You are on page 1of 13

Republic of the Philippines

CENTRAL BICOL STATE UNIVERSITY OF AGRICULTURE


San Jose, Pili, Camarines Sur 4418
ISO 9001:2015 www.cbsua.edu.ph
TÜV-R 01 100 1934918

COLLEGE OF DEVELOPMENT EDUCATION


LABORATORY HIGH SCHOOL

Learning Module in

Filipino 10
Q3 - WEEK 5
This learning module belongs to:

_____________________________________________________
(Name of Student)

_____________________________________________________
(Address)
_____________________________________________________
(Contact Number/email)

This learning module is prepared by:

JOHN MICHAEL H. BARROGA


-------------------------------------------------------------------------------------
Student Intern

JIALYN B. NARVADEZ
____________________________________________________
Subject Teacher

0
Tala ng Guro

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong


pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral
habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan
ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Bagaman
haharapin natin ang ‘bagong normal’ ng may kahabagan, sensibilidad
ngunit sa kabila ng mga hamon na tatahakin, sisiguraduhin natin na
magkakaroon ng balanse sa pagitan ng pagbibigay ng kalidad ng
edukasyon at pag-aaruga sa bawat isa.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa
modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro.
Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda
mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas
nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas


ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na
pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

Lubos na gumagalang,

Ma’am Jia

1
Talaan ng Nilalaman

Nilalaman ng Modyul Pahina


Panimula ……………………………………………………….. 3
Panimulang Pagtataya……………………………………… 3
Kagamitang Pampagkatuto ……………………………… 4
Pagtuklas…………………………………………………………. 9
Discussion Board………………………………………………. 9
Panapos na Pagsusulit………………………………………. 10
Sanggunian………………………………………………………. 13

2
PANIMULA

Ang modyul na ito ay inihanda upang matulungan kang unawain ang unang aralin sa
Filipino Baitang 10 at upang malinang ang iyong kasanayan hinggil sa mga pamantayan
sa araling ito.

Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1. Anekdota: Nahihinuha ang damdamin ng sumulat ng napakinggang anekdota


(F10PN-IIIb-77);
2. Nasusuri ang binasang anekdota batay sa: paksa- tauhan tagpuan motibo ng awtor
paraan ng pagsula at iba pa (F10PB-IIIb-81);
3. Naibibigay ang sariling opinyon tungkol sa anekdotang napanood sa you tube
(F10PD -IIIb -75);
4. Nagagamit ang kahusayang gramatikal, diskorsal at strategic sa pagsulat at
pagsasalaysay ng orhinal na anekdota (F10PU -IIIb -79);
5. Naisusulat ang isang orihinal na komik strip batay sa isang anekdota (F10PU -IIIb -
79)

Panimulang Pagtataya

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag o katanungan. Piliin at isulat ang
letra ng tamang sagot sa hiwalay na papel.

1. Ang akdang, “Akasya o Kalabasa” ay isang halimbawa ng anong uri ng panitikan?

A. anekdota C. mitolohiya
B. pagsasalaysay D. sariling karanasan

2. “Karaniwan nang sa may mataas na pinag-aralan ay maamo ang kapalaran.” Ano ang
nais ipahiwatig ng pahayag na ito?

A. Mag-aral nang mabuti.


B. Huwag tumigil sa pag-aaral.
C. Mas maganda ang kapalaran ng taong nag-aral nang matagal na panahon.
D. May naghihintay na magandang kinabukasan sa taong nakapagtapos ng pag-
aaral.

