You are on page 1of 13

1

Pangkalahatang Panuto

Tatalakayin ang iilan sa mga hakbang sa pagsulat


ng isang papel pananaliksik. Basahin, intindihin, at gawin
ang mga gawaing inihanda sa modyul na ito.

Paunang Pagtataya

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na


pahayag at sabihin kung tama o mali. Isulat ang T
kung tama ang pahayag at M kung mali sa patlang
na nakalaan sa bawat bilang.

1. Ang pahayag ng tesis ay naglalahad ng pangunahin o sentral na ideya


ng sulating pananaliksik.

2. Ang bawat uri ng pananaliksik ay hindi nangangailangan ng


naaangkop na datos upang makamit ang layunin ng mga ito.

3. Mga halimbawa ng qualitative data ay kulay, tekstura, lasa,


damdamin, mga pangyayari, at sasagot sa mga tanong na paano at bakit.

4. Ang tawag sa pananaliksik na nangangailangan ng datos numerical na


ginagamitan ng mga operasyong matematikal ay quantitative data.

5. Ang pahayag ng tesis ay naglalahad ng pangunahin o sentral na ideya


ng sulating pananaliksik.

22
ARALIN 8
YUGTO NG PAGKATUTO

TUKLASIN

Gumawa ng GANNT Chart ng plano kaugnay sa kukuning


mga datos. Gawing gabay ang tsart na nasa
ibaba sa paglalapat ng mga datos at impormasyon. Isulat ang sagot sa isang buong papel.

Datos 1. Opinyon at Saloobin ukol sa Pagtatanggal ng Asignaturang Filipino


sa Kolehiyo

PETSA

Mga Gawain

Pagtataya ng
Gawain

Datos 2. Mabuti at Hindi Mabuting Epekto ng pagpapatupad ng K to 12 na Kurikulum

PETSA

Mga Gawain

Pagtataya ng
Gawain

Mga gabay na tanong:


Panuto: Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Ano ang kahalagahan ng pagplano sa pangangalap ng impormasyon?

2. Paano mo maisasagawa ang iyong mga plano sa pangangalap ng datos?

3
LINANGIN

Pangangalap ng Paunang Impormasyon


Sa mga naunang aralin sa kabanatang ito ay nalaman
mo at natuto kang pumili at maglimita ng paksa para
susulating papel pananaliksik. Mula sa mga
natutunang iyon ay susunod naman na hakbang ay ang pagsulat ng pahayag ng tesis o mas
kilala sa tawag sa Ingles na thesis statement na hahanguin mula sa iyong paksa.
Para makabuo ng isang mahusay na pahayag ng tesis, ito ay nangangailangan
muna ng mga paunang impormasyon o mga kaalaman tungkol sa napiling paksa.

Mga Mapagkakatiwalaang Mapagkukunan ng Paunang


Impormasyon
Sa pangangalap ng paunang impormasyon ay hindi muna ito ang malawakan at
malalimang pangangalap ng datos at impormasyon subalit kailangan ang kaalaman kung
ano at saan makakuha at makakalap ng mga magpakakatiwalaang impormasyon.
Maraming mga puwedeng mapagkukunan subalit maging maingat sa pagpili at
pagkuha ng impormasyon. Kinakailangang sisiguraduhin na beripikado, tumpak, mabisa,
at kompleto ang mga datos at impormasyon na kukunin.
Sa Internet kailangang maging mapanuri sa mga impormasyong makukuha. May
mga web site na maituturing na mapagkakatiwalaan kagaya ng mga domain extension
na nagtatapos sa .edu.gov at .org.
Sa lahat ng mga posibleng mapagkukunan, ang silid-aklatan pa rin ang
napakahalagang lugar sa inyong paaralan ang mapagkunan ng mga impormasyon sa
gagawing pananaliksik. Maraming maging sanggunian gaya ng aklat, almanac, atlas, at
encyclopedia, gayundin ng pahayagan, journal, at magasin. Sisiguraduhin lang kung
kailan inilimbag ang aklat sapagkat kung higit sampung taon na mula sa pagkalathala ang
aklat ay maaaring may mga bagong impormasyon na sa kasalukuyan na maaaring angkop
sa susulating papel pananaliksik.

Gawain 1

Panuto: Ipaliwanag ang sagot sa mga sumusunod na


tanong sa pamamagitan ng survey at panayam. Isulat
ang sagot sa espasyong nakalaan sa bawat bilang.
1. Bakit mahalagang tiyakin ng isang mananaliksik
na mapagkakatiwalaan ang mga pinagkukunan ng
impormasyon?

