You are on page 1of 17

Talaan ng Nilalaman

MTB 3: Modyul 2

Mga Aralin:

Aralin 5: Paksa ng Kuwento ………………………………. pahina 2-8

Aralin 6: Pagkakasunod-sunod ng
Pangyayari sa Kuwento ……………………… pahina 2-8

Pagsusuri …………………………………………………….. pahina 9-10

Aralin 7: Obligasyon, Kagustuhan,


at Kahilingan ………………………………….. pahina 11-14

Aralin 8: Pagtatala ng Tamang


Impormasyon …………………………………. Pahina 15-18

MTB 3: Modyul 2
MTB 3 - Modyul 2 Pahina 1 / 18
Ikalawang Markahan
Paksa
Aralin 5: Paksa ng Kuwento
Aralin 6: Pagkasunod-sunod ng Pangyayari sa
Kuwento

Layunin

Sa pagtatapos ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


inaasahang:

1. Naibibigay ang paksa ng kuwentong binasa.


2. Naisusulat at naibibigay ang tamang pagkasunod-sunod ng
pangyayari sa kuwento.
3. Natutukoy ang mga larawan ayon sa pagkasunod-sunod ng
mga pangyayari.

Kagamitan

papel at panulat

Sanggunian

 Mother-Tongue-Based Multilingual Education Series in Tagalog


Worktext

Talasalitaan

Paksa -pinakamahalagang impormasyon o


detalyeng pinag-uusapan sa kuwento.
Naimpatso -hindi natunawan dahil sa dami ng kinain.
Nilapatan ng lunas -ginamot

Paunang Pagtataya

Isipin Mo!
MTB 3 - Modyul 2 Pahina 2 / 18
Ikalawang Markahan
ANG BATANG WALANG TIGIL SA PAGKAIN
Siya si Lito. Mahilig siyang bumili at kumain ng pagkain tulad ng
sorbetes, tinapay, tsokolate, sitsirya, at kendi.
Nagtungo ang batang si Lito sa likod ng kanilang bakuran
at inilagay sa malaking bangko ang kaniyang mga paboritong pagkain.
Tuwang-tuwa si Lito habang kinakain niya ang lahat ng pagkaing binili
niya kahit busog na siya.
“Hmmmmm, ang sarap talaga.” ang wika ni Lito habang inuubos ang lahat
ng pagkaing nasa harap niya.
Maya-maya, napasimangot si Lito. “Araaayyyy ko po! Ang sakit ng tiyan
ko!”
Agad na nilapatan ng lunas si Lito ng kaniyang ina. Naimpatso ang bata.
“Simula sa araw na ito Lito, huwag ka ng matakaw. Iwasan mo ang labis-labis na pagkain,
dahil hindi ito makabubuti sa kalusugan mo.” ang wika ng ina at napatango na lamang
si Lito sa kaniyang ina.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong.


1. Ano ang simula ng kuwento?

MTB 3 - Modyul 2 Pahina 3 / 18


Ikalawang Markahan
2. Ano ang naging wakas ng kuwento?

Talakayan

Paksa – nagbibigay ng kabuuang impormasyon o pinag-uusapan sa


kuwento.
- Dito nakapaloob ang pangunahing pangyayari o mensahe ng kuwento.

 Ang kuwento ay dapat may simula at wakas.


 Mga bahagi ng isang maikling kuwento:
1. Simula- dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Dito rin
kadalasang ipinapakilala ang iba sa mga tauhan ng kuwento.
2. Gitna- binubuo ang gitna ng saglit na kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan.

3. Wakas- binubuo ang wakas ng kakalasan at katapusan. Gayunpaman, may


mga kuwento na hindi laging winawakasan, hinahayaan ng may-akda na
mabitin ang wakas ng kuwento para bayaang ang mambabasa ang humatol o
magpasya kung ano ang maaring kahinatnan ng kuwento.

Alam Ko Ito!

Pagsasanay #1
Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong batay sa kuwentong
MTB 3 - Modyul 2 Pahina 4 / 18
Ikalawang Markahan
“ANG BATANG WALANG TIGIL SA PAGKAIN”.

1. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?


_____________________________________________________________________
2. Paano mo ilalarawan ang mga tauhan sa kuwento?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
3. Ano ang nangyari sa pangunahing tauhan sa kuwento?
_____________________________________________________________________
4. Kung ikaw ang bata sa kuwento, tutularan mo rin ba ang ginagawa niya? Bakit?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Magbasa Tayo!

Ang Laban Ng Mga Alimango

Isang araw, nagpulong ang mga alimango. Sabi ng isa


sa kanila, “Ano ang gagawin natin sa mga alon? Palagi silang kumakanta nang
malakas, hindi na tayo makatulog.” 

