You are on page 1of 21

Pagbasa at Pagsususri ng

Iba’t Ibang Teksto Tungo


sa Pananaliksik
Ikaapat na Markahan – Modyul 2
Mga Batayang Kaalaman sa
Pananaliksik
Aralin
Katuturan at Kahalagahan
1.1 ng Pananaliksik

````````````````Simulan

Bago tayo magsimula sa talakayan, alamin muna natin ang iyong inisyal na
kaalaman tungkol sa kasunod na paksa. Mangyaring isagawa mo lang ang gawain.

Gawain 1: Pinoy Henyo!

Panuto: Sa pamamagitan ng Cloud Cluster, magbigay ng mga salitang


maaring may kaugnayan sa salitang PANANALIKSIK.

3
Mahusay! Matagumpay mong naisagawa ang gawain. Ngayon, sa kasunod
na bahagi ng modyul ay ating matutuklasan ang kahulugan ng pananaliksik at iba
pang konseptong kaugnay nito.

Kahulugan ng Pananaliksik

Alam mo bang…
Ang salitang pananaliksik ay madalas na ginagamit sa pang-araw-araw na
buhay ng tao na nangangalap ng iba’t-ibang impormasyon, pag-unawa sa iba’t-
ibang teorya, at pagtuklas ng mga bagong kaalaman patungo sa isang bagong
produkto o awtput.

Sa pag-aaral ng pananaliksik, maraming dalubhasa ang nagbigay ng kani-


kanilang kahulugan sa pagsulat ng pananaliksik. Ang ilan dito ay ang mga
sumusunod.

 Good, 1963 – Ito ay isang maingat, kritikal, at disiplinadong pagtatanong ng


impormasyon sa pamamagitan ng iba’t ibang paraan na ayon sa kalikasan at
kalalagyan ng suliraning tinukoy tungo sa solusyon nito.
 Aquina, 1974 – Ito ay isang detalyadong kahulugan at isang sistematikong
paghahanap at pagsusuri sa mga importanteng impormasyon tungkol sa isang
tiyak na paksa o suliranin
 Manuel at Medel, 1976 – Ito ay isang proseso ng pangangalap ng
impormasyon o datos para masolusyonan ang isang karaniwang problema sa
paraang siyentipiko.
 Parel, 1966 – Isa itong sistematikong pag-aaral o imbestigasyon ng isang
bagay na ang layunin ay mabigyan ng sagot ang mga katanungan ng isang
nagsusuri o nananaliksik.
 E. Trece at J. W. Trece, 1973 – Ito ay isang pagsubok para makakuha ng
mga sagot ng mga walang katiyakan. Ito rin ay isang pag-iipon ng
impormasyon o datos sa isang kontroladong kalagayan para mahulaan at
makapaliwanag.
 Calderon at Gonzales, 1993 – Ayon sa kanila, ito naman ay isang sistematiko
at siyentipikong pamamaraan ng pag-iipon, pagsusuri, paglilinaw, pag-aayos,
pagpapaliwanag, at pagbibigay ng kahulugan ng isang datos o impormasyon na
nangangailangan ng solusyon sa problema. Ito rin ay ang palawakin sa mga
limitadong kaalaman at pagpakita ng pag-unlad sa buhay ng tao.
 Kerlinger, 1973 – Ayon naman sa kanya, ito ay isang sistematiko, kontrolado,
panigurado sa obserbasyon, at panunuri ng mga panukalang hypotetikal ukol
sa inaakalang relasyon sa mga natural na pangyayari

Iba-iba man ang mga binigay na kahulugan ng mga dalubhasa, mapapansin


na hindi ito nagkakalayo sa bawat isa. Madalas na mabanggit sa mga katuturan
ang mga salitang sistematiko, kontrolado sa kasagutan na tutugon sa isang
katanungan, samakatuwid ang kahulugan ng pananaliksik ay isang masistematiko
at maprosesong paghahanap ng mga impormasiyon na sasagot o lulutas sa isang
suliranin.

KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK

Lumalawak ang kaisipan ng isang mananaliksik dahil na rin sa walang tigil


na pagbasa, pagsusuri, paglalahad o paglalapat ng interpretasyon. Lumalawak ang
karanasan ng isang mananaliksik sa pagkalap ng mga mahahalagang datos,

4
paggalugad sa mga kaugnay pa nito. Nalilinang ang tiwala sa sarili at tumataas
ang respeto nito sa kaniyang sarili.
