You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

CEBU NORMAL UNIVERSITY


Osmeña Blvd., Cebu City, 6000 Philippines

MEDELLIN CAMPUS
Poblacion, Medellin, Cebu
Telephone No: 436-2029
Email: medellincampus@cnu.edu.ph

Baitang: Ika – walong baitang Petsa: ika – 26 ng Setyembre, 2022


Asignatura: Filipino Inihanda ni: Bb. Carmela D. Mosqueda
Markahan: Ikalawang Markahan
Aralin: 1.2

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 8

I. Layunin

Pagkatapos ng aralin, inaasahang ang mga mag-aaral ay:

a. Maisasalamin na ang mga pangyayari sa binasang parabola ay maaaring mangyari sa


buhay ngayon o sa kasalukuyan;

b. mabibigyang kahulugan ang matatalinhagang pahayag sa parabola,

c. makapagbahagi ng sariling pananaw patungkol sa parabola.

II. Paksang Aralin

Pamagat: “Ang Parabula ng Sampung Dalaga


May – akda: Bibliya sa Mateo 25:1-13
Uri ng Akdang Pampanitikan: Parabula
Sanggunian: Panitikang Asyano 9 Ramon N. Peralta et. al.
Kagamitan: Laptop, LCD TV
III. Pamamaraan

Gawaing-Guro Gawaing-Mag-aaral

A. Panimulang Gawain

Magandang umaga sa inyu ika – walong


baiting. Bago ko simulan ang aking
tatalakayin sa araw na ito ay magsisimula
tayo sa ;
Panginoon po naming Diyos, salamat po ng
1. Panalangin
napakarami, dahil ligtas mo po kaming
tinipon sa dakong ito. Ingatan mo po kaming
lahat sa buong panahon ng pag-aaral Sa inyo
po lahat ng kapurihan Hinihingi po namin ang
lahat ng ito Sa pangalan ni Hesus na aming
Dakilang Tapapagligtas. Amen...

2. Pagbati at pangungumusta sa mag-aaral

3. Pagbabahagi sa rules and procedures sa


loob ng klase

4. Pag tsek ng attendance


(May lumiban ba sa araw na ito?) Wala po ma’am…

B. Balik - Aral

Magandang umaga sa ating lahat! Ako ang


inyong magiging guro sa umagang ito. Ako si
Magandang umaga po Bb. Mosqueda
Bb. Carmela D. Mosqueda. Maaari ninyo
akong tawagin Bb. Mosqueda. Bago tayo
magsimula sa panibagong aralin, nais ko
munang balik-aralan ang tinalakay kahapon.

Tungkol po sa Elehiya
Ano ang paksang tinalakay natin kahapon?
Ang Elehiya ay tula para sa mga yumaong
Ano ang Elehiya? kamaganak o mahal sa buhay. Hindi ito dapat
ikalito sa Eulohiya.
Ang Elehiya kay Inay
Mahusay! Maaari ba kayo magbigay ng
halimbawa ng elehiya?

C. Motibasyon

Ngayon ay piliin ang tamang sagot sa mula


Hanay B.
Sagot:
Hanay A Hanay B
1.PANUNYO A. preperado o handa sa PANUNYO - panliligaw
2. PAGDATAL anong sitwasyon PAGDATAL - pagdating
3. MARINGAL B. panliligaw MARINGAL – elegante, kahanga-hanga
4. HANGAL C. elegante, kahanga- HANGAL – tanga, bobo
hanga HANDA – preperado o handa sa anong
5. HANDA D. tanga, bobo sitwasyon
6. DOTE E. pagdating DOTE - isang handog para sa babae bago
F. isang handog para ikasal
sa babae bago ikasal
(Nagtaas ng kamay)

Sino sa inyo ang gustong sumubok sumagot?


(Sunod na magbabasa ang mga piling mag-
aaral)
(Pipili ng anim na mag-aaral)

Magaling! Salamat sa inyong mga sagot.

D. Pagtatalakay ng Paksa

Ngayon ay ating basahin ang Parabula ng


“Ang Sampung Dalaga” mula sa (Mateo
25:1-13)

(Unang magbabasa)

Salamat.
Sagot:
ANALISIS Isa sa mahalagang kaganapan ay ang
Batay sa inyong binasa ano ang mahalagang paghihintay ng mga dalaga sa lalaking
kaganapan o pangyayari sa parabula? Mag ikakasal.
bigay ng isang pangyayari.

Oo tama. Isa ito sa mahalagang kaganapan


dahil dito ipinapakita ang pagkakaiba sa ugali
ng mga tao tulad ng limang dalagang
matatalino at limang dalagang tanga.
Isang halimbawa dito ay, kahit ang
magkapatid na kambal ay mayroong
pagkakaiba sa kanilang ugali. Ang isa ay
mabait at ang isa naman ay masungit.
Gaya sa parabula ang pakakaiba ng ugali ng
mga dalaga ay nagpapakita kung sino ang nag Ang lalaking ikakasal ay maihahalintulad sa
handa sa kanilang paghihintay. ating Panginoon.

