You are on page 1of 28

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

Department of Education
Division of Negros Occidental
CALATRAVA NATIONAL HIGH SCHOOL
Brgy. Look, Calatrava, Negros Occidental

MGA GAWAIN AT PAGSASANAY SA FILIPINO 10


UNANG MARKAHAN

Pangalan:__________________________Baitang at Seksyon:____________ Petsa:____ Marka:___

ARALIN 1: MITOLOHIYA

GAWAIN 1: Si Pygmalion at Galatea


Layunin: Naihahayag ang mahalagang kaisipan sa nabasa o napakinggan. ( F10PN-Ia-b-62)

Panuto: Magpahayag ng ilang mahalagang kaisipang taglay ng akda base sa sumusunod na mga katangian.
1. Magpahayag ng dalawang kaisipan mula sa binasa patungkol sa nagagawa ng tunay na pag-ibig.
 __________________________________________________________________________.
 __________________________________________________________________________.
2. Magpahayag ng dalawang kaisipan mula sa binasa patungkol sa pagiging maawain at mapagbigay.
 __________________________________________________________________________.
 __________________________________________________________________________.
3. Magpahayag ng dalawang kaisipan mula sa binasa patungkol sa pagpapasalamat nang taos- puso.
 __________________________________________________________________________.
 __________________________________________________________________________.
4. Magpahayag ng dalawang kaisipan mula sa binasa patungkol sa tunay na kapatawaran.
 __________________________________________________________________________.
 __________________________________________________________________________.
5. Magpahayag ng dalawang kaisipan mula sa binasa patungkol sa halaga ng tunay na pagtitiwala.
 __________________________________________________________________________.
 __________________________________________________________________________.
Pangalan:__________________________Baitang at Seksyon:____________ Petsa:____ Marka:___

GAWAIN 2:
Layunin: Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa akda sa nangyayari sa sarili, pamilya, kaibigan,
pamayanan, at daigdig ( F10PB-Ia-b-62)

Panuto: Basahin at sagutin ang sumusunod na mga pahayag.

“ Ang pag-ibig ay matiyaga at magandang-loob, hindi mainggitin, hindi mayabang ni


mapagmataas man, hindi magaspang ang pag-uugali, hindi makasarili, hindi magagalitin,
o mapagtanim sa kapwa. Hindi niya ikinatutuwa ang gawaing masama, ngunit
ikinagagalak ang katotohanan. Ang pag-ibig ay mapagpatawad, mapagtiwala, puno ng
pag-asa, at mapagtiis hanggang wakas.” 1 Corinto 13:4-7

Baon ang kaisipang ito kaugnay sa pag-ibig, paano maipakikita ang tunay na pag-ibig sa sumusunod na mga
sitwasyon:
1. Sa iyong sarili: Umaabot ng mula sa apat hanggang anim na oras ang tagal ng paggamit mo sa Internet at
computer o tablet araw-araw para sa pag-update ng iyong social media account, paglalaro ng video games,
panonood ng mga video sa Youtube, at iba pa. Lagi ka tuloy puyat at kapansin-pansin ang kawalan mo ng sigla
kapag nasa paaralan ka. Paano mo maipakikita ang pagmamahal mo sa sarili sa sitwasyong ito?

2. Sa iyong pamilya: Ugali mong tumambay mula sa paaralan at makipagkuwentuhan sa iyong mga kaibigan
pagkatapos ng klase. Subalit alam mong ang iyong nanay na pagod din mula sa trabaho ay nangangailangan ng
tulong sa paghahanda ng inyong hapunan at iba pang gawain sa bahay. Paano mo maipakikita ang pagmamahal
mo sa pamilya sa sitwasyong ito?

3. Sa iyong kaibigan: Napansin mong lumalabis ang pagiging palaasa ng iyong kaibigan. Pati pagkopya ng notes
ay hindi na niya ginagawa at umaasa na lang sa iyong kinopya. Ang proyektong dapat pagtutulungan ninyo ay
ikaw na lang ang gumagawa. Umaabot din siya sa pagkopya na lang ng iyong sagot kapay may pagsusulit. Paano
mo maipakikita ang pagmamahal mo sa iyong kaibigan sa sitwasyong ito?
4. Sa iyong pamayanan o bansa: Mas gusto mo ng anumang bagay na imported kaysa sa mga bagay na gawang
Pinoy. Subalit alam mong ito ay may epekto sa ating mga mangagawa at sa ekonomiya. Paano mo maipakikita
ang pagmamahal mo sa iyong pamayanan o bansa sa sitwasyong ito?

5. Sa daigdig: Ang buong daigdig ay patuloy na nakararanas ng malalaking kalamidad sanhi ng lumalalang
epekto ng global warning. Ang bawat isa sa atin ay may ginagawang nagpalalala sa sitwasyong ito.Ano-ano ang
magagawa mo at ng iyong pamilya upang maipakita ang pagmamahal mo sa daigdig sa kalagayang ito?

Pangalan:__________________________Baitang at Seksyon:____________ Petsa:____ Marka:___

GAWAIN 3: Si Pygmalion at si Galatea


Layunin: Naiuugnay ang kahulugan ng salita batay sa kayarian nito ( F10PT-Ia-b-61)

Panuto: Ang isang salita ay maaaring magkaroon ng kayariang payak, maylapi, inuulit, at tambalan. Maaaring
maiugnay ang kayarian ng salita sa kahulugan nito. Ibigay ang kasingkahulugan ng salita batay sa kayarian at sa
iba pang katangian nito.