Maraming bumabagabag na mga katanungang maari lamang makuha ang
sagot kung patuloy tayong kumuha ng mga impormasyon sa pamamagitan ng
isang masusing pananaliksik. Ano-ano nga ba ang kahalagan nito para sa atin. Sa
pamamagitan ng pananaliksik ay naisasagawa ang pagkakategorya, paglalarawan
at pagpapaliwanag, prediksyon, pagmamanipula ng isang sitwasyon sa kahit na
anomang larangan ng pag-aaral.

A. Pagkakategorya (Categorization)
Ang pananaliksik na ito ay nakatutulong upang maihanay ang mga bagay sa
kapaligiran sa pamamagitan nito ay maihahanay ang mga bagay na magkakauri at
ang mga bagay na hindi.
Halimbawa:
“Ano-anong bansa ang kabilang sa tinatawag na ASEAN” o di kaya naman ay
“Aling bansa ang hindi kabilang sa ASEAN?”

B. Prediksiyon
Ang prediksyon sa pananaliksik ay tinatawag na HYPOTHESIS. Ito ay mga
pahayag na mayroon pang kalabuan ngunit mabibigyang linaw sa pamamagitan ng
isang masistematikong pag-aaral. Ito ay napakahalagang gamitin sapagkat
nagagamit din ito upang higit na maging madali ang pagtukoy sa mga bagay na
posibleng mangyari sa hinaharap.

C. Pagmamanipula (Control)
Ang tao ay walang kakayahang manipulahin ang kaganapan sa kanyang paligid
kagaya ng magiging reaksiyon ng isang tao tungkol sa isang bagay, ang pagbabago
ng panahon ang pagkakaroon ng sigalot at marami pang iba. Gayunpaman, kung
mauunawaan ng tao ang mga bagay na may kaugnayan sa isang pangyayari,
maaari ng paghandaan, iwasan o di kaya nama’y lutasin sa pamamagitan ng
pananaliksik.

D. Pagpapaliwanag (Explaining)
Maraming bagay ang hindi lubusang nauunawaan ng tao sa mundo. Sa tulong
ng mananaliksik, naipaliliwanag ng mas malinaw, makatotohanan, at may batayan
ang isang pangyayari.

Samakatuwid ang
kahalagahan ng pananaliksik
ay nakatutulong sa:

Sa sarili at pamilya
Sa paaralan
Sa lipunan
Sa daigdig

5
Gawain 2: Pag-unawa sa Tinalakay

Gawain 3: Ipaliwanag Mo!

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa inyong sagutang papel.


1. Bakit mahalaga ang komunikasyon sa ating lipunan?

2. Ipaliwanag kung bakit nasabing isang proseso ang komunikasyon?

3. Bakit nasabing ang proseso ng komunikasyon ay dinamiko? Magbigay ng


patunay nitong maiuugnay sa tunay na buhay.

4. Bakit kaya hindi tayo maaaring umiwas sa komunikasyon?

5. Bakit nasabing komplikado ang komunikasyon?

Gawain 4: Karanasan Ko, Iugnay Ko!


Panuto: Punan ng mga karanasang maiuugnay sa mga sagabal sa komunikasyon

Mga sagabal ng Karanasang kaugnay sa Paraan upang maiwasan o


komunikasyon mga sagabal ng maagapan ang mga
komunikasyon sagabal sa komunikasyon
1. Semantiko
2. Pisikal
3. Pisyolohikal
4. Sikolohikal

Binabati kita sa matagumpay mong pagsagot sa mga gawain! Sakali mang


may mga konsepto kang hindi maunawaan, maaari mo itong balikang muli.
Magpatuloy pa tayo upang mas mapayabong pa ang iyong kaalaman hinggil sa iba’t
ibang konseptong pangwika.

6
Lakbayin

Sa bahaging ito nais kong ikaw ay mas lalo pang sanayin ng maigi upang
malaman nang husto kung ano nga ba ang iba’t ibang alam mong impormasyon
sa ating napag-aralan tungkol sa kahalagahan ng pananaliksik. Nais kong
bigyang linaw mo ang gawaing naihanda para sa iyo.

