You are on page 1of 8

Republika ng Pilipinas

KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyon I
Sangay ng Ilocos Sur

SARILING
LINANGAN KIT SA
FILIPINO
10
PAGSULAT NG BUOD

QUARTER: 4 MELC NO. 13

Naisusulat ang buod ng binasang mga kabanata.


MELC (F10PU-IVb-c-86)

Pangalan ng Guro: PACIENCIA T. RIBAC


Paaralan: PURO NATIONAL HIGH SCHOOL
District: MAGSINGAL

1
PAMANAHUNAN BILANG 4
GABAY NG MAG-AARAL SA
PAGKATUTO BILANG 13
MELC #

PAUNANG SALITA

Tungkol sa Gabay ng Mag-aaral sa Pagkatuto


Ang kagamitang ito ay para sa mga mag-aaral na huhubog sa kanilang
kaalaman sa kasalukuyang panahon n tinatawag nating “New Normal”. Kaagapay ito
ng bawat mag-aaral para sa buo at ganap na pagkatuto. Ito ay orihinal na ginawa at
binago ng guro para makamit ang mga inaasahang pamantayan ng K to 12 Kurikulum.

Para sa mga Magulang/Tagapag-alaga

Sa panahon ngayon ng pandemya malaking hamon para sa atin na magabayan


ang ating mga anak lalo na at nahaharap tayo sa tinatawag na “New Normal” na uri ng
edukasyon. Nararapat pa rin na maipagpatuloy ng mga mag-aaral ang pagdukal ng
kaalaman.
Bilang mga magulang/tagapag-alaga, mahalaga ang iyong gampanin sa tamang
paggabay ng inyong mga anak upang matagumpay na matugunan ang
pangangailangan ng modyul na ito.
Maraming salamat at hangad namin ang inyong pakikipagtulungan.

Para sa mga Mag-aaral

Isang magandang araw kaibigan!

Bilang pagtugon sa pangangailangan ng edukasyon dahil sa umiiral na


pandemya, narito ang panibagong moyul na inihanda ko para sa iyo. Tulad ng ibang
modyul, madali lamang ang modyul na ito. Mahalaga lamang na magpokus at maglaan
ka ng kaunting oras upang matagumpay mong matugunan ang pangangailangan ng
modyul na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito tiyak akong mas mauunawaan mo ang akda
ni Jose Rizal na El Filibusterimo. Tuturuan kang mas higit na na mapahalagahan ang
akda sapagkat nakapaloob dito ang ilang gawaing tutulong sa iyong maimulat ang
puso at isipan sa mga naging kaganapan sa panahong nasulat ang akda at ang nag-
udyok kay Rizal upang sulatin ito. Maging matiyaga ka lang kaibigan sa iyong
pagbabasa at pagsagot sa mga gawain.
Handa ka na ba? Ang dami ano? Pero huwag kang mag-alala, kayang-kaya mo
‘to.
Isang masayang pag-aaral sa iyo!

2
KASANAYANG PAMPAGKATUTO
Naisusulat ang buod ng binasang mga kabanata.
MELC (F10PU-IVb-c-86)

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


1. Natutukoy ang magkakaunud-sunod na pahayag upang makabuo ng
talata .
2. Nabibigyang halaga ang mga pangyayari sa bawat kabanata.
3. Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa binasang mga kabanata.

PAGTALAKAY SA ARALIN

PAGGANYAK

Kumusta aking masipag na mag-aaral!


Maari bang ikaw ay aanyayahan kong pumikit at isipin ang
mga kuwento, nobela o kahit ano pa mang iyong nabasa o
napanood na akda.

Pagkatapos, ikuwento mo sa pamamagitan ng Gawain sa


ibaba.

GAWAINː Ladder Story Map


PANUTO: Sa pamamagitan ng ladder,sumulat ng limang magkakasunud-
sunod na mahalagang nangyari o naging karanasan mo simula nung
tumigil ang face-to-face na klase sa panahon ng pandemiya.

