”
Nang lumapit ang mga nauna, inakala nilang tatanggap sila nang higit doon, ngunit ang
bawat isa’y binayaran din ng tig-iisang salaping pilak. Nagreklamo ang mga nagtrabaho
sa may-ari ng ubasan. Sinabi nila, “Isang oras lamang gumawa ang mga huling
dumating, samantalang maghapon kaming nagtrabaho at nagtiis sa nakapapasong init
ng araw, bakit naman pinagpare-pareho ninyo ang aming upa?”
Sumagot ang may-ari ng ubasan sa isa sa kanila, “Kaibigan, hindi kita dinaraya.
Hindi ba’t nagkasundo tayo sa isang salaping pilak? Kunin mo ang para sa iyo at umalis
ka na. Ano sa iyo kung ibig kong bayaran ang nahuli nang tulad ng ibinayad ko sa iyo?”
Wala ba akong karapatang gawin sa ari-arian ko ang aking maibigan. Kayo ba’y
naiinggit dahil ako’y nagmamagandang loob sa iba?”
Ayon kay Hesus, “Ang nahuhuli ay nauuna, at ang nauuna ay nahuhuli.”

6
GAWAIN 3: Pag-unawa sa Binasa
I. Paglinang ng Talasalitaan
PANUTO: Ibigay ang kahulugang literal at simboliko ng salitang may salungguhit sa
bawat pahayag na hango sa binasang akda. Pagkatapos gamitin sa
sariling pangungusap ang matalinghagang pahayag.
1. Ang kaharian ng langit ay matutulad sa isang taong lumabas nang maagang-
maaga upang humanap ng manggagawa para sa kanyang ubasan.
a. Literal na kahulugan - ________________________________
b. Simbolikong kahulugan - _____________________________
Pangungusap:___________________________________________
2. Ang may-ari at ang manggagawa ay nagkasundo sa isang salaping pilak bilang
kabayaran.
a. Literal na kahulugan - ________________________________
b. Simbolikong kahulugan - _____________________________
Pangungusap:___________________________________________
3. Ang bawat manggagawa sa ubasan ay binayaran ng may-ari ng ubasan.
a. Literal na kahulugan - ________________________________
b. Simbolikong kahulugan - _____________________________
Pangungusap:____________________________________________
4. Ang may-ari ng ubasan ay lumabas nang mag-ikasiyam ng umaga (oras)
a. Literal na kahulugan - ________________________________
b. Simbolikong kahulugan - _____________________________
Pangungusap: ___________________________________________
5. Ang ibinayad sa nauna at nahuling dumating ay ipinagpare-pareho ng may-ari ng
ubasan.
a. Literal na kahulugan - ________________________________
b. Simbolikong kahulugan - _____________________________
Pangungusap: ____________________________________________
II. Pagtalakay sa Aralin:
1. Ano ang nais ilarawan ni Hesus sa pagsasalaysay Niya ng dalawang uri ng
manggagawa?
2. Ano ang ibig ipakahulugan ng sinabi ni Hesus na “Ang nauuna ay nahuhuli at ang
nahuhuli ay nauuna”
3. Anong mensahe o aral ang nais iparating ng akda sa mga mambabasa?
4. Isa-isahin ang kultura at tradisyon ng Kanlurang Asya na malinaw na
masasalamin sa binasang akda “Ang TalinghagaTungkol sa May-ari ng Ubasan”
Ihambing ito sa kultura at tradisyon ng iyong bansang tinitirahan. Gamitin ang
graphic organizer nasa ibaba.