3. Ito ay tumutukoy sa isang diskursong naglalatag ng mga karanasang magkakaugnay.

A. komiks C. kuwadro
B. pagsasalaysay D. sariling karanasan

3
4. Isa sa mga mapagkukunan ng paksa ay batay sa narinig o napakinggan mula sa iba
ngunit bilang manunulat, kinakailangang_____

A. maging maagap sa lahat ng balita C. piliin ang mga impormasyong nais ilahad
B. kunin ang lahat ng narinig buhat sa iba D. tiyakin muna ang katotohanan nito bago
isulat

5. Ito ay bahagi ng komiks na pinagsusulatan ng maikling salaysay.

A. kuwadro C. lobo ng usapan


B. kahon ng salaysay D. pamagat ng kuwento

Kagamitang Pampagtuturo

Diskursong Pasalaysay
Isa sa mga katangian ng mga Pilipino ay ang pagiging masayahin, kaya naman ang
ating paksa ay napapanahon upang pagaanin ang ating kalooban sa panahong ito ng mga
pagsubok. Sa araling ito, inaasahang maipamamalas mo ang pag-unawa sa anekdota at
makapagbibigay ka ng sariling pananaw tungkol sa anekdotang iyong nabasa o napanood
sa youtube. Gayondin, masusubok ang iyong husay sa paggawa ng komiks istrip batay sa
isang anekdota. Simulan mo na sa pamamagitan ng pagbabalik-aral sa nakaraang aralin
upang malaman ko kung may natutuhan ka tungkol dito.

Suriin: Ngayon naman ay nais kong panoorin mo ang isang kuwentong


pinamagatang, Akasya o Kalabasa na isinulat ni Consolation P. Conde. Ito ay nakaaaliw at
tiyak na kapupulutan mo ng aral. Maaari mo itong mapanood sa youtube sa link na ito:
https://youtu.be/BsH_-sHa4e4. Maaari mo rin itong basahin. Nasa kasunod na pahina ang
sipi ng kuwento.

Akasya o Kalabasa
Consolation P. Conde

Hindi maikakaila na kung malaki ang puhunan ay maaaring tumubo rin iyon nang
malaki kaysa maliit ang naturan. Gayondin ang paghahanda at pagpupunyagi ng taong
pinamumuhunanan ng puupuung taong pag-aaral at pagpapakasakit. Karaniwan nang sa
may mataas na pinag-aralan ay maamo ang kapalaran. At ito’y matutulad din nga sa
paghahalaman.
Pasukan na naman. Nagbukas na ang mga pamantasan at matataas na paaralan
sa Maynila.

4
Samantala, sa nayon ng Kamias, hindi kalayuan sa lungsod… Maagang
nagbangon nang umagang yaon si Aling Irene at inihanda kapagkaraka ang mga
pangangailangan ng kabutong anak na si Iloy. Si Mang Simon naman ay hindi muna
nagtungo sa linang upang samahan sa pagluwas ang anak na pag-aaralin sa Maynila.
Awa naman ng Diyos ay maluwalhating nakarating sa lungsod ang mag-ama.
Isang balitang paaralang sarili ang kanilang tinungo agad. Dinatnan nila ang tagatala na
abalang-abala sa pagtanggap ng ‘di kakaunting mga batang nagsisipagprisinta.
Nagpalinga-linga si Mang Simon. Nang makita ang babalang nakasabit sa may
pintuan ng Tanggapan ng Punong-guro ay kinawit sa bisig si Iloy. “Halika at makikipag-
usap muna ako sa punong-guro.” “Magandang umaga po sa kanila,” panabay na bating-
galang ng mag-ama.
“Magandang umaga po naman,” tugon ng punong-guro na agad namang
nagtindig sa pagkakaupo at nag-alok ng upuan. “Ano po ang maipaglilingkod ko sa
kanila?”
“E, ibig ko po sanang ipasok ang aking anak dito sa inyong paaralan.”
“A, opo. Sa ano po namang baitang?” usisa ng punong-guro. “Katatapos pa po
lamang niya ng elementarya sa aming nayon noong nakaraang Marso,” paliwanag ni
Mang Simon.
“Kung gayon po’y sa unang taon ng hayskul, ano po?”
“Ngunit… ibig ko po sanang malaman kung maaaring ang kunin na lamang niya ay
isang maikli-ikling kurso ukol sa isang tanging karunungan upang siya’y makatapos
agad, maaari po ba?”

