You are on page 1of 4

Jhona Lyne B.

Castaneda Pebrero 4, 2020


BSPsych 1-3

MGA GABAY SA PAGSASALING WIKA


1. Isang pangunahing pangangailangan ng isang tagapagsalin, ang kahusayan at kaalaman sa
paggamit ng dalawang wikang kasangkot sa kanyang pagsasalin.
2. May iba’t ibang paraan ng pagsasalin na umaangkop batay sa hinihinging
pagpapakahulugan o pagtutumbas sa anumang akdang isinasalin.
3. Itala ang bawat salita o bawat pariralang sa palagay ng nagsasalin ay may kahirapang
tapatan/tumbasan.
4. Maging consistent o isang salin lamang ang gamitin sa salitang tinatapatan.
5. Pagkatapos ng pagsasalin ay muling basahin isa-isa ang nabuong artikulo. Tiyaking
madulas ang bawat pangungusap at di nasasalungat sa mga tuntunin sa gramatika.

MGA BAHAGI NG PANANALIKSIK AT SA BAWAT BAHAGI ANO ANG


NILALAMAN

Mga Pahinang Preliminari o Front Matters


 Fly Leaf I- ang pinakaunang pahina ng pananaliksik na papel. Walang nakasulat sa
pahinang ito. Sa madaling sabi blangko ito.
 Pamagating Pahina - ang tawag sa pahinang nagpapakilala sa pamagat ng pananaliksik.
Nakasaad din dito kung kanino iniharap o ipinasa ang papel, kung saang asignatura o kurso
ito kailangan, kung sino ang gumawa at panahon ng komplesyon. Kung titingnan sa
malayuan kailangang magmukhang inverted
 Dahon ng Pagpapatibay - tawag sa pahinang kumukumpirma sa pagkakapasa ng
mananaliksik at pagkatanggap ng guro ng pamanahong papel.
 Pahina ng Pagpapasalamat o Pagkilala - tinutukoy ng mananaliksik ang mga indibidwal,
pangkat, tanggapan o institusyong maaaring nakatulong sa pagsulat ng pananaliksik at sa
gayo’y nararapat na pasalamatan at kilalanin.
 Talaan ng Nilalaman - nakaayos ang pagbabalangkas ng mga bahagi at nilalaman ng
pananaliksik at nakatala nang kaukulang bilang ng pahina kung saan matatagpuan ang
bawat isa.
 Talaan ng ma Talahanayan at Grap - nakatala ang pamagat ng bawat talahanayan at/o
grap na nasa loob ng pananaliksik at ang bilang ng pahina kung saan matatagpuan ang
bawat isa.
 Fly Leaf II - ay isang balngkong papel bago ang katawan ng pananaliksik.
 Pag-aalay o Dedication (opsyonal na pahina)

Kabanata 1: Ang Suliranin at Kaligiran Nito


 ang panimula o introduksyon ay isang maikling talataang kinapapalooban ng pangkatang
pagtatalakay
 Layunin ng Pag-aaral - inilalahad ang pangkatang layunin o dahilan kung bakit
isinasagawa ang pag-aaral. Tinutukoy rin dito ang mga ispesipik na suliranin sa anyong
patanong.
 Kahalagahan ng Pag-aaral - inilalahad ang signipikans o kahalagahan ng pagsasagawa ng
pananaliksik ng paksa ng pag-aaral. Tinutukoy rito ang maaaring maging kapakinabangan o
kahalagahan ng pag aaral sa iba’t ibang indibidwal, pangkat, tanggapan, institusyon,
propesyon, disiplina o larangan.
 Saklaw at Limitasyon - tinutukoy ang simula at hanganan ng pananaliksik. Dito itinatakda
ang parameter ng pananaliksik dahil tinutukoy rito kung ano
 Depinisyon ng Terminolohiya - katawagang makailang ginamit sa pananaliksik at ang
bawat isa’y binibigyan ng kahulugan. Ang pagpapakahulugan ay maaaring konseptwal
(ibibibigay ang standard na depinisyon ng mga katawagan) o operasyunal (kung paano
ginamit sa pananaliksik).