7
KULTURA AT TRADISYON

Ang Talinghaga Tungkol sa May-ari ng


Ubasan

Bansang Tinitirhan

5. Anong uri ng akda ang iyong binasa? Ano ang ipinagkaiba nito sa iba
pang akdang iyong nabasa?

TANDAAN

Ang parabula ay nagmula sa salitang Griyego na parabole na


nagsasaad ng dalawang bagay na maaaring tao, bagay, hayop, lugar o
pangyayari para paghambingin. Ito ay makatotohanang pangyayaring naganap
noong panahon ni Hesus batay sa nakasaad sa Banal na aklat. Ang mga aral na
mapupulot dito ay nagsisilbing patnubay sa marangal na pamumuhay ng mga tao.
Ang mensahe ng parabula ay isinulat sa patalinghagang pahayag. Ang parabula
ay di lamang lumilinang ng mabuting asal na dapat nating taglayin kundi binubuo
rin nito ang ating moral at espiritwal na pagkatao.
(mula sa Kayumangggi 9)

Mahusay! Nasagot mo ang mga katanungan tungkol dito. Upang higit mo


pang maunawaang mabuti ang paksa, may mga kasunod pang gawain na sasanay sa
iyo.

Pagyamanin Nat in
Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa.

GAWAIN 4: Sa Totoo Lang


PANUTO: Ilahad ang iyong sagot batay sa sumusunod na sitwasyon.
Sitwasyon 1. Maraming manggagawa ang tatayo-tayo lamang at walang ginagawa dahil
walang magbigay sa kanilang trabaho na kanilang pagkakakitaan. Ano ang
gagawin mo sa taong tatayo-tayo kung ikaw ang isa sa mga nakakita sa
kanila?
Sitwasyon 2: Nagreklamo ang mga nagtatrabaho sa may-ari ng ubasan. Sinabi nila, “isang
oras lamang gumawa ang mga huling dumating, samantalang maghapon
kaming nagtrabaho at nagtiis sa nakapapasong init ng araw, bakit naman
pinagpare-pareho ninyo ang aming upa?” Bilang may-ari ng ubasan, ano
ang gagawin mo sa mga nagrereklamong manggagawa?

8
Sitwasyon 3: Isa ka sa manggagawang maghapong nagtrabaho at nagtiis sa
nakapapasong init ng araw ngunit ang tinanggap mong upa ay kapareho rin
ng isang oras lamang na nagtrabaho. Ano ang iyong gagawin?
Sitwasyon 4: Hindi maayos ang ibinigay na bayad o pasahod sa mga manggagawa. Ano
ang iyong gagawin kung isa ka sa mga manggagawa?
Sitwasyon 5: Matagal ka ng walang trabaho at nakikita mong nahihirapan ang iyong
pamilya sa pinasiyal. Sa hindi inaasahang pagkakataon may lumapit sa iyo
at nag-alok ng trabaho ngunit hindi mo kakilala. Ano ang iyong gagawin?
Mahusay! Pagyamanin pa natin ang iyong natutuhan sa pamamagitan ng
pagbabasa pa ng isang parabula. Ang iyong mga natutuhan rito ay magagamit mo sa araw-
araw na pamumuhay at pakikisalamuha sa iba.

