You are on page 1of 12

Republic of the Philippines

Department of Education
Region V
SCHOOLS DIVISION OF SORSOGON
BULAN NATIONAL HIGH SCHOOL
PINAPASIMPLENG GAWAING PAMPAGKATUTO SA
PAGBASA AT PAGSUSURI SA IBA’T IBANG URI NG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
Pangalawang Semester-Bilang 9

Pangalan: ____________________________________________
Petsa:_______________________
Baitang/Seksiyon: __________________________________

I. PANIMULANG KONSEPTO

Sa gawaing pampagkatuto na ito ay matutunan mo ang pagusuri sa mga


halimbawang pananaliksik sa Filipino batay sa layunin, gamit, metodo at etika sa
pananaliksik.

II. KASANAYANG PAMPAGKATUTO


Nasusuri ang ilang halimbawang pananaliksik sa Filipino batay sa layunin, gamit,
metodo, at etika sa pananaliksik.

III. MGA GAWAIN

A. PAGBALIK-ARALAN MO!

Panuto: Suriin ang isinasaad ng bawat talatang halaw sa mga nagawang pag-aaral.
Isulat ang letrang L kung layunin, M kung metodo, G kung gamit, at E kung etika
ang isinasaad nito sa inyong sagutang papel.
1.
Gabay na talatanungan at video recorder ang dalawang pangunahing instrumento
ng pag-aaral na ito.
Ang mga tanong sa talatanungan ay nakaayos ayon sa tamang daloy ng
pagsasagawa ng panayam. Sinuri muna ito at dumaan sa validation para sa kabisaan nito.
Ang video recorder naman ay inihanda bago isagawa ang mga panayam sa bawat
kalahok. Humingi muna ng pahintulot para sa pagkuha ng record ang mananaliksik.
Halaw sa pag-aaral ni Fungo
(2015)
2.
Ang pag-aaral na ito ay sasagutin ang mga sumusunod na katanungan ayon sa:
1. Ano ang pagkakakilanlan ng mga batang ina ayon sa:
1.1 Antas ng Edukasyon;
1.2 Edad ng Unang Panganganak;
1.3 Marital Status; at,
1.4 Tumigil o Pinagpatuloy ang Pag-aaral.
2. Ang mga pinagdadaanang karanasan ng mga batang ina ayon sa iba't ibang salik.
2.1 Emosyonal;
2.2 Espiritwal;
2.3 Mental;
2.4 Pinansyal;
2.5 Relasyonal; at,
2.6 Sosyal.
3. May pagkakaiba ba ang mean score ng mga respondente kapag grinupo ayon sa
pagkakakilanlan.
3.1 Antas ng Edukasyon;
3.2 Edad ng Unang Panganganak;
3.3 Marital Status; at,
3.4 Tumigil o Ipinagpatuloy ang Pag-aaral.
Halaw sa pag-aaral ni Averion, et al. (2015)
3.
Ang pag-aaral na ito ay sumailalim sa Quantitative method sapagkat mas
angkop itong gamitin dahil sa laki ng sample size na kailangan ng pag-aaral. Ginamit din
ang Sarbey method sa pag-aaral na ito upang malikom ang panayam ng mga respondent
ukol sa mga katanungang nakasaad sa survey questionnaire. Nakalikom ng siyamnapu’t
walong (98) tugon ang sarbey. Sa bilang na ito, apatnapu’t apat (44) ay babae, at
limampu’t lima (55) naman ang lalaki. Ang mga tumugon naman na mula sa
labingdalawang baitang ay apatnapu’t isa (44), at limampu’t pito (57) ang sumagot mula
sa ikalabing-isang baitang.
Halaw sa pag-aaral ni Carillo, et.al. (2019)

4.
Ang ilang mga hakbang na ginawa sa pag-aaral ay una, humingi ng pahintulot
ng pananaliksik ang mananaliksik sa administrador, mga magulang ng kalahok,
tagapangasiwa, at mga gurong kasangkot sa isinagawang pag-aaral. Sumunod ay
binuo ang talatanungan tungkol sa pananaw ng mga mag-aaral hinggil sa espasyo ng
wikang Filipino sa klase ng Matematika at talatanungan para sa panayam sa mga piling
mag-aaral ng baitang 9 sa pamamagitan ng focus group discussion (FGD). Matapos
mabuo ang mga talatanungan ay ang pagpapakita at pagpapabalido sa mga eksperto.
Nagsagawa ang mananaliksik ng dalawang ulit na tiglilimang pagmamasid sa klase ng
Matematika.
Halaw sa pag-aaral nina Broadway at Zamora (2018)