_____________1. Anong salita ang kasingkahulugan ng tambalang salitang pag-iisang- dibdib? Ang isa pang
kahulugan nito’y pag-aasawa.
_____________2. Alin sa mga salitang maylaping nasa kahon ang may naiibigang kahulugan? Isulat ito sa linya.

minamahal iniibig sinisinta hinahangaan


Pangalan:__________________________Baitang at Seksyon:____________ Petsa:____ Marka:___

GAWAIN 4.

Layunin: Natutukoy ang mensahe at layunin ng napanood na cartoon ng isang mitolohiya ( F10PD-Ia-b-61)

Panuto: Panoorin ang isang maikling videong higit na magpapakilala sa iyo sa mga diyosa ng Bundok Olimpus.
Makikita ang video sa link na ito: https://www.youtube.com/watch?v=eJCm8W5RZes

 Paano mo higit na nakilala ang mga diyos at diyosa ng mga mitolohiyang Griyego sa tulong ng pinanood mong
maikling video?
 Kung susulat ka ng sariling mitolohiya, sino sa kanila ang nanaisin mong maging mga tauhan? Bakit?
Pangalan:__________________________Baitang at Seksyon:____________ Petsa:____ Marka:___

GAWAIN 5.

Layunin: Naipahahayag nang malinaw ang sariling opinion sa paksang tinalakay (F10PS-Ia-b-64)

Panuto: Basahin ang mga pahayag o kaisipang nasa kahon. Magpahayag ng sariling opinion o pananaw kaugnay
nito.

Hindi pangkaraniwan ang pag-iibigan nina Pygmalion at Galatea kaya’t nagging


tampulan sila ng usap-usapan.

Ano naman ang magiging pananaw o opinyon mo kung may makita kang
magkasintahang sa tingin ng lipunan ay hindi magkabagay tulad ng:

 ang babae ay ubod ng ganda samantalang ang lalaki ay hindi guwapo;


 ubod ng yaman ang lalaki subalit napakahirap ng babae;
 malaki ang agwat ng edad ng babae sa mas bata niyang kasintahan;
 matalino at nakapag-aral ang lalaki subalit hindi nakatapos ang pag-aaral ang babae?

Ang unang naiisip ko ay: Ang opinion o pananaw ko sa


sitwasyon nila ay:

______________________________
_____________ __

Ang sasabihin ko sa mga taong nanghuhusga ay_____________


_____________________________________________________
___________________________________________________

Ang ipapayo ko sa magkasintahan ay______________________


Pangalan:__________________________Baitang at Seksyon:____________ Petsa:____ Marka:___

GAWAIN 6 :

Layunin: Nagagamit ng wasto ang pandiwa ( F10 WG-Ia-b-57)

A. Panuto: Tukuyin ang uri, aspekto, at pokus ng mga pandiwang nakasalungguhit sa pangungusap. Isulat ang
pandiwa at ang mga detalye ukol dito sa angkop na kahon sa talahanayan.

1. Ikinatuwa ng mga tao ang pagtatagumpay ng pag-iibigan nina Pygmalion at Galatea.

Pandiwa Uri Aspekto Pokus


2. Ang mga nakabasa ay magsusulat din ng mitolohiya.

Pandiwa Uri Aspekto Pokus


3. Ipinansulat nila ang pluma.

Pandiwa Uri Aspekto Pokus


4. Ang paksa ay pinag-iisipan ng mga manunulat.

Pandiwa Uri Aspekto Pokus


5. Pinupuntahan pa rin ng mga turista ang bansang Griyego.

Pandiwa Uri Aspekto Pokus

B. Panuto: Bumuo ng ilang pangungusap na gumagamit ng mga pandiwa at aspekto nitong nakalahad. Gawing
tema ang iyong karanasang may kaugnayan sa pag-ibig sa kapamilya, sa kaibigan, at sa kapwa.
1. gumawa (perpektibo o naganap)
_________________________________________________________________________________.

2. making (imperpektibo o nagaganap)

_________________________________________________________________________________.

3. magbigay (perpektibong katatapos)

_________________________________________________________________________________.

4. sumunod (imperpektibo o nagaganap)

_________________________________________________________________________________.

5. magsakripisyo (kontemplatibo o magaganap)

_________________________________________________________________________________.
Pangalan:__________________________Baitang at Seksyon:____________ Petsa:____ Marka:___

GAWAIN 7:

Layunin: Naisusulat ang sariling mitolohiya batay sa paksa ng akdang binasa (F10PU-Ia-b-64)

Panuto: Pumili sa ilang mga tauhang nakilala mo sa napanood na video bumuo ng sarili mong mito ukol sa mga
tauhang ito. Maari mong gawing paksa ang tungkol sa pag-ibig, pakikipagsapalaran, o pagkakaisa ng mga diyos
at diyosa tungo sa isang layunin.