Gawain 5: Pagtalakay

Panuto: Mula sa tinalakay sa yunit na ito. Pumili ng pinaka- nagustuhan sa apat


na kahalagahan ng pananaliksik at ipaliwanag mo ito gamit ang iyong sariling
salita sa mga sumusunod:

PAMILYA

SARILI

PAARALAN

LIPUNAN

7
Galugarin

Gawain 6: Pagdurugtong

Panuto: Dugtungan ang mga pahayag batay sa napag-aralan mo tungkol


kahulugan at kahalagahan ng pananaliksik. Isulat sa isang buong papel.

Naunawaan mo bang maigi ang aralin? Batid kong oo, ngunit kung hindi,
maaari mo ulit itong balikan upang iyo pang mas maunawaan. Kung oo, halika na’t
isagawa mo pa ang kasunod na gawain upang mas mapayaman mo pa ang iyong
kaalaman.

8
Palalimin

Gawain 7: Sagutin Mo!

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.
1. Ano ang papel-pananaliksik?

2. Bakit mahalaga ang pananaliksik sa panahon ngayon?

3. Paano magiging maayos ang isusulat na papel-pananaliksik?

Binabati kita sa matagumpay mong pagsagot sa mga Gawain. Ipagpatuloy mo pa ito.

9
Aralin

1.2 Katangian ng Pananaliksik

Simulan

Binabati kita mahal na mag-aaral. Napagtagumpayan mo ang mga aralin at


gawain sa nakaraang bahagi ng learning material na ito. Ngayon, tayo’y
magpapatuloy sa ating aralin. Handa ka na ba? Sige magsimula ka na sa paunang
gawain.

Gawain 1: Human Organizer

Panuto: Sa pamamagitan ng isang Human Organizer na makikita sa ibaba.


Ilagay ang mga natatanging katangian na alam mong taglay ng isang
magaling na mananaliksik.

10
Lakbayin

Alam mo bang …

May anim na katangian ang pananaliksik ayon kina (Calmorin at Calmorin,1995).


Ito ang mga sumusunod:

1. Empirikal- ang pangangalap ng datos ay nakasalalay sa praktikal na


karanasan ng mananaliksik sapagkat batay ito sa tuwirang obserbasyon o
karanasan ng mananaliksik.
Halimbawa:

Kapag sinabi ng isang tao na mayroong limang tao sa loob ng silid, magiging
katanggap-tanggap ang datos na iyon kapag naobserbahan na at na-verify ng ibang
tao ang limang tao sa loob ng silid na iyon. Samakatuwid, ang bilang ng tao ay
isang datos na empirikal. Ngunit kapag sinabing may limang multo sa loob ng
isang silid, maaaring sang-ayunan iyon ng isa o dalawa. Ibig sabihin, ang iba ay
maaaring tumutol at sabihing wala namang multo o kaya’y hindi naman lima ang
multo kundi ibang bilang. Ito ay sa kadahilanang ang mga multo ay halimbawa ng
mga di- empirikal na datos.

2. Lohikal- ang isang mananaliksik ay sumusunod sa metodong siyentipiko,


mayroong proseso sa pangangalap ng mga datos upang mapagkatiwalaan
ang magiging resulta ng pananaliksik. Pinag-iisipan ang mga pamamaraan
at prinsipyong ginagamit sa pananaliksik.
3. Siklikal o umiinog- nagsisimula sa suliranin at nagtatapos din sa
panibagong siluranin. Sa pagtugon sa suliranin sa pananaliksik; batay sa
konklusyon at rekomendasyon may panibagong suliranin ang nabubuo
upang lalo pang mapagtibay ang paksa o isyung sinasaliksik.
4. Mapanuri o analitikal- kailangan ng masusing pagsusuri sa pananaliksik,
simula pa lamang sa pangangalap ng mga datos hanggang sa pagsusuri ng
mga ito. Ang anomang uri ng pananaliksik ay ginagamitan ng malalim na
pag-iisip. Sa historical na pananaliksik, nakatuon ang mga datos sa
kasaysayan at pinagmulan ng mga isyung may kaugnayan sa isang paksa.
Samantala, nakatuon naman sa kasalukuyang sitwasyon ang deskriptibong
pananaliksik. Ang eksperimental na pananaliksik naman ay nakatuon sa
hinaharap na implikasyon ng isang isyu. Sa kaso ng pag-aaral (case study)
mahalaga ang pangangalap ng mga datos mula sa nakaraan, kasalukuyan
at hinaharap.
5. Nauulit- maaaring ulitin ang pananaliksik sa pareho o iba naming disenyo.
Dito mapatutunayan ang validity o katibayan ng mga datos at konklusyon.
