You are on page 1of 7

Aralin 5 (Si Pinkaw)

“Madalas na tayo’y nanghuhusga batay lamang sa kanyang


nakikita, subalit ang pinaka mahalagang bagay, puso lang
ang nakadarama”

MAHALAGANG MAUNAWAAN

Ang layunin ng araling eto ay makapag bigay ng bagong kaalaman sa mga


mag-aaral. Ang mga impormasiyong naka sulat ay masusing pinagaralan at
sinaliksik. Sa pagtatapos ng araling eto, inaasahan ang pagkatuto sa mga mag-
aaral at inaasahan ang kanilang sariling interpretasyon sa mga katanungang
ibibigay.

PAGSASAAD NG GAWAIN

Sa pamamagitan ng araling eto, mas matututunan ng


mga mag-aaral ang bawat tekstong ipapaliwanag. Ikaw
ay magkakaroon ng kaalaman upang makapag sulat ng
sariling kuwento.

Pangkalahatang Layunin:
Inaasahan na ang mag-aaral ay magkakaroon ng bagong kaalaman
pagkatapos ng modyul na ito, inaasahang:

a. Makapagbabahagi ng sariling opinion


b. Maipaliliwanag ang napagaralan gamit ang sariling
interpritasiyon
c. Makapgbibigay ng ilang halimbawa batay sa mga naisaad na
impormasiyon.
d. Nagamit ng wasto ang lahat ng mga impormasiyong
napagaralan.

Ating alamin ang kahandaan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagsagot


sa ilang mga katanungan sa ibaba. Sagutin eto ng maayos at tapat.

Paunang Pagsubok (Pre-test)


A. Panuto: Piliin ang angkop na sagot sa bawat katanungan.

1. Literal na kahulugan ng salita.


a. Konotasyon
b. Denotasyon

2. Pahiwatig o hindi tuwirang kahulugan ng salita.


a. Konotasyon
b. Denotasyon
B. Ibigay ang tamang sagot upang mabuo ang ibinigay na impormasiyon
1. ___________________ Binibigyang diin ang tagpuan na
kinabibilangan ng lugar at panahon.

2. ___________________ Nasa kapana-panabik na


pakikipagsapalaran at nakasasabik na mga pangyayari.

3. __________________ Mga di kapani-paniwalang pangyayari.

4. __________________ Nangingibabaw ang diin sa pangunahing


tauhan.

5. __________________ Pangyayari at diyalogong


nakapagpapatawa at nakapagbibigay aliw sa mga mambabasa.

6. __________________ Nangingibabaw ang kuwento ng pag-ibig

7. __________________ Sinisikap pasukin ang isipan ng nga tauhan


upang ilahad sa mga mambabasa.

8. __________________ Ang kuwentong ito ay punungpuno ng


suliraning hahamon sa katalinuhan ng mambabasa.

9. __________________ Isinusulat para sa tiyak na pangyayari o


pagkakataon.

10. __________________ Mga paksang ang pangyayari ay mahalaga


sa lipunan.
Mga Sagot sa Paunang Pagsubok:
A.
1. Denotasyon

2. Konotasyon

B.

1. Kuwento ng Katutubong Kulay

2. Kuwento ng Pakikipagsapalaran

3. Kuwento ng Kababalaghan

4. Kuwento ng Tauhan

5. Kuwento ng Katatawanan

6. Kuwento ng Pag-ibig

7. Kuwento ng Kaisipan o Sikolohiko

8. Kuwento ng Talino

9. Kuwento ng Pampagkakataon

10. Kuwento ng Kapaligiran


Upang higit na maunawaan ang mga impormasiyon tungkol
sa Denotasyon, Konotasyon, mga uri ng maikling kuwento at
iba’t ibang pang-ugnay na ginamit sa pagsasalaysay ng
kuwento, hinihikayat ang mag-aaral na basahin at unawaing
mabuti ang mga inilahad sa ibaba.

