You are on page 1of 11

Republika ng Pilipinas

KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyon I
Sangay ng Ilocos Sur

SARILING
LINANGAN KIT SA
FILIPINO
10
Pamagat ng Aralin:

Mga Reperensiya/Batis ng
Impormasyon sa
Pananaliksik

KUWARTER: ____4_______ MELC NO. ____8_____


MELC:Nagagamit ang iba’t ibang reperensiya/batis ng
impormasyon sa pananaliksik

Pangalan ng Guro: WILMA S. BELMONTE


Paaralan: PURO NATIONAL HIGH SCHOOL
District: Magsingal

1
PAMANAHUNAN BILANG 4
GABAY NG MAG-AARAL SA
PAGKATUTO BILANG 8

PAUNANG SALITA

Tungkol sa Sariling Linangan Kit

Ang kagamitang ito ay para sa mga mag-aaral na huhubog sa kanilang


kaalaman sa kasalukuyang panahon na tinatawag nating “New Normal”. Kaagapay ito
ng bawat mag-aaral para sa buo at ganap na pagkatuto. Ito ay orihinal na ginawa at
binago ng guro para makamit ang mga inaasahang pamantayan ng K to 12 Kurikulum.

Sa panahon ngayon ng pandemya, nararapat pa rin na maipagpatuloy ng mga


mag-aaral ang pagdukal ng kaalaman sa tulong ng SLK na ito.
Bilang pagtugon sa pangangailangan ng edukasyon dahil sa umiiral na
pandemya, narito ang panibagong SLK na inihanda ko para sa iyo. Tulad ng ibang
modyul, madali lamang ang SLK na ito. Mahalaga lamang na magpokus at maglaan
ng kaunting oras upang matagumpay na matugunan ang pangangailangan ng SLK
na ito.
Sa pamamagitan ng SLK na ito, tiyak kong mas mauunawaan ang Kabanata
4 ng akda ni Jose Rizal na El Filibusterimo gayundin ang pananaliksik gamit ang
ibat’tibang batis ng impormasyon. Tuturuan kang mas higit na na mapahalagahan ang
akda sapagkat nakapaloob dito ang ilang gawaing tutulong sa iyong maimulat ang
puso at isipan sa mga naging kaganapan sa panahong nasulat ang akda.

KASANAYANG PAMPAGKATUTO
MELC

MELC
Nagagamit ang iba’t ibang reperensiya/ batis ng impormasyon sa pananaliksik.
(F10EP-IIf-33 )

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


1. Nakapagsasaliksik ng mga kalaman o impormasyon mula sa iba’t ibang
reperensiya o batis ng impormasyon.
2. Nabibigyang- halaga ang mga impormasyong nakuha mula sa iba’t
ibang reperensiya o batis ng impormasyon.
3. Nagagamit ang kaalamang nakuha mula sa iba’t ibang reperensiya o
batis ng impormasyon.

2
PAGTALAKAY SA ARALIN

PANIMULANG GAWAIN

Kumusta kaibigan!

Sa pangangalap ng datos o impormasyong kakailanganin,


nakatutulong ang paggamit ng iba’t ibang reperensiya o batis
ng impormasyon .

Ngayon kaibigan, handa ka na ba sa mga gawain kaugnay sa


pananaliksik?
Ipagpatuloy mo ang pag-aaral!

PANUTO: Isulat sa mga kahon ang mga katangian ni Kabesang Tales?Isulat ang
sagot sa kuwaderno.

Ano ano sa
palagay mo ang
mga katangian ni
KabesangTales?

____________________________________________________________

Binabati kita at nasagot mo ito ayon sa


iyong nalalaman.Maging masipag pa sapagkat
marami ka pang matututuhan sa SLK na ito.
Ngayon, maaari ka nang magpatuloy sa pag-
aaral sa SLK na ito.