Parabula ng Banga

“Huwag mong kalilimutang ikaw ay isang bangang gawa sa lupa,” ang


tagubilin ng Inang Banga sa kaniyang anak. “Tandaan mo ito sa buong buhay mo.”
“Bakit madalas mong inuulit ang mga salitang ito, Ina?” ang tanong
ng anak nabanga na may pagtataka.
“Sapagkat ayokong kalimutan mo ito. At ikaw ay nararapat na
makisalamuha lamang sa ating mga kauring banga.” Kaya’t sa buong
panahon ng kaniyang kabataan, itinatak niya sa kanyang isipan na
siya ay isang banga na gawa sa lupa. Hanggang sa makakita siya ng
ibang uri ng banga. Nakita niya ang eleganteng bangang porselana, ang isang makintab
na bangang metal, at maging ang iba pang babasaging banga.
Tinanggap niya na sila ay magkakaiba. Ngunit hindi niya lubos na maunawaan
kung bakit hindi siya maaaring makisalamuha sa ibang banga. Marahil, gawa sila mula sa
iba’t ibang materyal at iba-iba rin ang kanilang kulay. May puti, may itim, may kulay
tsokolate at may dilaw. Sila ay may kaniya-kaniyang kahalagahan. Hinulma sila nang
pantay-pantay. Lahat sila ay ginawa upang maging sisidlan o dekorasyon. Isang araw,
isang napakakisig na porselanang banga ang nag-imbita sa kaniya na maligo sa lawa.
Noong una, siya’y tumanggi. Nang lumaon, nanaig sa kaniya ang paniniwalang
ang lahat ng banga ay pantay-pantay. Naakit siya sa isang makisig na banga.
Napapalamutian ito ng magagandang disenyo at matitingkad na kulay ng pintura.
May palamuting gintong dahon ang gilid nito. Kakaiba ang kanyang hugis at mukhang
kagalang-galang sa kanyang tindig. “Bakit wala namang masama sa paliligo sa lawa
kasama ang iba pang uri ng banga. Wala naman kaming gagawing hindi tama,” bulong
niya sa kaniyang sarili. At sumunod siya sa porselanang banga at sinabing, “Oo, maliligo
ako sa lawa kasama mo. Ngunit saglit lamang, nais ko lang na mapreskuhan.”
“Tayo na,” sigaw ng porselanang banga na tuwang-tuwa.
Sabay silang lumundag sa lawa at nasarapan sa malamig na tubig. Nakadama
sila ng kaginhawaan sa mainit na panahon nang araw na iyon.
Nang sila’y lumundag sa tubig, lumikha ito ng mga alon. Ang porselanang banga
ay tinangay ng papalapit sa kaniya. Kahit hindi nila gusto, bigla silang nagbanggaan nang
malakas. Isang malaking alon ang humampas mula sa gilid ng lawa. Lumikha ito ng
napakalakas na tunog.
Ang porselanang banga ay nanatiling buo na parang walang nangyari. Ngunit ang bangang
gawa sa lupa ay nagkalamat dahil sa malakas na banggaan nila.
Habang siya’y nabibitak at unti-unting lumulubog sa ilalim ng tubig naalaala niya
ang paalala ng kaniyang ina.

9
(Akda mula sa Panitikang Asyano 9)

Maaring buksan ang link na ito


https://www.youtube.com/watch?v=ombbl6nJiXA&ab_channel=Kuwentoatbp para sa online class

GAWAIN 5: Buuin Mo Naman Ako!


II. PANUTO: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Tungkol saan ang binasang parabula?
2. Sa inyong palagay, sino ang kinakatawan ng bangang yari sa lupa? Ng bangang yari
sa porselana?
3. Nagtagumpay ba ang pangunahing tauhan sa kaniyang layunin?
4. Anong aral tungkol sa realidad ng buhay ang nais ipabatid ng parabula?
5. Ano-ano ang mga salitang may salungguhit sa binasang akda?
GAWAIN 6: Ihambing Mo Naman Ako!
PANUTO: Paghambingin ang dalawang akdang binasa (Talinghaga Tungkol sa May-ari ng
Ubasan at Parabula ng Banga). Ibigay ang pagkakaiba at pagkakatulad gamit
ang grapikong presentasyon.

Pagkakatulad Pagkakaiba

Talinghaga sa May-ari ng
Ubasan

Parabula ng Banga

PAGSASANIB NG WIKA AT GRAMATIKA


Basahin at unawain nang mabuti ang maikling pagtalakay sa pagbibigay
kahulugan sa isang salita batay sa pagkakagamit sa pangungusap.

Ang pagpapakahulugang metaporikal ay pagbibigay-kahulugan sa salita bukod pa sa


literal na kahulugan nito. Ito ay nakabatay kung paano ginamit ang salita sa pangungusap.
MGA HALIMBAWA:
a. bola- bagay na ginagamit sa basketbol (literal)
Pangungusap: Dalian mo, ipasa mo na ang bola kay Jazper.
b. bola-pagbibiro (metaporikal)
Pangungusap: Tigilan mo nga ako, puro ka naman bola.
a. pawis-lumalabas na likido sa katawan (literal)
Pangungusap: Punasan mo ang pawis mo sa likod nang hindi ka mapasma.
b. pawis- pinaghirapang gawin (metaporikal)
Pangungusap: Alalahanin mo na pawis ko ang ipinambayad mo sa matrikula mo.