5.
Nangolekta ang mananaliksik ng mga sulatin ng mga mag-aaral mula sa
Pamantasan ng Ateneo de Manila na kumukuha ng klaseng Filipino for Non-Filipino
Speakers. Labinlimang mga mag-aaral na mula sa antas ng intermediate o panggitnang
lebel ang mga kalahok sa pag-aaral na ito. Sa pagtatapos ng ikalawang semestre
(akademikong taong 2015-2016), pinasulat ang mga mag-aaral ng maikling sanaysay
sa wikang Filipino tungkol sa paglalarawan sa kanilang sarili, ginawa noong nakaraang
bakasyon, mga balak sa darating na bakasyon at mga ginagawa sa pang-araw-araw.
Pinili ang mga tanong upang makakuha ng mga pangungusap na magtataglay ng mga
pang-uri at iba’t ibang aspekto ng pandiwa.
Halaw sa pag-aaral ni Laranjo (2016)

B. PAG-ARALAN MO!
Basahin mo.

PAGSUSURI NG PANANALIKSIK

Ano ang pagsusuri ng pananaliksik?

Ang pagsusuri o rebyu ng pananaliksik ay isang akademikong sulatin


na may layuning tingnan o sipatin ang nilalaman ng isang pananaliksik. Ito ay
pag-aanalisa sa kalakasan at kahinaan ng isang pananaliksik. Ito ay
sistematikong paraan ng pagtataya sa pananaliksik at sa mga resultang
natuklasan nito. (https: education.nova.edu)
Ang layunin ng pagsusuri ng pananaliksik ay para malaman kung ang
mga natuklasan ay kapaki-pakinabang para sa iyo. (Brink & Wood, 2001)

Bakit kailangan ang pagsusuri ng pananaliksik?

Hindi lahat ng mga pananaliksik na nagawa ay “scientifically sound” o


hindi makaagham ang tunog. Maaari ding ang mga resulta ay hindi nabigyan ng
suporta ang kanilang pagiging balido at maaaring magpahiwatig ng pagiging
bias. Kaya kailangan ng pagsusuri para maitama at mapaunlad ang
pananaliksik. (Polit at Beck, 2006)
Ano ang aspekto ng pagsusuri ng pananaliksik?

May apat na pangunahing aspekto ng pagsusuri ng pananaliksik. Ito ay ang


mga sumusunod:
1. Pag-unawa sa layunin at suliranin, habang tinitiyak kung ang disenyo at
metodolohiya ay tumutugma sa layunin.
2. Pag-alam sa kung ang metodo ay tamang nai-apply.
3. Pag-aanalisa kung ang resulta at kongklusyon ay kapani-paniwala at
sinusuportahan ng mga natuklasan
4. Pagtingin sa pangkalahatang kalidad, kalakasan at mga limitasyon.
(Holder, 2003)

Ano ang mga hakbang sa pagsusuri ng pananaliksik?

Ang pagsusuri ng pananaliksik ay hindi basta-bastang ginagawa. Ito ay


may sinusunod ng mga hakbang sa paraan ng paggawa. Kailangan munang
ibuod ng tagasuri ang pananaliksik, bago gawin ang pagbibigay ng puna sa
mga detalye nito. Nararapat ding ang gagawa ng rebyu ay may kaalaman sa
pagbuo ng pananaliksik upang maging maganda ang pagsusuri.
Maliban sa mga nabanggit, may dalawang napakamahalagang hakbang
sa pagsusuri ng pananaliksik. Ito ay ang mga sumusunod:
1. Basahin ang buong artikulo ng pananaliksik para maintindihan
kahalagahan at ambag nito sa pagdebelop ng kaalaman.
2. Basahin ulit ang artikulo, pagtuunan ng pansin ang katanungang
umaangkop sa bawat bahagi ng proseso ng pagsusuri. (Holder, 2003)

Ano ang uri ng mga tanong sa pagsusuri ng pananaliksik?