Naibigan mo ba ang iyong napanood o nabasa? Ano ang iyong masasabi sa


kuwentong ito? Magaling, isa nga itong anekdota. Natatandaan mo pa ba ang anekdotang
ating tinalakay sa nakaraang modyul? Mahusay! Kuwento nga itong hango sa isang
nakawiwili at nakatutuwang pangyayari sa buhay ng isang tao. Layon nitong
makapagpabatid ng isang magandang karanasang kapupulutan ng aral na magagawa
lamang kung ang karanasan o ang pangyayari ay makatotohanan.

Karagdagang Kaalaman

Ang diskorsal ay ang sangkap na nagbibigay-kakayahan sa nagsasalita na


palawakin ang kaniyang mensahe upang mabigyan ng wastong interpretasyon ang salita,
mas maunawaan ang salita, at maipahayag ang mas malalim na kahulugan nito.

Ang pagsasalaysay naman ay isang diskursong naglalatag ng mga karanasang


magkakaugnay. Pagkukuwento ito ng mga kawili-wiling pangyayari, pasulat man o pasalita.
Itinuturing itong pinakamasining, pinakatanyag, at tampok na paraan ng pagpapahayag. Ito
rin ang sinasabing pinakamatandang uri ng pagpapahayag sapagkat dito nagsimula ang
alamat at epiko, at mga kuwentong-bayan ng mga ninunong Pilipino maging sa ibang bansa
man.
Ang pagpili ng paksa ang unang mahalagang hakbang sa pagsulat ng
pagsasalaysay. Kailangang ito ay maganda at kawili-wili. Bukod dito, mahalaga ring
napapanahon ito at may dalang lugod at kabutihan sa mga mambabasa.

5
Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagpili ng Paksa

1. Kawilihan ng Paksa – Dapat na ito ay likas na napapanahon, may mayamang


damdaming pantao, may kapana-panabik na kasukdulan, naiibang tunggalian, at
may malinaw at maayos na paglalarawan sa mga tauhan at tagpuan.

2. Sapat na Kagamitan – Mga datos na pagkukunan ng mga pangyayari.

3. Kakayahang Pansarili – Ang pagpili ng paksa ay naaayon din sa kahusayan,


hilig, at layunin ng manunulat.

4. Tiyak na Panahon o Pook – Ang kagandahan ng isang pagsasalaysay ay


nakasalalay sa malinaw at masining na paglalarawan ng panahon at pook na
pinangyarihan nito. Kaya, mahalagang iwasan ang labis na paghaba sa
panahong sakop ng salaysay at pagbanggit ng napakaraming pook na
pinangyarihan ng salaysay.

5. Kilalanin ang Mambabasa – Sumusulat ang tao hindi para lamang sa kaniyang
pansariling kasiyahan at kapakinabangan, kundi para sa kaniyang mambabasa.

Mga Mapagkukunan ng Paksa

1. Sariling karanasan – pinakamadali at pinakadetalyadong paraan ng


pagsasalaysay ng isang tao sapagkat ito ay hango sa pangyayaring naranasan
ng mismong nagsasalaysay.

2. Narinig o napakinggan sa iba – maaaring usapan ng mga tao tungkol sa isang


pinagtatalunang isyu, mga balita sa radyo at telebisyon, at iba pa. Subalit,
tandaang hindi lahat ng narinig sa iba ay totoo at dapat paniwalaan. Mahalagang
tiyakin muna ang katotohanan bago isulat.

3. Napanood – mga palabas sa sine, telebisyon, dulaang panteatro, at iba pa.

4. Likhang-isip – mula sa imahinasyon, katotohanan man o ilusyong makalilikha ng


isang salaysay.

5. Panaginip o Pangarap – ang mga panaginip o hangarin ng tao ay maaari ding


maging batayan ng pagbuo ng salaysay. 6. Nabasa – mula sa anomang
tekstong nabasa, kailangang ganap na nauunawaan ang mga pangyayari.

Katangiang dapat Taglayin ng Pagsasalaysay

1. Ang pamagat ay maikli, orihinal, kapana-panabik at napapanahon.


2. Mahalaga ang paksa o diwa.

6
3. Maayos at ‘di-maligoy ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.

