You are on page 1of 10

Pangalan ng Mag-aaral: Baitang/Pangkat:

__________________________ _________________________
Guro: Petsa ng Pagpasa:
_____________________ ________________________

Susing Konsepto:

Talaarawan – isang pang-araw-araw


na tala, lalo na ng mga personal
na karanasan, saloobin,
Kasanayang Pampagkatuto:
obserbasyon at pananaw.
Anekdota - ito ay uri ng akdang Sa gawaing pagkatutong ito,
tuluyan na tumatalakay sa inaasahan na:
nakakatawa o kakaibang 1. Nasasagot ang mga tanong
pangyayari o insidente. Ngunit tungkol sa
kahit nakakatawa man ito, ang napakinggang/nabasang
layon ng anekdota ay ang talaarawan at anekdota
pagbibigay ng magandang F6RC-IIdf-3.1.1
karansan na may importanteng F6RC-IId-f-3.1.1
aral

1
RO_Filipino_Baitang 6_K2_LP1
Mga Gawain sa Pagkatuto:

Panuto: Basahin mo ang kasunod na talaarawan at sagutin ang mga tanong


tungkol dito.

Pebrero 12

Lumalala ang galit ni Trish sa akin, nang hindi ko alam kung bakit. Kung iyon ang
mga dahilan, bakit sa akin lang siya galit? Kanina, kinausap nga ako, pasigaw
naman. Bakit hindi daw ako sumagot sa text niya? Nasa bus ako nang matanggap
ko ang text niya kaya hindi na ako sumagot kasi padating na ako sa iskul at
magkikita naman kami. Aba, bigla ba namang inasikan ako, “Bakit hindi ka
sumagot? Buti nga, tinext pa kita!” Napatanga na lang ako.

Hindi naman masasabing nag -aaway kami dahil siya lang naman ang nang-aaway
at hindi naman ako pumapatol. Hayaan mo na nga siya. Ano man ang ikinaiinis
niya sa akin, na hindi ko naman naiintindihan, mawawala rin at mababalik kami
sa dating matamis na pagkakaibigan. Iilan lang kasi ang mga kaibigan ko at ayaw
kong mawala ang mga dating kaibigan. Di tulad niya. Siya, popular, kilala sa
kampus, hindi mahiyaing tulad ko.

Alfaro, Mga Diskursong Personal.

Mga Tanong:
1. Sino ang tauhang binanggit sa binasa mong talaarawan?
________________________________________________________
2. Tungkol saan ang kanyang talaarawan ng araw na iyon?

________________________________________________________
3. Ano ang dahilan ng pagkagalit ni Trish?

________________________________________________________
4. Kung ikaw si Trish, magagalit ka rin ba kung sakaling hindi kaagad masagot ng
iyong kaibigan ang text mo?

________________________________________________________

2
RO_Filipino_Baitang 6_K2_LP1
Panuto: Basahin mo ang isang halimbawa ng anekdota at sagutin ang mga
katanungan dito.

BUHAY NI RIZAL

Isang umaga, kaming mag-anak ay nag-aagahan. Si Pepe noon ay may gulang na


dalawang taon lamang. Sinabi niya sa aming ina na nais niyang matutong bumasa
ng abakada.
Datapuwa‟t ang tugon ni Ina‟y hindi pa sapat ang taglay niyang gulang upang
matupad ang gayong hangarin. Si Pepe‟y nagpumilit kaya‟t sandali munang
ipinakilala sa kaniya ni Ina ang bawat titik. Hindi siya tumigil sa pagkilala sa mga
titik at manaka-naka ay kinailangan siyang magtanong.

Pagkatapos ng mga dalawang oras, ang lahat ng titik ng abakada ay natutuhan


niyang basahin. Kaming magkakapatid, pati ng aming mga magulang, ay labis na
namangha sa gayong katalinuhan ni Pepe.

Mahilom. Anekdota sa Buhay ni Rizal.

Mga Tanong:
1. Tungkol saan ang binasa mong anekdota?
________________________________________________________
2. Ilang taong gulang nang magsimula si Pepeng mag-aral ng abakada?