Mark Pamantayan
a
4 Malinaw na malinaw na natalakay sa isinulat na mito ang paksang tungkol sa pag-ibig,
pakikipagsapalaran, o pagkakaisa ng mga diyos at diyosa tungo sa isang layunin.
3 Malinaw na natalakay sa isinulat na mito ang paksang tungkol sa pag-ibig, pakikipagsapalaran,
o pagkakaisa ng mga diyos at diyosa tungo sa isang layunin.
2 Bahagyang natalakay sa isinulat na mito ang paksang tungkol sa pag-ibig, pakikipagsapalaran, o
pagkakaisa ng mga diyos at diyosa tungo sa isang layunin.
1 Hindi natalakay sa isinulat na mito ang paksang tungkol sa pag-ibig, pakikipagsapalaran, o
pagkakaisa ng mga diyos at diyosa tungo sa isang layunin.
ARALIN 2: PARABULA

Pangalan:__________________________Baitang at Seksyon:____________ Petsa:____ Marka:___

GAWAIN 1:

Layunin: Nasusuri ang tiyak na bahagi ng napakinggang parabula na naglalahad ng katotohanan, kabutihan, at
kagandahang- asal (F10PN-Ib-c-63)

Panuto: Suriin ang mga bahagi ng akdang nakalahad sa ibaba. Isulat sa linya kung ang bahaging ito ay nagsasaad
ng katotohanan(KT), kabutihan o kagandahang- asal (K/K). Ipaliwanag kung bakit ito ang napili mong
kasagutan.

_______1. Bilang pagpapakita ng paggalang, ang kasalan ng mga sinaunang Hudyo ay nagsisimula sa pag-uusap
at pagkakasundo ng ama ng binata at ama ng dalagang ikakasal.

Paliwanag sa sagot:_________________________________________________________________

_______2. Pagkatapos ng kasunduan ay pansamantalang lumalayo ang binata upang ihanda o buoin ang
kanilang magiging tahanan at upang mapatunayan ang katatagan ng kanilang pag-iibigan sa isa’t-isa.

Paliwanag sa sagot:_________________________________________________________________

_______3. Ang limang matatalinong dalaga ay naging handa kaya’t nagbaon sila ng sobrang langis para sa mga
hindi inaasahang pagkakataon.

Paliwanag sa sagot:_________________________________________________________________

_______4. Ang hindi paghahanda lalo na sa panahon ng mahalagang pangyayari ay makapagdudulot ng suliranin
at kabiguan.

Paliwanag sa sagot:_________________________________________________________________

_______5. Dahil sa kanilang kapabayaan ay hindi na nakapasok pa sa tahanan ng binatang ikakasal ang limang
hangal na dalaga.

Paliwanag sa sagot:_________________________________________________________________
Pangalan:__________________________Baitang at Seksyon:____________ Petsa:____ Marka:___

GAWAIN 2:

Layunin: Nasusuri ang nilalaman, elemento, at kakanyahan ng binasang akda gamit ang mga ibinigay na
tanong ( F10PB-Ib-c-63)

Panuto: Magsaliksik at basahin ang Parabula ng Sampung Dalaga at sagutin ang sumusunod na mga tanong.
Piliin at bilugan ang tamang sagot batay sa nilalaman, elemento, at kakanyahan ng binasa.

1. Alin sa sumusunod ang tagpuan ng binasang parabula?

a. Israel sa unang siglo

b. Pilipinas bago dumating ang mga Espanyol

c. Israel sa kasalukuyang panahon

d. Rehiyon ng Mediterranean, kalagitnaang siglo

2. Sino sa mga tauhan ang kumakatawan sa ating Panginoon?

a. Ang ama ng binata o ama ng dalagang ikakasal

b. Ang matatalinong dalaga

c. Ang dalagang ikakasal

d. Ang binatang ikakasal

3. Batay sa nilalaman ng akda, ano ang nangyari sa mga tauhang hindi nakapaghanda?

a. Sila ay pinarusahan at ikinulong.

b. Sila ay hindi nakapasok sa piging.

c. Sila ay binigyan ng isa pang pagkakataon.

d. Sila ay umuwi na lang sa kani-kanilang tahanan.

4. Ano ang kasukdulan o pinakamataas na pangyayari sa akda?

a. Nang sunduin ng binatang ikakasal ang kanyang nobya


b. Nang magising ang sampung dalaga mula sa pagkakatulog habang naghihintay

c. Nang biglang dumating ang binatang ikakasal nang hindi handa ang limang dalaga

d. Nang magkasundo ang dalawang ama na ipakasal ang kani-kanilang mga anak

5. Anong kakanyahan o katangian ang lutang na lutang sa akda?

a. Ito’y isang akdang nagbabalita.

b. Ito’y isang akdang nangungumbinsi.

c. Ito’y isang akdang naglalarawan.

d. Ito’y isang akdang nagsasalaysay.

Pangalan:__________________________Baitang at Seksyon:____________ Petsa:____ Marka:___

GAWAIN 3:

Layunin: Nabibigyang- puna ang estilo ng may- akda batay sa mga salita at ekspresyong ginamit sa akda
(F10PT-Ib-c-62)

Panuto: Sumulat sa kahon ng salitang kasingkahulugan ng mga salitang nakadiin sa pangungusap. Sa linya ay
magbigay – puna o magbigay ng iyong opinyon sa kaangkupan ng pagkakagamit ng salita o ekspresyong ito sa
estilo, uri, at panahon kung kailan nasulat ang akda.

1. Tinanggap ng dalaga ang panunuyo ng binata.

Ang masasabi ko tungkol sa paggamit ng salitang panunuyo


ay_________________________________________________________________________________.

2. Naghintay ang dalaga sa pagdating ng kanyang mangingibig.

Ang masasabi ko tungkol sa paggamit ng salitang mangingibig ay


______________________________________________________________________________.

3. Pinag-usapan na rin ang tungkol sa ipagkakaloob na dote ng pamilya ng binata sa pamilya ng


dalaga.
Ang masasabi ko tungkol sa paggamit ng salitang ipagkakaloob ay
_________________________________________________________________________________.