Ang mga tanong sa pagsusuri ng pananaliksik ay nahahati sa iba’t ibang uri (Burns
at Groove, 2001):
1. Suliranin at Layuning mga Tanong
Suliranin: Ano ang suliraning inilalahad sa pananaliksik? Ano ang suliraning nais bigyan ng
solusyon?
Layunin: Ano ang layunin ng pananaliksik? Malinaw ba ito? Ang pananaliksik ba ay maaaring
idagdag bilang literatura?

2. Metodolohiyang Tanong
Respondents: Ano ang target na populasyon para sa pananaliksik? Paano pinili ang mga
respondents? Sino ang mga kasali? Sino ang hindi? Gaano karami ang sample?
Instrumento: Ano ang instrumento o gamit sa pananaliksik? Sino ang gumawa ng
instrumento? Gaano kabalido at kapani-paniwala ang instrumento? Ang instrumento ba ay
sumusukat sa mga varyabol? Ang mananaliksik ba ay naglarawan kung paano kukunin ang
kahulugan at iskor mula sa instrumento?
Disenyo: Ano ang ispesipikong disenyong ginamit? Paano nilikom ang datos? Ano ang mga
hakbang sa panahon ng pananaliksik? May mga potensya na limitasyon ba ang nakilala at
nabigyan ng karampatang aksyon?
Pag-aanalisa ng Datos: Ang mga estratehiya ba sa pag-aanalisa ay angkop sa pananaliksik?
Ang mga paraan ba sa paglikom ng datos ay kapani-paniwala?

3. Interpretasyon at Pagtatalakay na mga Tanong


Interpretasyon: Ang mga interpretasyon ba ay batay sa nakuhang datos?
Malinaw bang nakikilala ng mananaliksik ang aktuwal na resulta at interpretasyon?
Pagtatalakay: Ang mga natuklasan ba ay tinalakay kaugnay sa mga nakaraang
pananaliksik at sa konseptuwal/teoretikal na batayan? Ang mga datos ba na tinatalakay ay
ang aktuwal na nakalap? May mga hindi ba kanais-nais na paglalahat na ginawa na lagpas
sa simple ng pag-aaral? Ang mga limitasyon ba ng resulta ay tiniyak? Nabigyan ba ng
katwiran ang kongklusyon?

Paano isusulat ang pagsusuri ng pananaliksik?

Ang pagsulat ng pagsusuri ng pananaliksik ay nakaangkla sa mga tanong na inilahad


sa unahan. Ngunit, ito ay may sinusunod na pangunahing hakbangin ayon sa San Jose State
University (2005)

Sanayang Papel sa Pagkritik


Paksa Talakay
Pamagat ng Pananaliksik
Impormasyon ng Mananaliksik
Sariling paglalahad ng layunin ng
pananaliksik
Paglalahad ng mga kaugnay na
teorya/literatura
Paglalahad ng mga suliranin
Instrumentong ginamit (validity at
realibility)
Paglalarawan ng sample
Paglalarawan ng etika sa pananaliksik
Método sa pangangalap at pag-aanalisa ng
datos
Pagtalakay sa paglalahad ng resulta,
rekommendasyon at konklusyon ng
pananaliksik

C. PAGSANAYAN MO!

Pagsasanay 1

Panuto: Basahin ng maigi ang pananaliksik ni Asst. Professor Raymond M.


Pasion ng Davao Oriental State College of Science and Technology, Mati City, Davao
Oriental (sipi mula sa oaji.net) at pagkatapos sagutin ang mga sumusunod
tanong sa inyong sagutang papel.

1. Tungkol saan ang pananaliksik?


2. Ano ang layunin ng pananaliksik? Tama ba ang pagkakalahad nito? Umangkop ba
sa pamagat? Ano ang kahalagahan sa pagtuklas nito?
3. Ano ang ginamit na instrumento sa pangangalap ng datos? Tugma/akma ba ang
instrumento? Natiyak ba nito ang layunin ng pag-aaral? Masasabi bang balido ang
instrumento sa pangangalap ng datos?
4. Paano kinalap ang mga datos? Anong mga hakbang ang isinagawa ng mananaliksik?
Angkop ba ang mga ito? May bias ba sa pangangalap ng datos?
5. May isinasalang-alang ba sa pangangalap ng datos? Ano ang mga ito? Mahalaga
bang isaalang-alang ito? Patunayan.
Pagsasanay 2

Panuto: Balikan ang pananaliksik na inilahad sa unang pagsasanay, basahin itong muli at
ilagay ang iyong mga puna sa talahanayan kaugnay ng binabanggit na bahagi ng
pananaliksik.

