KABANATA III
METODOLOHIYA
Ang isang pananaliksik ay marapat na sumusunod sa mga proseso at nagsasagawa ng
mga hakbangin tungo sa kaayusan at sistematikong pag-aaral, tulad na lamang nang
pagkakaroon ng survey. Sa pamamaraang ito, makakakuha ng mga kinakailangang
impormasyon base sa mga datos tungkol sa naturang paksa. Ang kabanatang ito ay
naglalaman ng pamamaraan sa kung paano maisasagawa ang pananaliksik o pagkuha
ng datos ukol sa “Paghahambing ng Pelikulang A Taxi Driver ng Korea at Dekada 70 sa
Pilipinas hinggil sa usaping Martial”, ng mga mananaliksik upang maisakatuparan ang
mga layuning inilatag sa pag-aaral.
3.1 DISENYO NG PAG-AARAL
Ang Kwalitatibong Pananaliksik ayon kay Trochim, Donnelly, at Arora (2014) ay
anyo ng pag-aaral na itinuturing na "nonnumerical" o "hindi nabibilang". Ang mga datos
ay itinatala at binibigyang-interpretasyon gamit ang "nonnumerical" na pamamaraan
gaya ng open-ended surveys, panayam, at mga detalyadong deskripsiyon na kalimitang
ginagawa sa iba't ibang disiplinang nabibilang sa Agham Panlipunan. Sa isang
kwalitatibong pananaliksik, ang datos ay nililikom sa pamamagitan ng obserbasyon at
panayam sa mga kalahok sa salik. Ginagamiti ito ng mga mananaliksik dahil layunin
nitong ipaliwanag at makakuha ng pananaw at pag-unawa sa mga hindi
pangkaraniwang bagay sa pamamagitan ng masinsinang koleksyon ng narative data at
bumuo ng hypothesis na maaring maging pagsubok. Hindi kinakailangang pumili ng
kinatawan at maaring maliit na bilang lamang upang makakuha ng malalim na pag-
unawa.
Ang Kwantitatibong Pananaliksik naman ay anyo ng pananaliksik na nakatuon sa
numerikal na datos. Tuon nito ang obhetibong panukat, at mga numerikal na pagsusuri
ng mga nakalap na datos gamit ang structured research instrument ayon kay Babbie
(2010). Sa ganitong pananaliksik, naiiwasan ang pagkiling sapagkat ang mga datos ay
nakabatay sa estadistika na ginamitan ng isang estandardisadong numerikal na
pormula. Bagama't itinuturing na "numerically significant" ang ganitong pananaliksik,
hindi naman maitatangging isa sa kahinaan nito ang kawalan ng malalim na pagsusuri
sa opinyon ng tao. Ang layunin ng Kwantitatibong Pananaliksaik ay upang ipaliwanag,
mahulaan, o kontrolin ang mga hindi pangkaraniwang bagay sa pamamagitan ng
nakatuon na koleksyon ng mga numerong data. Layon nito na pumili ng malaking bilang
ng kinatawan upang gawing pangkalahatan ang mga resulta sa isang populasyon.
Ginagamit ng mga mananaliksik ang dalawang uri na ito upang mas malakap pa
ng mas maraming impormasyon ngunit gamit ang magkaibang metodo. Gumagamit ng
mga talatanungan o survey form ang Kwalitatibong Pananaksik para sa mas malawak
na impormasyon. Maari ring gumamit ng talatanungan ang Kwantitatibong Pananaliksik
ngunit mas kinakailangan nito ng mas maraming kalahok o bilang ng tao.
3.2 LOKASYON NG PAG-AARAL
Ang lokasyon ng pag-aaral ay sa Siena College sa Quezon City na isang
pampribadong paaralan na matatagpuan sa kahabaan ng Del Monte sa Lungsod ng
Quezon. Itinatag ito noong 1959 ng Kongregasyon ng mga Dominikanong Madre. Nag-
aalok ang institusyon ng tersiyaryong edukasyon na may titulo partikular ang Turismo,
Pamamahala sa Negosyo, Pamamahala sa Hotel at Restawran, Mass Communication,
Edukasyon sa Relihiyon at Pag-uugali. Sa pamamagitan ng misyong “Paglahok sa
Misyon ng Ebanghelisasyon ng Simbahan sa pamamagitan ng Pagpapahayag kay
Hesukristo at Pagbubuo sa Kaharian ng Diyos." Noong 1972, pagtugon sa mga
pangangailangan at hinihingi ng oras para sa isang uri ng edukasyon sa serbisyo na
tutugunan ang mga problema ng kawalan ng trabaho at mga pagbagsak sa paaralan,
pinalabas ng Siena College ang tradisyonal na apat na taong kurso at pinananatili
lamang ang mga kurso sa Sekretaryal at Espesyal na Tahanan .