6. Kritikal- kinakailangan ang kritikal na pagsusuri sa mga datos at hindi
lamang basta tinatanggap ang nakalap na mga impormasyon. Mahalaga ang
maging maingat at tiyak sa pananaliksik upang maging mataas ang
kumpiyansa sa ginawang pag-aaral.

11
Binabati kita! Nawa’y naunawaan mo nang mabuti ang mga katangian ng
pananaliksik ayon kina Calmorin at Calmorin 1995. Isagawa mo na ang
sumusunod na pagsasanay upang mahasa pa ang iyong kasanayan kung paano mo
maiaaplay ang mabisang katangian ng pananaliksik.

Galugarin

Gawain 2: Pag-unawa sa Binasa

Panuto: Magtala sa bawat kahon ng mga katangiang dapat taglayin ng isang


mahusay na pananaliksik.

A? B?

MGA KATANGIAN
NG ISANG
MAHUSAY NA
C? PANANALIKSIK D?

12
Palalimin

Gawain 3: Isulat mo!

Panuto: Mula sa pagtalakay sa itaas na Gawain, pumili ng isa sa katangian


ng isang mahusay na pananaliksik at ipaliwanag ito gamit ang iyong sariling
salita. Gamitin ang iyong sagutang papel.

Aralin
Tatlong Pangunahing
1.3 Disiplina sa Pananaliksik

Simulan

Muli kitang binabati dahil malayo na ang iyong narating sa ating pag-aaral.
Sa bahaging ito, panibagong aralin pa ang iyong matutunghayan. Mahalaga ito
upang mas malinang ang iyong pag-unawa sa mga konseptong pananaliksik.

Tatlo ang disiplinang pang-akademiko, sinasakop nito ang mga larangan na siyang
punto ng dalubhasa. Nakatala sa ibaba ang mga disiplina kabilang ang mga
larangang sumasailalim dito.

A. Humanidades (Humanities)
Wika (Linguistics o Language)
Panitikan (Literature)
Pilosopiya (Philosophy)
Teolohiya(Theology)
Mga Pinong Sining (Fine Arts)
Arkitektura (Architecture)
Teatro (Theatre)
Sining (Arts Literacy, Visual)
Musika (Music)

B. Agham Panlipunan (Social Sciences)


Sosya Oryentasiyon (Social Orientation)
Sosyolohiya (Sociology)
Sikolohiya (Psychology)

13
Paglilingkod Panlipunan (Social Work)

Negosyo/Pangangalakal (Business and Trade)


Ekonomiks (Economics)
Arkeolohiya (Archeology)
Antropolohiya (Antropology)
Edukasyon (Education)

Abogasya (Law)
Kasaysayan (History)
Agham Pulitika (Political Science

C. Agham Pisikal (Natural Science) Mga likas na Agham


Exact Sciences Pisika (Physics)
Matematika (Mathematics) Kemistri (Chemistry)
Biological Science Biyolohiya (Biology)
Panggugubat (Forestry) Agrikultura (Agriculture)
Botanika (Botany) Medisina (Medicine)
Soolohiya

Kahanga-hanga! Mahusay lahat ng iyong mga sagot sa gawain. Magpatuloy


ka pa upang mas malalim pa ang iyong pagkatuto.

Lakbayin

Alam mo bang ang…

HUMANIDADES ay ang pag-unawa sa tao sa mundo. Layunin nitong gawin tayong


tunay na tao sa pinakamataas na kahulugan nito. (J. Irwin Miller)
AGHAM PANLIPUNAN ay nagbibigay ng pangakong kalagayan ng tao; ang buhay
natin ay lubhang mapauunlad ng mas malalim na pag-unawa sa indibidwal at sa
kolektibong asal at kilos. (Nicholas A. Christakis)
AGHAM PISIKAL ay nakatuon sa mga property at interaksyon ng panahon, espasyo,
enerhiya, at matter.

14
Galugarin

Gawain 1: Layag-diwa

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong, isulat ang sagot sa sagutang
papel.

1. Maaari bang mapagsama ang siyensa at teknolohiya? Ipaliwanag sa


pamamagitan ng halimbawa.

2. Maaari bang magkasama ang (a) sining at siyensya; at (b) ang sining at
teknolohiya? Ipaliwanag ang mga sagot. Magbigay ng mga halimbawa.
a.

b.