44 4
Sagot sa survey:


2. Ano-anong mga bagay ang dapat isaisip ng isang mananaliksik kapag


nangangalap ng impormasyon sa Internet?
Sagot sa survey:


3. Bakit iminumungkahi ang paggamit sa mga sangguniang matatagpuan sa silid-


aklatan?
Sagot sa survey:


4. Ano sa palagay mo ang dahilan kung bakit kinakailangang tingnan ang petsa o
taon kung kailang nailimbag ang aklat? May kinalaman ba ang petsa kung
kailan inilathala ang aklat sa nilalaman nito?
Sagot sa survey:


5. Bakit mahalaga ang maayos na pag-oorganisa sa mga paunang


impormasyon na nakalap ng mananaliksik?
Sagot sa survey:


PAGYAMANIN

Mga Uri ng Datos


Ang pananaliksik ay may iba’t ibang uri. Ang bawat
uri ng pananaliksik ay may kanya-kanyang layunin na nais
makamit at nangangailangan ng angkop na datos.
Ang mananaliksik ay
nangangailangan ng tamang metodo sa pagkalap ng mga datos.

5
5
Isa sa uri ng datos ay datos ng kalidad o qualitative data na kung saan ito ay
nagsasalaysay o naglalarawan o pareho ang layunin. Halimbawa ng qualitative data ay
damdamin, lasa, tekstura, kulay, mga pangyayari at ang mga katanungang sasagot sa
paano at bakit.
Samantala, may mga papel pananaliksik na nangangailangan ng datos na
numerika na ginagamitan ng istadistika at ito ang datos ng kailanan o quantitative
data. Ito ay tumutukoy sa dami o bilang ng mga sagot ng mga sinarbey.

Gawain 2

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan


sa ibaba. Isulat ang sagot sa nakalaang espasyo.

1. Ano-ano ang mga uri ng datos sa pananaliksik?

2. Ano ang datos ng kalidad o qualitative data?

3. Ano naman ang datos ng kailanan o quantitative data?

66
Gawain 3

Panuto: Punan ang mga konsepto ukol sa pahayag


ng tesis o thesis statement. Ipaliwanag. Isulat ang
sagot sa papel.

Pahayag
ng Tesis

Ang Pahayag ng Tesis o Thesis Statement

Kailangang ang mananaliksik ay may kabatiran kung saan siya patungo sa


kaniyang gagawing pananaliksik. Kaya ang pahayag ng tesis ay mahalaga sapagkat ito
ay naglalahad ng sentral na ideya ng sulating pananaliksik. Isa itong matibay na pahayag
na nagpapakita sa pinapanigang posisyon o pananaw ng mananaliksik na handa niyang
patunayan sa pamamagitan ng pangangalap ng datos at impormasyon.
Ito rin ay nagbibigay batid sa mga mambabasa kung tungkol saan ang sulating
pananaliksik at nagbibigay direksyong sa paghahanap ng mga impormasyon tungkol sa
paksang pinag-aralan.

Pagbuo ng Mahusay na Pahayag ng Tesis

Ang pangangalap ng paunang impormasyon ay mahalaga sa pagbuo ng mahusay


na pahayag ng tesis. Dapat suriing mabuti ang mga impormasyon na nakalap at kung
sapat na ang mga ebidensiyang nakuha ay maaari ng makabuo ng isang mahusay na
pahayag ng tesis.

77
Ayon kay Dayag at del Rosario (2016), maaaring masubok kung mahusay o
matibay ang nabuong pahayag ng tesis sa pamamagitan ng pagsagot sa sumusunod:
 Nakasasagot ba ito sa isang tiyak na tanong?
 Tumutugma ba ito sa sakop ng pag-aaral?
 Nakapokus ba ito sa isang ideya lang?
 Maaari bang patunayan ang posisyong pinaninindigan nito sa
pamamagitan ng pananaliksik?