“Kung gano’n,” sagot ng isa sa mga pinakamatandang alimango, “kailangan na


nating makipagdigma sa kanila.” 

Sinang-ayunan ito ng iba. Napagkasunduan nila na kinabukasan ay


kailangan maghanda sa pakikipaglaban sa mga alon ang lahat ng mga lalaking
MTB 3 - Modyul 2 Pahina 5 / 18
Ikalawang Markahan
alimango. Papunta na sila sa dagat tulad ng napagkasunduan nang makasulubong nila ang
isang hipon. 

“Mga kaibigan, saan kayo pupunta?” tanong ng hipon. 

“Makikipaglaban kami sa mga alon,” sagot ng mga alimango. “Sapagkat masyado


silang maingay sa gabi at hindi na kami makatulog.” 

“Sa tingin ko hindi kayo magtatagumpay,” sabi ng hipon. “Napakalakas ng mga


alon samantalang napakahina ng mga binti n’yo na halos sumasayad na sa lupa pati ang mga
katawan n’yo kapag lumalakad kayo.” Tumawa nang malakas ang hipon pagkatapos. 

Ito ang lalong nagpagalit sa mga alimango. Sinipit nila ang hipon hanggang
sa mangako ito na tutulong sa kanilang pakikipaglaban. 

Nagpunta silang lahat sa tabing-dagat. Napansin ng alimango na


iba ang puwesto ng mga mata ng hipon at hindi katulad ng sa kanila. Naisip
nila na may mali kaya pinagtawanan nila ito, at sinabi sa kaniya, “Kaibigang hipon,
nakaharap sa maling direksiyon ang mukha mo. Ano ang sandata mo sa pakikipaglaban
sa mga alon?” 

“Ang sibat sa aking ulo ang sandata ko,” sagot ng hipon. Pagkasagot na pagkasagot
niya, nakita niya na may malaking alon na paparating at tumakbo siya papalayo. Hindi
ito nakita ng mga alimango, sapagkat nakatingin silang lahat sa tabing-dagat. Natabunan sila
ng tubig at nalunod. 

Hindi nagtagal, nag-alala na ang mga asawa ng mga alimango dahil hindi na
sila bumalik. Dahil dito, pumunta sila sa may tabing- dagat para tingnan kung may
maitutulong sila sa labanan. Ngunit hindi nagtagal, natabunan rin sila ng tubig at
namatay. 

Libo-libong maliliit na alimango ang nakita sa may tabing-dagat. Binibisita


silang madalas ng hipon at ikinukuwento sa kanila ang malungkot na sinapit ng kanilang
mga magulang. Magpasahanggang ngayon, makikita pa rin ang maliliit na alimangong ito
na patuloy na tumatakbo papunta at pabalik sa tabing-dagat. Tila nagmamadali
silang bumaba para labanan ang mga alon. Kapag hindi naging sapat ang tapang nila,
tumatakbo sila pabalik sa lupa kung saan tumira ang kanilang mga ninuno. Hindi sila
tumira sa lupa tulad ng kanilang mga ninuno at hindi rin sa dagat kung saan nakatira ang

MTB 3 - Modyul 2 Pahina 6 / 18


Ikalawang Markahan
ibang mga alimango. Nakatira sila sa tabing-dagat kung saan tinatangay at sinusubukan
silang durugin ng alon kapag mataas ang tubig sa dagat. 

Imahinasyon, paganahin mo
Pagsasanay #2
Iguhit sa kahon ang pagkasunod-sunod ng kuwento at isulat ang
pangyayari.

1.
____________________________________
____________________________________
____________________________________

2.
____________________________________
____________________________________
____________________________________

MTB 3 - Modyul 2 Pahina 7 / 18


Ikalawang Markahan
3.
____________________________________
____________________________________
____________________________________

Gaano mo nagawa ang pagganap?

Suriin ang iyong sarili sa mga tuntunin ng iyong pang-unawa tungkol sa


paksang tinalakay.
Pagsusuri ng mag-aaral:
Kailangan ko pa
Oo Hindi ng paliwanag
1. Naunawaan ko ang ibig sabihin ng paksa sa
isang kuwento.
2. Natutukoy ko ang pagkakasunod-
sunod ng isang kuwento.
3. Nagagamit ko nang wasto ang aking
imahinasyon sa pagguhit ng mga pangyayari
sa kuwentong aking binasa.

MTB 3 - Modyul 2 Pahina 8 / 18


Ikalawang Markahan
Pagsusuri

A. Tukuyin kung ang mga pahayag ay tama o mali. Isulat ang sagot sa
patlang.

_______1. Ang paksa ng kwento ay tumutukoy sa isang bagay na


pangunahing nilalaman nito.
_______2. Nakapaloob sa paksa ang pangunahing pangyayari o
mensahe ng kuwento.
_______3. Ang kuwento ay dapat may simula at wakas.
_______4. May mga kuwento na hindi laging winawakasan.
_______5. Simula at wakas ang mga bahagi ng isang maikling kuwento.