3. Saan maaaring magamit ang matematika? Magsagawa ng pananaliksik o


kaya’y interbyu sa mga guro at mag-aaral ng matematika.

15
Palalimin

Gawain 2: Salok-Dunong
Panuto: Pumili ng isa sa mga disiplina sa larangan ng siyensya na ginawan ng
isang sulatin o nabasang isang sulatin. Isulat ang pamagat nito at punan ang
graphic organizer na maglalarawan ng metodong ginamit. Gumamit ng sagutang
papel.
PAMAGAT:

Pahayag ng Problema

Pagkolekta ng Impormasyon

Pagbuo ng Hipotesis

Pagsubok ng Hipotesis

Kongklusyon: Resulta Kongklusyon: Resulta

16
Aralin Tungkulin at
1.4 Responsibilidad ng
Mananaliksik

Simulan

Binabati kita mahal kong mag-aaral dahil nakarating ka na sa huling aralin


sa modyul na ito. Magtiyaga ka pa sa pag-aaral para mas mapayabong pa ang
iyong kaalaman sa iba pang konseptong pangwika. Tara na’t simulan na natin.

Gawain 1: Katangian ko, Ibigay Mo!

Panuto: Ibigay ang katangiang dapat taglayin ng isang mananaliksik. Gamitin ang
salitang RISERTSER sa pagbibigay ng katangian ng isang mananaliksik:

R-

I-

S-

E-

R-

T-

S-

E-

R-

Humahanga ako sa iyong pagsagot sa gawain! Ngayon atin nang alamin ang
mga tungkulin at responsibilidad ng mananaliksik.

17
Lakbayin

Katangian ng Mananaliksik

Mahalagang isaalang-alang mabuti at taglayin ng isang mananaliksik ang


katangian bilang gampanin sa pagsasagawa ng pananaliksik. Dapat taglayin
niya ang mga sumusunod na gampanin at responsibilidad. Ayon sa pag-
aaral ni (Calmorin 1995) nagbigay siya ng mahahalagang katangian at ito
ang mga sumusunod:

1. Matalino at masiyasat ng mga karunungan- ang mananaliksik ay mahilig


mangalap ng impormasyon, magsiyasat ng mga bagay-bagay sa kanyang
paligid, at inaalam ng isang mananaliksik ang kaugnayan ng mga bagay sa
isa’t-isa at salik ng mga ito.
2. May mahusay na paghuhusga- ang paggamit ng apat na M- Man
(mapagkukunang tao ng impormasyon), Money (magagastos na salapi),
Materyal (materyales o kagamitan), Machinery (makinarya) ay maiuugnay rito.
Ang isang mananaliksiksik ay nagsasagawa ng kanyang pag-aaral sa tamang
panahon, lugar ng matatalino, matipid at epektibo.
3. Mapanuri- ang isang mananaliksik ay hindi agad-agad naniniwala sa kanyang
mga nababasa, naririnig o namamasid. Mahusay na inaalam niya ang
katotohanan ng mga impormasyong kanyang nakalap. Ito’y kanyang sinusuri
ng husto upang ang mga datos ay may sapat na katibayan at kayang
panindigan ang nabuong papel.
4. Matapat- isinasaalang-alang ng isang mananaliksik ang wastong datos at
hindi nangongopya upang maiwasan ang isyu ng plagyarismo. Hindi
nandaraya at inilalahad ang katotohanan ng pananaliksik.

Plagyarismo (PLAGIARISM)

Ang isang mananaliksik ay dapat malaman kung ano nga ba ang


kahulugan ng salitang PLAGYARISMO. Ayon sa The New Lexicon Webster’s
Dictionary, binigyan niya ng kahulugan ang salitang plagyarismo- ito ay
tumutukoy sa paggamit o pangongopya ng kaisipan, imbenysiyon, sulatin, at
iba pa na mula sa ibang tao na hindi binabanggit ang pangalan ng pinagkunan.

Mga Dapat Isa-alang-alang upang maiwasan ang Plagyarismo

1. Palaging banggitin ang pinagkukunan ng mga impormasyon. Kung hindi


tuwirang sisipiin ang mga tala mula sa sanggunian. Makabubuti na ihawig
na lamang sa sariling pananalita ang kaisipan.
2. Lahat ng mga datos na makukuha ay itala sa isang note card upang hindi
makalimutan ang sangguniang pinagkunan ng impormasyon. Lagyan din
ng panipi (΄΄) ang mga direktang sipi.

