You are on page 1of 8

LEARNING ACTIVITY SHEET

QUARTER 4/2nd SEMESTER, WEEK 1

Pangalan:__________________________Baitang/Seksyon: ______Iskor:______
Asignatura: FILIPINO 11 Guro: ____________________________Petsa: ______

I. Pamagat ng Gawain: Pagkikilala sa kahulugan, etika, uri, at katangian ng


pananaliksik.

II. Uri ng Gawain: Pagpapaunawa ng konsepto

Pangkalahatang Pagsusulit
( Gawaing Pasulat Gawaing Pagganap)

III. MELC: Nasusuri ang ilang halimbawang pananaliksik sa Filipino batay sa


layunin, gamit, metodo, at etika ng pananaliksik F11PB – IVab – 100

IV. Layunin ng Pag-aaral:


 Natutukoy ang kahulugan, layunin, at gamit ng pananaliksik.
 Napapahalagahan ang mga konseptong ito sa mabisang pagsusuri ng mga
halimbawa ng pananaliksik
 Nakagagawa ng isang mabisang pagsusuri sa mga halimbawang
pananaliksik gamit ang mga konsepto

V. Sanggunian:
Print Material/s:
 Pinagyamang Pluma 11 (Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo
sa Pananaliksik). Alma M. Dayag at Mary Grace G. Del Rosario. p. 121-131
at p. 134-138.

Online Resource/s:
 Google.com/https://takdangaralin.ph/abstrak/
 Google.com/https://lucy-criearte.blogspot.com
 Google.com/https://www.academia.edu/35822176/
April 28, 2021

VI. Pagpapaunawa ng konsepto:


Pananaliksik
Isang sistematikong proseso ng pangangalap, pag-aanalisa, at pagbibigay -
kahulugan sa mga datos mula sa mga mapagkakatiwalaang mapagkunan ng

1
impormasyon upang masagot ang isang tanong, upang makadagdag sa umiiral na
kaalaman.
Ayon naman kay Galero-Tejero (2011), ang pananaliksik ay may tatlong
mahahalagang layunin: Una, makahanap ng isang teorya. Pangalawa, mula sa
pananaliksik ay malalaman ang katotohanan sa teoryang ito. Pangatlo, makuha ang
kasagutan sa mga makaagham na problema o suliranin.
Ayon kay Clarke (2005), ang pananalikisik ay isang maingat, sistematiko, at
obhetibong imbestigasyon na isinasagawa upang makakuha ng mga balidong
katotohanan, makabuo ng kongklusyon, at makalikha ng mga simulaing kaugnay ng
tinukoy na suliranin ng ilang larangang ng karunungan.
Binigyang-kahulugan nina Nuncio et al.(2013), ang pananaliksik bilang
isang lohikal na proseso ng paghahanap ng sagot sa mga tanong ng mananalikisik
na nakabatay sa problema at metodo ng pag-aaral tungo sa produksiyon ng
maraming kaalaman at kasanayan upang makatugon sa pangangailangan ng tao at
lipunan.
Kung lalagumin natin ang ibinigay mga depinisyon, nagkakaisa ang mga
manunulat sa pagsasabi na ang pananaliksik ay sistematiko at obhetibong pag-
aanalisa na humahantong sa paglalahat ng kongklusyon.

Sina Calderon at Gonzales(1992) ay nagbigay ng mga layunin sa pananaliksik


tulad ng sumusunod:
1. Upang makasumpong ng sagot sa mga suliraning hindi pa nabibigyang-
lunas.
2. Upang makabuo ng batayang pagpapasiya sa industriya, edukasyon,
pamahalaan, at iba pa.
3. Upang makapagbigay-kasiyahan sa kuryosidad o pagiging mausisa.
4. Upang makatuklas ng bagong kaalaman.
5. Upang mapatunayan ang mga umiiral na kaalaman.