Dalawang Kahulugan ng Salita

Ang dalawang kahulugan ng salita ay masusing ipinaliwanag upang malaman ang pagkakaiba ng
bawat salita .Ang bawat salita ay puwedeng mabigyang-kahulugan ng konotasyon at denotasyon.
Ang denotasyon ay ang literal na kahulugan ng salita o kahulugang mula sa diksiyonaryo
samantalang ang konotasyon ay ang pahiwatig o hindi tuwirang kahulugan na maaaring
pansariling kahulugang maiuugnay sa salita.

IBA’T IBANG URI NG MAIKLING KUWENTO

Kuwento ng Katutubong Kulay


Sa kuwentong ito binibigyang diin ang tagpuan na kinabibilangan ng lugar at panahon kung kailan
nangyari ang kuwento. Tampok sa uring ito ang kapaligiran, kaugalian, at uri ng pamumuhay ng mga
tauhan.

Kawento ng Pakikipagsapalaran
Nasa mga kapana-panabik na pakikipagsapalaran at nakasasabik na mga pangyayari ang
binibigyang-diin at wala sa tauhan ang kawilihan o interes sa kuwentong ito.
Kuwento ng Kababalaghan
Mga di kapani-paniwalang pangyayari bukod pa sa mga katatakutan ang siyang diin ng kuwentong
ito.

Kuwento ng Tauhan
Sa kuwentong ito, nangingibabaw ang diin sa pangunahing tauhan..

Kuwento ng Katatawanan
Ang diin ng kuwentong ito'y mga pangyayari at diyalogong nakapagpapatawa at nakapagbibigay-
aliw sa mga mambabasa.

Kuwento ng Pag-ibig
Nangingibabaw sa kuwento ang pag-ibig na karaniwang sa pagitan ng pangunahing tauhan at ng
kanyang katambal.

Kuwento ng Kaisipan o Sikolohiko


Sa kuwentong ito, sinisikap pasukin ang kasulok-sulukang pag-iisip ng tauhan at ilahad ito sa mga
mambabasa. Sinasabing ito na marahil ang pinakamahirap na isulat sa lahat ng uri ng kuwento dahil
pinapasok nito ang sikolohiya ng tao.

Kuwento ng Talino
Ang kuwentong ito ay punumpuno ng suliraning hahamon sa katalinuhan ng babasa. Nasa mahusay
na pagkakabuo o pagkakawing-kawing ng balangkas ang diin ng ganitong uri ng kuwento.

Kuwento ng Pampagkakataon
Ito ang kuwentong isinulat para sa isang tiyak na pangyayari o pagkakataon gaya ng Pasko, Bagong
Taon, at iba pa.

Kuwento ng Kapaligiran
Sa kuwentong ito, ang paksa ay ang mga pangyayaring mahalaga sa lipunan. Kadalasan, mga
kuwentong patungkol sa kalikasan ang tinatalakay nito.
Panghuling Pagsubok (Post test)

Ang mga katanungang ibinigay ay makatutulong upang mas makita ang kaalamang nakuha ng mga mag-
aaral. Ang lahat ng mga kasagutang masasambit ay hindi magkakaroon ng maling resulta sa pagkat eto ay
batay sa interpretasiyon ng mga mag-aral.

1. Mag bigay ng sariling interpretasiyon tungkol sa dalawang uri ng salita. Sikaping ipaliwanag ang sagot
sa abot ng iyong makakaya.

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

2. Sa sampung uri ng kuwento, pumili ng isang uri at isaad ang dahian kung bakit eto ang iyong napili.
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

Mga Sagot sa Panghuling Pagsusulit:

Ang mga sagot sa tanong isa at dalawa ay walang maling


interpretasyon. Ang bawat sagot na nabanggit ay tama sapagkat eto ay
ayon sa sariling interpretasyon ng mag-aaral.

You might also like