4. May kaakit-akit na simula.

5. Kasiya-siyang wakas.

Mga Bahagi ng Pagsasalaysay

a. Simula

b. Tunggalian a. Tauhan laban sa ibang tauhan sa kuwento b. Tauhan laban


sa sarili c. Tauhan laban sa kapaligiran o kalikasan

c. Kasukdulan – ito ang kapana-panabik na bahagi ng isang kuwento.

d. Kakalasan – ito ang nagbibigay-linaw sa mga tanong na nagpanabik sa


mga mambabasa sa bahaging kasukdulan.

e. Wakas – kahihinatnan ng mga tunggalian sa kuwento. Dito rin


ipinahahayag ang mahalagang kaisipan o mensahe sa kuwento.

Opinyon - pananaw ng isang tao o pangkat na maaaring totoo pero maaaring pasubalian ng
iba. Ito ay batay sa paniniwala o kaalaman ng isang tao tungkol sa isang ideya, isyu, paksa
o kuwento na kaniyang nasuri. Ang pagbibigay ng opinyon ay hindi nangangahulugang
pagpapahayag ng isang tamang solusyon o sagot sa isang bagay. Ito ay maaaring
magkakatulad at maaari ring magkakasalungat depende sa pagkakaunawa, paniniwala o
kaalaman hinggil sa isang isyu, paksa o kuwento.

Ang komiks ay isang grapikong midyum na binubuo ng diyalogo, mga salita at larawan na
siyang nagsasalaysay sa diwa ng kuwento. Sa Pilipinas, sinasabing si Dr. Jose Rizal ang
kauna-unahang Pilipinong sumulat ng komiks na pinamagatan niyang, “Pagong at Matsing.”

Mga Bahagi ng Komiks

1. Kuwadro – naglalaman ng isang tagpo sa kuwento (frame)

2. Kahon ng salaysay – pinagsusulatan ng maikling salaysay

3. Pamagat ng kuwento

4. Larawang guhit ng mga tauhan sa kuwento

5. Lobo ng usapan – pinagsusulatan ng usapan ng mga tauhan; may iba’t ibang anyo
ito batay sa inilalarawan ng dibuhista.

7
Halimbawa ng Komik Istrip

Si Pagong at Si Matsing

Anyo ng Lobo ng Usapan

Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagbuo ng Komik Istrip


1. Alamin ang sariling hilig o istilo.
2. Tukuyin ang pangunahing tauhan.

8
3. Tukuyin ang balangkas ng kuwento.
4. Ipokus ang atensyon sa diyalogo at daloy ng kuwento.
5. Ayusin at pagandahin ang gawa

Pagtukas
Gawain: Say Mo?

Panuto: Batay sa anekdotang, “Akasya o Kalabasa” na iyong napanood mula sa Youtube o


nabasa, magbigay ng sariling opinyon sa sumusunod na pahayag. Itala ang iyong sagot sa
hiwalay na papel. (Hinihikayat na ang guro na ang gumawa ng paraan upang mapanood ng
mga mag-aaral ang nasabing anekdota.)

Pahayag mula sa Akasya o Kalabasa Opinyon

1. Hindi maikakaila na kung malaki ang


puhunan ay maaaring tumubo rin
iyon nang malaki kaysa maliit ang
naturan.

2. Karaniwan nang sa may mataas na


pinag-aralan ay maamo ang
kapalaran.

3. Kung ang nais ninyo ay


makapagpatubo ng isang mayabong
na punong akasya, gugugol kayo ng
puu- puung taon, subalit ang
kakailanganin ninyo ay ilang buwan
lamang upang makapaghalaman
kayo ng isang kalabasa.

Discussion Board
Malikhaing Pagsulat
Panuto: Mula sa natutuhan tungkol sa paggamit ng kahusayang gramatikal, diskorsal at
strategic sa pagsulat at pagsasalaysay ng orihinal na anekdota, mag-isip ng isang
nakatutuwang pangyayari sa iyong buhay noong nagsisimula ka pa lamang mag-aral sa
hayskul. Isalaysay ang iyong naging karanasan batay sa mga kraytiryang nakasulat sa
ibaba. Isulat ito sa hiwalay na papel.