Mga Katangian ng Pananaliksik


1. Obhetibo
 Naglalahad ng mga impormasyong hindi basta galing sa opinyon o kuro-
kurong pinapanigan ng manunulat kundi nakabatay sa mga datos na maingat
na sinaliksik, tinaya at sinuri
2. Sistematiko
 Ito ay sumusunod sa lohikal na mga hakbang o proseso patungo sa
pagpapatunay ng isang katanggap-tanggap na kongklusyon.
3. Napapanahon O Maiiugnay sa Kasalukuyan
 Nakabatay sa kasalukuyang panahon. Nakasasagot sa suliranin at ang
kalalabasan ay maaring maging basehan sa desisyong pangkasalukuyan.
4. Empirikal
 Ang kongklusyon ay nakabatay sa mga nakalap na datos mula sa tunay na
naranasan at/ o na-obserbahan ng mananaliksik
5. Kritikal
 Maaring masuri at mapatunayan ng iba pang mananaliksik ang ang proseso
at kinalabasan ng pagaaral dahil taglay nito ang maingat at tamang
paghahabi at paghahatol ng mananaliksi.

2
6. Masinop, Malinis at Tumutugon sa Pamantayan
 Nararapat itong sumusunod sa mga pamantayang inilahad at kakikitaan ng
pagiging masinop at malinis sa kabuoan.
Mga Uri ng Pananaliksik
Basic. Makatutulong ang resulta nito para makapagbigay pa ng karagdagang
impormasyon sa isang kaalamang umiiral na sa kasalukuyan.

Halimbawa ng basic research:


 Pananaliksik tungkol sa epekto ng haba ng oras na inilalaan ng mga kabataan
sa paggamit ng Facebook sa kanilang pakikitungo sa mga tao sa kanilang
paligid.
 Pananaliksik tungkol sa font na ginagamit ng mga vandals sa Metro Manila
 Pananaliksik tungkol sa katangian ng mga boy band na hinahangaan ng mga
kabataan sa isang barangay.

Action. Ginagamit upang makahanap ng solusyon masagot ang mga


espesipikong mga tanong ng isang mananaliksik na may kinalaman sa kanyang
larangan. Ang resulta nito ay ginagamit ding batayan sa pagpapabuti ng bagay na
siyang paksa ng pananaliksik.
Halimbawa ng action research:
 Pananaliksik sa pinaka-epektibong bilang ng mga miyembro tuwing may
pangkatang gawain ang inyong klase sa Filipino upang masigurong ang lahat
ay tumutulong o nakikibahagi at natututo sa mga gawain
 Pananaliksik tungkol sa epekto ng pagkakaroon ng mga eksta- kurikular na
mga gawain ng mga estudyante sa inyong paaralan sa kanilang academic
performance
 Pananaliksik kung may epekto ba ang pagkakaroon ng part time job sa
pagkatuto ng mga estudyante sa ikalabing-isang baiting sa inyong paaralan.

Applied. Ginagamit o inilalapat sa karamihan ng populasyon.


Halimbawa ng applied research:
 Pananaliksik kung paano nagaganap ang bullying.
 Pananaliksik kung bakit sumasali sa mga gang ang mga kabataan sa isang
komunidad.

3
KAYA MO ITO
Gawain 1
Panuto: Tukuyin ang inilalarawan sa mga pahayag. Isulat ang titik ng iyong sagot.
1. Ito ay sistematikong proseso ng pangangalap, pag-aanalisa, at pagbibigay-
kahulugan sa mga datos.
a. Pag-aaral c. Pananaliksik
b. Pagsusuri d. Pagsasalin
2. Ayon sa kanya, ang pananaliksik ay mayroong tatlong mahahalagang layunin.
a. Nuncio c. Clarke
b. Calderon at Gonzales d. Galero-Tejero
3. Masasabing taglay ng pananaliksik ang katangiang ito kapag ang kalalabasan
ng pag-aaral ay maaring maging basehan sa desisyong pangkasalukuyan.
a. Obhetibo c. Napapanahon
b. Sistematiko d. Kritikal
4. Uri ng pananaliksik na naglalayong makapagbigay ng karagdagang
impormasyon tungkol sa isang tiyak na paksa.
a. Basic Research c. Action Research
b. Mixed Research d. Practical Research
5. Uri ng pananaliksik kung saan ang mga suliranin ay may kinalaman sa
larangang kinabibilangan ng mananaliksik.
a. Basic Research c. Action Research
b. Mixed Research d. Practical Research
Gawain 2
Panuto: Batay sa mga salita o pahayag, tukuyin ang manunulat na nagbigay ng
kahulugan ng pananaliksik.
1.
Salita o Pahayag Manunulat
1. Imbestigasyon
2. Lohikal na proseso
3. Makahanap ng isang teorya
4. Makaagham na problema
5. Pangangailangan ng tao