________________________________________________________
3. Bakit namangha kay Pepe ang kanyang mga kapatid at magulang?
________________________________________________________

Binabati kita! Nasagutan mo lahat ng


tanong,

Dahil madali mo lang nasagutan ang


naunang pagsasanay, halina‟t sagutan
momg muli itong susunod pang
magpapatibay ng iyong kaalaman.
3
RO_Filipino_Baitang 6_K2_LP1
A. Panuto: Basahin ang talaarawan at sagutin mo ang mga katanungan
ukol dito.

Lunes, ika-16 ng Marso, 2020

Gumising ako nang maaga sa araw na ito. Unang araw ng linggo kaya inisip
ko na dapat mauna ako sa aming klase. Tinulungan ko sina Mama at Papa sa
paghahanda ng almusal. Ang sarap ng niluto ni Mama. Pritong itlog at bangus.
Inihanda naman ni Papa ang isang hinog na pinya. Paborito ko ang sinangag na
kanin sa umaga kaya‟t talagang busog na busog ako.
Mabilis kong kinuha ang aking tuwalya para maligo. Katamtaman lamang
ang lamig ng tubig kaya‟t ang sarap maligo habang pakanta-kanta pa ako ng isang
Korean song. Pagkatapos ay nagbihis agad ako ng aking uniporme. Inayos naman
ni Mama ang mahaba kong buhok. Talagang mahal na mahal ako ng aking Mama
at Papa.
7:05 nang dumating kami sa gate ng aming paaralan. Nagtaka ako dahil
marami ang papauwing mga mag-aaral kaya‟t agad kong pinuntahan ang aking
guro. Ayon sa kanya, wala raw kaming pasok dahil sa ipinatupad na enhanced
community quarantine upang makaiwas daw kami sa anumang banta ng corona
virus. Malungkot akong nagpasundo kina Mama at Papa.

1. Kailan isinulat ang talaarawan?


_________________________________________________________________________
2. Bakit maaga siyang gumising ng araw na iyon?
_________________________________________________________________________
3. Ano ang dahilan nang maagang pagpapauwi sa mga mag-aaral?
_________________________________________________________________________
4. Paano ipinakita sa talaarawan ang pagpapahalaga sa magulang?
_________________________________________________________________________
5. Ano ang magiging reaksyon o damdamin mo kung sakaling isa ka sa mga
mag-aaral na maagang pinauwi dahil sa banta ng corona virus?
Bakit?________________________________________________________________

B.Panuto: Basahin at unawain mo ang isang anekdota at pagkatapos ay sagutin


mo ang kasunod na mga tanong.
TSINELAS NI JOSE-RIZAL

Maganda ang dagat at ang ilog sa aming bayan sa Laguna. Bughaw na may
halong luntian kapag walang sigwa. Ang tubig sa lawa ay napapaligiran ng mga
kawayang sumasayaw na tila umiindak kapag nahihipan ng hangin. Ang mga
bangkang may layag ay parang mga paru-parong puti na naghahabulan.

4
RO_Filipino_Baitang 6_K2_LP1
Ang bangka ay karaniwang gawa sa kahoy na inukit sa matibay na kahoy na
nakukuha sa aming gubat. Kung minsan ito ay may dalawang katig na gawa sa
matitibay at mahabang kawayan upang ang bangka ay hindi gumiwang kapag ito
ay nakatigil sa tubig.
Karamihan sa gamit nito ay pangingisda nguni‟t sa aming lalawigan, ang
bangka ay ginagamit namin sa paglalakbay lalo na sa pagtawid sa ibayo ng dagat.
Mas mabilis ito kaysa gumamit ng kalabaw o ng karetela.

Naalala ko pa noon kasalukuyang kaming nakasakay sa bangka nang


humulagpos ang isa kong tsinelas. Ang tsinelas ay ang gamit namin sa pagpasok
at pagpunta sa mga lakaran kung saan ang bakya na gawa sa kahoy ay hindi
nararapat.

Mabilis itong inanod sa tubig bago ko nahabol para kunin. Malungkot ako
dahil iniisip ko ang aking ina na magagalit dahil sa pagkawala ng aking tsinelas.
Tiningnan ako ng nagsasagwan nang kinuha ko ang aking isa pang tsinelas
at dali dali kong itinapon sa dagat, kasama ang dasal na mahabol nito ang kapares
na tsinelas. “
Bakit mo itinapon ang iyong isa pang tsinelas?” tanong sa akin ng
kasamahan ko sa bangka.