18
3. Itala rin ang mga detalye ukol sa pinagkuhanan ng impormasyon katulad
ng may-akda, taon kung kalian ito naisulat, nag-imprenta, pahina at iba pa
upang maitala ito sa sanggunian o bibliograpiya.
4. Itala sa listahan ng mga sanggunian ang lahat ng mga datos na nakalap.
Maaari ring gumamit ng parentetikal na dokumentasyon () sa pagbanggit ng
pinagkukunan ng mga datos.
5. Sundin ang panuntunan ng pagsulat ng mga datos ayon sa estilo ng
dokumentasiyon.

Galugarin

Narito ang halimbawa ng isang masinop at maingat na pagtatala.

Ang pananaliksik ay “sistematiko, kontrolado, empirikal at kritikal na


pagsusuri sa mga haypotetikal na proposisyon ukol sa pagkakaugnay-ugnay ng
mga bagay sa isang phenomena.” (walliman 2011; mula kay Kerlinger 1970:8)

Ayon kay Kothari (2006) sa kanyang aklat na Research Methodology: Methods


& Techniques, ang pananaliksik ay pagpupursiging malaman ang katotohanan sa
tulong ng pag-aaral, pagmamasid, pagkukumpara at pag-eeksperimento; ang
pananaliksik sa karunungan sa pamamagitan ng mga layunin at masistematikong
paraan ng paghahanap ng mga solusyon sa isang suliranin.

Samakatuwid, ang pagkopya ng mga impormasyon ay walang angkop na


pagtatala at pagbabanggit ng sanggunian ay isang plagyarismo. Maging ang
simpleng pag-copy at pag-paste ng mga impormasyon at pinasa bilang proyekto sa
guro ng walang nakasulat na sanggunian ay isa ring plagyarismo. Ang ganitong
gawain ay may kaparusahan sa ating batas. Kaya bilang isang mananaliksik,
mahalaga na itala ang mga sanggunian o pinagkuhanan ng datos na magsisilbing
patunay na rin sa isinasagawang pag-aaral.

Naway naunawaan mo ang iba’t-ibang katangian ng isang mabuting


mananaliksik at mga bagay-bagay na dapat iwasan ng isang mananaliksik. Ngayon
naman, isagawa mo na ang ilang kasanayan na inihanda ng guro dito sa araling ito.

19
Palalimin

Gawain 2: Pagpapatalas ng TALAS-alitaan

Panuto: Magsaliksik at ibigay ang kahulugan ang mga sumusunod na termino.

1. Mananaliksik-

.
2. Plagyarismo-

.
3. Pananaliksik-

.
4. Sistematiko-

Gawain 3: Punan Mo!

Panuto: Punan ng hinihinging impormasyon ang patlang. Piliin ang tamang salita
mula sa kahon.

Ang Pananaliksik ay isang 1. 2. ng mga


bagong 3. gamit ang mga nakalap na
4. upang 5. ang
isang suliranin. Ang isang mananaliksik ay dapat na maging
6. sa kanyang ginagawang pagsasaliksik at maging
7. sa kanyang materyal at kapwa
8. . Ang 9. din ng mananaliksik
ay dapat na nakabatay 10. ng kanyang tentatibong balangkas.

sistematikong Datos masolusyonan Layunin obhetibo


Kaalaman Rasyunal matapat Mananaliksik Pagtuklas

Binabati kita sa mahusay mong pagganap! Ipagpatuloy ito.

20
Sukatin

Mahusay! Binabati kita dahil nakaabot ka sa parteng ito. Tiyak marami kang
natutuhan sa iba’t ibang mga aralin sa Modyul na ito. Ngayon, ating tatayahin ang
iyong kaalaman sa nakalipas na mga aralin.

PANGWAKAS NA PAGTATAYA
Panuto: Bigyan ng mga kasagutan ang hinihingi ng bawat tanong na
makikita sa ibaba. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.

Lubos na Mahusay! Binabati kita sa matiyaga mong pagsama sa


pagtalakay sa mga aralin. Alam kong nakapapagod maglakbay ngunit sulit
naman dahil matagumpay mong natutuhan ang mga dapat mong malaman
tungkol sa Pananaliksik. Ihanda mo ang iyong sarili sa kasunod na
modyul – Modyul 2 (Mga Bahagi at Proseso ng Pananaliksik).

21
22

You might also like