B. Pumili ng isang maikling kwentong pambata. Isulat ang simula,


gitna at wakas nito.

Pamagat: ______________________________________
Simula:
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
Gitna:
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
Wakas:
____________________________________________________________
MTB 3 - Modyul 2 Pahina 9 / 18
Ikalawang Markahan
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________

MODYUL 2
MTB 3

PAKSA

 Aralin 7: Obligasyon, Kagustuhan, at Kahilingan


 Aralin 8: Pagtatala ng Tamang Impormasyon

LAYUNIN

Sa pagtatapos ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


 naipapahayag ang obligasyon, gusto, at hiling gamit ang angkop na salita;
 naitatala ang tamang impormasyong hinihingi; at
 nagagawa ang mga obligasyon sa tahanan at pamayanan.

KAGAMITAN

 Sagutang papel
MTB 3 - Modyul 2 Pahina 10 / 18
Ikalawang Markahan
 Panulat

SANGGUNIAN

 Inang Wika
(Mother-Tongue-Based Multilingual Education Series in Tagalog Worktext)

TALASALITAAN

Obligasyon – dapat gawin o sundin.


Kagustuhan – ay iyong nais, hangad, at ibig.
Kahilingan -  pakiusap, pithaya, pamanhik
Pagtatala – ay ang pag-iisa-isa ng mahahalagang impormasyong kinalap o
kinuha sa iba’t ibang sanggunian katulad ng aklat, diyaryo,
magasin at iba pa. 
Pupil’s Profile – profile ng mga mag-aaral

PANG UNANG PAGTATAYA

Isipin Mo!
Magbigay ng tatlong obligasyon mo bilang isang bata sa inyong tahanan at sa
pamayanan lalo ngayong kinakaharap natin ang isang pandemya.
ANG AKING MGA OBLIGASYON
Sa Tahanan:
1. _____________________________________________________________________

2. _____________________________________________________________________

3. _____________________________________________________________________
MTB 3 - Modyul 2 Pahina 11 / 18
Ikalawang Markahan
Sa Pamayanan:
1. _____________________________________________________________________

2. _____________________________________________________________________

3. _____________________________________________________________________

TALAKAYAN

Obligasyon – ay mga tungkuling kailangang gawin o gampanan.


- ang bawat bata ay may mga obligasyon sa tahanan, sa
paaralan, at sa pamayanan.
Halimbawa:
 Obligasyon ng isang bata na sumunod sa kaniyang mga magulang.
 Obligasyon ng isang bata na gumawa ng takdang-aralin na ibinigay ng
kaniyang guro.
 Obligasyon ng isang bata na itapon ang basura sa tamang basurahan.
Kagustuhan – ay pagpapahayag ng pagnanais na makamit ang isang
bagay.
- May posibilidad na mangyari kung magsusumikap.
Halimbawa:
 Gusto kong maging isang guro paglaki ko.
(Kung mag-aaral nang mabuti, posibleng makamit ang ninanais.)
Kahilingan – pagpapahayag ng pagnanais sa mga bagay na
imposibleng mangyari o matupad.
Halimbawa:
 Gusto kong maging diwata.
 Sana ay makalipad ako.
 Nais kong maging sirena.

MTB 3 - Modyul 2 Pahina 12 / 18


Ikalawang Markahan
GAANO KA NATUTO?

Alam mo to!
Pagsasanay #1:
Tukuyin kung ang mga sumusunod na pahayag ay obligasyon, kagustuhan o
kahilingan. Isulat ang tamang sagot sa patlang.
__________________ 1. Gusto kong maging doktor.
__________________ 2. Sana magkaroon ako ng apat na paa para mabilis
tumakbo.
__________________ 3. Maghuhugas ako ng pinggan pagkatapos kumain.
__________________ 4. Sana magkaroon ako ng maraming sapatos.
__________________ 5. Makikinig ako sa sinasabi ng aking mga magulang.
__________________ 6. Gusto kong makasakay ng eroplano.
___________________7. Papasok ako sa sekondarya pagkatapos ko ng
elementarya.
__________________ 8. Gusto kong akyatin ang pinakamataas na bundok sa
buong mundo.
__________________ 9. Gusto kong magkaroon ng mataas na marka.
__________________ 10. Hindi ako lalabas ng bahay para hindi ako magkasakit.