4. Sa tahanan ng binata idaraos ang maringal na kasalan.

Ang masasabi ko tungkol sa paggamit ng salitang maringal ay


_________________________________________________________________________________.

5. Ang limang hangal na dalaga ay hindi nakasama sa kasayahan.

Ang masasabi ko tungkol sa paggamit ng salitang hangal ay


_________________________________________________________________________________.

B. Nakikilala ang salitang may naiibang kahulugan

Panuto: Piliin at bilugan ang salitang may naiibang kahulugan.

1. matatag matibay maganda malakas

2. pinakamasaya pinanabikan pinakahihintay pinakakaasam

3. aandap-andap mahinang-mahina kaunti na lang ang ningas


aalog-alog
4.
tumugon sumagot lumuha nagsabi
5.
naantala nainip nahuli natagalan
Pangalan:__________________________Baitang at Seksyon:____________ Petsa:____ Marka:___

GAWAIN 4:

Layunin: Nagagamit ang angkop na mga piling pang-ugnay sa pagsasalaysay (pagsisimula, pagpapadaloy ng
mga pangyayari, pagwawakas) ( F10WG-Ib-c-58)

Panuto: Magsalaysay tungkol sa isang kahanga-hangang Pinoy o pangkat ng mga Pinoy na tulad ni Osang ay
nagdala ng karangalan sa bansa. Ang iyong pagsasalaysay ay dapat magkaroon ng mahusay na simula, maayos
na pagdaloy ng mga pangyayari, at epektibong pagwawakas na mag-iiwan ng marka o kakintalan. Gumamit ng
hindi bababa sa sampung pang-ugnay sa iyong pagsasalaysay.

______________Pamagat_______________

Mahusay na Simula

Maayos na Pagdaloy ng mga Pangyayari

Pagwawakas na Mag-iiwan ng Marka o Kakintalan


Pangalan:__________________________Baitang at Seksyon:____________ Petsa:____ Marka:___

ARALIN 3: SANAYSAY

GAWAIN 1:

Layunin: Naipaliliwanag ang pangunahing paksa at pantulong na mga ideya sa napakinggan/ nabasang
impormasyon( F10PN-Ic-d-64)

Panuto: Basahing mabuti ang talata sa ibaba. Salungguhitan mo ang pangunahing paksa at isa-isa mong lagyan
ng bilang ang bawat pantulong na ideya. Sagutin ang mga tanong pagkatapos.

Naririto ang mga bagay na dapat tandaan kapag magbi-biyahe sa labas ng bansa. Una,
mahalagang magsaliksik ka tungkol sa bansang pupuntahan mo. Alamin mo ang kanilang mga batas
tulad ng mga bagay na ipinagbabawal, kaugalian, gayundin ang mga bagay na hindi katanggap-
tanggap sa kanilang relihiyon. Pangalawa, alamin mo ang klima o panahon sa panahon ng iyong
pagbisita upang makapaghanda ka ng angkop na kasuotan. Mahalagang alam mo rin ang kanilang
pagkain at mga lugar doon na hindi ligtas puntahan ng mga turistang tulad mo. Ang isa pang
pinakamahalagang dapat mong ihanda ay ang iyong mga dokumento sa pagbiyahe tulad ng iyong
pasaporte, visa ( kung kinakailangan), ticket sa eroplano, gayundin ang iba pang ID, at ang iyong credit
card. Makakabuting may kopya ka ng iyong mga dokumento para kung saka-sakaling mawala ay mas
madali mo itong mapalitan. Huwag mo ring kalimutang ihanda ang iyong itinerary o listahan ng mga
lugar na iyong pupuntahan, ang pangalan at address ng iyong hotel, at iba pa. Makakabuti rin kung
mayroon kang travel insurance para may sumagot sa mga pangyayaring hindi inaasahan.

1. Bakit mo nasabing ang sinalungguhitan mo ang pangunahing paksa ng talatang ito?

2. Angkop ba ang mga nakalahad na pantulong na ideya para sa sinalungguhitan mong pangunahing paksa?
Ipaliwanag.

Gawain 2: Nabibigyang-reaksiyon ang mga kaisipan o ideya sa tinalakay na akda (F10PB-Ic-d-64)

Panuto: Ang Apat na Buwan ko sa Espanya: Tukuyin at lagyan ng tsek ang lahat ng mga kaisipan o ideyang
tinalakay sa akda. Ekis naman ang ilagay kung hindi into nabanggit sa akda.
____1. Hindi maagang nagsisitulog ang mga Espanyol dahil pagkatapos nilang kumain ay karaniwang naglibot-
libot pa sila.

____2. Isang mahalagang bahagi ng kanilang kaugalian ang mahabang pananghalian at pagsi-siesta kaya naman
ang halos buong bansa ay tumitigil at nagsasara sa mga oras na ito.

____3. Mahalaga sa mga Espanyol na mapangalagaan ang kanilang itsura o anyo at makikita ito sa kanilang
maayos na pananamit.

____4. Nakitaan ng labis na kasipagan at pagsusumikap sa buhay ang mga Espanyol.

____5. Napangalagaan ng mga Espanyol ang mga gusaling kakitaan ng kanilang mayamang nakaraan at
kasaysayan.

____6. Tulad ng mga Pilipino, ang halos lahat ng mga Espanyol ay mahusay rin sa pagsasalita ng wikang Ingles.

Magbigay ng reaksiyon sa lahat ng mga pahayag na nilagyan mo ng tsek.