10
GAWAIN 7: Pagpapakahulugang Metaporikal
PANUTO: Ibigay ang metaporikal na kahulugan ng mga sumusunod na salitang may
salungguhit sa bawat pangungusap.
1. Naalala ng anak na Banga ang tagubilin ng Inang Banga habang siya’y nabibitak.
2. Ang ubasan ay inihalintulad sa isang kaharian ng Diyos.
3. Lahat ay ginawa upang maging sisidlan.
4. Wala bang karapatan ang Lumikha sa kanyang mga ari-arian kung ano ang nais
niyang gawin?
5. Habang nabibitak ang bangang gawa sa lupa ay naaalala niya ang tagulin ng ina.

Tandaan Nat in
Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng
pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa aralin.

#Share Ko Lang…
PANUTO: Sagutin ang tanong na tumutugon sa sitwasyon.
Bilang isang mag-aaral, paano mo maisasabuhay ang mga aral o
mensaheng natutunan mula sa parabulang binasa.
_______________________________________________________________________
Ibahagi rin ang iyong natutunan kung paano nakatutulong ang
pagpapakahulugang metaporikal/semantika sa paglalahad ng pangungusap.
_______________________________________________________________________
Mahusay! Matagumpay mong nasagutan ang mga gawain sa aralin.
Ngayon naman ay maaari ka nang maglapat ng iyong kaalaman na natutuhan. Handa ka
na ba sa gagawin mong pagganap? Ang mga natutunan mo sa aralin ay makakatulong
upang maisagawa ang huling bahagi ng aralin.

Isabuhay Nat in
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa hanay na sitwasyon o realidad ng buhay.
PANUTO: Bilang pangwakas, sumulat ng sarili mong parabula. Tungkol sa isang
pangkaraniwang bagay na maaaring mapagkunan ng magandang asal o
mahalagang kaisipang magagamit bilang patnubay sa isang mabuting
pamumuhay. Alalahanin ang paggamit ng pagpapakahulugang
metaporikal/semantika. Basahin mo ang sitwasyon sa loob ng kahon.
Pamantayan sa Pagsulat ng Sariling Parabula
a. Masining --------------------------------------------------------------------- 20%
b. Makatotohanan -------------------------------------------------------------- 20%

11
c. Maikli ngunit mapanghikayat ang pamagat --------------------------- 20%
d. Malikhain ang presentasyon ---------------------------------------------- 20%
e. Wastong gamit ng metaporikal/ semantika ----------------------------- 20%
Kabuuan ----------------------------------------------------------------- 100%

Bilang isang mag-aaral, nais mong turuan ang kapwa mo kamag-aral na


matutong magpahalaga sa isang bagay na maaari nilang magamit sa panahon ng
pangangailangan lalo na ngayong panahon ng pandemya.
Gawin mong patnubay sa pagsulat ng sarili mong parabula ang
sumusunod na pamantayan.

Tayahin Nat in

Ito ay gawain na naglalayong matasa masukat ang antas ng pagkatuto sa


pakamit ng natutuhang kumpetensi.

PANGKALAHATANG PANUTO
1. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
2. Bahagi ng pagsusulit ang pagsunod sa panuto.

