You are on page 1of 3

LEARNING ACTIVITY SHEET

QUARTER 4/2nd SEMESTER, WEEK 1-2

Pangalan:__________________________Baitang/Seksyon: ______Iskor:______
Asignatura: FILIPINO 11 Guro: ____________________________Petsa: ______

I. Pamagat ng Gawain: Pagsusuri sa ilang halimbawa ng pananaliksik batay sa


layunin, uri, metodo, at katangian nito.

II. Uri ng Gawain: Pagpapaunawa ng konsepto

Pangkalahatang Pagsusulit
( Gawaing Pasulat Gawaing Pagganap)

III. MELC: Nasusuri ang ilang halimbawang pananaliksik sa Filipino batay sa


layunin, gamit, metodo, at etika ng pananaliksik F11PB – IVab – 100

IV. Layunin ng Pag-aaral


 Nalalaman ang iba’t ibang konsepto ng pananaliksik tungo sa isang mabisang
pagsusuri nito.
 Nasasagot nang mahusay ang iba’t ibang gawain sa pagsusuri ng
halimbawang pananaliksik.

V. Sanggunian:
Print Material/s:
 Pinagyamang Pluma 11 (Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo
sa Pananaliksik). Alma M. Dayag at Mary Grace G. Del Rosario. p. 121-131
at p. 134-138.

Online Resource/s:
 Google.com/https://line.17qq.com/articles/ngdhnmhlv_p6.html
April 29, 2021

VI. Pangkalahatang Pagsusulit:


Panuto: Suriin ang mga sumusunod na pahayag at isulat ang titik ng angkop na
sagot.
1. Anong uri ng pananaliksik ang ginamit kung ang suliraning binibigyang sagot
ay may kaugnayan sa larangang kinabibilangan ng mananaliksik?
a. Basic Research c. Applied Research
b. Action Research d. Mixed Research

1
2. Ayon kina Nuncio, anong katangian ang dapat taglayin ng proseso sa
pagsasakatuparan ng pananaliksik?
a. Sistematiko c. Lohikal
b. Maka-agham d. Kritikal
3. Anong katangian ang taglay ng pananaliksik kung ang kongklusyon nito ay
nababatay sa mga datos na nakalap sa pag-aaral?
a. Obhetibo c. Kritikal
b. Empirikal d. Sistematiko
4. Upang makahanap ng sagot sa mga tanong sa pananaliksik, mahalaga ang
mapagkukunan ng mapagkakatiwalaang ___________. Anong salita ang
bubuo sa diwa ng pangungusapo?
a. Sanligan c. Opinyon
b. Impormasyon d. Pananaw
5. Sa prosesong tatakahin ng mananaliksik, anong katangian ng pananaliksik
ang marapat isaalang-alang?
a. Obhetibo c. Kritikal
b. Empirikal d. Sistematiko

Panuto: Suriin ang abstrak ng pananaliksik sa ibaba at sagutin ang mga katanungan
pagkatapos nito.
Pagdebelop ng Gabay sa Pagtuturo ng Pagbasa at Pagsusuri Tungo sa
Pananaliksik
Ang pananaliksik na ito ay may layuning magdebelop ng gabay sa pagtuturo
ng asignaturang Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik na binubuo
ng mga layunin, mungkahing pamamaraan sa pagtuturo, pagsusulit at pagsasanay,
at karagdagang kagamitang pampagtuturo. Ang suliraning ginamit bilang gabay sa
pananaliksik na ito ay ang kakulangan ng kagamitang pampagtuturo.
Batay sa naging ebalwasyon, mayroong mataas na baliditi ang nabuong
gabay sa pagtuturo. Ang nilalaman na mayroong overall mean na 4.85 (Lubos na
Katanggap-Tanggap); pormat na 4.65 (Lubos na Katanggap-Tanggap);
presentasyon at kaayusan na 4.64 (Lubos na Katanggap-Tanggap); at kawastuhan
at napapanahon ang mga impormasyon na maryoong overall mean na 4.53 (Lubos
na Katanggap-Tanggap). Sa kabuuan, ang gabay sa pagtuturo ay mayroong grand
mean na 4.66 at ito ay nangangahulugang ang kagamitang nabuo ay mayroong
mataaas na baliditi o lubos na katanggap-tanggap.
Kaugnay ng isinagawang pag-aaral, buong pagpapakumbabang
iminumungkahi ng mananaliksik sa mga kinauukulang indibidwal pangkat,
tanggapan o institusyon ang mga sumusunod na rekomendasyon. Iminumungkahi
sa mga guro na bigyan ng pagkakataon ang gabay sa pagtuturong nabuo upang
aktuwal na magamit. Magbigay ng mga puna o mungkahi upang mapabuti ang
kagamitan. Buong pagpapakumbabang pinapayuhan rin ang mga administrador o
tagapamahala ng paaralan na lipunin ang mga kagamitang sariling gawa ng kanilang
mga guro. Makatutulong ito sa pagpapaunlad ng reputasyon ng paaralan. Bigyang
pagkilala at pagkakataon ang mga sariling gawang kagamitan ng mga guro upang
mapakinabangan ng paaralan

2
6. Anong uri ng pananaliksik ang angkop sa pananaliksik na ito?
7. Ano ang layunin ng pananaliksik?
8. Ano ang metodo na ginamit sa pananaliksik?
9-10. Alin sa mga katangian ng pananaliksik sa ibaba ang dalawang katangiang
pangunahing taglay ng pananaliksik na binasa? Isulat lamang ang mga titik na
kumakatawan sa iyong sagot.
a. Obhetibo b. Sistematiko c. Napapanahon d. Empirikal e. Kritikal f. Masinop

Panuto: Suriin ang abstrak ng pananaliksik sa ibaba at sagutin ang mga katanungan
pagkatapos nito.
Mga Epekto ng Maagang Pagbubuntis sa Sta Rosa Alaminos
Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang malaman at mabatid kung ano ang
mga pinagdadaan ng mga batang ina sa anim na aspeto: emosyonal, espiritwal,
mental, pinansyal, relasyonal at sosyal. Ang sinabing pananaliksik ay sumailalim sa
quantitative method at ginamitan ng nonrandom convenient sampling, kung saan
ang mga respondente ay pinili ng mga mananaliksik batay sa “convenience”. Ang
bilang ng mga tagatugon ay tatlumpo’t lima (35) na batang ina na may edad na
labindalawa hanggang labing-walo na naninirahan sa Sta. Rosa Alaminos, Laguna.
Ang lumabas na resulta ay walang pagkakaiba ang mean score ng anim na salik
kapag grinupo sa antas ng huling pag-pasok, edad ng unang panganganak at kapag
igrinupo sa pagkakakilanlan; kung ito ay tumigil o ipinag patuloy ang kanilang pag-
aaral at mayroong pagkakaiba sa mean score sa emosyonal at sosyal na salik
kapag igrinupo sa estadong marital.

11. Anong uri ng pananaliksik ang angkop sa pananaliksik na ito?


12. Ano ang layunin ng pananaliksik?
13. Ano ang metodo na ginamit sa pananaliksik?
14-15. Anong katangian ang nangingibabaw sa pananaliksik? Pangatwiranan ang
iyong sagot.
___________________________________________________________________

You might also like