MTB 3 - Modyul 2 Pahina 13 / 18


Ikalawang Markahan
Hanapin mo, kaya mo yan
Pagsasanay #2:
Basahin ang usapan ng mag-aaral. Salungguhitan ang mga salitang nagpapahayag ng
obligasyon, gusto at hiling.
Edgar: Nais kong maging isang piloto paglaki ko.
Nestor: Sana ako ang pinakamatalino sa klase.
Ernesto: Mag-aaral akong mabuti para maging
isang guro. Tuturuan kong magbasa at
magsulat ang mga mag-aaral.
Lahat: Tama! Mag-aral tayong mabuti upang
makamit ang ating pangarap.
Profile ng Pupil – talaan ng mahahalagang impormasyon tungkol sa mag-aaral.

Tinitingnan ng guro ang profile ng mga mag-aaral upang matiyak ang lokasyon ng
kaniyang tirahan. At para malaman ang mahahalagang impormasyon tungkol sa mag – aaral.

Kaya mo to!
Pagsasanay #3:
MTB 3 - Modyul 2 Pahina 14 / 18
Ikalawang Markahan
Tingnan ang Profile ng pupil sa ibaba. Sagutin ang mga katanungan tungkol sa mga
mahahalagang impormasyon ng isang mag – aaral.

Pupil’s Profile
Pangalan: Elmer S. Perez
Edad: 8 taong gulang
Kapanganakan: Nobyembre 05, 2011
Lugar ng Kapanganakan: Iriga City
Tirahan: Zone 2, San Nicolas, Iriga City
Pangalan ng Tatay: Ronel M. Perez Trabaho: Kusinero
Pangalan ng Nanay: Merriam B. Suarez Trabaho: Guro
Ano ang kaya mong gawin? Sumayaw, tumugtog ng gitara at kumanta.
Ano ang hilig mong gawin? Magluto ng meryenda.

Sagutin ang mga tanong.


1. Sino ang nagmamay-ari ng Pupil’s Profile? _____________________________
2. Ilang taon na siya? ___________________________________________________
3. Ano ang kaniyang kasarian? _________________________________________
4. Saan siya nakatira? __________________________________________________
5. Saan siya ipinanganak? ______________________________________________
6. Ano ang pangalan ng kaniyang mga magulang? ____________________
7. Ano ang trabaho ng kaniyang mga magulang? _______________________
8. Ano ang kaya niyang gawin? ________________________________________
9. Ano ang hilig niyang gawin? _________________________________________

10. Paano mo nalaman ang mga impormasyon ni Elmer? _________________

________________________________________________________________________

Tandaan

MTB 3 - Modyul 2 Pahina 15 / 18


Ikalawang Markahan
Mahalagang itala ang tamang impormasyon tungkol sa iyong sarili. Ang mga detalye o
impormasyong ito ay dapat mong tandaan.

Gawin mo to!
Pagsasanay #4:
Punan ng iyong impormasyon ang Pupil’s Profile sa ibaba. Magdikit ng maliit na larawan sa
kahon na nasa kanan.

Pupil’s Profile
Pangalan: _______________________________________
Edad: ___________________________________________
Kapanganakan: _________________________________
Lugar ng Kapanganakan: ________________________
Tirahan: _________________________________________
Pangalan ng Tatay: __________________________ Trabaho: ___________________
Pangalan ng Nanay: _________________________ Trabaho: ___________________
Ano ang kaya mong gawin? ______________________________________________.
Ano ang hilig mong gawin? _______________________________________________.

GAANO MO NAGAWA ANG PAGGANAP?


Suriin ang iyong sarili sa mga tuntunin ng iyong pang-unawa tungkol sa paksang tinalakay.

MTB 3 - Modyul 2 Pahina 16 / 18


Ikalawang Markahan
Pagsusuri ng mag-aaral:

Kailangan ko
Oo Hindi pa nang
paliwanag
1. Naunawaan ko ang pagkakaiba ng
obligasyon, kagustuhan at kahilingan.
2. Natutukoy ko ang aking mga obligasyon
bilang isang bata.
3. Naisusulat ko ng tama ang aking
mahahalagang impormasyon.
4. Nakabuo ako ng sarili kong pangungusap.

Pagsusuri ng guro:

Oo Hindi Hindi
sigurado
1. Ang mag-aaral ay may kakayahan nang tukuyin
ang pagkakaiba ng obligasyon, kagustuhan at
kahilingan.
2. Ang mag-aaral ay alam na ang kaniyang mga
obligasyon bilang isang bata.
3. Ang mag-aaral ay nakasusulat na ng
mahahalagang impormasyon tungkol sa kaniya.

4. Mahusay na nakabuo ng mga pangungusap ang


mag-aaral.

MTB 3 - Modyul 2 Pahina 17 / 18


Ikalawang Markahan

You might also like