MAIKLING PAGTALAKAY
Ang pananaliksik ay proseso ng pangangalap ng mga
totoong impormasyon na humahantong sa
kaalaman.Isinasagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng kung
ano ang nalalaman o napag-alaman na. Isang prosesong
mapagsuri, sistematiko o maparaan, organisado o nakaayos at
walang - kinikilingan( obhetibo)
Ang mga batis ng impormasyon o datos ayon kina
Mosura, et.al(1999) ay ang hanguang primarya at
sekondarya. Ang mga halimbawa ng hanguang Primarya ay
individual o autoridad, mga grupo o organisasyon, mga
pampublikong kasulatan.Samantalang mga hanguang
sekondarya naman ay aklat tulad ng Diksyunaryo, journal,
magasin,disertasyon,manuskrito at iba pa. ding hanguang
elektriko o internet-ito ngayon ang pinakamalawak at
pinakamabilis na hanguan ng impormasyon o datos /batis ng
impormasyon.
Ang mga layunin o kahalagahan ng pananaliksik ay
makadiskubre ng bagong kalaman,maging sulusyon sa
problema, umunlad ang kamalayan sa paligid,
makita ang kabisaan ng ginamit napamamaraan o istratehiya
at mabatid ang lawak ng kaalaman sa isang partikular na bagay.

O may nalaman ka na tungkol sa pananaliksik.?


Ngayon upang lalong magamit ang natutunan,
saliksikin ang Kabanata 4 ng El Filibusterismo
na pinamagatang Si Kabesang Tales
pagkatapos ay sagutin ang mga Pagsasanay .

PAGSASANAY

Mula sa iyong sinaliksik, batid kong mayroon kang


naintindihan at natitiyak kong handa ka na sa mga
pagsasanay. Basahing mabuti ang mga panuto at sagutin
ang mga ito.

PAGSASANAY 1
Panuto: Gamit ang diksyunaryo bilang reperensiya ibigay ang kahulugan ng mga
sumusunod na salita na ginamit sa Kabanata 4. Isulat ang sagot sa kuwaderno.
1. gulok-
2. Kabesa de Baranggay-
3.manilbihan -
4. laket
5. buwis -

PAGSASANAY 2
Panuto: Suriin ang Kabanata 4 – Kabaseng Tales
Punan ang mga kahon ng mga nangyari o naging kapalaran ni
Kabasang Tales sa kabanata. Isulat ang sagot sa kuwaderno.

Buod ng Kabanata 4- Si Kabesang Tales

Si Telesforo o mas kilala sa tawag na Tales ay anak ni Tandang Selo.


Inaalagaan niya ang isang bahagi ng kagubatan dahil sa palagay niya ay walang nag-
mamay-ari nito.Pinamuhunan niya ito kahit walang kasiguraduhan ang pag-unlad dito.
Subalit biglang inangkin ito ng korporasyon ng mga pari.Hinihingian ng nasabing
korporasyon si Tales ng dalampu o tatlumpong piso kada taon.
Tinanggap ni Tales ang utos na ito dala ng kanyang natural na kabaitan.
Habang lumalaki ang kanyang ani ay lumalaki rin ang hinihinging buwis ng
korporsyon.Hinirang siyang Kabesa ng barangay ng kanyang kanayon dahil sa
kanyang pag-unlad.Plano niyang pag-aralin si Juli ngunit di na nagawa dahil sa
pagtaas ng buwis.
Nang umabot sa sa dalawang daang piso ang buwis na hinihingi ay napilitan
siyang tumutol.Tinakot siya ng mga nanganagsiwa na kung di makapagbayad ay
ibigay sa iba ang lupa.
Naubos na ang kanyang pera sa pakikipaglaban sa hukuman subalit nanatili
paring bigo.Madalas may dalang baril kung pumunta sa bukid upang ipagtanggol ang
sarili kung sakaling may tulisan.
Pagkaraay ipinagbawal ang baril kayat kalaunay gulok naman ang kanyang
dala-dala. Nabihag si Tales ng mga tulisan at pinatutubos sa halagang limang daang
piso.
Napilitang ipagbenta ni Juli ang kanyang alahas maliban sa laket na bigay ni
Basilio. Ngunit hindi pari sumapat para makalabas si Tales kaya namasukan si Juli
bilang utusan.
Nalaman ni Tandang Selo ang ginawang iyon ni Juli kaya hindi ito makakain at
nakatulog nang gabing iyon. Sa halip ay umiyak nang umiyak ang matanda.