Pangalan:__________________________Baitang at Seksyon:____________ Petsa:____ Marka:___

GAWAIN 3:

Layunin: Natutukoy ang mga salitang magkakapareho o magkakaugnay ang kahulugan (F10PT-Ic-d-63)

Panuto:Tukuyin at bilugan ang titik ng salitang kapareho o kaugnay ng kahulugan ng salitang nakasulat nang
madiin sa pangungusap.

1. Makikita sa kanilang mga museo at mga lumang gusali ang mayamang kasaysayang nag-uugat pa sa malayong
nakaraan.

a. naglalagi b. nagtataglay c. nagmumula d. naiiwan

2. Ang mga lalaki ay nakikipagtagisan ng lakas sa mga toro sa isinagawa nilang bullfight.

a. nakikipagtiyagaan b. nakikipagpaligsahan

c. nakikipag-isa d. nakikipagsabwatan

3. Ang paa ng mga mananayaw ay singgaan ng hangin at hindi halos lumalapat sa sahig.

a. lumalakad b. sumasayad c. sumasayaw d. lumilitaw

4. Ang isang kaugaliang natatangi sa mga Espanyol ay ang paglalaan nila ng tatlong oras para sa pananghalian at
pagsi-siesta.

a. naiiba b. nakadaragdag c. nakakapareho d. nagagawa

5. Maraming putahe ang kanilang inihahanda sa tanghaliang tinatawag nilang La Cena.

a. prutas b. ulam c. kanin at tinapay d. minatamis


Pangalan:__________________________Baitang at Seksyon:____________ Petsa:____ Marka:___

GAWAIN 4:

Layunin: Natatalakay ang mga bahagi ng pinanood na nagpapakita ng mga isyung pandaigdig (F10PD-Ic-d-63)

Panuto: Panoorin ang tatlong maikling video clip sa ibaba. Sagutin ang mga tanong pagkatapos.

 Ang tatlong minutong komprontasyon ng mag-inang Josie (Vilma Santos) at Carla (Claudine Baretto) sa
pelikulang Anak ng Star Cinema noong taon 2000. Makikita ang nasabing video clip sa link na ito: Anak
the Confrontation sa https://www.youtube.com/watch?v=ouh8AGIgRE
 A Mother’s Story (Full Trailer) na pinagbidahan ni Pokwang at ipinalabas ng Star Cinema noong 2012.
Makikita ang dalawang minutong trailer sa link na ito: https://www.youtube.com/watch?
v=xcnG23HcHwc
 Caregiver (Full Trailer) na pinagbidahan ni Sharon Cuneta at ipinalabas ng Star Cinema noong 2008.
Makikita ang tatlong minutong trailer sa link na ito: https://www.youtube.com/watch?v=Ro3aFTVYxJQ

Mga Tanong:

1. Ano-anong mahalagang isyung pandaigdig at panlipunan ang masasalamin sa tatlong maiikling video clip?

2. Kung makakausap mo ang tatlong ina sa mga nasabing pelikula, ano-ano ang sasabihin mo sa kanila?

3. Ano naman ang maipapayo mo sa kanila-kanilang mga anak at sa anak na rin ng iba pang OFW? Magbigay ng
limang mahahalagang payo na maaaring maging gabay sa lahat ng kabataang ang magulang ay nagtatrabaho at
nagpapakahirap sa ibang bansa.

Marka Pamantayan
4 Natalakay nang higit pa sa inaasahan ang lahat ng mahahalagang isyung pandaigdig o
panlipunan na taglay ng mga pinanood.
3 Natalakay sa mga isinagot ang mahahalagang isyung pandaigdig o panlipunan na taglay ng
mga pinanood.
2 Hindi gaanong lumitaw sa mga isinagot ang mga inaasahang mahahalagang isyung pandaigdig
o panlipunan na taglay ng mga pinanood.
1 Hindi lumitaw sa mga isinagot ang mga inaasahang mahahalagang isyung pandaigdig o
panlipunan na taglay ng mga pinanood.
Pangalan:__________________________Baitang at Seksyon:____________ Petsa:____ Marka:___

GAWAIN 5:

Layunin: Naitala ang mga impormasyon tungkol sa isa sa napapanahong isyung pandaigdig (F10PU-Ic-d-66)

Panuto: Magsaliksik sa silid-aklatan o Internet kaugnay ng isyung ito at itala o isulat sa mga kahon ang mga
impormasyong masasaliksik ukol dito.

Ang tinatayang bilang ng mga OFW o Overseas Filipino Workers sa


ibat’t-ibang panig ng mundo ay_____________________________

Ang bilang na ito ay naitala noong taong___________

Ang anim na bansang pinakamadalas na destinasyon ng


ating mga OFW.....

1. 4.

2. 5.

3. 6.

Ang kauoang remittance ng mga OFW___________

Ito ay para sa taong____________

Ang karaniwang nagiging problema n gating mga OFW sa pagtatrabaho sa ibang bansa
ay:______________

___________________________________________________________________________________
Pangalan:__________________________Baitang at Seksyon:____________ Petsa:____ Marka:___

GAWAIN 6:

Layunin: Nagagamit ang angkop na mga pahayag sa pagbibigay ng sariling pananaw (F10WG-Ic-d-59)

Panuto: Maglahad ng iyong sariling pananaw kaugnay ng isyung ito gamit ang mga pahayag sa ibaba.

