You are on page 1of 7

Sangay ng mga Pampaaralang Lungsod ng Parañaque

MOTHER TONGUE 3 IKAPITONG LINGGO

Ikatlong Kwarter
SA LABAS NG AMING PAMAYANAN

Mga Kasanayang Pampagkatuto

• Nakapagpapamalas ng kawilihan sa kuwento sa

pamamagitan ng matamang pakikinig habang nagbabasa
at nakapagbibigay ng puna o reaksiyon hinggil sa kuwento

• Natutukoy ang layunin ng manunulat sa pagsulat ng isang

seleksyon o babasahin

Layunin
Pagkatapos pag- aralan ang modyul na ito sa loob ng
isang linggo, inaasahan na natuto siya ng mga kompetensing
dapat linangin at naisapuso ang mga saloobin na dapat niyang
maisabuhay

Unawain Natin

Basahin Natin at Unawain

Mga Sasakyan sa Pilipinas

Ang dyip ay kilalang– kilalang paraan ng

transportasyong pampubliko sa ating bansa. Naging simbolo na ito
ng kultura ng Pilipinas sa buong mundo.
Isa pang sikat na pampublikong transportasyon sa ating

bansa lalo na sa probinsiya ang traysikel.

1
Ang tren gaya ng LRT at MRT ay kilala na rin sa
Maynila. Ang Philippine National Railways ay tren na ginagamit sa
ilang bahagi ng Luzon at iba pang karatig na lalawigan sa Maynila.

Ang taksi at ang mga bus ay

mahahalaga ring paraan ng pampublikong transportasyon sa

Pilipinas.

Ilapat Natin

Gawain 1: Sagutin ang mga sumusunod na tanong ayon sa

kuwentong nabasa. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ano– ano ang paraan ng transportasyon sa ating bansa?

2. Anong transportasyon ang nagiging simbolo ng kultura ng
Pilipinas sa buong mundo?

3. Paano nakatutulong ang bawat paraan ng transportasyong ito

sa tao?

4. Anong transportasyon ang kadalasang ginagamit sa probinsiya?

5. Kung gagawa ka ng isang uri ng transportasyon, ano ito?

Bakit ito ang iyong gagawin?

2
Suriin Natin
Alamin ang layunin o ang nais ipahayag ng may- akda sa
sumusunod na talata. Tukuyin kung ito ay nagbibigay ng
impormasyon, nanghihikayat, o nanlilibang. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
________1. Ang nilagang itlog ang isa sa mga paboritong pagkain
ni Myra. Tinanong niya ang kaniyang nanay kung paano
ito lutuin. Agad namang inisa– isa ng kaniyang nanay
ang gagawin. Una, ilagay ang itlog sa kaldero. Lagyan
ito ng tubig at hayaang kumulo. Pagkaraan ng ilang
minuto, hanguin ito at palamigin.
________2. Ako ay may espada bigay ng engkantada sa kuwento
ako ang bida, mga higante ang kontrabida. Lagi akong
handa wala yang duda.
________3. Ang transportasyon sa ating bansa ay medyo kulang sa
pag-unlad. Ito ay dulot ng bulubunduking bahagi at
magkahiwalay na isla. Ito’y maaari ring dulot ng
kakulangan sa pondo ng pamahalaan. Kaya naman,
ang mga kasalukuyang pamahalaan ay nagsisikap na
mapaunlad ang transportasyon sa bansa sa
pamamagitan ng mga proyekto.

________4. “Hinihiling ko sa inyong lahat na magtulong– tulong tayo

para mapaunlad ang ating bansa. Sisikapin nating
magkaroon ng disiplina at iwasan ang pang– aabuso sa
ating likas na yaman. Magtrabaho at magsikap tayong
lahat”, pahayag ng ating dating pangulo.

3
ALAMIN NATIN:

Ang manunulat ng talata, seleksyon o babasahin ay

may layunin sa mga nagbabasa nito. Maaari ang layunin ng
may– akda ay magbigay ng impormasyon, maghikayat at
magbigay libangan o nanlilibang.

Masasabi na ang isang mambabasa ay may kawilihan

sa kuwento ito ay nauunawaan at nasasagot ng tama ang
mga katanungan batay sa kuwento at nakapagbibigay ng
puna o reaksyon hinggil sa kuwento.

Tayain Natin

Direksyon: Basahin at unawain ang mailking kuwento. Gamit ang

rubriks bilang gabay. Magbigay ng iyong puna o reaksyon sa
pamamagitan ng pagsulat ng maikling talata. Isulat ang nabuong
maikling talata sa sagutang papel.

Namasyal sa pamilihan sina Beth at ang kaniyang nanay

isang hapon. Masayang naglalakad si Beth. Nakalimutan niya ang
bilin ng kaniyang nanay na huwag aalis sa kaniyang tabi.
Naglakad– lakad siya habang pinagmamasdan ang mga laruan
sa estante. Huli na nang kaniyang namalayan na malayo na ang
kaniyang nalalakad. Iiyak na si Beth sa takot nang matanaw niyang
paparating ang kaniyang nanay.

4
________________________________________________________________

Pamantayan sa Pagpupuntos Puntos

1. Mahusay at maayos na nakapagsulat ng talata 20
bilang puna o reaksyon
2. Nakapagsulat ng talata bilang puna o reaksyon 15
ngunit hindi maayos
3. Nakapagsulat ng talata subalit kulang ng bantas 10
bilang puna o reaksyon
4. Nakapagsulat ng 1 pangungusap bilang puna o 5
reaksyon
5. Walang naisulat na puna o reaksyon 0

5
Likhain Natin

Panuto: Gumawa ng maikling talata tungkol sa mga pagdiriwang

o okasyon at isulat kung ano ang layunin mo sa pagbuo nito, kung
ito ba ay nagbibigay ng impormasyon, nanghihikayat o
nanlilibang. Pumili lamang ng isa sa mga halimbawa.

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
_______________________________________________________________

Layunin ng may–akda ng talata: _______________________________

6
Rubrik:
Pamantayan sa Pagpupuntos Puntos
Nilalaman ng talata 5
Orihinalidad 5
Maayos at maganda ang pagkakasulat 5
Kabuoan: 15

You might also like