Mga Paraan ng Paglalahad sa Pahayag ng Tesis


Ayon kay Samuels (2004), maaari itong isagawa sa alinman sa
sumusunod na mga paraan:
 Isulat sa pamamagitan ng isang suliranin at isama rito ang iyong opinyon o
posisyon.
 Talakayin ang kasalukuyang kalagayan ng isang isyu o suliranin at
maghinuha kung paano ito maaaring malutas.
 Mag-isip ng maaaring maging solusyon sa isang suliranin.
 Tingnan ang isyu o paksa sa isang bago at naiibang perkspektibo o pananaw.
 Magpanukala kung paanong ang mundo sana ay naiiba ngayon kung
nangyari/hindi nangyari ang mga bagay-bagay sa nakalipas.
 Pagkomparahin ang dalawang bagay na halos magkapareho at bigyan ang mga
ito ng marka.
 Maglahad ng iyong mga ideya kung paanong naimpluwensiyahan ang isang
paksa kaya ito naging ganito o ganoon.

Matutunghayan sa ibaba ang mga halimbawa ng paksa at ang pahayag ng tesis na


nabuo mula rito. Ang mga halimbawa ay mula kina Dayag at del Rosario (2016).
Paksa:
Pangunahing dahilan kung bakit tinatangkilik ang isang awiting isinalin sa ibang
lengguwahe
Tesis:
Bukod sa himig at ritmo, tinatangkilik ang isinaling awit kung naisalin ang ideya
ng orihinal na awit nang hindi hinahabol o isinisiksik ang titik ng pinagsalinang
lengguwahe sa tono ng orihinal na awit.

Paksa:
Pagiging popular sa mga manonood ng mga loveteam sa telebisyon at pelikula
Tesis:
Isinasabuhay ng mga loveteam ang romantikong pantasya ng mga manonood
ng telebisyon at pelikula kaya suportado o tinatangkilik nila ito.

88
Paksa:
Mas pinipili ng mga tao ang mga kapehan bilang lugar para sa
socialization kompara sa mga fastfood outlets, restoran, o karinderya.
Tesis:
Kasabay ng kanilang pagsikat, ang mga kapehan ay nakapag-project ng imahe sa
lipunan sa tulong ng media bilang lugar kung saan nagkikita-kita o nakikipagkilala ang
mga tao na sinusuportahan naman ng kanilang arkitektura, internal na disenyo, at
pagtawag sa pangalan ng kostumer na bumuli kaya siya nakikilala ng iba pang mga
kostumer sa loob ng kapihan.

Gawain 4

Panuto: Basahin at unawain ang bawat datos na


nakalahad sa ibaba. Isulat sa patlang bago sa bilang
kung ang datos ay nagpapakita ng kalidad (qualitative
data) o nagpapakita ng kailanan (quantitative data).

1. Mga mag-aaral sa Grade 11

o 250 na mag-aaral
o 150 na babae, 100 na lalaki
o 25 ang nag dropped
o 5% ang palaging lumiliban sa klase

Mga Kadalasang Lumiliban sa Klase


2.
o Lalaki
o Babae
o Buo ang pamilya ng respondent
o Hiwalay ang pamilya ng respondent

Mga dahilan sa pagpili ng track at strand sa SHS


3.
o Madali ang mga asignatura
o Mahirap ang mga asignatura
o Gustong magkolehiyo pagkatapos ng SHS
o Gustong magkatrabaho agad pagkatapos ng SHS

99
Pananaw ng mga kabataan sa panukalang
4.
tanggalin ang asignaturang Filipino sa Kolehiyo

o Kailangang panatilihin sa kurikulum


o Kailangang tanggalin sa kurikulum
o Hindi makatarungan ang panukalang iyan
o Makatarungan ang panukalang iyan

5. Masarap na tinda sa kantina

o Banana cue
o Hot cake
o Bread
o Junk foods

Gawain 5
Panuto: Basahin at suriin ang mga impormasyon at
datos na inilahad sa bawat bilang. Mula sa mga
impormasyong inilahad ay bumuo ka ng tanong na
nais mong matuklasan pa na nangangailangan pa ng
kaukulang pag-aaral. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

1.
Maraming mag-aaral sa high school at kolehiyo ang nagtatrabaho ng part time
para makatulong sa mga gastusin sa kanilang pag-aaral. Bukod sa salaping kinikita, may
mas malaking pakinabang ang mga kabataang ito sa kanilang pagtatrabaho. Sa
pamamagitan kasi nito’y nalilinang sa kanila ang mahuhusay na ugali sa pagtatrabaho na
tinatawag na “work ethics”. Ayon sa obserbasyon ng mga employer, napansin nilang
mas madaling matuto, mas may pokus sa trabaho, at mas mahusay makibagay sa mga
katrabaho ang mga empleyado nilang nagtrabaho ng part time habang nag-aaral pa.
Gayunpama’y napansin din nilang karaniwang marka nila ay hindi gaanong matataas at
bibihira sa mga nagtrabaho habang nag-aaral ang nakatapos nang may mataas na
karangalan.
Mula sa “Pinagyamang Pluma”
Ni Dayag at del Rosario

10
10
Gumawa ng tanong na nais mong masagot na kailangan pang ihanap ng
karagdagang impormasyon bago masagot.