9
Rubrik sa Pagtataya sa Pagsulat ng Sanaysay

Mga Kraytirya Puntos

Kahusayang gramatikal 5
Paggamit ng diskorsal at strategic sa 5
pagsulat ng orihinal na anekdota
Nakatutuwang basahin 5
Orihinalidad ng akda 5
Kabuuan 20

Panapos na Pagtataya

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Isulat sa


hiwalay na papel ang letra ng tamang sagot.

1. Ang akdang, “Akasya o Kalabasa” ay isang halimbawa ng anong uri ng panitikan?

A. anekdota C. pagsasalaysay

B. mitolohiya D. sariling karanasan

2. “Karaniwan nang sa may mataas na pinag-aralan ay maamo ang kapalaran.” Ano ang
nais ipahiwatig ng pahayag na ito?

A. Mag-aral nang mabuti.

B. Huwag tumigil sa pag-aaral.

C. Mas maganda ang kapalaran ng taong nag-aral nang matagal na panahon.

D. May naghihintay na magandang kinabukasan sa taong nakapagtapos ng pag-


aaral.

Para sa bilang 3-4

Batay sa huling naging pahayag ni Mang Simon na, “A, mabuti na nga ang kunin niyang buo
ang kurso sa hayskul at saka na siya kumarera. Higit na magiging mayabong ang kaniyang
kinabukasan.”

3. Ang pahayag na nasa itaas ay nangangahulugang ?

A. Bubunuin ni Iloy ang mahabang panahon ng pag-aaral.

B. Nais ni Mang Simon na isali ang kaniyang anak na si Iloy sa karera.

C. Pinili pa rin ni Mang Simon na maging katulad ng kalabasa ang kaniyang anak.

10
D. Nais ipatapos ni Mang Simon kay Iloy ang pag-aaral sa hayskul bago niya ito
katulungin sa linang.

4. Anong aral ang makukuha mula sa pahayag na nasa itaas?

A. Maging masipag sa pag-aaral.

B. Kailangang maghanda para sa kinabukasan.

C. Tiyak ang magandang kinabukasan kung ikaw ay mag-aaral.

D. Kailangang magtiyaga sa pag-abot ng pangarap, higit na maganda kung ito ay


pinaghihirapan.

5. Ito ay tumutukoy sa isang diskursong naglalatag ng mga karanasang magkakaugnay.

A. komiks C. pagsasalaysay

B. kuwadro D. sariling karanasan

6. Isa sa mga mapagkukunan ng paksa ay batay sa narinig o napakinggan mula sa iba


ngunit bilang manunulat, kinakailangan.

A. maging maagap sa lahat ng balita

B. kunin ang lahat ng narinig buhat sa iba

C. piliin ang mga impormasyong nais ilahad

D. tiyakin muna ang katotohanan nito bago isulat

7. Ito ay bahagi ng komiks na pinagsusulatan ng maikling salaysay.

A. kuwadro C. kahon ng salaysay

B. lobo ng usapan D. pamagat ng kuwento

8. Ang thought bubble, whisper bubble, speech bubble, at scream bubble ay mga halimbawa
ng anong bahagi ng komiks?

A. kuwadro C. kahon ng salaysay

B. lobo ng usapan D. pamagat ng kuwento

9. Ang Pagong at Matsing na isinulat ni Dr. Jose P. Rizal ay isang halimbawa ng


__________.

A. anekdota C. kuwento

B. komiks D. pagsasalaysay

11
10. Ito ang bahagi ng komiks na pinagsusulatan ng usapan ng mga tauhan.

A. komiks C. kahon ng salaysay

B. lobo ng usapan D. sariling karanasan

Sanggunian

Elektroniko

https://www.coursehero.com/u/file/87240336/Filipino-10-SLMs-3rd-Quarter-Module-
3pdf

1. Ang akdang, “Akasya o Kalabasa” ay isang halimbawa ng anong uri ng panitikan? A.


anekdota B. pagsasalaysay (realanswers-ph.com)

YOUTUBE

12

You might also like