3.3 MGA KALAHOK SA PAG-AARAL
Limang (5) kalahok mula sa naging kasapi o kasalukuyang kasapi ng Sangay
Ehekutibo ng PNU-SG ang napiling respondent ng mananaliksik sa panayam,
talatanungan para sa hambingang-pagsusuri at subok pang-unawa na isinagawa para
sa pag-aaral. Naging batayan sa pagpili ng mga mag-aaral na kalahok ang mga
sumusunod na katangian: (a) aktibong nakikilahok sa tuwing may pulong ang
organisasayon; (b) may naging posisyon sa Sangay Ehekutibo ng Pamantasang
Normal ng Pilipinas; at (c) may kaalaman sa kung paano ginagamit ang hakbanging
pamparlyamentaryo. Kumuha rin ang mga mananaliksik ng mga magiging reaktorna
mga guro o ekspertoupang tayain sa pamamagitan ng mga inihandang talatanungan sa
isinagawang salin. Naging pamantayan ang sumusunod sa pagpili ng magiging
tagapagtaya: (a) may sapat na karanasan sa larangan ng pagsasalin; (b) may sapat na
kabatiran sa teorya ni John Dryden at sa iba pang mga teorya o simulain sa pagsasalin
at ; (c) may sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot.
3.4 INSTRUMENTO SA PANANALIKSIK
Gumamit ang mga mananaliksik ng mga iba’t ibang instrumento upang
makakuha ng datos sa isinasagawang pag-aaral. Ang mga instrumentong ito ay unang
ikinonsulta sa tagapayo upang maging balido at tingnan kung ito ay maaari ng gamitin.
3.4.1 Tanong para sa panayam
Gumawa ng dalawang bilang na katanungan ang mga mananaliksik para
sa isasagawang panayam sa mga mag-aaral na may karanasan sa
pagsasagawa o pakikilahok sa pulong ng Sangay Ehekutibo sa Pamahalaang
Pangmag-aaral ng Pamantasang Normal ng Pilipinas.
Ano-ano ang mga nakikita mo na mga Paano ka nagbabahagi ng iyong
balakid o hadlang na personal at ‘di- mungkahi, opinyon o saloobin
personal na iyong kinahaharap tuwing tuwing mayroong pulong sa kabila
mayroong pulong? ng mga balakid na iyon?
Talahanayan Bilang 1: Mga katanungang ginamit sa isasagawang panayam
3.4.2 Talatanungan
Ang mananaliksik ay bumuo rin ng talatanungan na kinapalolooban ng
labing-apat natanong na nahahati sa apat na kategorya na sasagutan matapos
ipagamit ang nagawang salin sa Hakbanging Pamparlyamentaryo na mayroong
apat na pagpipilian halaw sa nagawang pag-aaral sa pagsasalin ni De Guzman,
2007 . Ipinasuri ang talatanungan na ito sa gurong tagapayo ng pananaliksik
upang masiguro ang kaangkupan ng pagtataya.
Kahusayan sa pagpili ng angkop na salita at pagbuo ng tamang porma
ng pangungusap.
Kahusayan sa paggamit ng mga angkop na salita at pagbuo ng
pangungusap kaugnay ng lugar, sitwasyon, at iba pang kaugnay na salik
sa pagpapahayag.
Kahusayan sa pagbibigay-saloobin, mungkahi o opinyon.
Kahusayan sa paglalapat, pagbuo at mabilisang pag-iisip ng mga
gagamiting angkop na mga salita sa pangungusap.
Talahanayan Bilang 2: Ang apat na kategorya sa isinagawang talatanungan. (Ang kabuoang
nilalaman ng talatanungan ay makikita sa apendiks)
3.4.3 Hambingang-Suri
Nagbigay ang mga mananaliksik ng mga suring teksto sa mga kalahok na
nakaayos sa dalawang bahagi, ang dokumentong nakasulat sa Ingles at ang
naging salin ng mananaliksik. Matapos basahin ay tatayain nila ito sa
pamamagitan ng ibinigay na talatanungan para husgahan ang isinagawang salin
sa pamamagitan ng pagtsek dito na kung saan nahahati sa tatlong kategorya at
bibilugan kung sila ay lubos na sumasang-ayon (5 puntos), sumasang-ayon (4
na puntos), nag-aalinlangan (3 puntos), hindi sumasang-ayon (2 puntos) at
hindi lubusang sumasang-ayon (1 puntos) sa bawat bilang. Matapos ang naging
pagtataya mula sa kanilang mga iniwang mga mungkahi at payo ay nilinis ng
mga mananaliksik ang nagawang salin. Katulad ng isinagawang talatanungan sa
una, ito ay hinalaw muli sa pag-aaral na isinagawa hinggil sa pagsasalin ni De
Guzman, 2007.