Gawain 3
Panuto: Punan ang patlang ng kulang na salita upang mabuo ang diwa ng pahayag.
1. Ang pananaliksik ay naglalayong makatuklas ng _____________ sa mga
suliraning pangkasalukuyan.
2. Ginagamit ang pananaliksik upang matugunan ang __________ o pagiging
mausisa.
3. Isa sa pangunahing layunin ng pananaliksik ay ang makapagbigay ng
___________ kaalaman mapakikinabangan sa kasalukuyan.
4. Ang pananaliksik ay ginagamit rin upang __________ ang kawastuhan o kamalian
ng umiiral na kaalaman.

4
5. Nagkakaisa ang mga manunulat na ang pananaliksik ay sistematiko at obhetibong
pag-aanalisa na humahantong sa ______________.

MARAMI KA PANG MAGAGAWA


Gawain 4
Panuto: Isulat ang salitang Tama sa patlang bago ang bilang kung ang pahayag ay
makatotohanan. Kung mali, isulat sa patlang ang salitang magpapawasto ng
pahayag.

______________1. Ang pananaliksik ay mahalagang kakitaan ng maayos na


proseso sa lahat ng mga hakbanging isasagawa.
______________2. Ang pananaliksik ay tumutukoy sa pangangalap, pag-aanalisa,
at pagbibigay -linaw sa mga datos,
______________3. Mapagkakatiwalaang mapagkunan ng impormasyon ang
ginagamit sa pananaliksik upang masagot ang mga tanong sa
pananaliksik.
______________4. Ayon kay Galero-Tejero (2019), ang pananaliksik ay may limang
mahahalagang layunin
______________5. Isinasagawa ang pananaliksik upang makuha ang kasagutan sa
mga makaagham na problema o suliranin.

Gawain 5
Panuto: Tukuyin kung anong uri ng pananaliksik ang binibigyang-turing ng pahayag
sa bawat bilang. Gamitin ang talahanayan sa pagsagot.

Pahayag Uri ng Pananaliksik


1. Nagpapalawak ng kaalaman
2. Nakapagbibigay solusyon
3. Kadalasang ginagamit sa edukasyon
4. Hindi nagbibigay ng praktikal na
solusyon
5. Nagagamit ang resulta sa ibang lugar

Gawain 6
Panuto: Isulat sa blangkong kahon ang mahalagang salitang may kaugnayan sa
bawat konsepto. Maaring magsulat ng hanggang dalawang salita.

Mga Katangian ng Pananaliksik Mga susing salita


1. Obhetibo
2. Sitematiko
3. Empirikal
4. Kritikal
5. Napapanahon

5
SUBUKIN ANG IYONG SARILI
Gawain 7
Panuto: Tukuyin ang katangian ng pananaliksik na inilalarawan ng pahayag.

______________1. Ang mga datos na nakalap ng mananaliksik ay dumaan sa


pagsusuring istatistikal at naging batayan sa pagbibigay-
kahulugan at pagbuo ng kongklusyon ng pananaliksik.
______________2. Bago magsagawa ng pananaliksik, bumuo ang mananaliksik ng
plano sa mga hakbanging isasakatuparan upang maging
maayos ang daloy ng pag-aaral.
______________3. Pinili ng mananaliksik na magsagawa ng pag-aaral tungkol sa
global warming upang matugunan ang pangangailangan ng
kasalukuyang panahon.
______________4. Gumagamit ng iba pang pag-aaral at mapagkakatiwalaang
impormasyon ang mananaliksik upang patunayan ang kaniyang
mga pahayag.
______________5. Ang mga datos na numerikal ay ginagamit bilang batayan sa
pagbibigay interpretasyon sa kinalabasan ng pag-aaral.