“Isang tsinelas ang nawala sa akin at walang silbi sa makakakita. Ang isang
tsinelas na nasa akin ay wala ring silbi sa akin. Kung sino man ang makakuha ng
pares ng tsinelas ay magagamit niya ito sa kaniyang paglakad. Napatingin ulit sa
akin ang mama. Marahil naunawaan niya ang isang batang katulad ko.

Mahilom. “Anekdota sa Buhay ni Rizal”.

Sagutin mo ang sumusunod na mga tanong.

Pamagat
____________________

1.

Sino? Ano?

____________________ ____________________

Kailan? Saan?

____________________ ____________________

5
RO_Filipino_Baitang 6_K2_LP1
2. Bakit kaya itinapon ni Rizal ang kapares ng kanyang tsinelas?
_____________________________________________________________________

3. Anong pagpapahalaga ang ipinakita ni Rizal?


_____________________________________________________________________

4. Kung ikaw ang nasa katayuan ni Rizal, ano ang iyong gagawin sa
naiwang kapares ng tsinelas?
_____________________________________________________________________

Magaling! Matapos mong sagutin ang pagsubok,


tingnan kung ito ay tama o mali sa pahina _____.

Ang bahaging ito ng Learne‟s Packet ay susukat sa mga


natutuhan mo sa loob ng aralin. Huwag kang matakot
dahil alam kong kayang-kaya mo ito. Huling pagsubok
na lamang ito na kailangan mong sagutin.

6
RO_Filipino_Baitang 6_K2_LP1
Panuto: Basahin at unawain ang anekdota tungkol sa buhay ni Manuel L. Quezon
at sagutin ang mga tanong sa ibaba.

Anekdota ni Manuel L. Quezon

Samantalang ang Pangulong Quezon ay nasa isang pagamutan sapagkat


may-sakit, ay dinalaw siya ni Padre Serapio Tamayo, O.P., isang matalik na
kaibigan ng Pangulo noon ay Rektor ng Pamantasan ng Santo Tomas. Bago pa
lamang pumasok sa silid ng Pangulo ay hinadlangan na siya ng nars. Nang
magpilit ang Pari ay sinabi ng nars na maghintay nang ilang saglit pagka‟t
ipagbibigay-alam muna niya sa maysakit ang kanyang pagdating.

Wikang Ingles ang ginamit ng nars na pagpabatid sa Pangulo na may


panauhin. Ganito ang sinabi, “Mr. President, the prest is here.” Dahil sa maling
pagbigkas sa salitang “priest”, inakala ng pangulo na ang kanyang panauhin ay
isang mamamahayag. Ang pasigaw na utos ng Pangulo ay “Sabihin mo sa „press‟
na pumunta sa impyerno.” Subalit bago niya natapos ang pangungusap na ito ay
nakapasok na ang Pari sa silid ng Pangulo at narinig ang pahayag na yaon.

Mahilom. “Mga Anekdota ukol sa Pangulong Quezon”

Mga Tanong:
1. Tungkol kanino ang binasa mong anekdota?
_____________________________________________________________________
2. Bakit pasigaw na inutusan ng Pangulo ang nars?
_____________________________________________________________________

3. Ibigay ang iyong reaksyon sa naging tugon o sagot ng Pangulo batay


sa sinabi ng nars. Bakit?
_____________________________________________________________________

4. Ano kaya ang magiging reaksyon o damdamin ng Pari matapos


marinig ang sinabi ng Pangulo?
_____________________________________________________________________

5. Ano kaya ang maaaring layunin n g binasang anekdota?


_____________________________________________________________________

7
RO_Filipino_Baitang 6_K2_LP1
Bilib ako sa iyo! Nagawa mo ang lahat ng gawain,
kaya Smile naman diyan , ayan bilang pangwakas
punan mo ang patlang sa ibaba upang mabuo ang
kaisipan ng natutuhan mo sa ngayon 

Ang _______ ay isang pang


araw-araw na __________, lalo na ng
mga nakikipag-usap sa isang tao, na
maaring tawaging “Mahal kong Diary”
o maari rung bigyan ng pangalan na
parang isang tunay na tao ang
sinusulatan.