Aspetong Teknikal
Aspetong Pangnilalaman
Aspetong Pamamaraan
Talahanayan Bilang 3: Ang tatlong kategorya sa isinagawang talatanungan hinggil sa
hambingang-pagsusuri. (Ang buong nilalaman ay matatagpuan sa apendiks)
3.5 PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK
Ang pamamaraang ginamit sa pananaliksik ay nakasandig sa hakbanging
iminungkahi ni Almario (1996) hinggil sa proseso ng pagsasalin. Napakahalaga na
masunod ang mga pamamaraang ito upang maging sistematiko ang naging daloy ng
pag-aaral.
3.5.1 Paghahanda sa Pagsasalin
Kailangan ng ibayong paghahanda sa gagawing pagsasalin lalo pa’t
nangangailangan ito nang mabusising paghahanda upang wakasan ang
masalimuot na proseso nito. Gumamit din ang mga mananaliksik ng diksyunaryo
sa pagsasalin gayundin ang pagsangguni sa 1987 Tuntunin sa Palabaybayan at
Paghihiram sa Wikang Filipino.
3.5.1.1 Pagpili ng Teksto
Sa una ay pumili ang mga mananaliksik ng isang teknikal na
dokumento na ginagamit sa pulong ng mga namamahalang mag-aaral.
Pinili ng mga mananaliksik ang Pinagaang Manwal ng Hakbanging
Pamparlyamentaryo ni Robert na kung saan ginagamit sa pagpapadaloy
ng pulong ng mga namamahalang mag-aaral sa Pamantasang Normal ng
Pilipinas.
3.5.1.2 Pagbasa sa buong Teksto
Masugid na binasa ng mga mananaliksik ang kabuuang teksto ng
Pinagaang Manwal ng Hakbanging Pamparlyamentaryo upang
magkaroon ng kalinawan sa kanilang gagawing salin. Kanila ring itinala
ang ilan sa mga terminong hindi nila lubusang nalalaman sa pirasong
papel at hinanap ang kahulugan sa diksyunaryo at iba pang kaugnay ng
mga sanggunian tulad ng tesawro.
3.5.1.3 Paghahanap ng mga Teorya hinggil sa Pagsasaling- Wika
Upang magkaroon ng batayan at sinusunod na pardon ng paraan
ng pagsasalin, naghanap ang mga mananaliksik ng mga kaugnay na mga
teorya hinggil sa pagsasalin. Sa una ay naging marami ang pagpipiliang
teorya ngunit sa huli ay napili ng mga mananaliksik na gamitin ang teorya
ni John Dryden na nahahati sa tatlong bahagi.
3.5.1.4 Pagtukoy sa Layunin ng Pag-aaral
Mula sa mga nabuong suliranin na nalikha ng mga mananaliksik,
tinumbasan ito ng angkop na mga layunin na sasagot sa bawat suliranin.
Mabuting pinag-usapan ng mga mananaliksik ang magiging layunin ng
pag- aaral upang maging daan sa pagtatamo ng tutunguhing kahingian at
kahilingan ng pag-aaral na komunikatibong pagpapadaloy ng pulong sa
tulong ng pagsasalin ng teknikal na dokumentong ginagamit ng mga
namamahalang mag-aaral sa pamantasan.
3.5.1.5 Pagtukoy sa Pag-aalalayan ng Salin
Sa pag-aaral na isinagawa, madaling natukoy ng mga mananaliksik
kung sino ang maaaring pag-alayan ng pag-aaral na ito. Naging
pangunahing basehan kung sino ang madalas na gumagamit ng
Hakbanging Pamparlyamentaryo upang pag-alayan ng isasagawang salin.
Ang mga naging kasapi ng Sangay Ehekutibo ang napagkasunduan ng
mga mananaliksik na pag-alayan ng isinasagawang pag-aaral.
3.5.2 Aktwal na Pagsasalin
Habang binabasa ang tekstong isinasalin, iniisa-isa ang mga
terminolohiyang may kahirapang isalin at itinala. Pagkatapos ay sumangguni sa
diksyunaryo at tesawro upang mabigyang-linaw hinggil sa kahulugan ng mga
salitang ito. Pumili rin ng mga hakbang at pamamaraan sa pagsasalin upang
madaling magamit ng mga makikinabang na mag-aaral. Gayundin ang pag-
aangkop na gagamiting mga salita lalo pa’t isang teknikal na dokumento ang
isasalin. Bago tuluyang tumalon sa ibang bahagi, inaral nang mabuti ng mga
mananaliksik ang napagdesisyonang tumbas kung ito ba ay naaangkop. Hindi rin
kinalimutan ng mga mananaliksik ang konsistensi ng paggamit ng mga isinaling
salita mula sa mga naunang bahagi hanggang sa paggamit nito sa huling bahagi.