5. _____________________________

4. _____________________________

3. ____________________________

2. ___________________________

1. __________________________

3
MAIKLING PAGTALAKAY

Ang Pagbubuod na tinatawag ay pagpapaikli ng nobela,


kuwento, sanaysay, at iba pang panitikan kung saan ang tutkuyin
lamang ay ang mahahalagang detalye at kaisipan.
Sa pagbubuod, may pagkakasunod ang mga pangyayari sa
mas maikling pagsasaad na maaaring sa pamamagitan ng maikling
sanaysay o pagbabanghay ng mahahalagang puntos upang mas
madaling matandaan at maunawaan ng mambabasa o nakikinig.
Ito ay may pangunahing detalye at maikling konklusyon.

MGA HAKBANG NA DAPAT SUNDIN SA PAGBUBUOD

1. Basahin, panoorin o pakinggan muna nang pahapyaw ang teksto.


2. Sa mga nakasulat o episodyo ng isang pinanood o pinakinggan, tukuyin
ang paksang pangungusap o pinakatema.Tukuyin ang mga susing salita
o key words.
3. Pag-ugnay-ugnayin ang mga ideyang ito upang mabuo ang pinakapunto
o tesis.

Sa pagsulat ng buod, kinakailangang


- basahin at unawaing mabuti ang binasa, pinakinggan o pinanood
- alamin ang mga kasagutan sa mga tanong na ano, saan, sino, kalian at bakit
- iwasan ang pagdaragdag ng sariling opinyon
- ilahad ito sa maliwanag na paraan
- gawing payak at tuwiran ang paglalahad

PANGUNAHING KATANGIAN NG PAGBUBUOD


Tinutukoy agad ang pangunahing ideya o punto kaugnay ng paksa.
Hindi inuulit ang mga salita ng may-akda; bagkus ay gumagamit ng sariling
pananalita.
Mga 1/3 ng teksto o mas maikli pa dito ang buod.

4
PAGSASANAY

Mula sa iyong mga nabasa, batid kong marami kang natutunan


at natitiyak kong handa ka na sa mga pagsasanay. Basahing
mabuti ang mga panuto at sagutin ang mga ito.

PAGSASANAY 1
Panuto: Ayusin ang sumusunod na pahayag upang makabuo ng isang
talata. Lagyan ng titik a hanggang e ang bawat bilang ayon sa
pagkakasunud-sunod nito. Pagkatapos, muling isulat ang nabuong talata.

_____ 1. Kung gayon, harapin natin nang buong tatag ang mga pagsubok na
iyan nang mapasaatin ang tagumpay na inaasam.
_____ 2. Hindi ito kusang dumarating.

_____ 3. Bawat hirap na ating maranasan sa pagtatamo nito ay hindi dapat


makasira ng ating loob.
_____ 4. Sa halip, ito’y pinagsisikapang makamit.
_____ 5. Ang tagumpay ay hinahangad na matamo ninuman.

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

PAGSASANAY 2
Panuto: Pagsunud-sunurin ang mga pangyayari sa Kabanata 1: Sa Ibabaw ng
Kubyerta. Lagyan ng bilang 1 hanggang 6 ang patlang ayon sa magkakasunud-
sunod na pangyayari.
_____. Hindi sinang-ayunan ni Don Custodio ang paraang iminungkahi ni
Simoun dahil maaari itong magsimula ng himagsikan.
_____ Nagmungkahi si Simoun na maghukay ng isang tuwid na daan mula
pagpasok hanggang sa paglabas ng Ilog Pasig. Ang mga lupang nahukay ay
siyang gagamitin upang takpan ang dating ilog.
_____ Sa halip, pilitin na mag-alaga ng itik ang lahat ng naninirahan malapit sa
Ilog Pasig. Sa gayon ay lalalim ang lawa sa kanilang pagkuha ng susong
pagkain ng pato. Ito’y hindi rin sinang-ayunan ni Donya Victorina dahil dadami
ang balot na pinandidirihan niya.
____ Pagtatrabahuhin ang mga bilanggo upang hindi mag-aksaya ng malaking
halagang pera. Kung hindi sapat ay pagtatrabahuhin din ang mamamayan ng
sapilitan at walang bayad.