2.
Naiwan ko ang aking smartphone sa bahay at pakiramdam ko’y hindi ako
kompleto dahil isang bahagi ng buhay ko ang wala sa akin. Halos hindi ko binibitawan
ang aking smartphone sa maghapon. Lagi nang nakadikit ang earphones sa tainga ko at
nakikinig sa paborito kong playlist ng Maroon 5 habang nag-tse-chek ako ng e-mail at
nag-a-update sa aking Instagram at facebook account. Dahil hindi ako nasanay magsuot ng
relo ay sa smartphone din ako nakadepende sa pagtingin sa oras. Dito rin nakalagay ang
schedule ko sa maghapon. Sa mga oras tulad nitong matrapik ay nalilibang ko sana ang
aking sarili sa paglalaro ng mga paborito kong app. Hindi rin ako mapakali dahil tiyak na
marami nang nagte-text sa akin ngayon. At mamaya sa klase, tiyak na wala akong
magagamit na aklat dahil ang e-book ko ay naka-store sa aking smartphone.
Mula sa “Pinagyamang Pluma”
Ni Dayag at del Rosario

Gumawa ng tanong na nais mong masagot na kailangan pang ihanap ng karagdagang


impormasyon bago masagot.

3.
Ang pagkakaroon ng magagandang marka sa high school ay patunay na may
pansariling disiplina ang isang mag-aaral. Maliban kasi sa paghahanda para sa mga aralin
sa silid-aralan, ang isang mag-aaral sa high school ay karaniwan ding sumasali sa iba’t
ibang gawaing extracurricular tulad ng pakikilahok sa clubs, isports, kontes, at iba pa.
Idagdag pa ang maraming lakad o gimik ng barkada. Kung kulang sa disiplinang pansarili
ang isang mag-aaral ay maaaring maubos ang kanyang oras sa mga gawaing walang
kaugnayan sa kanyang pag-aaral at maging isang malaking hamon sa kanya ang
pagkakaroon ng hindi lang pasado kundi mahuhusay na marka. Isa sa mga kinokonsidera
sa pagtanggap ng mga mag-aaral sa mga kolehiyo ay kung nababalanse ba ng mag-aaral
ang pagiging abala sa iba’t ibang gawain at ang pag-aaral. Ang magagandang marka sa
kabila ng pagiging abala ay magpapatunay na nagawa ito. Naniniwala silang magiging
matagumpay sa kolehiyo ang mag-aaral na nagtataglay ng ganitong katangian.
Mula sa “Pinagyamang Pluma”
Ni Dayag at del Rosario

11
11
Gumawa ng tanong na nais mong masagot na kailangan pang ihanap ng
karagdagang impormasyon bago masagot.

PAGLIPAT

Panuto: Mula sa nabuo mong mga katanungan sa Gawain 3,


gumawa ka ngayon ng pahayag ng tesis (thesis statement).
Isulat ang iyong sagot sa kahon na nasa ibaba.

Panukalang Pahayag

12
12
Pagkatapos makabuo ng pahayag ng tesis, gamitin ang tseklist sa ibaba upang
masuri kung ang iyong binuong pahayag ng tesis ay matibay o mahusay. (Dayag at de
Rosario, 2016). Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Isulat dito Sumasagot ba Tumutugma ba Nakapokus ba Maaari bang


ang binuo ito sa isang ito sa sakop ng ito sa isang patunayan ang
mong tiyak na pag- aaral? ideya lang? posisyong
Pahayag ng tanong? pinaninindigan
Tesis nito sa
pamamagitan ng
pananalisik?

PAGLALAHAT

Napayaman mo ang iyong kaalaman sa pangangalap ng


paunang impormasyon at pagbuo ng pahayag ng tesis sa
pagbuo ng isang papel pananaliksik. Ngayon, handing-handa
ka na sa susunod na modyul.
Binabati kita!

You might also like