PAGSASANAY 3
Panuto: Gamit ang iba’t ibang reperensiya o batis ng impormasyon,saliksikin
at isulat ang mga sakit sa lipunan na makikita sa kabanata pagkatapos ay
ibigay ang manipestasyon o bahaging kakikitaan ng tinutukoy na sakit. Isulat
ang sagot sa kuwaderno.

KABANATA SAKIT SA MANIPESTASYON/


LIPUNAN Interpretasyon mula sa kabanata
Kabanata 1

Kabanata 2

Kabanata 3

Kabanata 4

PAGLALAGOM

Ang pananaliksik ay proseso ng pangangalap ng mga


totoong impormasyon na humahantong sa kaalaman.
Mahalaga ito dahil nakatutulong na madagdagan o
makadiskubre ng bagong kaalaman, mabatid ang lawak ng
kaalaman sa isang partikular na bagay, maging sulusyon sa
problema, at umunlad ang kamalayan sa paligid.
At sa pananaliksik nalaman natin ang naging kapalaran
ni Kabesaang Tales sa Kabanata 4 ng El Filibusterismo .

APLIKASYON
PANUTO: Sagutin ang tanong sa ibaba sa papamagitan ng pagkuha ng
impormasyon o pagsangguni sa mga indibiduwal ng kanilang ideya
sa tanong.Isulat ang sagot sa kuwaderno.

Bilang isang simpleng mamamayan ano ang


magagawa mo para malutas o magamot ang mga
nasabing sakit sa na tinutukoy sa mga kabanata?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
Rubrics sa pagbibigay ng puntos sa Aplikasyon at Pagtataya C
5 4 3 2 1
Malinaw at Malinaw at Angkop ang Di gaanong Walag
angkop na angkop ang sagot sa angkop sa kaugnayan sa
angkop ang sagot sa tanong tanong ang ang sagot sa
sagot sa tanong isinagot tanong
tanong
PAGTATAYA

A.PANUTO. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot. Isulat sa kuwaderno ang iyong
sagot.
1. Ang pananaliksik ay proseso ng pangangalap ng mga totoong impormasyon
na humahantong sa kaalaman
a. katotohanan c.pagkaunawa
b. kaalaman d. lahat ng nabanggit
2. Ang aklat tulad ngl Diksyunaryo, journal, magasin,disertasyon,manuskrito at
iba pa ay reperensiyang____
a primarya c. sekondarya
b.Internet d. pananaliksik
3. Ang mga halimbawa ng hanguang_______ ay individual o autoridad, mga grupo
o organisasyon, mga pampublikong kasulatan.
a. Primarya c. sekondarya
b. Elektriko oInternet d. pananaliksik
4.Ito ngayon ang pinakamalawak at pinakamabilis na hanguan ng impormasyon
o datos /batis ng impormasyon.
a. Primarya c. sekondarya
b. Elektriko oInternet d. pananaliksik
5. Ano ang pinakalayunin ng pananaliksik?
a. makadiskubre ng bagong kalaman
b maging sulusyon sa problema
c. umunlad ang kamalayan sa paligid
d. mabatid ang lawak ng kaalaman sa isang partikular na bagay
6. Yumaman si Kabesang Tales dahil sa_____.
a. tiyaga c.negosyo
b.illegal d.pagtutulak ng opiyom
7. Ano ang pangarap ni Kab.Tales kay Juli?
a.ipakasal kay Basilio c.makapag-aral
b.makapag-abroad d. wala
8. Bakit hindi na nakayanan ni Kabesang Tales na bayaran ang buwis ng kanyang
sa lupang sinasaka?
a.wala siyang ani c.bumagsak na ang sakahan
b.tinaasan nang tinaasan ang buwis d.marami siyang pinagkagastuhan

9. Bakit dinakip ng mga tulisan si Kab.Tales ?


a.dahil may perang nakita sa kanya at nakapagbayad ng abogado para sa kaso
niya.
b.dahil nakapatay siya
c.dahil hindi nakabayad ng buwis
d. nagdadala ng baril si Kabesang Tales.
10 Ano ang sakit sa lipunan na makikita sa kabanata 3?
a.colonial mentality c.mapaniwala sa pamahiin
b.diskriminasyon d. kawalan ng hustisiya
B.PANUTO:Isulat ang P kung hanguang Primarya at isulat ang S kung hanguang
Sekondarya ang nasa bawat bilang.Isulat ang sagot sa iyong
kuwaderno.