1. Bawat manggagawa sa ubasan pawang masisipag di katulad ng iba na walang


ginagawa. Ang kahulugan ng salitang ubasan ay___________
A. kabayanan C. nayon
B. taniman D. parang
2. Lumabas muli sa kanyang ubasan ang nag-mamay-ari nang mag-iikasiyam
ng umaga. Ang kahulugan ng salitang mag-iikasiyam ay ____________
A. maghahapon C. magtatanghali
B. mag-uumaga D. maggagabi
3. Bawat trabahador ay may angking kasipagan kaya naman mabilis umangat
ang kanilang pamumuhay. Ang kahulugan ng salitang may salungguhit ay____
A. mangangalakal C. manggagawa
B. mambabatas D. kapitalista
4. Nagkasundo ang may-ari ng ubasan at ang manggagawa sa isang
salaping pilak. Ang literal na kahulugan ng salaping pilak ay _________
A. pera C. upa
B. ginto D. pilak
5. Nagmula sa salitang Griyego na nagsasaad ng dalawang bagay na maaaring tao,
hayop, lugar o pangyayaring naganap noong panahon ni Hesus batay sa nakasaad
na Banal na aklat. Ito ay ang ___________.
A. Alamat C. Parabula
B. Pabula D. Epiko
6. Ang mensaheng nais ipaabot ng Parabulang “Ang Talinghaga Tungkol sa
May-ari ng Ubasan.” ay ___________

12
A. Gumawa ayon sa iyong kakayanin.
B. Ugaling pantay-pantay ang pagtingin sa lahat.
C. Huwag humangad ng isang bagay na hindi mo pinaghirapan.
D. Tumanggap ng may bukal sa puso.
7. Ang talinghagang nakapaloob sa mga oras ng paglabas ng may-ari ng ubasan sa
akdang “Talinghaga sa May-ari ng Ubasan” ay ______________
A. Paghahanap ng manggagawa sa kanyang ubasan
B. Hindi nagpabaya ang Panginoon sa kanyang nilikha sa bawat oras
C. Ayaw ng may-ari ng ubasan nang may patayo-tayo
D. Gusto ng Panginoon na kumikilos din ang kanyang mga nilikha
8. Ang ina sa Parabula ng Banga ay laging nangangaral sa anak upang _____
A. di -maligaw C. di-mapabayaan
B. di -makipagbarkada D. di-mapariwara
9. Ito ay pagbibigay-kahulugan sa salita bukod pa sa literal na kahulugan nito.
A. Pagpapakahulugang Metaporikal C. Sinopsis
B. Palamang na Paghahambing D. Pangangatuwiran
10. Naghandog ng pulang rosas ang binatang dayuhan sa kanyang itinuturing
na rosas. Ang salitang rosas na ginamit sa una ay tumutukoy sa
pagpapakahulugang_________
A. mabango C. literal
B. maganda D. metaporikal
11. Pawis na pawis ang ina sa pagtratrabaho, dugo’t pawis ang kanyang
ipinuhunan para marating ang rurok ng tagumpay. Ang salitang pawis na
ginamit sa ikalawa ay tumutukoy sa pagpapakahulugang ____________
A. mabango C. literal
B. maganda D. metaporikal
12. Ito ay pagbibigay-kahulugan sa salita bukod pa sa literal na kahulugan nito.
Ito ay nakabatay kung paano ginamit ang salita sa pangungusap.
A. Pagpakahulugang semantika
B. Pagpapakahulugang retorika
C. Pagpapakahulugang gramatika
D. Pagpapakahulugangmetaporikal
13. Mula sa Parabula ng Banga, ano ang laging tagubilin ng Inang Banga sa
kanyang anak na Banga?
A. Maging maingat sa pang-araw-araw na gawain.
B. Pumili ng kakasamahin o kakaibiganin.
C. Huwag mong kalilimutang ikaw ay bangang gawa sa lupa.
D. Kaibiganin mo anumang uri ng banga.
14. ”Ang porselanang banga ay nanatiling buo na parang walang nangyari. Ngunit ang
bangang yari sa lupa ay nagkalamat dahil nagbanggaan sila sa tubig ng makisig na
banga na yari sa porselana.” Ano ang nais ipakahulugan nito?
A. Huwag padalos-dalos sa anumang gawain.
B. Tunay ang lahat na iyong makakasalamuha sa buhay.
C. Ang tao ay may kahinaan na dapat nating tandaan.
D. Sa buhay may mga taong sadyang mapagkunwari
15. Kadalasan ang anyo ng panitikang ito ay lumilinang ng mabuting asal na dapat
nating taglayin kundi binubuo rin nito ang ating moral at espiritual na pagkatao.
A. Dula C. Pabula
B. Parabula D. Tula

13
Gawin Nat in

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain upang


pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.
PANUTO: Bumuo ng Komik istrip hinggil sa pangyayaring nararanasan ng mga
manggagawang nawalan ng trabaho dahil sa pandemya. Gamitin ang
natutuhan sa Pagpapasidhi ng Damdamin.