5
_____ Umaga ng Disyembre, ang bapor tabo ay naglalakbay sa liku-likong
daan ng Ilog Pasig patungong Laguna.

_____ Sakay ng bapor sina Donya Victorina, Don Custodio, Benzayb, Padre
Salvi, Padre Sibyla, Padre Camorra, Padre Irene, at si Simoun. Paksa sa
usapan nila ang pagpapatuwid ng Ilog Pasig at ang mga Gawain ng Obras del
Puerto.

PAGSASANAY 3

Panuto: Sa talatang binubuo ng sampung pangungusap, ibuod ang El


Filibusterismo.

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
____________________________________________

PAGLALAGOM

Ang nobelang El Filibusterismo ay tumatalakay sa


mga problema ng mga Pilipino sa nakaraan. Nais ipakita
ni Rizal sa kanyang nobela ang matinding sakit sa lipunan
at bakit nangangailangan ng pagbabago ang bansa. Sa
ganitong paraan nagsindi siya ng apoy sa puso ng bawat
Pilipino at tumulong sa pag-aangat ng bansang Pilipinas.

APLIKASYON
PANUTO: Isa-isahin ang mahahalagang pangyayari na
nakapaloob sa mga kabanata ng El Filibusterismo. Gumamit ng
Story Ladder.

6
PAGTATAYA

PANUTO. Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. Siya ang itinuturing na tagapagligtas ng El Filibusterismo sa
kadahilanang siya ang tumustos sa perang kakailanganin sa
pagpapalimbag ng nobela.
a. Valentin Ventura c. Ferdinand Blumentritte
b. Juan Luna d. Maximo Viola
2. Ano ang kahulugan ng "El Filibusterismo".
a. Huwag Mo Akong Salingin c. Huwag Mo Akong Talikuran
b. Ang Paghahari ng Kasakiman d. Ang Pagpapakasakit
3. Ang El Filibusterismo ay pumapaksa sa ______________.
a. Pulitika at Rebolusyon c. Kasiyahan at Kaginhawaan
b. Pagmamahal at Pagkamakabayan d. Kapayapaan at Kayamanan
4. Tulad ng Noli Me Tangere, ang orihinal na manuskrito ng El
Filibusterismo ay nakasulat sa wikang _________________.
a. Ingles c. Pranses
b. Kastila d. Mandarin
5. Ang tatlong paring martir na pinag-alayan ng buong puso ni Jose Rizal
ng kanyang El Filibustersimo.
a. Mariano Zamora,Jose Gomez, Jacinto Burgos
b. Jose Burgos, Mariano Gomez, Jacinto Zamora
c. Jacinto Gomez, Mariano Gomez, Jose Zamora
d. Damaso, Camorra, Sibyla

SANGGUNIAN

Most Essential Learning Competencies. Filipino 10


Badua, Zenaida S.,Patnugot; Dominguez,LeticiaF.,Ph.D; Balazo, Iluminada C.
(Wika at Panitikan IV SEMP 2, Manwal ng Guro)., JGM & S Corporation

7
MGA SAGOT

MGA SAGOTMGA SAGOT


Pagganyak:

( Depende sa sagot ng mag-aaral)

Pagsasanay 1 Pagsasanay 2

1. e
2. b ( answer may vary)
3. d
4. c
5. a

Pagsasanay 3 Aplikasyon

(Answers vary) (Answers vary)

Pagtataya
1. d
2. b
3. a
4. b
5. b

You might also like