You are on page 1of 6

EDU 573: Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya (Panitikan ng Pilipinas)

Modyul #21 Sagutang Papel ng Mag-aaral

Pangalan:__________________________________________________ Numero sa Klase: _____


Seksyon: _______________ Iskedyul:____________________________ Petsa: ______________

Pamagat ng Aralin: Mga Uri ng Maikling Kwento at mga Dapat Kagamitan:


Isaalang-alang sa Pagsulat Nito SAS
Layunin ng Aralin:
1. matukoy ang mga uri ng maikling kwento at; Sanggunian:
2. makalikha ng isang maikling kwento gamit ang mga https://www.academia.edu/360779
pamantayang ibinigay 45/96677359-Ang-
MaiklingKwento.pdf?auto=download

https://www.slideshare.net/allanorti
z/maikling-kuwento-handout

A. PAHAPYAW SA ARALIN/REBYU

Panimula

Anong kwento ang nakahiligang mong basahin o paborito mo noong bata ka pa? Ikwento ito sa loob ng kahon.

This document is the property of PHINMA EDUCATION


1
EDU 573: Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya (Panitikan ng Pilipinas)
Modyul #21 Sagutang Papel ng Mag-aaral

Pangalan:__________________________________________________ Numero sa Klase: _____


Seksyon: _______________ Iskedyul:____________________________ Petsa: ______________

B.PANGUNAHING ARALIN

I. Araling Pangnilalaman

Narito ang konseptong aralin sa araw na ito. Unawain at pag-aralan mo ito at salungguhitan ang mga
importanteng detalye. Ito ang magiging gabay mo sa mga susunod pang aktibiti.

Mga Uri ng Maikling Kwento


1. Kwento ng Tauhan – nkatuon ang diin sa tauhan ng kwento
2. Kwento ng Pag-ibig – pagiibigan ng dalawang tao
3. Kwento ng Katutubong kulay - binibigyang diin dito ang pamumuhay, pananamit, kaugalian ng mga tao
sa nasabing lugar.
4. Kwento ng katatakutan – kasindak-sindak na mga pangyayari
5. Kwento ng Pakikipagsapalaran – ang mga pangyayari ay nakatuon sa interes ng pakikipagsapalaran.
6. Kwento ng Katatawanan – nagbibigay-aliw at saya
7. Kwento ng Kababalaghan – mga kwentong hindi kapanipaniwala

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Maikling Kwento


1. Ang Pamagat
- Di pangkaraniwan
- Gawin itong kapansin-pansin at kapanabik-nabik Dapat iwasan:
- Pamagat na magbubunyag sa lihim ng kwento (“Anak na suwail, nagsisi!”)
- pamagat na maituturing na labag sa mabuting panlasa (“Naaagnas na bangkay!”)
- pamagat na masasabing kahangalan (“Apoy na mainit”)

2. May Pagsang-ayon ang akda sa karanasan sa buhay


- Mas magiging epektibo ang paglalarawan ng isang manunulat sa mga pangyayari at mga bagay na gusto
niyang mailarawan kapang ito ay naaayon din sa kanyang karanasan.
- Halimbawa, kung gusto ng manunulat na ilarawan sa kwento ang pamumuhay sa Japan, mailalarawan
niya ito nang Mabuti kapag siya mismo ay may karanasan sa pagtira sa Japan.

3. Ang usapan sa kwento ay dapat:


- Natural . Ang sagutan ay tulad nang sa tunay na usapan. Hindi rin dapat napakahaba ang sinasabi ng
tauhan.
- Naka-angkop sa tauhang nagsasalita dahil sa pagsasalita kadalasan nakikilala ang mga katangian ng
tauhan sa kwento. Maaari siyang maging palabiro, nakakayamot, o madaldal na tauhan sa kwento.
- May angkop ng pangyayari. Ibig sabihin, kailangan malaman ng mambabasa kung ano ang nauudyok
sa mga tauhang magsalita nang ganoon. Halimbawa, kung ang tauhan sa kwento ay galit, dapat Makita
rin ang galit sa kanyang mga salita.

This document is the property of PHINMA EDUCATION


2
EDU 573: Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya (Panitikan ng Pilipinas)
Modyul #21 Sagutang Papel ng Mag-aaral

Pangalan:__________________________________________________ Numero sa Klase: _____


Seksyon: _______________ Iskedyul:____________________________ Petsa: ______________

- Mayroon kaugnayan sa galaw ng kwento. Kailangan ang pag-uusap ay tumutulong sa pagsulong na


galaw ng kuwento.

4. Paglalarawang-Tauhan
- Paglalarawang naghahari sa isipan ng tauhan
- Paglalarawan ng paraan ng pagsasalita ng tauhan
- Paglalarawan nga mga bahagi ng kanyang katawan
- Tiyak na pagsusuri ng kanyang katauhan
- Paglalarawan ng kapaligiran
- Paglalarawan sa mga kilos niya
- Paglalarawan ng mga sinasabi ng ibang tauhan tungkol sa kanya
- Paglalarawan ng damdaming kanyang ginigising sa mga kasama niyang tauhan.