___1. Diksyunaryo ___6. jornal


___2. Awtoridad ___7. mga grupo
___3. Aklat ___8. disertasyon
___4. Magasin ___9. manustrito
___5. indibiduwal ___10.pampublikong kasulatan

C. PANUTO: Pagpapaliwanag
Sagutin ang tanong na: Bakit mahalaga ang
Pananaliksik?Isulat ang sagot sa kuwaderno.(5pts)

Rubrics sa pagbibigay ng puntos sa Pagtataya C


5 4 3 2 1
Malinaw at Malinaw at Angkop ang Di gaanong Walag
angkop na angkop ang sagot sa angkop sa kaugnayan sa
angkop ang sagot sa tanong tanong ang ang sagot sa
sagot sa tanong isinagot tanong
tanong

SANGGUNIAN

Google.KabanatabaIV.Nakuhasa https://www.slideshare.net/ilabmycrazyboifrendjen/ka
banata-v

Google. El Filibusterismo- Buod ng Bawat Kabanata. Nakuha sa


scrib.com/document/395697138/Ell- Filibusterismo- Buod- ng- Bawat—Kabanata-1-39-
Talasalitaan

Google. Talasalitaan-sa-el-filibusterismo . Nakuha sa


https://quizlet.com/62944771/talasalitaan-sa-el-filibusterismo-1-10-flash-cards/
SUSI NG PAGWAWASTO

Panimulang Gawain:
Mga Posibleng Katangian ni Kabesang Tales
Matapang
Matiyaga
Ipinaglalaban ang karapatan
Responsible
masipag

Pagsasanay 1

1. gulok- isang malaking kutsilyo/bolo


2. Kabesa de Baranggay-pinuno ng nayon noong panahon
ng Kastila
3.manilbihan -maglingkod
4. laket- agnos/kuwintas
5. buwis - perang dapat bayaran ng tao sa pamahalaan

Pagsasanay 2

NAGING KAPALARAN NI KABESANG TALES SA


KAB.4
*Naging kabesa de barangay
*Yumaman dahil sa tiyaga
*Nagbungkal ng lupa at umunlad ito
*Ipinaglaban niya ang lupaing kanyang sinasaka
*Nangarap na pag-aralin si Juli.
*Dinakip ng mga tulisan si Kab. Tales
Pagsasanay 3

KABANATA SAKIT SAMANIPESTASYON/


LIPUNAN Interpretasyon mula sa kabanata
Kabanata 1 diskriminasyonSa Kubyerta ng bapor Tabo, ang
mga mayayaman ay nasa itaas
ng bapor samantalang nasa baba
ng mga mahihirap.
Kabanata 2 Kolonyal na Si donya Victorina na nag-
mentalidad aastang Kastila

Kabanata 3 Kolonyal na Alamat ay marelihiyoso


mentalidad

Kabanata 4 Pag-aabuso ng Kinamkam ng korporasyon ng


karapatan ng prayle ang lupain ni Kab.Tales
Pilipinowalang
hustisiya

Aplikasyon (Iba- iba ang sagot ng mga mag-aaral)

Pagtataya A Pagtataya B
1. b 6.a
2. c 7.c 1. S 6. S
2. P 7. S
3. a 8.b
3. S 8. S
4. b 9.a 4. S 9. S
5. a 10.d 5. P 10. P

Pagtatay C
Posibleng sagot
Mahalaga ang pananaliksik dahil dito tayo ay nakakadiskubre ng
bagong kalaman,maaaring magbigay sulusyon sa problema,
maaring umunlad ang kamalayan sa paligid at makita ang kabisaan
ng ginamit na pamamaraan o istratehiya at mabatid ang lawak ng
kaalaman sa isang partikular na bagay ng dahil sa pananaliksik.
osibleng sagot

Rubrics sa pagbibigay ng puntos sa Aplikasyon at Pagtataya C


5 4 3 2 1
Malinaw at Malinaw at Angkop ang Di gaanong Walag
angkop na angkop ang sagot sa angkop sa kaugnayan sa
angkop ang sagot sa tanong tanong ang ang sagot sa
sagot sa tanong isinagot tanong
tanong

You might also like