Samantalang ang ANEKDOTA


ay isang uri ng akdang __________ na
tumatalakay sa _____________ o
kakaibang __________ o ____________.
Ngunit kahit nakakatawa man ito,
ang layon ng _______________ ay ang
pagibigay ng magandang karanasan
na may importanteng aral.

Mahalagang malaman ko ito


upang _______________________________

_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
______________________________.

8
RO_Filipino_Baitang 6_K2_LP1
RO_Filipino_Baitang 6_K2_LP1
9
Pagsasanay A: Pebrero 12
1. Ang tauhang binanggit sa talaarawan ay si Trish.
2. Ang talaarawan ay tungkol sa pagkagalit ni Trish sa kanya.
3. Nagalit si Trish dahil sa hindi pagsagot sa kanyang text.
4. Kung ikaw si Trish, magagalit ka rin ba kung sakaling hindi kaagad
masagot ng iyong kaibigan ang text mo?
Pagsasanay B: BUHAY NI RIZAL
1. Ang anekdota ay tungkol sa buhay ni Rizal.
2. Dalawang taong gulang si Pepe nang magsimulang mag aral ng abakada.
3. Namangha sila dahil sa katalinuhan ni Pepe.
Pagsasanay 1: Lunes, ika-16 ng Marso, 2020
1. Lunes, ika - 16 ng Marso, 2020
2. Dapat siya ang maunang dumating sa kanilang klase
3. Dahil sa ipinatupad na enhanced community quarantine upang
makaiwas sa banta ng corona virus.
4. Sa pamamagitan ng pagtulong sa pagluluto.
5. Inaasahan ang iba‟t ibang kasagutan
Pagsasanay 2: TSINELAS NI JOSE-RIZAL
1. Pamagat - Tsinelas ni Jose Rizal
Ano
- tsinelas
Sino
- Jos e Rizal
Saan
- Laguna
Kailan
- Kabataan ni Jose Rizal
2. Itinapon ni Jose Rizal ang isang pares ng tsinelas upang kung sinuman
ang makakuha ay magamit ito nang maayos.
3. Pagtulong sa kapwa.
4. Gagawin ko ang katulad ng ginawa ni Jose Rizal upang lubos na
mapakinaban gan ang pares ng tsinelas .
Panapos na Pagsubok: Anekdota ni Manuel L. Quezon
1. Anekdota ni Manuel L. Quezon.
2. Akala ng Pangulo ay “press” ang panauhin.
3. Inaasahan ang iba‟t ibang sagot.
4. Inaasahan ang iba‟t ibang sagot.
5. Pagpapahalaga sa sariling wika
Susi sa Pagwawasto
Talasanggunian

Tagalog Lang. “Anekdota.” 2002.


https://www.tagaloglang.com/anekdota/

Alfaro, Ara. “Mga Diskursong Personal.” Slideshare.net. Agosto 28,


2012
www.slideshare
.net/mobile/AbsterAlfaro/mga-diskursong- personal-14092681.
Ki. “Anekdota: Mga Halimbawa ng Anekdota (Anecdote).” Philnews.ph. January
30, 2020. https://philnews.ph/2020/01/30/anekdota-mga-halimbawa-ng-
anekdota-anecdote/

Mahilom Arnel B. “Anekdota sa Buhay ni Rizal.” Teksbook.blogspot.com.


Setyembre 1, 2010.
https://teksbok.blogspot.com/2010/09/anekdota-sa-buhay-ni-jose-rizal.html

Ruben, C. “Anekdota na Nakakatawa: Ketong.” jokespinoy.com.


https://www.jokespinoy.com/pinoy-jokes/anekdota-na-nakakatawa/

Thesilentlearner. “Pag-uuri ng mga Ideya o Detalye at Ang mga Halimbawang


Teksto.” thesilentlearner2014.blogspot.com. Hunyo 22, 2017.
www.wikiphttps://thesilentlearner2014.blogspot.com/2014/06/filipino-2-pag-
uuri-ng-mga-ideya-o.html?=1edia.com

Liwanag, Lydia B. Landas sa Wika; Batayang Aklat sa Filipino 6. Quezon City:


Dane Publishing House. Inc. 2008
https.//www.healthypilipinas.ph

Inihanda ni: LERMA L. AVISO


MT-1, Sorsogon Pilot ES

10
RO_Filipino_Baitang 6_K2_LP1

You might also like