Gabay sa Pagsusuri ng Pananaliksik


(Hango sa https://www.ausmed.com/cpd/articles/critique-a-research-article)
Paksa Talakay
Pamagat ng Pananaliksik
Impormasyon ng Mananaliksik
Sariling paglalahad ng layunin ng
pananaliksik
Paglalahad ng mga kaugnay na
teorya/literatura
Paglalahad ng mga suliranin
Instrumentong ginamit (validity at
realibility)
Paglalarawan ng sample
Paglalarawan ng etika sa
pananaliksik
Método sa pangangalap at pag-
aanalisa ng datos
Pagtalakay sa paglalahad ng resulta,
rekommendasyon at konklusyon ng
pananaliksik

D. TANDAAN MO!

1. Ang mga elemento sa pagsusuri ng pananaliksik ay pinagsama-sama sa mga


magkakasunod na mga tanong para sa proseso ng pagsusuri ng pananaliksik.
2. Ang pagsusuri ay dapat balanse, kinikilala ang kalakasan at kahinaan ng
pananaliksik.
3. Ang pagsusuri ng pananaliksik ay isang kakayahan na nadedebelop sa pauli-ulit
nan pag-eensayo.
4. Ang pagsusuri ng pananaliksik ay dapat kinokonsidera ang aplikabiliti ng resulta
ng pananaliksik sa larang.

E. PAGTATAYA

Panuto: Gamit ang naitalang pagsusuri sa pananaliksik na nasa


talahanayan mula sa kasagutan sa Pagsasanay 2, isulat nang maayos
ang suri sa patalatang paraan upang mabuo ang isang suring-papel
pananaliksik. Gumamit ng malinis na papel para dito. Sundin ang format na
inilalahad sa ibaba.

Pangalan: __________________________ Paaralan: _______________________

Baitang/Seksyon:____________________ Petsa: ________________

(Pamagat ng Sulatin)

________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_________________________.
________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
__________________________________________________________.
________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
________________________.
________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
__________________________________________________________.
________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
______________________________.

F. SUSI SA PAGWAWASTO
Gamitin ang rubrik na ito para patnubay sa epektibong gawain.

Pamantayan sa Pagbuo ng Pagsusuri ng Pananaliksik Puntos


Ang pagsusuri ay malinaw at madaling maintindihan 5
Ang suri ay matapat at walang bahid ng kasinungalingan 5
Ang suri ay nakatuon lamang sa dapat na suriin na detalye sa
5
pananaliksik.
Ang suri ay nagtatampok ng mga puna sa kalakasan at kahinaan ng
5
pananaliksik.
Ang suri ay naglalahad kabuuang larawan ng pananaliksik batay sa
5
layunin, metodo, gamit, at etika ng pananaliksik.
Kabuong Puntos 25

G. SANGGUNIAN

Dayag, Alma M. at Mary Grace G. del Rosario. Pinagyamang Pluma. Pagbasa at


Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Quezon City: Phoenix Publishing House,
2017.
Averion, Gisella et.al. (2015). Karanasan ng batang ina: isang pananaliksik. LPU Laguna Journal
of Arts and Sciences: Psychologival Research Journal Vol. 2, No. 2 September 2015. Research
and Staticstics Center LPU Laguna. lpulaguna.edu.ph/.../KARANASAN-NG-ISANG-BATANG-
INA-ISANG- PANANALIKSIK.pdf
Modyul sa Pagbasa at Pagsusuri sa Iba’t Ibang Uri ng Teksto
tungo sa Pananaliksik, 2020. Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon V,Rawis, Legaspi City
Elektroniko:
https://www.ausmed.com
https://www.dictionary.com/browse
Inihanda ni:

SHARLENE G. MORATA
SHS-TII
Tiniyak ang kalidad ni:
AILEEN E. PAREDES
English/Filipino Group Head
Nabatid:

MARIVIC A. ANONUEVO
Assistant School Principal II
Inaprobahan ni:

SALVE E. FERRERAS
School Principal III

You might also like