1. Sa aking palagay______________________________________________________________________

2. Para sa akin, ang mga pag-alis sa bansa para magtrabaho


ay___________________________________________________________________________________

3. Kung ako ang tatanungin______________________________________________________________

4. Ayon sa nabasa/napanood/narinig ko ay _________________________________________________

5. Hindi ako sumasang-ayon sa _________________________________________________________


Pangalan:__________________________Baitang at Seksyon:____________ Petsa:____ Marka:___

ARALIN 4: EPIKO

GAWAIN 1:

Layunin: Nahihinuha ang katangian ng tauhan sa napakinggang epiko (F10PN-Ie-f-65)

Panuto: Magbigay ng paghihinuha kung bakit itinuring na bayani sa kani-kanilang lugar at kapanahunan ang
sumusunod na mga tauhan ng mga epiko.

1. Crtomir ng epikong Ang Pagbibinyag sa Savica___________________________________________

2. Ang kasintahan ni Crtomir na si Bogomila_______________________________________________

3. Odysseus ng epikong Odyssey_________________________________________________________

4. Si Deucalion ng epikong Metamorphoses________________________________________________

5. Si Beowulf_________________________________________________________________________

6. Si Achilleus ng epikong Iliad____________________________________________________________


Pangalan:__________________________Baitang at Seksyon:____________ Petsa:____ Marka:___

GAWAIN 2:

Layunin: Naibibigay ang sariling interpretasyon kung bakit ang mga suliranin ay ipinararanas ng may-akda sa
pangunahing tauhan ng epiko (F10PB-Ie-f-65)

Panuto: Ibigay ang iyong sariling interpretasyon sa mga dahilan kung bakit ipinaranas ng may-akda ang
sumusunod na suliranin sa pangunahing tauhan.

1. Ipinaranas sa pangunahing tauhang si Crtomir, ang pagkatalo ng kanyang hukbo. Sa kabila ng matapang na
paglaban, tanging siya lamang ang nakaligtas nang matapos ang digmaan.

Sa aking palagay, nangyari ito dahil___________________________________________________

2. Naranasan ni Crtomir ang mabigo sa pag-ibig. Tinalikdan ng kanyang kasintahan ang kanilang pag-iibigan dahil
sa isang panalangin niyang nabigyang- kasagutan.

Sa aking palagay, nangyari ito dahil_____________________________________________________

3. Kinumbinsi ni Bogomila ang kasintahang si Crtomir na yakapin na rin ang pananampalatayang Kristiyanismo
na siya mismong pananampalataya ng hukbong tumalo sa kanila. Kahit mahirap sa kanya ay napapayag din siya.

Sa aking palagay, nangyari ito dahil______________________________________________________

4. Mula sa pagiging mandirigmang Pagano, si Crtomir ay nagging isang paring Kristiyano at tulad ni Bogomila ay
nag-alay ng kangyang buhay at pagsisilbi para sa Panginoon.

Sa aking palagay, nangyari ito dahil_______________________________________________________


Pangalan:__________________________Baitang at Seksyon:____________ Petsa:____ Marka:___

GAWAIN 3:

Layunin: Napapangatwiranan ang mga dahilan kung bakit mahalagang akdang pandaigdig na sumasalamin ng
isang bansa ang epiko (F10PB-Ie-f-66)

Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong upang mapangatwiranan mo ang dahilan kung bakit ito
itinuturing na mahalagang akdang pandaigdig.

1. Ano ang epiko? Paano ito naiba sa iba pang akdang pampanitikan?

2. Sa pangkalahatan, sa anong panahon naisulat o nabuo ang mga epiko? Bakit maituturing na mahalaga ang
panahong ito sa larangan ng panitikan?

3. Bakit maituturing na mahalagang akdang pandaigdig ang epiko? Bakit kailangang pag-aralan ang mga ito
maging sa makabago o modernong panahon?

4. Ano-anong bagay ang masasalamin sa mga epiko patungkol sa pinagmulan nitong lahi, bansa, o relihiyon?

Pangalan:__________________________Baitang at Seksyon:____________ Petsa:____ Marka:___

GAWAIN 4:

Layunin: Naisusulat ang paglalahad na nagpapahayag ng pananaw tungkol sa pagkakaiba-iba at pagkakatulad,


ng mga epikong pandaigdig (F10PU-Ie-f-67)

Panuto: Base sa mga nabasang epiko magpahayag ka ng pananaw ukol sa pagkakatulad at pagkakaiba-iba ng
mga epikong pandaigdig. Punan ang mga linya sa ibaba ng iyong sagot.

1. Ang nakita kong pagkakatulad ng iba’t-ibang epikong pandaigdig ay____________________________

2. Ang nakita ko naming pagkakaiba-iba ng mga epikong pandaigdig ay (maaari kang magbanggit ng mga
particular na epiko upang maging patunay sa mga pagkakaibang ilalahad mo)______________________
Pangalan:__________________________Baitang at Seksyon:____________ Petsa:____ Marka:___

GAWAIN 5.

Layunin: Nagagamit ang angkop na mga hudyat sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari (F10WG-Ie-f-60)

Panuto: Mayroon ba kayong isang espesyal na recipe para sa pagbe-bake o pagluluto na sa tingin mo’y papatok
kapag ipinagbili sa mga bazaar, tiyangge o weekend market? O kaya naman, may produkto ka bang alam gawin
na maaari ring ebenta at pagkakitaan? Isulat sa kahon ang mga sangkap o gamit para rito. Sa mga linya ay isulat
ang pagkakasunod-sunod ng mga hakbang sa pagluto o pagbuo nito. Gumamit ka ng mga angkop na hudyat sa
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari upang madaling masundan o maunawaan ang proseso.