Gawain 8
Panuto: Punan ang patlang upang mabuo ang diwa ng pahayag.

1. Upang maging obhetibo ang pananaliksik, ang nilalaman nito ay hindi


maaaring nakabatay sa ____________ lamang.
2. Kapag ang pananaliksik ay lohikal at sumunod sa malinaw na proseso,
masasabing pananaliksik ay _______________.
3. Ang pananaliksik ay kinakailangang nakasasagot sa kasalukuyang suliranin
upang ito ay maituturing na ______________.
4. Ang pananaliksik ay empirikal kung ang _____________ ay nakabatay sa
mga nakalap na datos.
5. Ang pananaliksik ay nakabatay sa mga datos na maingat na sinaliksik, tinaya
at ___________.

Gawain 9
Panuto: Tukuyin kung sa anong uri ng pananaliksik nabibilang ang mga sumusunod
na paksa. Ang pagpipilian ay nasa titik a, b, at c. Isulat ang titik ng iyong sagot.

a. Basic Research b. Action Research c. Applied Research

1. Ang masamang epekto ng paglalaro ng computer games ng mga kabataan sa


kanilang grado.
2. Ang sanhi at epekto ng pagtatapon ng basura sa kapaligiran at paano ito
malulutasan.
3. Ang bilang ng mga mag-aaral na pumapasok sa paaralan sa bakasyon.

6
4. Ang epekto ng hindi buong pamilya sa pamumuhay at akademiko ng mga mag-
aaral.
5. Makabagong teknolohiya at ang epekto nito sa pag-uugali ng mga mag-aaral sa
mga piling paaralan ng Quezon City.

DAGDAGAN MO PA
Gawain 10
Panuto: Ayusin ang ginulong titik ng nakadiing salita upang maisa-isa ang mga
layunin ng pananaliksik.
1. Makatuklas ng sagot sa mga suliraning hindi pa nahahanapan ng sluysoon.
2. Makatulong sa ikauunlad ng pamahalaaan, eadksyuon, at iba’t ibang
industriya.
3. Matugunan ang mga bagay na nais bigyang-wlian.
4. Makapagbigay ng mga bagong mlkaaaan.
5. Mapatunayan ang kawastuhan ng mga ideya at knisipaag kasalukuyang
ginagamit sa iba’t ibang larangan.

Gawain 11
Panuto: Punan ng mga nawawalang titik para mabuo ang kasagutan.
1. Ano ang marapat isaalang-alang sa pagpili ng paksa?
I T E

2. Upang maging mas kapaki-pakinabang, ano ang katangiang inaasahang taglayin


ng paksang pipiliin?
N A P N A O

3. Bago simulan ang pananaliksik, ano ang dapat isaalang-alang kaugnay ng


mapagkukuhanan ng mga impormasyon?
S T

4. Bukod sa dapat ay nais mong pag-aralan ang isang paksa, ano ang marapat
isaalang-alang at bigyang-tuon sa pagsasakatuparan ng pananaliksik?
P A O

5. Ano ang marapat gawin upang maging payak o mas malinaw ang tunguhin ng
pananaliksik?
L M A N

7
Gawain 12
Panuto: Batay sa mga kahulugang napag-aralan mo sa araling ito, bumuo ng iyong
sariling kahulugan ng pananaliksik sa loob ng tatlo hanggang limang pangungusap.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________.

You might also like