3.5.3 Ebalwasyon ng Salin
Sa pamamagitan ng ebalwasyon ng salin, mabibigyang-linaw ang salin
gayundin ang pagbuo ng interpretasyon at masuri ang kabuoan nito. Sinikap ng
mga mananaliksik na maiwasto ang mga maling saling kinaharap pagkatapos
maisalin ang dokumento. Ang mga mananaliksik ay pumili ng tagapagtaya
(evaluator) upang masiguro at mahusgahan ang ginawang salin. Nagbigay ito ng
sipi ng simplified handbook sa tagapagtaya na nakasulat sa wikang Ingles na
may katumbas na salin sa Filipino ng mga mananaliksik kasabay ng
pamamahagi ng mga talatanugan na sasagutan ng mga napiling
tagapagtayapara matimbang kung angkop ang ginawang pagsasalin. Sasailalim
din ang mga piling mag-aaral sa Sangay Ehekutibo ng Pamahalaang Pangmag-
aaral ng Pamantasang Normal ng Pilipinas para sa pagsagot sa ginawang
talatanungan hinggil sa paggamit ng naisaling dokumento upang matiyak kung
naging epektibo ang salin partikular sa paghubog ng kanilang kakayahang
komunikatibo.
3.5.4 Estadistikang Ginamit
Ang katiyakan at balidasyon ay mahalaga kung kaya’t mainam na
gumamit ng mga pormularyo na makatutulong upang maunawaan ang naging
resulta at mailahad ang mga nakalap na datos mula sa hanay na ibinuong
talatanungan.
Naging batayan ang pag-aaral ni Aniel (2006) sa pagpapakahulugan sa
mean range ng hambingang- suri at talatanungan na ginamit sa pag-aaral na ito.
Mula sa talatanungang ginamit matapos gamitin ang naisaling dokumento,
bibigyang-interpretasyon ang kanilang kasagutan sa pamamagitan ng
pagbibilang ng tsek na kanilang inilapat sa bawat bilang at tutukuyin ang naging
desisyon o reaksyon sa bawat bilang na ito. Ginamit din ang naging resulta ng
mean average na naging resulta ng marka ng mga naging reaktor na mga mag-
aaral at guro upang husgahan kung ito ay magiging balido.
Paraan sa Pagkuha ng Average Score sa mga naging reaktor na mag-aaral
at guro o eksperto:
M= F/N
M= Mean
F= kabuuang bilang na puntos na ibinigay ng mga reaktor
N= bilang ng aytem sa nabuong talatanungan.
Mean Range Scale Pagpapakahulugan
4.3 – 5.0 5 Lubos na Sumasang-ayon
3.5 – 4.2 4 Sumasang-ayon
2.5 – 3.4 3 Nag-aalinlangan
1.5 – 2.4 2 Hindi Sumasang-ayon
1.0 – 1.4 1 Lubos na Hindi- Sumasang- ayon
Paraan sa pagkuha ng pinal na desisyon sa bawat bilang sa ibinuong
talatanungan na sinagutan matapos ang pulong gamit ang naisaling
dokumento:
M= F/N
M= Mean
F= kabuuang bilang na puntos na ibinigay ng mga reaktor sa bawat bilang
N= bilang ng naging kalahok
Mean Range Scale Pagpapakahulugan
3.5- 4.0 4 Lubos na Sumasang-ayon
2.5- 3.4 3 Sumasang-ayon
1.5 – 2.4 2 Hindi Sumasang-ayon
1.0 – 1.4 1 Lubos na Hindi- Sumasang-
ayon
Malinaw na ipinararating ng kabanatang ito ang bisa ng pagsunod sa
proseso ng pananaliksik. Marapat na dumadaan sa pamamaraan at mga hakbangin
upang maging maayos, sistematiko at organisado ang isang pag-aaral.
Pinatutunayan nito na ang isang pananaliksik na dumaan sa isang metodo ay hindi
malayong magkakaroon ng saysay. Nilinang ng kabanatang ito ang usapin ng
mahusay na pakikipagkapwa-tao at kung paano marapat na bumuo ng ugnayan sa
pagitan ng mga taong pinagkuhaan hg datos at impormasyon. Samakatuwid, hindi
lamang ang aspeto ng kognitibo ang natuhog nito kundi gayundin ang usapin ng
apektibong domeyn at apektibo sa pagkilos.