_____________________________

Ang tawag sa produkto

Mga Sangkap o Gamit sa Pagbuo Nito:

Sunod-sunod na hakbang sa pagluluto o pagbuo ng produkto:


Pangalan:__________________________Baitang at Seksyon:____________ Petsa:____ Marka:___

ARALIN 5: MAIKLING KUWENTO

GAWAIN 1:

Layunin: Naipaliliwanag ang ilang pangyayaring nabasa o napakinggan na may kaugnayan sa kasalukuyang
mga pangyayari sa daigdig (F10PN-If-g-66)

Panuto: Basahin ang mga pahayag o kaisipang nasa kahon sa kabilang pahina. Isagawa ang mga hinihinging
panuto pagkatapos.

Napadali ang buhay ng matandang babae dahil sa sobra-sobrang pag-inom ng alak. Sa


ating makabagong panahon, ang karaniwang sanhi ng kamatayan ay mga sakit mula sa
maling pagkain, inumin, at masasamang nakagawian. Tinatawag itong mga lifestyle
diseases. Ang mga pangunahing lifestyle diseases ay ang sumusunod: cancer, Chronic
Liver Disease/Cirrhosis, Chronic Obstructive Pulmonary Disease (COPD), diabetes, sakit sa
puso, sakit sa bato, stroke, at labis na katabaan o obesity na nagdudulot ng iba’t-ibang
sakit tulad ng ilan sa mga nabanggit.

Magsaliksik at sagutin ang sumusunod na mga tanong:

1. Mga pagkaing karaniwang pinagmulan ng lifestyle diseases?

2. Mga inuming karaniwang pinagmumulan ng mga ito?

3. Mga nakagawian o bisyong karaniwang pinagmumulan ng mga ito?

4. Mga pagkaing dapat kainin upang makaiwas sa mga ito?

5. Mga inuming dapat inumin upang makaiwas sa mga ito?

6. Mga bagay na dapat isagawa upang makaiwas sa mga ito?


Pangalan:__________________________Baitang at Seksyon:____________ Petsa:____ Marka:___

GAWAIN 2:

Layunin: Naisusulat ang paliwanag tungkol sa isyung pandaigdig na maiuugnay sa buhay ng mga Pilipino
(F10PU-If-g-68)

Panuto: Magbigay paliwanag sa gagawin mo hinggil sa bawat sitwasyonng nakalahad sa ibaba upang sa una pa
lang ay makaiwas ka na at hindi na malulong pa.

1. May bago kang kaibigang umaakit sa iyo upang sumubok ng isang uri ng droga na ibibigay lang daw niya sa iyo
nang libre. Marami siyang ikinukuwentong magagandang nangyayari sa kanya sa tuwing ginagamit niya ito. Ano
ang gagawin mo?

2. Mayroo kang kapamilyang naninigarilyo. Nakikita mo ang epekto nito hindi lamang sa kanya kundi sa inyong
lahat. Ang hangin sa loob ng inyong bahay o sasakyan ay lagging nangangamoy sigarilyo kaya naman, nagka-
asthma kayong magkakapatid at madali rin kayong magkasipon at magka-ubo. Ngayong malaki ka na ay inaakit
ka ng mga kaibigan mo upang matuto ring manigarilyo. Ano ang gagawin mo?

3. Lagi mong napapanood sa telebisyon ang mga komersiyal patungkol sa alak. Ipinakikita rito ang magandang
samahan ng mga lalaking umiinom at ang paghanga sa kanila ng kababaihan. Alam mong ang pag-iinom ng alak
ay nagdadala ng mga lifestyle diseases at nagiging sanhi pa ng maraming aksidente sa daan kapag
nagmamaneho ang taong nakainom. May mga kaibigan kang nagyayang sumubok kayong uminom. Ano ang
gagawin o sasabihin mo?

4. Base sa mga isinagot mo sa mga katanungan, ano-ano ba ang pinakamabibisang paraan ng pag-iwas sa
masasamang bisyong maaaring makasira sa iyong kalusugan, buhay, at kinabukasan? Maglahad ng tatlong
paraan.
Pangalan:__________________________Baitang at Seksyon:____________ Petsa:____ Marka:___

GAWAIN 3:

Layunin: Nabibigyang-kahulugan ang mahihirap na salita o ekspresyong ginamit sa akda batay sa konteksto
ng pangungusap (F10PT-If-g-66)

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Tukuyin ang kahulugan ng salitang nakasalungguhit batay
sa konteksto ng pangungusap. Isulat ang tamang sagot sa mga linya. Ang ilang titik at ang inaasahang bilang ng
titik para sa salita ay ibinigay na para maging gabay mo.

n_ _ _ t_ _ _ _ n 1. Minsan, habang nakamasid si Chirot sa ginagawa ng matanda ay nakapag-isip siya ng isang


kondisyon.

n_ _ _ _ i 2. Bigla siyang naumid at hindi agad nasabi ang kanyang kondisyon.

i_ _ _ t _ _ _ _n 3. Nagpunta siya sa bahay ni Chirot bilang pagtugon sa isang paanyaya.

b_ _ _ g 4. Iniisip ng matanda na isang patibong ang inihanda para sa kanya.

p_ _ _ _ _ a 5. Sa huli ay nakumbinsi rin siya kaya’t lumagda na sa isang kasulatan.