Larawan mula sa www.slideshare.net/MhicaCeballe/komiks-istrip


( Maaring ipasa sa Fb page/messenger ng guro ang sagot sa natapos na Gawain)

Repleksyon ng Natutuhan
PANUTO: Sumulat ng repleksiyon tungkol sa mga pangyayaring natutuhan sa pamamagitan
ng pagsagot sa mga tanong na nasa loob ng kahon. Ipahayag mo ito ayon sa
iyong nararamdaman.

Anong kaalaman ang


Pawang Katotohanan
aking natutuhan sa
ang gagabay sa aking
modyul na ito?
paglalakbay.

Ano pang halimbawa ang


maaari kong magamit sa Anong kaalaman pa ang
pang-araw-araw kong maaari kong maibahagi sa
pamumuhay lalo na sa aking pamilya o kaibigan?
panahong kinakaharap ko?

Anong kaasalan ang


Anong konklusyon ko sa
nagpabago matapos kong
modyul na ito?
matutuhan ang aralin?
14
Sanggunian
Baisa, Ailene G., et al. 2004. Pluma, Wika at Panitikan para sa Mataas na Paaralan III. Quezon City:
Phoenix Publishing House, Inc.
Guerrero, Teresita L. , et al.Kayumanggi sa Filipino 9. Cavite: LEO-Ross Publishing
Peralta, Romulo N., et.al. Panitikang Asyano –Ikasiyam na Baitang.DepEd-IMCS.Pasig City
Villafuerte, Patrocinio V. 2005. Pagsasaling-Wika. Manila Rex Bookstore.
Internet
www.clipart.com
http://www.powtoon.com/youtube/
https://www.tagaloglang.com/epiko
photopin; https://creative commons
http//www.flickercom
http//www.wordwall.net.
ph.images.search.yahoo.com/images/view
photopin; https://creative commons
victor-images com.aam-govst.edu-218224-
https://www.youtube.com/watch?v=ombbl6nJiXA&ab_channel=Kuwentoatbp.
EXECUTIVE COMMITTEE FOR HYBRID MODULE
Chairperson: DR. MARGARITO B. MATERUM, SDS
Vice –Chairperson: DR. GEORGE P. TIZON-SGOD-Chief
DR. ELLERY G. QUINTIA-CID-Chief
Ex-Officio Members: EDUCATION PROGRAM SUPERVISORS
TAGUIG SECONDARY SCHOOL PRINCIPALS
DR DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS/ALS

Secretariat: QUINN NORMAN O. ARREZA

Team Leader/Facilitator: DR. MELEDA H. POLITA

School Head In-Charge: DR. REA MILANA-CRUZ, PRINCIPAL IV

Writer: GEMMA J. SALGADO

Editors: MARITA LACANLALE

ROSYL V. ANOOS

Content Evaluator/Language Evaluators: MIRIAM C. MABASA

CLARISSA R. SENOSA

Reviewer: DR. JENNIFER G. RAMA, EPS-FILIPINO

Illustrator/Layout Artist: CLARISSA R. SENOSA

MARITA LACANLALE

ROSYL V. ANOOS

Content Validator: JESUSA M. GONZALES

Format and Language Validator: PRIVATE INTERNATIONAL SCHOOLS REPRESENTATIVES

For inquiries, please write or call:


Schools Division of Taguig City and Pateros Upper Bicutan Taguig City
Telefax: 8384251
Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph

15

You might also like