Kanino mo maihahalintulad ang lalaking


ikakasal?
Dahil kapag ang Panginoon ay dumating at
hindi ka pa handa tiyak na katulad ng limang
tangang babae ikaw hindi papasukin sa langit.
Bakit?

Magaling. Salamat sa iyong sagot.


Kailangan natin maging handa dahil sabi nga
sa bibliya mula sa Pahayag 16:15 ; Amos 4:12
“Makinig kayo! Ako'y darating na parang
magnanakaw! Mapalad ang nanatiling gising
at nakabihis na. Hindi siya lalakad na hubad
at di mapapahiya sa harap ng mga tao!”

Inihahalintulad ng Panginoon ang kanyang


pagdating sa isang magnanakaw na walang
pasabi, kaya kailangan natin maging handa at
wag mawalan ng pananampalataya sa Ang langis sa lampara ay sumisimbolo sa
kanyang pagbalik. pananampalataya ng tao.

Dahil minsan ang pananampalataya ng tao ay


Ano ang sinisimbolo ng langis sa lampara na nawawala lalo nakapag wala siyang
dala dala ng mga dalaga? masyadong tiwala sa kanyang paghihintay.
Paano mo ito nasabi?
Oo tama. Tayong mga tao minsan na iinip sa
ating paghihintay, tulad na lamang sa ating
paghihintay sa Diyos minsan ang ibang tao
sinasabi ng ibang tao na “Lord kailan ka pa Gusto kong tularan ang limang dalagang
babalik? Subrang hirap na.” lalo na kapag matatalino, na handa sa
tayo ay may pagsubok na hinaharap. ano mang sitwasyon sa buhay.

Ano katangiang nais mong tularan na


ipinakita sa parabula?

Oo magaling.
Ang parabula ay kwentong nanggaling sa
Dapat natin silang tularan sa kanilang
Banal na aklat, na kapupulutan ng aral.
pananampalataya at sa kanilang pagiging
handa.

Ano ba sa palagay ninyo ang parabula?

Oo tama.

Pagbibigay ng Input ng Guro

Alam mo ba …

ANG PARABULA ay nagmula sa salitang


Griyego na parabole na nagsasaad ng
dalawang bagay (maaaring tao, hayop, lugar,
pangyayari) para paghambingin. Ito ay
makatotohanang pangyayaring naganap
noong panahon ni Hesus batay sa nakasaad sa
Banal na Aklat. Ang mga aral na mapupulot
dito ay nagsisilbing patnubay sa marangal na
pamumuhay ng mga tao. Ang mga mensahe
ng parabula ay isinulat sa patalinghagang
pahayag. Ang parabula ay di lamang
lumilinang ng mabuting asal na dapat nating
taglayin kundi binubuo rin nito ang ating
moral at espirituwal na pagkatao.

E. Pagtataya

Mungkahing Estratehiya: DUGTUNGAN


MO!

Bubuuin ng mga mag-aaral ang mga pahayag


upang makabuo ng mabisang pag-unawa sa
aralin. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

Bibliya Matalinghaga Kaisipan Sagot:


1.Parabula
Banal Panitikan Isabuhay 2.panitikan
Pangkaraniwang Parabula 3. banal
4. Bibliya
Kagandahang Loob Banghay 5. banghay
6. pangkaraniwang
Ang (1) ay isang uri ng (2) na 7. matalinghaga
tuluyan na hango sa (3) na aklat tulad ng 8. kaisipan
Koran at (4) . Payak ang (5) ng parabula 9. isabuhay
na binubuo ng (6) mga pangyayaring (7) 10. kagandahang loob
at kapupulutan ng magandang (8) mensahe
o aral at nagpapakita ng (9) na maaring
(10).

Sagot:
APLIKASYON
Ang ating pagiging handa sa ano mang bagay
Mungkahing Estratehiya: #HUGOT ay hindi natin ikakasama, bagkus ito ay
maghahatid ng napakalaking tulong sa oras ng
Ipaliwanag ang kaisipang hatid ng nabasang pangangailangan.
parabula. Huwag tayong maging pabaya at tanga
kagaya ng limang dalaga sa parabula, minsan
lang dumarating ang isang bagay sa ating
“Mahalaga ang pagkakaroon ng kahandaan buhay, kapag dumating ito at hindi tayo handa
upang sa huli ay hindi ito pagsisihan.” ay tayo rin ang magigingkawawa.
F. Takdang – Aralin
Magsaliksik ng iba pang parabola na mula sa Silangagng Asya. Ibahagi sa klase ang aral na
makukuha ditto.

You might also like