Pangalan:__________________________Baitang at Seksyon:____________ Petsa:____ Marka:___

GAWAIN4:

Layunin: Nagagamit ang angkop na mga panghalip bilang panuring sa mga tauhan (F10WG-If-g-61)

Panuto: Ang maikling kuwentong “Ang Munting Bariles” ay umikot lamang sa dalawang tauhan. Tiyak na may

masasabi ka para sa bawat tauhan. Pagkakataon mo nang magbigay-puna, papuri, suhestiyon o payo para sa

kanila. Gumamit ng hindi bababa sa limang panghalip bilang panuring sa bawat tauhan. Salungguhitan ang mga

panghalip na ginamit mo.

1. Para kay Chirot____________________________________________________________________


2. Para kay Nanay Magloire____________________________________________________________

Pangalan:__________________________Baitang at Seksyon:____________ Petsa:____ Marka:___

ARALIN 6: NOBELA

GAWAIN 1:

Layunin: Nasusuri ang binasang kabanata ng nobela bilang isang akdang pampanitikan sa pananaw Humanismo

o alinmang angkop na pananaw (F10PB-Ig-h-68)

Panuto: Punan ang mga kahon sa ibaba upang maipakita ang kaugnayan ng pananaw na ito sa binasang buod ng

kabanata ng nobela.

Ang Munting Prinsipe sa Pananaw Humanismo

Ano-anong Ano-anong
katangian ng katangian ng
Munting Munting
Prinsipe ang Prinsipe ang
nakaaaliw? nagpapahalaga
sa
katotohanan?

Sa sandaling pakikiraan ng Munting Prinsipe sa Daigdig ay nag-iwan siya ng mahahalagang bakas na


magsasabing ang buhay niya ay naging makabuluhan. Maglahad ng ilang mahahalagang panuntunan sa buhay
na natutuhanan mo mula sa Munting Prinsipe.

Tulad ng Munting Prinsipe, paano mo magagawang makabuluhan ang buhay mo para kahit wala ka na’y
maalala ka ng mga tao nang may kaukulang paggalang at pagmamahal?
Pangalan:__________________________Baitang at Seksyon:____________ Petsa:____ Marka:___

GAWAIN 2:

Layunin: Nakikilala ang pagkakaugnay-ugnay ng mga salita ayon sa antas o tindi ng kahulugang ipinahahayag
nito (Clining) (F10PT-Ig-h-67)

Panuto: Kilalanin ang antas o tindi ng kahulugang ipinahahayag ng salita batay sa pagki-klino. Isulat ang bilang 1
sa pinakamababaw at 3 sa pinakamatinding kahulugan.

1. kumaluskos lumagitik kumalampag

2. naluha nanangis nalungkot

3. wawasakin tutuklapin sisirain

4. napadpad napunta napadaan

5. umalma nagreklamo naghimutok

Pangalan:__________________________Baitang at Seksyon:____________ Petsa:____ Marka:___

GAWAIN 3:

Layunin: Nailalarawan ang kultura ng mga tauhan na masasalamin sa kabanata (F10PS-Ig-h-69)

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang kahulugan ng bawat pahayag. Ipaliwanag ang bawat isa sa
pamamagitan ng pagbibigay ng halimbawang nangyayari sa tunay na buhay o nagagawa mo mismo sa iyong
buhay kaugnay ng bawat isa.

1. “ Para sa iyo, ako’y isa lang ding karaniwang alamid tulad ng daang libong iba pang alamid. Subalit kung
mapapaamo at magiging alaga mo ako ay kakailanganin natin ang isa’t-isa. Sa akin, magiging natatanging bata
ka sa buong mundo. Sa iyo, magiging natatanging alamid ako sa buong mundo...”

Ang paliwanag ko sa pahayag na ito ay________________________________________________________


2. “ Wala nang oras ang tao upang unawain pa ang ibang bagay. Bumibili sila sa mga tindahan ng mga bagay na
yari na. Subalit hindi makabibili ng pagkakaibigan sa alinmang tindahan, kaya naman wala nang kaibigan ang
tao. Kung gusto mo ng kaibigan, paamuhin mo ako...”

Ang paliwanag ko sa pahayag na ito ay_________________________________________________________

3. “Makakabuti kung babalik ka sa parehong oras. Halimbawa, kung alam kong darating ka ng ikaapat ng hapon,
ikatlo pa lang ay mananabik na ako. Sa paglipas ng mga sandal ay lalo akong magiging Masaya. Makikita mo sa
aking mukha kung gaano ako kasayang makita ka. Subalit kung darating ka sa kahit na anong oras lang, hindi ko
maihahanda ang puso ko para batiin ka...”

Ang paliwanag ko sa pahayag na ito ay___________________________________________________________

4. “ Sa pamamagitan lang ng puso nakikita ang mga bagay na mahalaga. Ang pinakamahahalagang bagay ay
hindi makikita ng mga mata.”

Ang paliwanag ko sa pahayag na ito ay____________________________________________________________

Pangalan:__________________________Baitang at Seksyon:____________ Petsa:____ Marka:___

GAWAIN 4. PAGSULAT NG CRITIQUE NG AKDANG PAMPANITIKAN


Layunin: Naibibigay ang kaugnay na mga konsepto ng mga piling salitang simposyum at critique (F10PT-Iij-68)
Panuto: Punan ng mga salita o konseptong kaugnay ng mga ito ang mga kahon sa kabilang pahina:

Simposyum Critique

Mga salita o Konseptong kaugnay ng Simposyun o Critique

You might also like