Kabanata II: Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura


 sa kabanatang ito, tinutukoy ang mga pag-aaral at mga babasahin o literaturang kaugnay ng
paksa ng pananaliksik. Kailangan ding matukoy ng mananaliksik kung sinu-sino ang mga
may-akda ng naunang pag-aaral o literature, disensyo ng pananaliksik na ginamit, mga
layunin at mga resulta ng pag aaral. Mahalaga ang kabanatang ito dahil ipinapaalam dito ng
mananaliksik ang kasalukuyang estado ng kaalaman kaugnay sa kanyang paksa.
 Hangga’t maaari, ang mga pag- aaral at literaturang tutukuyin at tatalakayin dito ay iyong
mga bago o nalimbag sa loob ng huling sampung taon. Pilitin ding gumamit ng mga pag-
aaral at literaturang local at dayuhan. Hangga’t maaari rin, tiyaking ang mga materyal na
gagamitin ay nagtataglay ng mga sumusunod na katangian: obhektibo o walang pagkiling;
nauugnay o relevant sa pag aaral; at sapat ang dami o hindi napakaunti o maikli.

Kabanata III: Disenyo at Paraan ng Pananaliksik


 Disenyo ng Pananaliksik - nililinaw kung anong uri ng pananaliksik ang kasalukuyang
pag-aaral. Sa bahaging ito tinutukoy ang mga Respondante ng sarbey, kung ilan sila at
paano at bakit sila napili.
 Instrumento ng Pananaliksik - inilalarawan ang paraang ginamit ng pananaliksik sa
pangangalap ng mga datos at impormasyon. Iniisa-isa rito ang mga hakbang na kanyang
ginagawa at kung maaari, kung paano at bakit niya ginawa ang bawat hakbang. Sa bahaging
ito maaaring mabanggit ang interbyu o pakikipanayam, pagcoconduct ng survey
questionairre sa mga respondante bilang pinakakaraniwan at pinakamadaling paraang
maaari sa isang deskriptibong pananaliksik.
 Tritment ng Datos - inilalarawan kung anong istadistikal na paraan ang ginamit upang ang
mga numerical na datos ay mailarawan

Kabanata IV: Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos


 Sa kabanatang ito inilalahad ang mga datos ma makalap ng mananaliksik sa pamamagitan
ng tekstwal at tabular grapik na presentasyon. Sa teksto, inilalahad ng mananaliksik ang
kanyang analisis o pagsusuri.

Kabanata V: Lagom, Konklusyon at Rekomendasyon


 Lagom - binubuod ang mga datos at impormasyong nakalap ng mananaliksik na
komprehensibong tinalakay sa Kabanata IV.
 Kongklusyon - mga inference, abstraksyon, implikasyon, interpretasyon, pangkatang
paghahayag, at/o paglalahad batay sa mga datos at impormasyong nakalap ng mananaliksik.
 Rekomendasyon - mga mungkahing solusyon para sa mga suliraning natukoy o natuklasan
sa pananaliksik.

Mga Panghuling Pahina


 Listahan ng Sanggunian - isang kompletong tala ng lahat ng mga hanguan o sorses na
ginamit ng mananaliksik sa literatura.
 Apendiks - tinatawag ding “dahong-dagdag”. Maaaring ilagay o ipaloob dito ang mga liham,
pormularyo ng ebalwasyon, transkripsyon ng interbyu, sampol ng sarbey- kwestyoner,
bio-data ng mananaliksik, mga larawan, kliping at kung anu-ano pa.

MGA SANGGUNIAN
Fabre, Nelson J. (2012, February). Prezi: Pagsasaling Wika Retrieved from
https://prezi.com/5zoyv5qhlogb/pagsasaling-wika/
Escobar, Jamie. (2010, January). Scribd: Ang Pananaliksik at mga Bahagi nito Retrieved from
https;//www.sribd.com/doc/25208855/Ang-Pananaliksik-at-Mga-Bahagi-Nito

You might also like