5. Masining na Pagsulat
- Huwag talampakin ang bagay na pwedeng ipahiwatig lamang
- Dapat na maging matimpi
- Gumamit ng mga salita o pariralang nakakatawag pansin.

II. Pagbubuo ng Kasanayang Aktibiti

This document is the property of PHINMA EDUCATION


3
EDU 573: Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya (Panitikan ng Pilipinas)
Modyul #21 Sagutang Papel ng Mag-aaral

Pangalan:__________________________________________________ Numero sa Klase: _____


Seksyon: _______________ Iskedyul:____________________________ Petsa: ______________

Panuto: Pagkatapos niyong mabasa ang mga bagay na dapat tandaan sa pagsulat ng maikling kwento,
subukan natin ang inyong natutunan! Lumikha ng isang maikling kwento. Siguraduhing masusunod ang ang
mga

Ilang sandali bago ang pagdarasal sa hardin, isang napakalungkot na tao na napunta
kay Jesus ay nakikipag-usap kay Felipe, habang ang Guro ay natapos na manalangin.

"Ako ang nabuhay na Naim," sabi ng lalaki. Bago ang aking kamatayan, nagalak ako sa
alak, nakikipag-usap kasama ng mga kababaihan, nakipagsalo sa aking mga kaibigan,
pinalamutian ng alahas, at tumutugtog ng musika. Nag-iisa lamang na anak, ang
kapalaran ng aking biyuda na ina ay akin lamang. Ngayon wala sa mga iyon ang maaari
kong; ang aking buhay ay isang disyerto. Ano ang dapat kong ipatungkol dito?

"Ito ay kapag muling binuhay ng Guro ang isang tao, ipinapalagay niya ang lahat ng
kanilang mga kasalanan," sagot ng Apostol. Ito ay tulad ng kung ang isa ay ipinanganak
na muli sa kadalisayan ng sanggol ...

Naisip ko kaya at kaya ako darating.

Ano ang maaari mong tanungin sa kanya, na ibalik ang iyong buhay?

"Ibalik mo sa akin ang aking mga kasalanan," singhal ng lalaki.

III. Pagsusuri ng Pang-unawa

This document is the property of PHINMA EDUCATION


4
EDU 573: Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya (Panitikan ng Pilipinas)
Modyul #21 Sagutang Papel ng Mag-aaral

Pangalan:__________________________________________________ Numero sa Klase: _____


Seksyon: _______________ Iskedyul:____________________________ Petsa: ______________

Panuto: Punan ng wastong sagot ang bawat patlang.


1. Ang __Kwentong Pag-ibig ay ang uri ng maikling kwento na nagsasalaysay ng pag-iibigan ng dalawang
tao.

2. Upang maging masining ang pagsulat ng maikling kwento, dapat itong gamitan ng mga salitang
_Kapansin-pansin__.

3. Dapat iwasan ang mga pamagat na labag sa ___mabuting_____ panlasa.

4. Binibigyang diin ang pamumuhay, pananamit, at kaugalian ng tao sa kwentong __Katutubong Kulay__.

5. Ang sagutan sa kwento ay dapat tulad nang sa tunay na usapan kaya dapat ito ay ___Natural_____.

C.WRAP-UP SA ARALIN

FAQs

Ang mga sumusunod ay mga karagdagang kaalaman sa paksang aralin ngayon na maaaring maktulong pa sa
iyong pang-unawa. Basahin mo ito nang may pang-unawa.

1. Anu ang maikling kwentong bitbit?


Kwentong bitbit – mga maiikling salaysay tungkol sa anito, lamanlupa, malikmata, at iba pang produkto
ng ating mga guniguni.

PAG-IISIP TUNGKOL SA NATUTUNAN


Ngayon, markahan mo iyong kinalalagyan ng iyong natutunan sa “word tracker” para mamonitor mo ang
iyong napagtagumpayan at natutunan sa bawat aralin at kung ano ang mga kailangan mong gawin.

1. Ano ang naramdaman mo sa pag-aaral ng paksang aralin ngayon? Naging madali ba sayo o
nahirapan ka sa paksang aralin?
____________________________________________________________________________

2. Ano ang nais mong itanong sa guro tungkol sa paksang aralin?


____________________________________________________________________________
PAGWAWASTO NG MGA SAGOT

This document is the property of PHINMA EDUCATION


5
EDU 573: Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya (Panitikan ng Pilipinas)
Modyul #21 Sagutang Papel ng Mag-aaral

Pangalan:__________________________________________________ Numero sa Klase: _____


Seksyon: _______________ Iskedyul:____________________________ Petsa: ______________

Sagot sa Pagbubuo ng Kasanayang Aktibiti


Rubrik ng Maikling Kwento (15pts)
Pamagat na Pinili– 3
Usapan sa Kwento – 5
Masining na Pagsulat – 7
________________________
Kabuuan: 15 pts

Sagot sa Pagsusuri ng Pang-unawa


1. Kwentong Pag-ibig
2. kapansin-pansin/nakakatawag pansin
3. mabuting
4. katutubong kulay
5. natural

This document is the property of PHINMA EDUCATION


6

You might also like